58 Melok

"Dr. Bien, bakit ang tagal mong nawala, saan ka nagpunta?"

Tanong ni Mel.

Nalaman ni Mel na wala ang usb na ipinakita ni Dr. Bien kanina sa kanya, sa mga gamit na kinumpiska ng mga security sa duktor.

Kahit sa damit na suot nito kanina ay wala silang nakita. Kaya nagdesisyon si Mel na pasukin ito para malaman kung nasaan ang usb.

Binigyan sya ng 30 minutes ng Security.

"Secret hindi ko pwedeng sabihin!"

Sagot ni Dr. Bien sa kanya.

"Okey!"

"Hindi mo pa nga pala sinagot ang tanong ko kanina, si Director Head alam mo ba kung nasaan sya?"

Tanong ni Dr. Bien.

"Si Dr. Gonzales? Naku hindi mo pala alam, na stroke sya!"

"What? How is he?"

Nabigla si Dr. Bien sa balita hindi ito makapaniwala.

"Ayun na stroke!"

Sagot ni Mel.

"I mean kamusta ang lagay nya?"

"Okey naman daw. Hindi ko sure eh!"

"Bakit hindi mo sure, nasaan ba sya? Hindi mo pa ba sya nakikita?"

"Nasa mga anak nya. Sila ang nagaalaga sa kanila."

"Sa mga anak nya? Ang ibig mo bang sabihin wala si Dr. Gonzales dito sa IDS Hospital? Bakit?"

"Yun nga ang sabi ko, wala sya, nasa mga anak nga nya."

"Pero bakit sya ibinigay sa mga anak nya, hindi naman nya ka close yung mga yun? Natitiyak kong hindi gugustuhin ni Dr. Gonzales na magpaalaga sa mga anak nyang yun!"

May halong pagkainis na sabi ni Dr. Bien.

"But still mga anak nya yun, can we argue with that kung gusto syang alagaan ng mga anak nya?"

Sagot ni Mel.

Napatigil na sa pagtatanong si Dr. Bien, wala na naman syang magagawa dahil nangyari na at may point din naman ang kausap nya, mga anak ni Dr. Gonzales yun.

Pero hindi maiwasan ni Dr. Bien ang hindi magalala.

'Paano ang ipinagawa nya sa akin? Anong gagawin ko dito?'

Naalala nya ang huling bilin sa kanya ni Dr. Gonzales, sa sandaling may hindi magandang mangyari dun sya magrereport sa taong yun.

'Kailangan kong makausap ang taong yun! Pero paano, nasa security ang cellphone ko?'

Napatingin sya kay Mel.

"Ano nga palang pangalan mo?"

"Ako nga pala si Melok. Kala ko hindi mo na tatanungin."

Pagpapakilala ni Mel.

"Melok may cellphone ka bang dala?"

"Cellphone? Wala! Iniwan ko, hindi ko rin naman magamit!"

"Bakit?"

Nakapatay ang signal dito, wala ring internet, kaya hindi ko na dinala. Useless eh, kahit magselfie dito hindi pwede."

"Nakapatay?"

Kinabahan si Dr. Bien.

'Bakit nakapatay ang signal anong ibig sabihin nito?'

Saka nya naalala ang mga ginawa sa kanya ng security.

'May alam na kaya sila? Bakit nila ako kinapkapan na parang may hinahanap?'

'Alam na kaya nila ang tungkol sa misyon ko?'

Sobrang kinakabahan na sya hindi nya namamalayan na namumutla na sya sa takot.

"Dr. Bien, bakit ka namumutla may sakit kaba?"

Sabay layo ni Mel sa kanya.

"Hindi kaya meron kang virus na dala mula sa pinanggalingan mo kaya ka ni lockdown dito?

Jusko please huwag mo akong hawaan! Dinalhan lang kita ng pagkain at masusuot, huwag mo akong bigyan ng virus!"

Takot na sabi ni Mel.

"Sira! Wala akong sakit .... medyo nilalamig lang dahil ang tagal kong walang damit."

"Sigurado ka, namumutla ka kaya!"

May pagdududang tanong ni Mel.

"Oo sigurado ako, tingnan mo, hawakan mo ang noo ko wala akong lagnat!"

"Ayoko nga! Baka mamya jinojoke mo lang ako!"

Mas lalong lumayo si Mel sa kanya.

Pinagmasdan ni Dr. Bien si Mel na parang tinatantya. Kita nya ang pagkainosente ng taong kaharap nya.

'Ipinagkatiwala sa kanya ni Dr. Gonzales ang pagrerenovate ng office nya kaya tyak kong malaki ang tiwala ni Director Head dito.'

Yun ang buong akala ni Dr. Bien, na si Gonzales ang nagpaparenovate ng office. Wala syang kamalay malay na si Mel na kaharap nya ngayon ang pumalit sa boss nyang si Gonzales at ang asawa nitong si Kate ang BigBoss ng nila ang nagpaparenovate.

Biglang bumukas ang pinto.

"Sir Melok, pwede na po kayong lumabas."

"Ha? Talaga? Haaay Juskolord, salamat!"

Sabi ni Mel na patakbong tumayo.

"Teka, sya lang? Paano naman ako?"

Hirit ni Dr. Bien.

"Dito ka lang Dr. Bien at mag antay. Kailangan na namin palabasin si Sir Melok meron pa syang kailangang tapusin sa opisina!"

"Pero gusto ko ng lumabas! May kailangan pa akong gawin at ilegal ang ginagawa nyong pag detain sa akin dito!"

