55 Sense Of Loyalty

"HubbyLabs, HubbyLabs!"

Kanina, ng makita ni Mel na tumatawag si Kate, agad nitong sinagot ang phone pero biglang pumasok si Dr. Bien at sininghalan agad nito si Mel.

Kaya hindi na nagawang angatin ni Mel ang cellphone nya.

Alalang alala si Kate sa kabilang linya ng madinig nito ang boses ni Dr. Bien, sinisita si Mel.

"Kuya, please tumawag ka sa security ng IDS, andun si Bien sa office ni HubbyLabs ko!"

Puno ng pagaalala ang mukha ni Kate.

Agad namang tumalima si James.

Mabuti na lang at sandali lang si Dr. Bien. Agad itong lumabas silid pero nadinig ni Kate ang usapan nila.

"HubbyLabs! HubbyLabs!"

"Andito ako WifeyLabs, may bigla lang pumasok dito at hindi ko maintidihan kung bakit galit na galit."

"Okey ka lang ba, HubbyLabs?"

"Oo, okey lang ako Kate MyWifeyLabs! Bakit sino ba yun, kilala mo ba?"

"Mukhang si Dr. Bien ang pumasok dyan, yung assistant ni Gonzales. Mukhang hindi pa nya alam ang nangyari kay Gonzales dahil may pinagawa si Gonzales sa kanya dito sa may forest. Ngayon lang ata nakalabas."

"Forest? Anong forest?"

"Yung malapit sa Villa!"

"So yun ang tinutukoy nyang natapos na at nasa usb daw!"

"Ibinigay ba sa'yo ang usb?"

"Hindi! Bakit ano ba yun?"

"Hindi ako sure. Pero isa lang ang sigurado ko, hindi dapat makalabas ng isla yung usb! Nagpatawag na ako ng security para mahuli si Bien. Kailangan nating makuha ang usb!"

"Okey sige ako ng bahala dito. WifeyLabs!

Happy Monthsary my beautiful Kate, My ONLY One! I love you much! Mwah!"

Nag blush si Kate, pati tenga namumula.

Kanina pa natapos ang usapan nila pero nakatulala pa rin si Kate, ninanamnam ang 'My ONLY One' ng HubbyLabs nya.

Naguguluhan tuloy ang mga taong nasa paligid nya.

"Kate! ..... KATE!"

Niyuyugyog na sya ni James.

Kate: "Huh?"

"Okey ka lang ba?"

"Yup! I'm fine my ever so caring and loving Kuya! Hehe!"

"Pusta ko sinabihan ka ni Mel ng sweet words kaya ka napoposes dyan!"

Bulong ni James sa kanya.

"Uh,hah..!"

"Pwes umayos ka at nakatingin na sila lahat sa'yo!"

Bulong ulit ni James.

Nangiti na lang si Kate sa mga nasa paligid na nakatingin sa kanya.

KRRIIING!

Kate: "Yes, hello?"

IDS Security: "Mam nasa custody na po namin si Dr Bien."

Kate: "Listen! That man is a threat to IDS Hospital and to Sinag Island! Kapkapan ninyo at kunin ang lahat ng dala nya lalo na ang usb. Kung kinakailangan hubaran nyo sya, gawin ninyo! Pati sapatos at medyas hubarin nyo!

Huwag nyo syang palalabasin ng silid at huwag na huwag nyo syang pahahawakin kahit na anong gadget. Huwag din kayong mag alis ng bantay sa kanya. Siguraduhin nyong wala syang gagawin dyan kundi maupo lang! Maliwanag?"

IDS Security: "Yes BigBoss!"

Sagot ng kausap ni Kate.

Hinack nya ang phone ni Dr. Bien para iblock nya ito at hindi nya magamit. Pati laptop nito naka lock din.

Tapos ay naka block ang pangalan nya sa buong system ng IDS para siguradong hindi nya magagawang maka pagbigay ng ano mang impormasyon mula rito sa Sinag Island.

'Mabuti na ang sigurista!'

Ang mga nasa paligid nito ay hindi na maintindihan ang nangyayari kaya nagtanong na ang head nilang si Elly.

BigBoss, pwede bang malaman kung anong nangyayari?"

Buong pakumbabang tanong nito.

"BigBoss?"

"Sya si BigBoss?"

"Babae si BigBoss?"

"Akala ko ba yung kasama ni Dr. Gonzales yung si BigBoss?"

Lumakas ang bulung bulungan dahil lahat ay hindi makapaniwala na si Kate pala ang tinatawag nilang BigBoss.

"Ehem!"

Tumahimik ang lahat ng marinig si Security Head Elly.

"Tama ang nadinig nyo, sya si BigBoss! Magbigay galang kayo!"

"Pero sabi ni Dr. Gonzales yung ipinakilala nya ang BigBoss! Tunay daw ito dahil mismong si Don Miguel ang nagsabi sa kanya. Kaya paano kami maniniwala na sya nga si BigBoss?"

Napaisip si Security Head Elly. Hindi nya alam kung paano nya ito ipapaliwanag gayun ngayon lang din nya nakita si BigBoss.

"Kasi, hawak nya ang token ni Don Miguel."

Sagot ni Security Head Elly.

"Pero Sir, may token ding hawak yung isa, paano nyo masasabing, sya nga ang tunay at hindi yung isa? Paano kung dalawa pala silang may token?"

Puno ng pagdududang tanong nila.

"Simple."

Sagot ni Kate.

