47 Loyalty Is Important

" ... In short, tresspassing kayo!"

Nagimbal ang lahat sa ipinahayag ni Kate.

At halos sabay sabay na napatingin kay Dr. Santy na puno naman ng yabang ang expression ng mukha.

Kahit hindi ito magsalita, obvious na mababasa mo sa expression ng mukha nito ang salitang: I told you!

Kahit na nakatalikod si Kate ramdam din nya ang expression ng mukha ni Dr. Santy.

Biglang may nagtaas ng kamay.

"Yes?"

"Pero BigBoss, naguguluhan po kami! Nagbayad po kami para makapagtrabaho dito sa IDS kaya paano po kami naging tresspassing?"

Dr. Santy: (smirked then rolled eyes)

"Hindi ba nasabi na sa inyo ni Dr. Santy kung bakit, kailangan ko pa bang ulitin? Pasensya na but I hate repetition?"

"Pero .... paano po ang mga ginastos namin sa pagaaply dito?"

"Sa totoo lang walang alam ang Elite Group sa nangyari sa inyo. Sabi nga ni Dr. Gonzales, 'It's your choice!' pero .... dahil sa napahamak kayo sa pagka gahaman ng iilan na parte ng IDS Hospital, responsibilidad namin na siguruhing maibabalik sa inyo agad ang mga ginastos nyo ng triple pati na rin ang kabayaran sa perwisyong nagawa nila sa inyo."

Paliwanag ni Kate.

"Nangangahulugan po ba na wala na kaming trabaho?"

Mangiyak ngiyak na sabi ng isa.

Napabuntung hininga si Kate.

Ito ang hindi nya kaya, ang magpaliwanag. Si Eunice ang magaling dito.

"Kasi, ganito yun. Wala sa masters list ang mga pangalan ninyo at yun mga dapat na nasa masters list ay nawawala naman! Ibig sabihin, ipinalit kayo sa mga nawawala without our knowledge.

Nakontak ko na silang lahat at nalaman ko na ang iba sa kanila ay sinisante ni Dr. Gonzales na hindi ipinaaalam sa management at ang iba naman ay hindi na nakarating dito sa Sinag Island dahil may nag cancel daw ng trabaho nila dito at sinabing hindi na sila kailangan at may nahanap na."

Sabay tingin ni Kate kay Dr. Gonzales.

Isa si Dr. Vicky sa hindi pinalad na makapasok ng Sinag Island. Kasama ang name nya sa master list pero may tumawag sa kanya at sinabing hindi na sya matutuloy dahil may nauna na sa pwesto nya.

"Now those people are coming and just like you guys, victim din sila. At ang mga taong ito ay personal na pinili ni Doña Isabel. Kilala nyo na naman siguro kung sino si Doña Isabel?"

Tumango ang lahat, malungkot.

"Now, I'm going to call you one by one at ituturo ko kung saan kayo pupwesto."

Isa isa nyang tinawag ang mga pangalan nila at nahati ang mga ito sa tatlong grupo.

Lima ang nasa unang grupo na kung saan napabilang si Linette.

Ang ikalawa ay lima rin at ang ikatlo ay anim kung saan kabilang si Nitz.

"Lahat kayo ay biktima ng scam maliban kay Nitz dahil hindi naman sya nag apply at naglabas ng pera, pero kagaya nyo, biktima rin sya. Hindi nya gustong mapunta rito sa Sinag Island at obviously, napilitan lang na pumasok sa IDS Hospital dahil pinuwersa ng tyahin nyang si Ms. Nancy."

Sabay tingin ni Kate kay Ms. Nancy at lahat sila ay napatingin din.

'Ah, kaya pala hindi siniseryoso ang trabaho at madalas hindi pumapasok!'

'Kaya ko pala laging nakikitang naglalaro ng online games!'

"Anong masasabi mo Nitz, tama ba ako?"

Tanong ni Kate.

"Po? .... e.... "

Namumutla ito, hindi makapagsalita dahil natatakot sa tyahin.

"How about you Ms. Nancy? Anong masasabi mo dahil sa kagustuhan mong patinuin ang pamangkin mo, ang pasyente ang piniperwisyo mo!"

Seryosong tanong ni Kate.

"Pero, nagtrabaho naman ako ng maayos, maganda po ang record ko, hindi nyo po ba pwedeng isaalang alang ang maayos na serbisyo ko?"

Umiiyak na sagot ni Ms. Nancy.