"Hindi pupwede Dr. Bien, dito ka lang hangga't walang sinasabi ang boss ko! Sya ang nagutos sa akin na manatili ka dito kaya kung gusto mong magreklamo, kay Boss ka magreklamo!"

Singhal ng Security.

Napaisip si Dr. Bien.

'Iisa lang ang kinikilalang boss nito at yun ay si Don Miguel!'

'Nalintikan na, mukhang may alam na nga sila!'

Kailangan makagawa ako ng paraan para makalabas dito at makapagreport o kahit man lang ang trinabaho ko kailangan mailabas dito at maireport sa taong yun!'

'Pero paano?'

"Oonga Dr. Bien, dito ka muna mag quarantine. Baka kung anong virus yang dala mo, hawaan mo pa kami!"

Sabay kuha ni Mel ng alkohol sa may istante at hinugasan ng alkohol ang mga kamay pati braso.

"Wala nga akong sakit ang kulit mo!"

"E paano kung carrier ka?"

"Hindi nga ako carrier at wala akong sakit! Hindi lang ako naarawan kaya namumutla ako!"

"Okey sabi mo eh! Pwede na ba kaming umalis?"

"Hindi! Gusto pa sana kitang makausap, kahit sandali lang!"

"Ako? Bakit ako? May galit ka ba sa akin Dr. Bien?"

Tanong ni Mel.

"Wala, may request lang sana ako sa'yo kaya pwede mamya ka na ng kaunti umalis? Please?"

Pakiusap ni Dr. Bien.

"Okey sige five minutes!"

Sabi ng sa Security.

"Seryoso ka, hahayaan mo akong manatili dito?"

Tanong ni Mel pero sinara na ng Security ang pinto.

"Melok pwede bang lumapit ka dito may ibibigay lang ako sa'yo."

Lumapit ng kaunti si Mel. Mga 1 meter.

"Gusto kong kontakin mo ang taong ito at ibigay mo ang usb na ito!"

Mula sa gilid ng karsonsilyo ni Dr. Bien kinuha nya ang usb. Maliit lang ito, mga half inch at iniabot kay Mel.

"Eeeeeewwww! Ano yan?"

Diring diring sabi ni Mel.

"USB! At huwag kang masyadong maingay at baka marinig ka ng mga Security!"

"Huwag mong sabihin na ibibigay mo sa akin yang yucky thing na yan na galing sa karsonsilyo mo?"

"Oo, kunin mo at ibigay sa taong ito!"

"Nababaliw ka na ba? Galing yan sa karsonsilyo mo tapos ibibigay mo sa akin? Eeeeeewwww!"

Kinikilabutang sabi ni Mel.

"Ano bang nakakadiri dito? O ayan pinunasan ko na, kunin mo!"

"AYAW!"

"Napakahalga ng nilalaman nito kaya huwag ka ngang maarte dyan! Kunin mo na, dali bago pumasok yung guard!"

"Ayaw! Bakit hindi ikaw ang magbigay tutal galing naman sa karsonsilyo mo yan?"

"Kinakabahan ako na baka hindi na ako makalabas dito at hindi ko na matapos ang misyon ko kaya kailangan kong ipagkatiwala sa'yo ito!"

"Bakit sa akin? Bakit hindi mo na lang sabihin sa Security at sila ang magbigay sa taong yan?"

"Sira ka ba? Secret mission 'to, pagbinigay ko sa kanila eh di nalaman nila! Tandaan mo hindi pwede malaman ito ng Security! Kaya heto kunin mo na!"

"Teka sandali lang naman! Lagyan muna natin ng alcohol!"

"Huwag! Baka masira yung usb!"

"Pero hindi mo ako mapipilit na hawakan yan! That's grosssss!"

'Haaay, nanggigil na ako sa taong 'to!'

"Hayun ang plastic, kunin mo at ilagay mo sa loob!"

Utos ni Dr. Bien.

"Naman, ano bang parusa ito eww! eww eeewwww!"

Kinuha ni Mel ang plastic at ibinigay kay Dr. Bien.

"Ikaw kaya ang maglagay!"

Sabi ni Mel sa kanya na hindi maitago ang pagkadiri.

Inilagay ni Dr. Bien sa loob ng plastic ang usb at ang pangalan at contact number ng isang tao at saka ibinigay kay Mel.

Bago naman tanggapin ni Mel ang plastic ay pinaliguan muna nya ng alcohol.

"Tama na baka masira na yan! Napakahalaga ng bagay na yan kaya ingatan mo naman!"

"Madali namang sundin yang utos mo kung hindi nanggaling sa karsonsilyo mo ang bagay na 'to!"

At diring diri kumuha ng tissue si Mel na mukhang masusuka ng kunin ang plastic na naglalaman ng usb sa kamay ni Dr. Bien. Tapos ay ibinalot ng maraming tissue ang plastic saka itinago ni Mel sa isang bulsa ng pantalon nya.

"Hoy, siguraduhin mong ibibigay mo yang usb sa taong yan! Maliwanag?"

"Oona! Pwede na ba akong umalis!"

At lumabas na ito ng silid.

Pag labas nya ng Security office, naroon na si Kate sinalubong sya ng akap.

Buong buo ang tiwala ni Dr. Bien na magagawa ni Mel ang inutos nya.

'Tyak kong hindi magkakainteres sa kung anumang nilalaman ng usb ang taong yun. Grabe kung mandiri!'

avataravatar
Next chapter