Hindi na nya binigyan ng pagkakataon magsalita si Elly. Malapit na kasi syang mainis sa mga pagdududang ginagawa nila.

"Makinig kayo! Pare pareho tayong busy kaya gawin natin ito ng mas mabilis.

Ilan sa inyo ang hindi naniniwalang ako si BigBoss?"

Tanong ni Kate sa kanila.

Nagtataasan ng kamay ang karamihan. Naniniwala ang mga itong nakakapagduda ang personality ng kaharap nila.

May 50 katao ang mga security na andun at nasa 35 ang nagtaas ng kamay.

"Good! Ngayon lahat ng nagtaas ng kamay pumunta dito sa kaliwa ko!"

Sumunod naman ang mga ito.

"Thank you! Ngayon, yung mga nagaalinlangan, yung mga hindi sigurado sa isasagot nila pati na yung mga walang pakialam sa nangyayari, pumunta sa gitna at yung mga naniniwala naman sa akin na ako si BigBoss ay magtungo naman sa kanan ko!"

At lahat ng natira ay duon nagtungo sa gitna at walang pumunta sa kanan.

Napansin ito ni James kaya sya ang nagpunta sa kanan.

Nangiti si Kate sa ginawa ng kuya nya.

'Si Kuya talaga!'

"Good! How about you Security Head Elly, saan ka pupwesto?"

Tanong ni Kate

Nagisip mabuti si Security Head Elly.

'Malakas ang kutob kong syanga si BigBoss kaya bakit ba ako nagdadalawang isip!'

Nagtungo ito sa kanan ni Kate at tumabi kay James.

"So naniniwala ka pala sa akin Security Head, pero bakit ikaw lang?"

"Pasensya na BigBoss mukhang nagkulang ako sa pamamalakad."

"Sir, hindi ho kayo nagkulang! Naniniguro lang ho kami! Masisi nyo ba kami kung nakakapagduda ang biglang pagsulpot nya!"

"Tama sila! Kunin mo ang mga pangalan nilang lahat. At kayong mga nasa gitna, magsibalik na kayo sa mga ginagawa mo!"

Sabi ni Kate.

"BigBoss anong plano nyo bakit nyo pinakuha ang pangalan nila?"

Naguguluhang tanong ni Security Head Elly.

"Because I want them fired, all of them kasama si yung nasa front guard na si Daguno!"

Sabi ni Kate na ikinagulat ng lahat.

"Teka, Sir, totoo ba ito, sisante na kami?"

"Kaya nya ba talagang sisantehin kaming lahat?"

"Nagtatanong pa kayo? Sya si BigBoss, pero hindi kayo naniniwala sa kanya at hindi rin kayo naniniwala sa akin!"

Sabi ni Security Head Elly sa mga tauhan nya na may halong inis.

"Pero Sir, Bakit naman ganun, hindi ba napaka unfair naman na basta na lang nya kaming tatanggalin?"

"Unfair? Your telling me that this is unfair? Bakit kay Dr. Gonzales basta na lang kayo naniwala? Ni konting pagdududa hindi nyo ginawa, pero akong boss nyo hindi nyo pinagkakatiwalaan ng sabihin kong sya si BigBoss at kumukwestyon nyo pa ang judgement ko!

So anong karapatan nyong magsalita na unfair ito!"

Inis na sabi ni Security Head Elly sa mga tao nya.

Natahimik ang lahat.

"Gusto nyo bang malaman kung bakit ko kayo sinisante?"

Tanong ni Kate.

Gusto nilang sumagot pero mas pinili nilang manahimik.

Mukhang nabigla sila sa desisyon ni Kate. Hindi nila ito matanggap.

"Loyalty!"

Sagot ni Kate sa tanong nya.

"?????"

"Sabi sa akin ni Don Miguel mahalaga raw ang loyalty.

Kahit na gaano kahigpit ang security ng Sinag Island kung wala namang sense of loyalty ang mga taong narito, masisira din ang lahat dahil unti unting sisirain ito ng mga taong hindi loyal sa Sinag Island."

"Pasensya na pero huwag mo naman kaming ijudge ng basta basta. Hindi mo naman kami kilala!"

Napataas ang kilay ni Kate.

"At bakit naman kailangan nya kayong kilalanin? Sino ba kayo sa akala nyo? Sya si BigBoss maniwala man kayo o hindi!"

Singhal ni Security Head Elly sa kanila.

"Security Head, nasabi ko na ang dapat kong sabihin, bahala ka na dito. Ayaw ko ng makita ang mga taong yan! May mas mahalaga pa akong dapat gawin, kailangan ko pang ayusin ang kapalpakang ginawa ng mga yan!"

Sabi ni Kate at tumayo na ito. Hindi sya dapat magtagal sa mga ganitong mga tao baka madrain na naman ang energy.

"Marahil ay hindi ninyo alam kung anong idudulot ng kapalpakang ginawa ninyo."

Sabi ni James sa kanila

Naguluhan ang lahat.

At ikinuwento ni James sa kanila ang nangyari kay Gonzales.

"Yan ang dahilan kung bakit nya lahat kayo sinisante dahil sa pagtitiwala nyo kay Gonzales may posibilidad na masira at mabuwag itong Sinag Island, ang matagal na pinaghirapan ni Don Miguel!"

*****

Samantala.

Busy si Jaime sa pag de decorate. Pasipol sipo pa ito.

Hindi nya tuloy napansin na may bisita pala syang dumating.

avataravatar
Next chapter