webnovel

Papalapit Na Panganib

Gabi nakatakdang umalis ng Sinag Island si Gene at Belen. Mas maigi ito para hindi makaalarma sa lahat kahit na delikado pa rin dahil napansin ni Kate na may mga umaaligid aligid sa borderline ng Sinag water kahit gabi.

Hindi sumama si Nadine sa paguwi dahil gusto pa nyang makasama pa ang mga anak nya at syempre para maalagaan pa ang apong si Karlos.

Mula sa isla may 200 meters na parte pa ng tubig ang Sinag Island kung saan naroon ang borderline. Duon nagsisimula ang shield na inilagay ni Kate.

Hindi pwedeng magtagal na naka bukas ang shield kaya limang minuto lang ang binigay ni Kate sa kanila para makalagpas ang sinasakyan na yate ni Gene at Belen sa borderline ng Sinag Island.

Ngunit sa labas ng borderline walang makikitang palatandaan na may isla dito. Puro tubig at walang hangggang kadiliman ang nakikita ng mga bangkero na nadadaan dito kahit na sa panahong bilog ang buwan.

Naguguluhan tuloy ang isang bangkero na kasalukuyan ngayong nasa labas ng borderline kung bakit itong foreigner na inupahan sya ay mapilit na dito magpunta.

Ilang araw na silang umaaligid aligid sa parteng ito na hindi nya maintindihan kung bakit. Hindi naman sinasabi sa kanya ng foreigner kung bakit.

Ang foreigner na ito ay ang spy na pinadala ng Caphal country dito sa bansa para hanapin at tapusin si Prince Tobias.

Sya si Arik.

Ilang beses na nyang pinagaralan ang lugar at natitiyak nyang tama sya, narito nga ang hinahanap nyang Sinag Island kung saan daw naroon si Prince Tobias.

Pero hindi nya pa rin maintindihan kung bakit wala syang makita kahit anong palatandaan? Ang buong paligid ay binabalot ng kadiliman.

Nagtungo na rin sya dito ng umaga pero ganito pa rin.

Tila naglaho ang Sinag Island na parang bula kahit na communication ay wala.

Pero determinado pa rin syang mahanap at makapasok ng Sinag Island..

Maya maya, may nadinig silang isang ingay ng motor sa kung saan pero wala nama silang nakikitang kahit na anong klaseng sasakyang pandagat.

"Porjosporsanto! Saan nagmumula yung ingay ng motor? Wala naman akong nakikitang bangka na parating!"

Takot na usal ng bangkero.

Napansin ni Arik ang bangkero na takot na takot na tila may multo pero inutusan nya itong lumapit pa sa kung saan nagmumula ang direksyon ng tunog.

Nang marinig nilang papalapit na ang tunog, huminto ang bangkero. Tumataas na ang balahibo nya sa takot gusto na nyang umuwi.

At pagkatapos, sa di kalayuan napansin nila ang isang ilaw mula sa isang yate.

"Jusmiyo! Multo ba yan? Bakit bigla na lang may sumulpot dyan?"

Sabi ng bangkero.

Nung mga oras kasi na yun nag open na ang shield kaya hindi lang ang yate ang natanaw nila pati ang Sinag Island.

"Bring me near!"

Utos pa ni Arik.

"But I'm scared Sir!"

"Just more nearer! Here, this is my payment. Leave after I go!"

Walang nagawa ang bangkero, inilapit nya pa ito ng mas malpit pa, hindi nila namamalayan na konti na lang nasa borderline na sila ng Sinag Island.

Bago pa makalapit ang yate sa kanila palihim na tumalon si Arik sa tubig at mabilis na lumangoy patungong isla.

Hindi ito tumigil ng paglangoy, natatakot na baka biglang maglaho ulit sa paningin nya ang isla.

Matagal na syang may sapantaha na may posibilidad na nababalutan ng isang bagay ang isla kaya ito nawawala. At ngayon, natitiyak na nyang totoo ito kaya nagmamadali syang lumangoy patungong pampang.

Nagmamadali namang umalis ang bangkero at iniwan sya, kaya walang nakapansin sa kanya o kaya ay kay Arik.

