15 Para Hindi Maging Bias

Kahit na masama ang pakiramdam, nagmamadaling nagtungo si Nadine sa presinto kung saan naroon ang bodyguard ni Khim na Ken.

Kabilin bilinan ni Nadine na siguraduhin na hindi makakalaya ang lalaking dala nya kanina.

"Ken, ano ng nangyari?"

"Mabuti po at dumating na kayo Mam, wala pa pong nangyayari, hindi pa po sila kumikilos para hanapin si Ms. Khim!"

Sabi ni Ken

"Ano?! Bakit daw?"

Inis na tugon ni Nadine

"Pinabulaanan po kasi nung bwisit na lalaking iyon ang lahat ng sinabi ko! Hindi raw totoo dahil wala naman daw dito si Ms. Khim! Saka sabi po nila, baka naglakwatsa lang ang bata!"

Paliwanag ni Ken.

"Nasaan yung lalaking nanghablot at humarang sa anak ko?"

"Andun po sa loob, pero hindi po nila ikinulong, kailangan muna raw masiguro na totoo ang sinasabi ko!"

"Mga bwisit na yan! Anong ginagawa nila bakit hindi nila imbestigahan?"

"May nagpunta na daw po sa pinangyarihan pero wala po silang nakausap na magpapatunay sa nangyari!"

Matalim ang mga mata ni Nadine, halatang nagpupuyos ito sa galit at dirediretsong lumusob sa loob ng presinto.

Sa front desk, abala ang officer in charge sa pakikipag text sa jowa nya na kaibigan ng misis nya. Kinikilig pa ito habang binabasa ang text ng jowa nya.

Ayaw nitong paistorbo at naiinis kapag may lumalapit sa kanya para magtanong.

"Officer!"

Sabi ni Nadine pagdating sa front desk.

"Bakit?"

Sagot ng Officer na hindi inaalis ang tingin sa cellphone.

Pinadalhan kasi sya ng jowa nya ng recent picture nya na naka nighties kahit hindi pa oras ng pagtulog.

"Gusto kong makausap ang Chief nyo dito!"

Sagot ni Nadine.

"Wala sya dito, busy sya, hindi pwedeng istorbohin!"

Sabi ng officer.

"Kung ganun, ikaw na lang ang kakausapin ko!"

"Busy rin ako, hindi mo ba nakikita?"

"Busy saan, sa kakatitig dyan sa picture na pinadala ng babae mo na naka nighties?"

Tanong ni Nadine. Malakas ang boses nito, sinadya nyang lakasan para marinig ng lahat at para makuha nya ang atensyon ng officer in charge.

Napikon si Officer at saka dinapuan ng tingin si Nadine.

'Maganda at mukha syang mayaman kung umasta kaya matapang. Sino kayang backer nito?'

'O baka naman kabit ng isang mataas na opisyal kaya ganito kung umasta?'

Dinapuan nya ng tingin si Nadine na parang sinusukat ang pagkatao nito at parang may halong pagkasuya at pagkainis.

Hindi nya kasi gusto ang mga babaeng tulad ni Nadine, matapang at palaban. Mahirap paikutin at utuin.

Hindi nya kasi matanggap na ang mga babaeng ganito ay hindi sya papatulan, mahirap kasing paikutin. Kaya puro pagkadismaya at pagkainis ang nararamdaman nya pag nakaka encounter sya ng ganitong klaseng babae.

'Baka kabit ni Chief kaya ganito umasta, akala mo kung sino?'

"Wala nga dito si Chief, busy sya kaya bumalik na lang kayo ulit!"

"Sinabi mo na yan kanina kaya ikaw na lang ang kakausapin ko!"

Sabi ni Nadine na may pagka bossing.

'Bakit ba ang hirap kausapin ng babaeng ito? Naiistorbo na nya ako!'

"Bakit officer, naiinis ka ba dahil naistorbo ko ang landian nyo ng jowa mo sa oras ng trabaho?"

"Aba't ...."

"Ang sabi dito 'OFFICER IN CHARGE', so natural lang na IKAW ang kausapin ko diba?"

Sabi ni Nadine na may halong pangiinis.

Nanggigil na sa inis ang Officer dahil nasira na ni Nadine ang magandang moment nila ng jowa nya kanina.

"Tungkol ba saan ito?"

Tanong nya kay Nadine.

Mas minabuti nyang tapusin ito agad para matapos na at makabalik na sya sa jowa nya.

"Officer, sya ang mother ng batang si Khim na hinarang at hinablot ng lalaking yan!"

Sabi ni Ken habang tinuturo ang lalaking gumawa nun.

Napakislot ang lalaki ng bigla syang ituro.

