54 May Nalimutan

Kilalala ng nagbabantay si Dr. James dahil lagi itong nagpupunta dito sa forest, pero hindi nito kilala ang kasama nyang babae kaya puno ng pagdududa ang expression nito.

Saka, hindi naka schedule si Dr. James ng araw na ito kaya natural lang na lalo syang magduda.

'Pero may dala syang token alangan naman balewalain ko 'to?'

'Ilan ba kasi ang may ari ng ganitong token?'

"Pasensya na Dr. James pero wala kang schedule na magpunta dito ngayon kaya hindi kita pwedeng papasukin."

"Ipinagdrive ko lang sya. Ito kasing sasakyan ko lang ang nakarehistro dito sa gate."

Hindi ito alam ni Kate.

Lahat ng sasakyan dito sa Sinag Island ay battery operated o kaya solar powered. Walang gumagamit ng gasolina dito.

Lahat din ng sasakyan dito at may built-in owner identification para madaling makilala kung kanino ang vehicle at para hindi magamit ng basta basta ng iba.

Alam ito ni Kate dahil silang dalawa ni Eunice ang nag upgrade ng mga sasakyan dito.

Muling tiningnan ng guard si Kate.

"Mamang Guard, may problema ba?"

Tanong ni Kate na nagsisimula ng mainis sa mga tingin ng guard sa kanya.

"Mam, pasensya na po for security purposes lang po. Pakilagay po ng token at paki patong ng kamay nyo sa screen para maiscan ng sabay."

Sinunod naman ni Kate ang sinabi ng guard.

At ang expression nito kanina na puno ng pagdududa ay nawala pati kulay ng mukha nito nawala.

Hindi sya makapaniwala sa nakita sa monitor ng computer.

BigBoss

'Juskupo! .... Paanong ....!"

Nagkatinginan na lang ang magkapatid, pinipigilan ang matawa ng makitang biglang namumutla ang guard.

"Security may problema po ba?"

Si James naman ang nagtanong.

"S-Sandali lang po!"

Usal nito habang dinadayal ang numero ng base nila.

"Sir, may problema po dito sa front gate na kailangan ng immediate response ninyo. ASAP po!"

Napansin ni Kate na hindi lang ito namumutla kundi nangangatog din.

"Kuya, mukhang may problema. Bababa ako!"

"Teka Kate...!

Pero hindi na napigilan ni James si Kate, nakababa na ito at nakalapit na sa guard.

"Ang kulit talaga ng kapatid kong 'to!'

"Mamang Guard, okey ka lang ba? Ano bang problema bakit ka nagkakaganyan?"

Tanong ni Kate sa guard.

"Mam, pa-pasensya na po, p-pero hanggang dyan lang po kayo, hindi po kayo pwedeng lumapit dito!"

"Hindi naman ako papasok, andito lang naman ako sa labas. Gusto ko lang malaman kung ano ang nangyayari bakit namumutla ka. May sakit ka ba?"

"W-Wala po akong s-sakit Mam! May konting problema lang po!"

Mula sa kinaroroonan ni Kate kita nya ang picture nya na may nakalagay na BigBoss sa screen, kaya lalo syang nagtataka kung ano ang problema.

Maya maya may dumating na sasakyan mula sa loob ng forest.

Kinabahan si James kaya napalabas na rin ito ng sasakyan.

"Daguno, anong problema at sino ang mga yan?"

Tanong agad ng dumating sa guard.

Sya si Elly Marangan ang Head Security ng buong forest.

Nasasakupan ng forest na ito ang kalahati ng Sinag Island at sya ang head ng buong security ng buong bakuran ng forest kasama ang front gate.

Kilala nito si James kaya napakunot ang noo nito ng makita sya.

Akala nya si James ang problema, pero laking gulat nya ng makita nya ang picture na nasa screen.

Tiningnan nya si Kate tapos ang screen. Makailang beses nya itong ginawa bago nagsalita.

"Kayo po pala BigBoss, paumanhin po kung hindi ko kayo nakilala. Ano po bang problema?"

Nakita nya ang kwintas sa leeg ni Kate at sure nyang kay Don Miguel ang kwintas na yun. Makailang beses na nya itong nakita.

"Hindi ako ang may problema, sya!"

Sagot ni Kate sabay turo sa Security.

Ang bantay ay lalong namutla ng kilalanin syang BigBoss ng head nila.

"Sir, kasi .... "

"Kasi ano Daguno? Huwag mo kaming pag antayin, nakakahiya kay BigBoss!"

Singhal ni Elly sa guard.

"Kasi po Sir .... hindi po sya ang kilala kong BigBoss."

Kate: "Huh?"

"Anong ibig mong sabihin, Daguno?"