****

Samantala.

Malapit na sila Gene sa pampang ng may mga humarang sa kanila at pilit silang pinahihinto na hindi nila maintindihan kung bakit.

Naisip ni Kate na may posibilidad na mangyari ito kaya bilang paghahanda para sa kaligtasan ni Gene at ni Belen, kahapon pa, humingi na sya ng tulong sa Lolo Joel nya para salubungin si Gene sa pantalan.

Alam ito ni Gene, sinabi sa kanya ni Kate bago sila umalis ng Sinag Island, pero hindi nya inaasahan na pati si Jaime ay sasalubungin sila.

"Anak ng teteng .... anong ginagawa nila? Bakit nila hinaharang ang yate ni Kuya?"

Bulalas ni Joel.

"At anong tinatanga tanga mo dyan, Jaime? Gumawa ka ng paraan, tulungan mo ang tatay mo!"

Singhal ni Joel kay Jaime na may kasamang batok.

Agad na tumalon si Jaime sa isang bangkero at inutusan itong paandarin ang bangka.

Pagkalapit, agad na nagsalita si Jaime.

"Sino kayo at bakit nyo hinaharang ang yate na yan?"

"Pasensya na pero sino ka ba? Bakit ka ba nakikialam? May operation kami dito kaya huwag kang makialam!"

"Ako si Gen Jaime Santiago ng Philippines Army at yang nasa yate na yan ay ang tatay kong si Ret. Gen. Eugene Santiago at ang asawa nyang si Madam Belen Perdigoñez Santiago! Kaya natural lang na may pakialam ako! Pwede bang paabutin natin sa pampang ang yate para makababa ng maayos ang tatay ko? Kagagaling lang nya sa coma at hindi pa sya gaanong magaling!"

Paliwanag ni Jaime.

"Kung gusto mo, sabay tayong sumakay ng 'Mighty Issay' para maniwala ka!"

Dugtong pa ni Jaime.

Ang Mighty Issay ay ang pangalan ng yate na sinasakyan nila.

Pagkarinig ng pangalan ni Gene ay nataranta ang nagsasalita pero nadoble ang taranta nito ng banggitin na isang Madam Perdigoñez ang nasa loob. Pumayag sya.

Agad na lumipat sa yate si Jaime matapos abutan ang bangkero ng bayad saka naman lumipat din ang isang pulis pangkaragatan.

Sumaludo ito kay Jaime at pagkatapos ay nagtungo na sila sa loob para tingnan kung totoo ngang si Gen. Gene ang lulan nitong yate.

Pagbukas ng cabin nakita nga nya ang nakahigang si Gene sa kama na galit na galit ang expression ng mukha.

"Anong dahilan at bakit mo kami hinarang?"

Singhal agad ni Gene.

"Pasensya na po General hindi po namin alam na kayo po ang sakay ng yate na ito. May nagtip po sa amin na may illegal alien daw na nagmula sa Sinag Island na dapat namin mahuli as soon as possible! Wanted daw po ang tao na yun!"

"Eh bakit mo naman naisip na sakay sya ng yate na ito?"

"Kasi alam po naming nagmula sa Sinag Island ang yate na ito at pagaari ito ng Sinag Island!"

"Bueno, kung yan ang iniisip mo, pagkababa ko ng pantalan isearch nyo ang buong yate."

Inis na sabi ni Gene.

Inis sya dahil kinabahan sya para kay Belen.

'Mabuti na rin at sumundo si Jaime!'

"Salamat po sa pangunawa, Gen Santiago."

Agad itong sumaludo at lumabas ng cabin kasama si Jaime para dalin ang yate sa pantalan.

Nagkatinginan na lang si Gene at Belen.

Obviously ang hinahanap nila ay si Prince Tobias kaya sila hinarang pero sino ang nagutos. Imposibleng galing sa presidente ang utos.

Hindi maiwasan magalala ni Gene para sa mga apo nya lalo na kay Kate. Parang gusto nya tuloy bumalik sa Sinag Island.

May dahilan naman si Gene na mag alala dahil sa mga oras na ito, nasa pampang na ng Sinag Island si Arik.

Next chapter