"Tama ka, maayos nga ang trabaho mo at aminado akong napakagaling mo sa trabaho mo pero, tama ba na dito mo dalhin ang problema ng pamilya mo sa pamangkin mo, hindi naman ito institution ng mga rebeldeng bata? Plus isama mo pa ang kawalang pusong ginawa ninyong panloloko sa mga taong yan!"

Nakakunot ang noong sabi ni Kate.

Napahiya si Ms. Nancy, hindi sya makaimik.

"Eh BigBoss pwede bang magsalita?"

Singit ni Dr. Santy na nagtaas pa ng kamay.

"Ano yun?"

Pinagbigyan na ni Kate na magsalita ito para matigil na.

"Well, una sa lahat humihingi ako ng tawad sa kapabayaan namin ni Dr. Alonso, ginawa ko lang naman yun dahil sa utos ni Dr. Gonzales ..."

"Alam ko na yun. May sasabihin ka pa ba?"

Singit ni Kate para tumigil na ito sa mahabang paliguy ligoy.

"Eh, kasi, pwede bang humingi ng isa pang chance? First offense ko pa lang naman ito kaya sana iconsider mo! Hehe!"

"Hindi!"

Mariing sagot ni Kate

"Hindi? Pwede bang malaman kung bakit?"

"Una sa lahat dahil nabibili ang loyalty mo.

Ikalawa kasi malaki na ang ulo mo! IDS Hospital is not about you! You, You and specially You! Wala akong pakialam kung gaano kayo kagaling o katalino, ang important dito ay ang mga pasyente. Period!"

The best nga kayo kung ituring malaki naman ang ulo nyo at walang pusong mga duktor, what's the use?

Hindi kailangan ng ospital ang mga katulad nyong walang kwenta! Ang gusto ko yung maasahan at may kusa. Yung inuuna ang pasyente kesa sa mga posisyon at wala kayo nun?"

Deretsahang sabi ni Kate.

Natahimik na lang si Dr. Santy ayaw nyang humirit pa.

Muli nyang hinarap ang karamihan.

"Listen everyone! Lahat kayo, maliban kay Nitz ay tatanggap ng tiglilimang milyong piso mula kila Ms. Nancy at Dr. Gonzales.

Sisiguraduhin kong mapapasainyo ito agad agad bago ko ilabas ng isla itong dalawa at ibigay sa NBI!

"Ang nasa unang grupo ay bibigyan ko ng konsiderasyon dahil sa maganda nilang ipinakita sa serbisyo. Bibigyan ko kayo ng pagkakataon na makapagapply at pag naka pasa kayo ay muli kayong makakapasok sa IDS Hospital!

Ang nasa ikatlong grupo naman ay uuwi na matapos maibigay ang pera maliban kay Nitz na uuwi na agad ng isla ngayon dahil alam ko naman atat na atat na syang umalis sa islang ito!"

Nangiti si Nitz. Hindi makapaniwala!

Simula ng dumating sya dito, pakiramdam nya nakabilanggo sya, kaya walang mapag sidlan ang saya nya. Napahalakhak ito ng malakas.

"Yes! Yes! FINALLY! Hahahaha!"

Tumakbo na ito palabas para magimpake.

"Kayo namang nasa ikalawang grupo ay pinagiisipan ko pa kung ano ang gagawin ko sa inyo. In the meantime manatili muna kayo sa isla hangga't hindi pa kayo nababayaran."

Halo halo ang emosyon ng lahat.

"Dr. Alonso at Dr. Santy, hindi na ako maghahain ng reklamo sa inyo, pero hindi ko na kayo pwedeng ibalik sa pwesto."

Agad na tumayo si Dr. Alonso.

"Naintindihan ko. Nagpapasalamat ako sa ibinigay na pagkakataon sa akin ni Doña Isabel na makapagtrabaho dito at muli, humihingi ako ng tawad.

Bilang paghingi ng tawad, hindi ko na kukunin ang huling sweldo ko at lilisanin ko na rin ang islang ito. Muli maraming salamat at paalam!"

Buong pakumbabang sabi ni Dr. Alonso.

At humakbang na ito palabas ng silid.

Malungkot syang pinagmasdan ni Kate, magaling na duktor si Dr. Alonso madali lang maimpluwensahan ng mga tao sa paligid.

Pero hindi nya pinagsisihan ang desisyon nya.

Kung nagawa ni Dr. Alonso ito minsan may posibilidad na gawin nya ulit kaya ngayon pa lang kailangan na nyang putulin ano mang kaugnayan ng IDS Hospital dito.

Loyalty is important

Ito ang madalas ibilin sa kanya ni Don Miguel.

avataravatar
Next chapter