webnovel

Si Grampy Gene

"Yuung mga bag kumpleto na?"

"Yung mga gadget, camera, laptop, tablet ... cellphone?!"

"Charger!"

Natutuwang pinagmamasdan ni Gene ang dalawang ito habang natataranta.

'Sigurado akong magiging maganda at matibay ang pagsasama ng dalawang ito. At sa tingin ko mabibigyan nila ako ng maraming apo sa tuhod!'

"Hehehehe!"

Hindi mapigil ang saya ni Gene. Saya na parang kinikiliti pag naiisip ang magiging apo nya sa tuhod.

Hindi ito ang magiging una nyang apo sa tuhod dahil may mga apo na sya sa tuhod kay James ang panganay ni Jaime na kuya ni Kate, pero .... si Kate ang paborito nyang apo.

"Grampy naman eh! Natataranta na nga po tinatawanan pa kami!"

"Hahahaha!"

"Kate MyLabs, alam ko na kung saan ka nagmana!"

Bulong ni Mel sa asawa.

"Huwag nga kayong masyadong mataranta, kalma lang mga apo! Baka sa pagmamadali nyo mas lalo kayong may makalimutan! Hehe!"

Sabi ni Gene.

"Grampy naman paano naman po kami hindi matataranta sa sinabi nyong parating na si Daddy!"

"Kung sabagay! Baka nga nariyan na yang Daddy mong praning, nagmamasid na pala sa labas!

Sabi kasi ng nakakita sa kanya, kanina pa raw nakaaalis yung bangkang sinakyan ng Daddy mo at sa direksyon na ito raw papunta kaya sa kalkula ko ..... baka nga andito na yun!"

Natakot ang dalawa. Namutla. At muling nataranta.

"Hahahaha!"

Hagalpak na tawa ni Gene.

*****

Mabilis na naakyat ni Jaime ang mga bato kahit na matarik ito.

Sa karanasan nya bilang sundalo, sisiw lang ang ganito. Kahit na may edad na sya, maliksi pa ring kumilos si Jaime.

'Mukhang wala ngang nagbabantay!'

'Pero maraming kamera sa paligid!'

Madali syang nakalapit sa bahay at nadidinig nyang may mga tao nga sa loob, tila nagkukulitan pero hindi nya naririnig kung ano ang pinaguusapan.

Hindi nya masilip ang loob dahil nakasara ang mga bintana at may kurtina pa, pero dinig nya ang mga yabag ng paa at halakhak na nagmula sa loob.

'Kailangan kong makapasok! Kailangan nilang malaman na narito na ako!'

Pero ang tanging daan papasok ng bahay ay ang main door, naka lock kasi ang pinto sa likod.

Kaya si Jaime walang choice, dahan dahan itong nagtungo sa may pinto. Wala na syang pakialam ngayon kung makikita sya sa kamera.

*****

"Grampy tapos na po kami!"

Sabi ng dalawa.

Pinagmasdan ni Gene ang dalawa na magka hawak kamay pa. Ang mga daliri nila ay nasa pagitan ng daliri ng bawat isa.

Nangiti si Gene.

"Pa akap nga muna sa inyong dalawa bago tayo umalis!"

"Yes! Group hug!"

Bulalas ni Mel.

At inakap ng dalawa si Gene at inakap naman sila ni Gene ng buong higpit.

"Ipangako nyo sa akin mga apo, na lagi kayong magmamahalan sa isa't isa, magsasama kayo ng matagal at lagi kayong magiging masaya!"

"Opo Grampy!"

Sabay na sagot ng dalawa.

"At ipangako nyo rin sa akin na saan man kayo makarating hindi ninyo ako kalilimutan lalo na ang mga bilin ko sa inyo!"

Malungkot ang tinig ni Gene.

Kinabahan si Kate

Hindi nya maintindihan pero bakit feeling nya, parang nagpapaalam ang lolo nya, na parang ito na ang huling pagkikita nila.

Batid nyang may nararamdaman na itong sakit dahil sa edad nito. Hindi na rin naman bumabata ang lolo nya.

Pero ..... ganun pa man, masakit pa ring isipin kung mawawala ang pinakamamahal nyang lolo.

Kung hindi na nya ito makikita.

Hindi gustong isipin ni Kate ang mga ganitong bagay.

"Grampy, pangako po namin ni Wifey Kate MyLabs ko, na susundin po namin lahat ng habilin nyo sa amin, kaya huwag na po sana kayong malungkot, magkikita pa naman po tayo diba?"

Sabi ni Mel na parang naramdaman din na tila nagpapahiwatig ng pamamaalam ang matanda.

Nagalala sya kay Kate.

Si Kate naman, hindi na mapigilan ang maluha.

"Grampy, ipangako nyo po sa akin, promise me please po, na pag uwi namin ni Hubby Melabs ko, sasalubungin nyo po kami! huhuhu!"

Umiiyak na sabi ni Kate.

"Oh, bakit ka umiiyak? Syempre, magkikita pa tayo pag uwi nyo! Yan eh, kung may plano pa kayong umuwi! Kaya ipangako nyo sa akin na uuwi agad kayo ha! Mamimiss ko kayo!

Saka ..... gusto ko pang makita ang mga magiging apo ko sa tuhod! Hehe!"

"Basta po, alagaan nyo po ang sarili nyo, para po lagi kayong malakas at pangako ko pong gagawa kami ni Kate MyLabs ng madaming baby para sumaya po kayo!"

Sabi ni Mel habang inaalo ang asawa.

Hindi na makapagsalita si Kate dahil sa pagiyak.

"Huwag nyo akong alalahanin mga apo, magaling atang magalaga ang Granny Belen nyo! Hehe!

Kaya bilisan nyo ang pag gawa ng baby, Okey?"

"Okey po!"

Sagot ni Mel.

Nakangiti si Gene pero hindi na rin maiwasan na bumagsak ang luha nya ng akapin sya ng mahigpit ni Kate.

Paano hindi sya maluluha, ganito sya akapin ni Kate pagnalulungkot sya.

Sa tuwing magaaway silang mag ama.... nandyan si Gene sa tabi nya.

Nuong araw na umalis sya at nakipaghiwalay sya kay Mel.... si Gene ang dumamay sa kanya.

At kapag naghahanap sya ng pagmamahal ng isang ama.... si Gene ang nagbibigay nito sa kanya.

Si Gene ang laging nandyan sa tabi ni Kate.

Hindi ito nag sasalita.

Hindi nagtatanong.

Hindi nanunumbat.

Andyan lang si Gene laging handang ibigay ang mga bisig nya .... para akapin sya.

*****

Samantala.

Nasa tapat na ng main door si Jaime at iniisip nya kung magdo doorbell sya.

'Titingnan ko muna kung naka lock, pag naka lock saka ako magdo doorbell!'

Dahan dahan nyang inangat ang mga kamay nya para hawakan ang door knob pero bigla itong pumihit.

'May nagbubukas ng pinto!'

Malamang kung hindi si Kate, yung lalamya lamyang lalaki na yun!'

'Siguro nagbabalak na silang takasan na naman ako!'

'Humanda kayo sa akin!'

Inantay nyang magbukas ang pinto at laking gulat nya ng makita ang bumungad sa kanya.

Natulala si Jaime, maging ang kaharap nito na nagbukas ng pinto natulala din ng makita si Jaime pagbukas nya ng pinto.

"Anong ginagawa mo rito?"

Sabay nilang sabi nilang dalawa

Next chapter