48 Or Else What?

'Haaay! Ang hirap talagang tumanda, daming desisyon na kailangan gawin!'

'Bakit kasi hindi pwedeng forever isip bata na lang ako?'

Buntunghininga ni Kate.

"BigBoss sya lang yun! Ako kukunin ko ang sweldo ko. Saka, okey lang sa akin na mag stay hangga't hindi pa sila lahat nakakaalis. Kahit ako na ang huling umalis, okey lang! Hehe!"

Sabi ni Dr. Santy

"No! Magkasabay kayong aalis ni Dr. Alonso at Nitz!"

Mariing sabi ni Kate.

"Agad agad? Ambilis naman! Hindi naman ako nagmamadali!"

Sagot ni Dr. Santy.

"Kung ikaw HINDI, ako nagmamadali! Over staying na kayo dito, pinasasakit nyo na ang ulo ko!"

Nakakunot ang noo na sabi ni Kate

"Pwede ba kahit hanggang sa araw na lang na dalhin si Dr. Gonzales sa NBI? Gusto ko kasing makita!"

Request ni Dr. Santy

"No! No! NO!"

Pinandilatan na sya ni Kate.

"Edi, NO! Madali naman akong kausap eh!"

Sabi ni Dr. Santy.

Kate: "....."

'Haaay jusmiyo, matutuyuan ako sa taong 'to!'

Nagpupumiglas naman si Dr. Gonzales, may gustong sabihin.

"Mmmm!... mmmm!... mmm!"

Sinenyasan ni Kate ang security para tanggalin ang tape.

"Gusto kong malaman kung kanino galing ang mga utos mo Mrs. Kate?"

Puno ng galit na sabi ni Dr. Gonzales.

"Dr. Gonzales, wala ka sa posisyon para magtanong! Matapos mong kontrolin at manipulahin ang IDS Hospital, may gana ka pang magtanong?

Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito!

Ikaw ang nagtanggal sa mga pinasok na tao ni Doña Isabel na hindi nya nalalaman!

Nag hire ka ng mga staff na hindi namin alam, hiningan mo sila ng placement fee tapos pinapasahod mo sila ng hindi tama! Akala mo hindi ko alam? Kahit tanungin ko sila ngayon, natitiyak kong wala pa sa 50K ang sweldo natanggap nila!"

Lahat: "HUH?!"

Nanlaki ang lahat ng nakarinig.

"Nasa 25K lang ang sweldo ko!"

"Ako 23K!"

"Ako nga 20K lang!"

"At ako 18K lang!"

"See?"

Sabi ni Kate

"At ano naman ang ebidensya mo, mga testimonya nila? Hindi ka naman siguro tanga Mrs. Kate para paniwalaan ito ng basta basta, kailangan ng ebidensya ang mga gawa gawa lang na paratang mo sa akin!"

Mayabang na sabi ni Dr. Gonzales.

Batid nyang walang makukuhang ebidensya si Kate na magpapatunay ng mga ginawa nyang anomalya sa IDS. Pulido sya kung gumawa, walang trace na makikita.

Pero kinabahan sya ng makitang nakangiti si Kate, hindi man lang natakot sa mga sinabi nya.

Napaisip tuloy si Dr. Gonzales.

'May naiwan nga ba akong ebidensya?'

'Hindi maari! Sigurado akong nalinis ko lahat!'

'Tyak na pinapasakay nya lang ako!'

"Tama ka, Dr. Gonzales, hindi ako tanga! Dahil ako ang nag design ng buong security system ng Sinag Island including IDS Hospital.

Sa tingin nyo ba hindi ko nakikita at nalalaman ang mga ikinikilos nyo?

Alam ko ang bawat kilos nyo, may naka install na camera sa bawat paligid ng Hospital at hindi lang camera, may ininstall din akong mic kaya nadidinig ko rin ang mga chismisan nyo!

At may record ako ng lahat ng ginawa mong katarantaduhan.

Gaya ng mga supply na ikaw na pala ang nagdesisyon kung kaninong suplier kukunin. Kaya pala ang papangit na ng supply kulang pa! Ang mga sweldo ng mga staff na lagi mong kinakaltasan pero sa'yong bulsa naman napupunta. Ang mga equipment at kagamitan ng ospital na nabili pero nakakapagtakang hindi nakakarating, at ang pagmamanipula sa mga staff, etsetera, etsetera!

Lahat ng yun nasa security system ng Sinag Security at yan ang ebidensyang magdidiin sa'yo!"

Buong tapang na sabi ni Kate.

"Hindi totoo yan! Piniframe up mo lang ako! Gumaganti ka lang dahil sa pagbabalewala ko sa lolo mo!"

Pagdadahilan ni Dr. Gonzales

"Hahahaha!

Nakakatawa ka Dr. Gonzales, masyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo!

Kunsabagay sabi mo nga sa akin, ikaw ang dyos sa IDS Hospital at batas ang mga salita mo!"

Sabi ni Kate.

"Hindi hindi ko sinabi yun! Huwag mo akong gawan ng kwento! Gusto kong makausap si Doña Isabel, ipakausap mo ako sa kanya! Bilang Head ng Hospital may karapatan akong magdemand!"

Singhal ni Dr. Gonzales

"At paano ka naman nakakasigurong haharapin ka ni Doña Isabel? Matapos mong planuhing angkinin ang ospital nya, umaasa kang haharapin ka pa nya? May pa demand demand ka pang nalalaman, antayin mo ang demandang isasampa ko sa'yo!"

