56 Kailangan Maging Mas Madrama

"General Jaime Santiago, andito ka lang pala pinahirapan mo pa ako!"

Napatigil si Jaime sa ginagawang nyang pag dedecor, pati sa kanyang iniisip ng marinig ang boses ng dumating.

Sumeryoso ito at sumaludo sa dumating.

"General Malvar, Sir!"

Sya si General Malvar, ang Chairman of the Joint Chiefs. Ito ang posisyon ni Gene bago sya mag retiro at sya ang boss ni Jaime.

"At ease soldier. Narito ako para makipagusap sa'yo bilang kaibigan hindi boss mo. Maupo tayo Jaime."

Agad namang sumunod si Jaime, naupo ito sa tapat ni General Malvar.

Malaki ang pag galang ni Jaime sa boss nyang ito dahil isa ito sa mga lihim na tumutulong sa kanya.

Isa kasi si General Malvar na naging loyal kay Gene na magpahanggang ngayon malaki pa rin ang respeto sa kanya.

"Sir, General, bakit nyo po ako hinahanap?"

Tanong ni Jaime.

"Nabalitaan ko kasi ang mga nangyari, sa'yo, sa anak mo, pati na rin kay General Gene. Kamusta na nga pala ang Papa mo?"

"Recovering na po Sir, General! Nagkamalay na po sya!"

"Hahaha! Si General Gene, magpahanggang ngayon malakas pa rin!"

Natatawang sabi nito. Maya maya sumeryoso si General Malvar.

"May nakapagsabi sa akin na pinahahanap ka raw ni General Pasahuay."

"Po? Bakit po?"

Nagulat si Jaime.

"Hindi mo alam na pinapahanap ka nya? Nagpalabas sya ng order na ibalik ka sa kampo as soon as possible!"

Ito ang dahilan kaya hinanap nya agad si Jaime para malaman kung anong nangyayari pero mukhang si Jaime ay hindi rin alam ang dahilan.

"Sir pasensya na po pero kararating ko lang mula sa byahe. Naka vacation leave po kasi ako ngayon dahil nagpapagaling po ako. Nasa Singapore po kami ng asawa ko ng makatanggap ako ng tawag mula kay Major General Cinco na pinagrereport daw po ako agad sa kampo, pero hindi naman nagbigay ng dahilan."

Paliwanag ni Jaime.

"Marahil ito ang dahilan kaya kayo napilitang umuwi agad. Grabe talaga yang si General Pasahuay!"

Sambit ni General Malvar.

Hindi na sumagot si Jaime pero may katotohanan naman kaya sila umuwi dahil sa may utos na mag report sya sa kampo pero isa rin si Khim sa dahilan. Saka, sa makalawa pa dapat sila uuwi hindi ngayon at wala syang planong magreport kay Gen. Pasahuay.

"Sir, General, bukas ko pa po planong mag tungo sa office nyo para magreport. May date po kasi kami ng asawa ko ngayon, gusto ko po kasing makabawi sa mga pagkukulang ko sa kanya."

Pagtatapat ni Jaime.

"Kaya pala abot sa tenga ang ngiti mo kanina habang nagdedecorate ka. At may talent ka pala sa pag dedecorate hah! Talagang gusto mong maimpress ang asawa mo!"

"Eh kasi po Sir, since may plan akong mag report bukas, naisipan na rin po ng asawa ko na magtungo sa anak kong si Khim. Matindi po ang naging trauma ng bata, kaya dinala po sya ng asawa ko sa isang lugar para dun magpagaling. Kaya naisipan ko pong yayain syang magdate dahil hindi ko po alam kung kelan po kami magkikita ulit."

Nangiti si General Malvar sa sinabi ni Jaime.

"So the fact na ipinahahanap ka ni General Pasahuay, ibig sabihin alam na nyang nasa Pilipinas ka na."

Sabi ni General Malvar.

