57 Meron Pa?

Ramdam ni Kate na hindi lang ganito kasimple ang problema kaya tinawagan nya agad si Don Miguel.

Natitiyak nyang may mga tao si Gonzales dito sa mga sinisante nya at malamang meron pa din sa mga naiwan. The fact nakapasok si Dr. Bien ng ganun na lang na walang nagduda sa kanya, tyak na may kasabwat ito.

At sa pagkakataong ito, may kutob si Kate na hindi lang nagiisa si Gonzales. May mas malaki pang tao ang nasa likod nito.

Pero wala syang oras to deal with them, marami syang tanong na kailangan masagot ngunit oras ang kalaban nila.

Kailangan na nyang magtungo sa ospital. Andun ang pamilya nya, si Grampy, si Granny, si Khim at higit sa lahat si HubbyLabs nya.

Kita ni James ang pagaalala ni Kate habang kausap si Don Miguel. Sobrang seryoso ang expression ng mukha nito.

Na cu-curious tuloy sya kung ano ang pinaguusapan nila, hindi nya maiwasang hindi kabahan.

"Kate, anong sabi ni Don Miguel?"

"Magpapadala daw sya ng reinforcement!"

"Reinforcement? Bakit hindi ba kaya ng mga security dito?"

"Hindi sa ganun, Kuya. Sa ngayon, wala kaming tiwala ni Lolo Miggs sa lahat ng narito sa loob!"

"Kate gaano ba kalala ang sitwasyon?"

"Kuya, kilala mo ba kung sino ang nasa kweba, yung pasyente sa secret?"

"Alam mo na ang tungkol sa Secret?"

"May idea na ako. Nagpupuslit tayo ng tao from outside para gamutin. At karamihan sa ipinapasok ay mga kilalang tao. Kaya ito tinawag na Secret dahil wala dapat makaalam kung nasaan sila. Maging ang pasyente ay wala ding alam. Tama ba ako Kuya?"

"Tama, pero hindi ko namumukhaan, kung sino ang nasa Secret ngayon. Foreigner sya at mukhang mayaman."

Sagot ni James.

"Nabalitaan mo ba ang tungkol sa nawawalang Crown Prince ng bansang Arritaou?"

"Hindi! Hindi nga rin pamilyar sa akin yung bansa."

"Maliit na bansa lang ito pero mayaman sa mataas na uri ng diamond. Five years ago naaksidente sa isang trip ang Crown Prince nila at na coma ito. Pero hindi nila magawang tanggalan ng titulo dahil nagiisa syang anak ng hari. Syempre marami ang tumututol lalo na ang mga nagkakainteres sa posisyon ng hari.

Kamaikailan lang, may nagbalita na nawawala daw ito pero tinatanggi ng palasyo.

Ang sabi ng iba baka namatay na daw at itinatago lang nila.

May kumakalat din na balita na marahil ay nagising na ito pero hindi na normal kaya sinisekrero.

At meron ding nagpapakalat ng balita na dinala sa isang bansa sa Southeast Asia ang Crown Prince para magpagamot."

"Teka! Kate, are you telling me na yung nasa Secret na ginagamot ko ay ang Crown Prince na nawawala?"

"Alam mo ba kung ilang taon na sya?"

"Mga nasa 30+."

"May palatandaan ba sya sa may kanang kilay nya na akala mo kidlat?"

Napaisip si James. Mahaba ang buhok ng lalaking yun at madalas natatakpan ng buhok nito ang kilay nya.

"Meron nga akong nakitang maliit na parang balat sa kanang kilay nya pero hindi ko alam kung kidlat ito."

"Sabi sa akin ni Lolo Miggy hindi rin daw sinabi sa kanya ang totoong identity ng pasyente for safety reasons ng bansa natin. Maraming may gustong matulyan ng mamatay ang Crown Price, hindi lang mga nagkakainteres sa posisyon ng hari, pati na rin ang mga bansang kaaway nila. Hindi tayo pwedeng madamay sa problema ng bansa nila."

"So yun ang misyon ni Dr. Bien? At yun din ang dahilan kaya sinabi mo kaninang pwedeng mabuwag ang Sinag Island?"

"Sapantaha ko lang yung kanina pero ng makausap ko si Lolo Miggy, hindi lang mabuwag ang problema ko, baka mabura sa mapa ang Sinag Island pag may nakaalam na andito sya!