"So, kayo pala ang nanay ng batang nawawala! Nasaan ho ang anak nyo, nakauwi na ba? Pwedeng dalhin nyo dito at ng malaman na namin kung ano ang gagawin dyan sa lalaking yan!"

Sabi ng Officer.

"Yes, ako nga, at andito ako para para mag file ng complaint sa ginawa ng lalaking yan sa anak ko!"

"Mam nag file na po ng complaint ang bodyguard 'DAW' ng bata. Ang kailangan na lang namin ay ang statement ng anak nyo! Nasaan na ba sya?"

"Nag file nga sya ng complaint pero obviously hindi nyo binigyan ng aksyon kaya ako nagpunta dito para personal na mag complaint!"

"Mam, hindi namin binabalewala ang ibinibigay nyong reklamo. Nawawala ang anak nyo na baka nasa barkada lang o kaya naglakwatsa! Kaya nga hindi pa namin pinauuwi ang lalaking yan at inaantay namin ang anak nyo para malinawan na ang lahat!"

"Makinig ka Officer! Hindi naglakwatsa ang anak ko! KINIDNAP SYA! At trabaho nyo bilang mga pulis na mag imbestiga at hanapin sya!"

"Mam, wala pong ebidensya na magpapatunay na kinidnap nga ang anak nyo! Baka andyan lang yan sa tabi tabi, naglalakwatsa kasama ang mga barkada nya! Alam nyo naman ang mga kabataan ngayon!"

"Sinasabi mo ba na mas pinaniniwalaan nyo ang sinabi ng lalaking yan kesa sa bodyguard ng anak ko na nakakita ng lahat?"

"Mam, ang trabaho ho namin ay pakinggan ang dalawang panig para hindi maging bias .... "

"Hindi pa ba bias ang tawag nyo dito? Menor de edad ang anak ko pero mas pinaniniwalaan nyo ang lalaking yan na kitang kita ng bodyguard ng anak ko ang ginawang pagharang at paghablot sa kanya!"

"Mam, hindi naman kaya nag oover react lang kayo? Baka nga andun na yung bata nakauwi na sa bahay nyo!"

Natahimik si Nadine, nagpupuyos na ito sa galit at pilit kinokontrol ang sarili.

Alam nyang useless ng makipagusap sa ganitong klaseng tao na obviously, sinasadyang inisin sya at si Ken.

Pati si Ken ay iritado na rin at gusto ng bigyan ng isang bigwas ang Front Desk Officer.

Nakita ng Officer ang mga mata ng dalawa na galit na galit at gusto ng lusubin sya.

Pero imbis na magalala, natuwa pa ito dahil ito talaga ang plano nya ang inisin sila.

'Sige lang huwag nyong pigilan, mainis pa kayo, para may dahilan akong arestuhin kayo! Hehe!'

Nakangisi ang mga labi nito.

Nakita ni Ken ang mga ngisi na iyon at para syang bulkan na sasabog.

'Bwisit na ito, nangiinis pa talaga!'

Hindi na mapigilan ni Ken ang nagpupuyos na damadamin, palusob na ito ng pigilan ni Nadine.

Hinawakan nito ang mga kamay nya at umiling.

Nabasa nya ang gustong mangyari ng Officer.

Pero hindi alam ni Ken kung paano ilalabas ang nagpupuyos nyang damdamin.

Buti na lang may dumating.

Mam Nadine, salamat at nakita ko kayo!"

Napatingin si Nadine, Ken at Officer sa lalaking dumating.

Matikas ito, isang sundalo.

"Capt. Suarez?"

Napatayo ang Officer at napasaludo ng malamang isang Kapitan ang nasa harap nya pero hindi sya pinansin nito.

Dumiretso ito kay Nadine.

"Mam, talaga pong kayo ang sadya ko pero sabi sa bahay nyo na andito daw kayo sa presinto kaya nagtungo agad ako dito!

Tungkol po kay Ms. Khim, kinidnap po sya!"

Sabay binigyan ng matalim na tingin ni Nadine at Ken ang Desk Officer na nakasaludo pa rin.

"Ngayon mo sabihin na hindi totoong kinidnap ang anak ko at naglalakwatsa lang kasama ang barkada nya!"

Mataray na sabi ni Nadine

Napalunok na lang ang Officer hindi alam kung papaano magdadahilan.

Napataas ang kilay ni Capt. Suarez, mukhang natunugan nya agad ang nangyayari.

"Officer, nasaan ang Chief nyo? Dalhin mo ako sa kanya! NOW!"

Utos ni Capt. Suarez.

Kinabahan ang Officer.

'Naku naman, kung mamalasin ka talaga!'

'Ito bwisit na babaeng ito ang nagsimula ng lahat ng kamalasan ko eh!'

Inis na inis ang Desk Officer habang dinadala nya ang mga ito sa opisina ng Chief of Police.

avataravatar
Next chapter