"Mukha nga pong ganun Sir, General at mukhang si Major General Cinco ang nagsabi sa kanya. Sya lang naman ang pinagsabihan ko."

Dismayadong sabi ni Jaime.

'Kawawa naman itong si Jaime, sa tinagal tagal nya sa serbisyo, wala syang tauhan na naging loyal sa kanya!'

"Teka Jaime, sabi mo kanina bukas ka pupunta sa office ko para magrereport sa akin, bakit?"

Tanong ni General Malvar ng maalala ito.

Naisip nyang marahil may kailangan si Jaime sa kanya.

"Gusto ko pong ibigay ito Sir, General!"

Retirement form

Gulat na napatingin si General Malvar kay Jaime.

"Dahil ba ito sa kaso ng mga sindikato kaya naisipan mong magretiro?"

"Hindi po Sir, General! Nasa retirement age na po ako kaya gusto ko na pong mag pahinga para naman po mabigyan ko na ng atensyon ang asawa ko at mga anak!"

"Hindi ba pwedeng ipagpaliban mo muna kahit isang taon?"

Kita ang panghihinayang ni General Malvar kay Jaime. Mag reretiro na sya sa susunod na taon at sya ang napipisil nyang humalili sa kanya.

"Pasensya na po Sir, General pero naipagpaliban ko na po ito minsan ayoko na pong ipagpaliban pa ulit. Kailangan po ako ng pamiya ko kaya sana payagan nyo na ako."

Pakiusap ni Jaime.

Pagkatapos na malagay sa kapahamakan ang anak nyang si Khim, nawalan na ito ng ganang magtrabaho.

"Naintindihan ko Jaime, huwag ka ng magalala, kung gusto mo time off gawin mo! Hindi mo kailangan mag report kay Gen. Pasahuay hindi sya ang superior mo! Ako na ang bahalang mag proseso ng retirement mo at kung may kailangan ka don't hesitate to ask."

"Thank you, General, Sir!"

*****

Samantala sa Sinag Island.

Hinabol ni Security Head Elly si Kate.

"BigBoss, ako po ang higit na nagkamali. Malaki ang naging pagkukulang ko sa kanila kaya hindi ako karapat dapat sa posisyon kong ito! Hinihiling kong sisantehin nyo na rin po ako kasama nila."

Buong panlulumong sabi ni Security Head Elly.

"Security head, pwede ba huwag ka ngang magdrama dyan! Hindi ko kailangan ang drama mo ngayon! Ang kailangan kong gawin ngayon ay makabalik agad ng IDS Hospital para mahuli si Dr. Bien bago ito makagawa na ikasisira ng Sinag Island!"

Inis na sabi ni Kate.

"Paumanhin BigBoss hindi ko lang matanggap na napaka wala kong kwenta at dahil sa akin kaya nangyari ito. Kaya kung ayaw nyo akong sisantehin magreresign na lang po ako!"

Buong pagsisising sabi ni Security Head Elly.

Napipikon na si Kate sa kadramahan ni Security Head Elly.

"Security Head, kung talagang nagsisisi ka bakit mo iiwan ang posisyon mo? Bakit gusto mo akong pahirapan ng ganito? Ano bang naging kasalanan ko sa'yo, sa inyo para ganituhin nyo ako? Alam mong mas kailangan kita ngayon pero imbis na tulungan mo akong lutasin ang problema na kagagawan ng mga tao mo, iiwan mo ako sa ere para isolve ito? Nasaan ang konsenya mo?!"

Singhal ni Kate kay Security Head Elly na ikinabigla nito.

"Kuya tara na! Kailangan na natin umalis!"

At tumalima naman agad si James. Pinaandar nito ang sasakyan at iniwang nakatanga si Security Head Elly.

"Ang galing mo ah!"

Sabi ni James ng malayo na sila.

"Kung minsan kailangan lang talagang mas maging madrama ka sa kanila para maintindihan nilang nakakainis na sila!"

Sagot ni Kate.

avataravatar
Next chapter