Naguguluhang tanong ni Head Ernie.

"Bakit meron ka bang kilalang BigBoss maliban sa kanya?"

Tanong ni James sabay turo kay Kate.

Napabuntung hininga ang bantay. Kailangan nyang humugot ng lakas para magpaliwanag.

"Eh kasi ... kasi nung mga nakaraan buwan po may nagpupunta dito at sinasabing sya daw si BigBoss. May token din syang dala."

Paliwanag ni Daguno.

"Ano?"

Hindi makapaniwala si Elly.

"Iniscan mo rin ba ang token nya at kamay nya gaya ng ipinagawa mo sa akin?"

Tanong ni Kate.

"Hindi po, Mam."

"Bakit hindi mo iniscan? Protocol yun di ba?"

"Paano mo sya nakilalang si BigBoss kung hindi mo iniscan?"

Pinagpapawisan ng malapot si Guard Daguno sa mga pagtatanong nila. Lalo tuloy syang natataranta.

"Kasi po ipinakilala po sya sa akin ni Dr. Gonzales, yung Director Head ng IDS hospital. Mula po noon labas masok na sya dito gamit ang sasakyan ni Dr. Gonzales."

"WHAT?"

Hindi makapaniwala si Security Head Elly.

"Yung mukha nya, nakuhanan mo ba ng kamera?"

"Hindi po, inilalabas nya lang ang kalahating mukha nya at ipinapakita ang token."

"Yung taong sinasabi mo, nasa loob pa ba ng forest o nakalabas na?"

Usisa ni Kate.

"Hindi ko po alam, Mam! Kasi kababalik ko lang po, sa timog po ako nadestino nung mga nakaraang araw."

"Anak ng teteng! May ganitong nangyayari sa security pero wala akong alam!"

Inis na sabi ni Elly sa sarili nya.

"Kailan mo sya huling nakita?"

Tanong ni Kate.

"Mga sampung araw na po ang nakakaraan."

"Security head, gusto kong makita ang video ng araw na iyon!"

Utos ni Kate kaya agad na tumalima si Elly.

"BigBoss, duon po tayo sa security building."

Pagdating nila ng building agad na naupo si Kate sa isang table at inilabas ang laptop nya.

Sinadya nya itong dalhin dahil marami syang tanong sa Secret pero hindi nya akalain nasa entrance pa lang sila ng forest may ma eencounter na agad syang problema.

"BigBoss eto na po ang hinihiling nyo."

Iniabot ni Elly ang usb sa kanya kung saan naroon ang copy ng

hiningi nyang video.

"Kuya, eto ba ang sasakyan ni Gonzales?"

Tanong ni Kate.

Yan nga!"

Agad na nilagay nya sa search ang sasakyan ni Dr. Gonzales para malaman kung nasaan ito.

May sariling search system si Kate para dito sa Sinag Island.

Zinoom ni Kate ang windshield ng kotse at unti unti nyang binura ang part na maitim ng windshield at lumantad ang mukha ng assistant ni Gonzales. Si Dr. Bien.

Napatanga ang lahat.

'Paano nya nagawa yun?'

"Sabi ko na may nalimutan ako eh!"

Usal ni Kate.

At pagkatapos nyang sambitin ito lumabas sa screen nya kung nasaan ngayon ang sasakyan ni Dr. Gonzales.

IDS Hospital.

Kinabahan si Kate kaya agad na tumawag ito sa security ng ospital.

"Hanapin nyo si Dr. Bien at huwag nyo syang pakakawalan kahit anong mangyari!"

Utos ni Kate.

'Si HubbyLabs!'

*****

Samantala sa ospital.

"Sino ka at anong ginagawa mo sa table ni Dr. Gonzales?"

Tanong ni Dr. Bien sa kanya

Matagal syang nasa loob ng forest kaya hindi nya alam ang nangyari kay Dr. Gonzales.

"Nakaupo! Ikaw, sino ka bakit ngayon lang kita nakita?"

Sagot ni Mel sa dumating.

"Hindi ka nakakatawa, umalis ka nga dyan sa upuan ng Director Head!"

Utos nito kay Mel.

"Hindi ako nagpapatawa, totoo namang nakaupo ako ah!"

"At sino naman ang nagpaupo sa'yo dyan?"

"Si BigBoss!"

Sagot ni Mel

Iisa lang ang kinikilala big boss ni Dr. Bien at yun ay si Dr. Gonzales kaya akala nya sya ang tinutukoy ni Mel.

"Kung ganun, pakisabi na lang kay big boss na nagawa ko na ang pinagagawa nya at narito lahat sa usb."

"Okey makakarating!"

avataravatar
Next chapter