Walang dapat makaalam na narito sya, pero paano kung nakalapit sa kanya si Dr. Bien at nakakuha sya ng ebidensya?"

"Oh my!"

Binilisan pa lalo ni James ang sasakyan. Kailangan nilang makarating agad sa IDS Hospital, andun ang mga taong mahal nya.

"Bukod nga pala sa'yo Kuya, sino pa sa IDS ang nakakaalam ng tungkol duon sa Secret?"

"Si Gonzales, pero wala na sya kaya ako na lang. .... at ngayon si Dr. Bien."

"Ang nakapagtataka, Kuya, paano nalaman ni Gonzales ang tungkol sa Crown Prince? Sinong nagpatawag sa kanya? Hindi naman sya naka schedule na magtungo roon?"

"Kate, are you telling me na may kasabwat din si Gonzales sa loob?"

"Yes! At kung sino man yun, hindi nya pwedeng malaman na nabuko na sila!"

Nagbutil butil ang pawis ni James sa posibilidad na magkaron ng gera dahil sa kapabayaan ng iilan.

"Anong gagawin natin?"

Usal ni James.

Ngayon lang sya kinabahan ng ganito katindi.

"Humingi na ako ng tulong kay Eunie, Kuya! Pinutol na nya ang communication dito sa Sinag Island. Huwag kang magalala, magiging maayos din ang lahat!Pero, may isa pang gumugulo sa isip ko ngayon."

"Meron pa?"

Natatarantang tanong ni James.

Ito ang ayaw nya pakiramdam kaya hindi sya pumasok sa militar kahit anong pilit ng ama.

"Yes Kuya! Si Dr. Santy! Sigurado ka bang wala syang alam?"

"Bakit mo natanong? To be honest wala akong idea kung may alam sya. Bakit?"

"Paralyzed ngayon si Gonzales matapos nyang operahan. Ni hindi ito makapagsalita, nawala ang boses. Ginawa ba nya yun to take revenge or to silence Gonzales?"

'Juskolord!'

*****

Sa Security Office.

Hindi maintindihan ni Dr. Bien kung bakit sya dinala ng mga security dito, kinuha ang mga gamit nya tapos ay hinubaran.

Ngayon ay wala itong suot maliban sa karsonsilyo nya.

"Ano bang nangyayari, bakit nila ginagawa ito sa akin?"

Ilang beses syang nagtanong pero ni isa walang sumagot.

"Lintek na nakakahiya itong ginagawa nila sa akin!

Ipararating ko ito kay Director Head at hihilingin ko na masisante ang mga bastos at walang respeto na mga security na 'to!"

Maya maya may pumasok. May dala itong pagkain at hospital gown.

'Teka, ito yung lalaking nakaupo kanina sa table ni Director Head!'

'Ano't narito rin sya?'

"Dr. Bien, dinalhan kita ng masusuot mo at makakain. Eto oh!"

Sabay abot ni Mel ng dala nya.

"Anong ginagawa mo dito? Bumalik na ba si Director Head?"

"Huh? a... e .... kasi dinala ako dito ng Security."

"Dinala ka din dito, gaya ko? Bakit?"

"Hindi pa nga ako tapos dun sa pagaayos sa office pero iniwan ko para magpunta dito."

Naalala nga ni Dr. Bien na may inaayos dun sa office.

'Marahil iyon ang tinutukoy ng taong ito!'

'Hindi ko alam na pinapaayos pala ni Director Head ang office nya.'

"Kaya ka pala andun dahil ikaw ang namamahala sa renovation ng office."

Napaisip si Mel bago sumagot.

'Mukhang hanggang sa mga oras na ito wala pa syang alam sa nangyari kay Gonzales!'

'Sasakyan ko na lang ang trip nya.'

"Oo, ako nga ang namamahala sa renovation."

Sagot ni Mel.

Dahil sa sagot ni Mel, nakuha nito ang tiwala ni Dr. Bien sa pagaakalang magkatulad sila ng kapalaran. Na pareho silang biktima ng mga bastos at walang modong mga pulis.

Walang kamalay malay si Dr. Bien na sinasakyan lang pala sya ni Mel.

avataravatar
Next chapter