Sagot ni Kate

"Anong pinagsasabi mo? Hindi ko plinanong angkinin ang Hospital! Bakit mo ako ginagawan ng kwento?"

Nakaramdam ng kaba si Dr. Gonzales.

Iyon talaga ang plano nya dahil alam nyang magreretiro na si Doña Isabel, at kanino pa dapat mapunta ang Hospital, kundi sa kanya. Sya lang ang karapat dapat.

"Hindi kita ginagawan ng kwento Dr. Gonzales, ikaw itong indenial kasi buko ka na at wala ka ng lusot.

Pero kahit anong gawin mo, Dr. Gonzales, magbabayad ka pa rin!"

Nakangiting pahayag ni Kate.

"Nababaliw ka ba? Bakit naman ako magbibigay ng tiglilimang milyon sa mga yan? Wala akong pera at wala akong planong magbigay sa kanila!"

Galit na sabi ni Dr. Gonzales.

"Asus! Sa dami ng kinurakot mo sa IDS nagtatanong ka pa? Akala mo ba hindi ko alam na binabawasan mo ng 60% ang pondo ng ospital?

Accounting graduate ako Dr. Gonzales, and I know how to count!"

Wala talaga sa plano ni Kate na kumuha ng accounting pero gusto ng Mommy nya na kumuha sya ng business course dahil may plan na itong mag retiro na at ibigay ang negosyo kay Kate.

Sa huli, napilitan si Kate na kumuha ng accounting para pag bigyan ang ina pero hindi nito tinanggap ang Hotel business ng family Belmonte.

"....At alam ko din kung nasaan ang secret account mo at kung gaano kalaki ang kabuuang nakurakot mo at ni Ms. Nancy."

Pinakita ni Kate ang picture ng secret account ni Dr. Gonzales at ni Ms. Nancy.

"Teka, ang daming zero. May isang bilyon ba yan?"

Usal ni Dr. Santy.

Hindi ito makapaniwala.

"Hoy! Hindi akin yan! Pwede ba huwag mong ipaangkin sa akin yan! Mapagimbento ka talaga!"

Pero kita sa mga mata ni Dr. Gonzales ang pagkataranta.

'Paano nya nalaman ang tungkol sa secret account ko? Sinong nagsabi?'

Napatingin sya kay Ms. Nancy. Silang dalawa lang ang nakakaalam tungkol dito.

Hindi naman nakibo si Ms. Nancy, nanahimik lang itong nakatungo at hinihiling na sana matapos na ito. Hiyang hiya na sya.

Oo may nakurakot sya pero may Sampung Milyong lang ito, barya lang kumpara sa nakurakot ni Dr. Gonzales at alam nya lahat ang tungkol dito.

'Walanghiyang Nancy 'to, mukhang tinatraydor ako!'

Kita ni Kate ang galit ni Dr. Gonzales kay Ms. Nancy, mukhang alam na nya na sya ang sinisi nito na nag sumbong tungkol sa secret account nya.

Ang hindi alam ni Dr. Gonzales, magaling na hacker si Kate.

'May matatago bang lihim sa akin? Kung katarantaduhan nga ng tatay ko hindi nakakalusot sa akin, ikaw pa!'

"Since, dinedeny mo na sa'yo ang account na ito, I guess you won't mind na kunin ito ng Elite Group.

Dito ko kasi kukunin ang perang ibibigay ko bilang pambayad sa kanila na mga taong niloko nyo at pati na rin sa mga taong pinalayas mo at tinaggalan ng karapatan dito sa Sinag Island!"

Pahayag ni Kate.

"Ano? Anong pinagsasabi mo? Una gusto mo akong magbayad ng tiglilimang milyon sa kanila tapos ngayon naman pati ang taong yun babayaran ko din? BAKIT?"

"Kasi kailangan mo silang bayaran sa sweldong nararapat sa kanila. Gaya ni Dr. Vicky, for example, suppose to be dapat naririto sya since 5 years ago.

Ang sweldong napagkasunduan nila at pinirmahan ay 80K, so 80K x 12 months x 5 years plus bonus and thirteen and fourteen month pay!"

Naumid ang dila ni Dr. Gonzales, hindi ito nakapagsalita. Mukhang na shock ng husto nanigas na.

Hindi alam ni Kate kung kaya nagkaganyan si Dr. Gonzales ay dahil ba sa laki ng babayaran o dahil sa nalaman nyang kasama pala si Dr. Vicky sa masters list.

Maya maya pa umiling iling ito.

'Hindi! Hindi ito maari! Hindi nya pwedeng kunin ang pera ko! Pinaghirapan ko ang mga yon!'

"Gusto kong makausap ang tunay na may ari ng IDS Hospital! Gusto kong makausap si Doña Isabel at sa ayaw at sa gusto mo gagawin mo ang gusto ko or else!"

"Or else what Dr. Gonzales?"

"Or else, ipaparating ko sa media na gumaganti ka lang sa akin at ginagawan mo lang ako ng kwento dahil sa binalewala ko ang lolo mo! Sisirain ko ang pangalan mo Kate at pag ginawa ko yon, tyak na madadamay ang ospital na ito!"

Nakangising sabi ni Dr. Gonzales.

Tiningnan sya ni Kate. Walang expression ang mukha nito.

'Ngayon mo ipakita ang tapang mo Mrs. Kate de Guzman! Hehe!'

avataravatar
Next chapter