53 Fake?

Hindi maintindihan ni Major General Cinco kung bakit ganito si General Pasahuay kay General Jaime, pareho naman silang general. Bakit kung umasta sya parang mas mababa ang ranggo ni general Jaime sa kanya?

"Nasan na ba kasi si General Jaime at bakit wala pa dito? Ang sabi nya ngayon ang uwi nya pero bakit wala pa sya?"

Dahil wala mapagkukunang impormasyon si Major General Cinco gawa ng nakapatay ang phone ni Jaime, nagtungo sya sa bahay nito sa kampo kung saan naroon si Divina at si Diane, nagbabakasakali.

"Major General Cinco, hindi ko po alam kung kelan ang balik ni General Jaime."

Sagot ni Divina ng hanapin sa kanya si Jaime.

Nagtataka sya dahil nasa bakasyon pa ang henerel kaya bakit nila hinahanap? Alam naman nilang malubha ang natamong sugat nito at nagpapagaling pa ito.

"Pasensya na Divina, nagigipit lang ako. Pinapahanap nila si General pero hindi naman nito sinasagot ang phone. Hindi ko tuloy alam kung nakauwi na ba sya ng Pinas o hindi pa."

Paliwanag ni Major General Cinco.

"Baka naman ayaw paistorbo dahil may importante silang ginagawa ng misis nya."

Sagot ni Divina.

Walang nagawa si Major General Cinco kundi ang umalis na lang.

"Sige, salamat na lang Divina. Susubukan kong magtungo sa bahay nila sa San Miguel baka sakaling andun na sila."

Pero wala si Jaime sa bahay nila sa Little Manor, dahil abala ito sa magiging date nila ng asawang si Nadine.

Ang tagal na panahon ng huli silang magdate ng asawa nya at aminado si Jaime na sya ang nagkulang.

'Ngayon babawi ako!'

'Kung kinakailangan mag date kami linggo lingo, gagawin ko mapasaya ko lang muli ang asawa ko!'

Sya ang pumili ng lugar, sa isang rooftop ng isang hotel. Ayaw nya ng crowded, gusto nyang masolo ang asawa nya.

'Para sa akin lang ang mga paningin nya buong gabi! Yeeeheey!'

Dito mismo sya sa hotel dumiretso ng maghiwalay sila ni Nadine kanina sa airport dahil ayaw din naman ni Nadine na magpahatid.

Personal nyang inasikaso sng lahat at excited na sya.

"Walang makakapigil sa date namin ng misis ko kahit pa yang si General Pasahuay!"

Samantalang si Nadine ay umuwi naman ng San Miguel para ihanda ang ilang gamit ni Khim na binilin nito sa ina.

Mamya susuduin sya dito sa San Miguel ni Jaime para sa date nila.

"Uy, si Ate ngingiti ngiti!"

Bati ni Nicole sa kapatid.

"Cole, anong ginagawa mo dito?"

"Sumasalubong sa'yo!"

Sabay itinaas ang palad nya at inilapit sa Ate Nadine nya.

"At ano naman yan?"

Nakataas ang kilay na tanong ni Nadine.

"Nanghihingi ako ng pasalubong! Asan na ang pasalubong ko?"

Pangungulit ni Nicole sa Ate nya.

"Anong pasalubong ka dyan? Hindi naman kami nagpunta ng Singapore para mamasyal!"

"Wala ka talagang pasalubong sa akin, ako na paborito mong kapatid?"

"Wala! At hindi kita paborito! Wala akong choice dahil ikaw lang ang nagiisa kong kapatid!"

Pangiinis ni Nadine.

"Naman! Kahit ref magnet, wala?"

"Puno na ng refmagnet ang ref mo, wala ka ng paglalagyan!"

"Edi bibili ako ng bagong ref!"

"Tumigil ka na nga Nicole, huwag mo akong istorbohin at busy ako!"

"Busy ka dyan eh bakit nahuli kitang nakatingin sa kawalan tapos ngingiti ngiti?"

"Natatawa kasi ako kay Jaime."

"Natatawa ka kay Kuya Jaime? Well that's new. Malapit na bang magunaw ang mundo?"

"Sira! Hambalusin kita ng dyan eh!"

"Eh, bakit ka nga natatawa kay Kuya Jaime? Chika ka naman dyan Ate, huwag mong daanin sa kunwari pagalit galit mo, hindi mo ako madadaan dyan!"

"Kasi, bukas pupunta na ako ng Sinag, kailangan na ako ni Khim, araw araw na akong hinahanap. Tapos si Jaime hindi pa tapos ang bakasyon nya pinapatawag na sa kampo kaya ayun, naawa ako sa mokong na asawa ko at hiniling kong huwag muna sya magreport sa kampo tapos ay inaya ko syang mag dinner."

"Inaya mong magdinner si Kuya Jaime? Ate hindi ka ba nilalagnat?"

"Ang gusto ko lang naman ay magkasama kami today dahil bukas pupunta na akong Sinag. Ang plano ko ay lutuan sya ng dinner dito sa bahay pero .... inisip nya na date yun, kaya hayun ang mokong nasa hotel piniprepare ang dinner date namin!"

"That's good! Bati na kayo ni Kuya Jaime! I'm happy for you at nakakangiti ka na ulit! Ano ba yang ginagawa mo?"

"Mga ilang gamit ni Khim na ibinilin nya sa akin. Bukas na ang balik ko sa Sinag."

Gusto mo ng help?"

"Actually .... yes! Nicole pwede bang sa'yo ko iwan ang negosyo natin?"

"Ayoko nga! Sa'yo ibinigay yan ng Papa diba?"

"Pero Nicole there's a lot in plate right now. Si Khim nagka trauma si Jaime nadisgrasya. Si Kate at Jaime hindi pa naguusap, wala na akong time sa para pagtuutunan ng pansin ang negosyo ng pamilya!"

"Bakit hindi mo na lang ibalik sa Papa ang business?"

Suggestion ni Nicole.

"Sira ka talaga pagtatrabahuin mo pa ang Papa eh busy yun sa kakulitan ng Mama!"

Pero Ate!"

"Please Nicole, ikaw lang ang pwede kong lapitan at maasahan. Saka hindi ko naman totally ibibigay sayo ang pagmamanage kung ayaw mo, I just need someone na pupunta sa office para aware tayo sa mga nangyari duon."

Napabuntung hininga si Nicole.

'Bakit kasi nagtanong pa ako!'

Pero wala syang magagawa kungdi ang pagbigyan ang Ate Nadine nya.

"Mam Nadine may tawag po mula sa guard sa gate, may naghahanap daw po kay Sir Jaime."

Sabi ng kasambahay nila.

"Sabihin mo wala dito ang Sir mo!"

"Sinabi ko na po pero nangungulit, gusto po kayong makausap!"

"Sino ba yan at napaka demanding?"

"Major General Cinco daw po!"

Napataas ang kilay ni Nadine.

Hindi nilabas ni Nadine si Major General Cinco kinausap nya lang ito sa screen.

"Major General Cinco, kung hinahanap mo si Jaime wala sya dito!"

Inis na sabi ni Nadine.

"Pasensya na po Mam may utos po kasi na kailangan kong ibalik si General Jaime sa kampo!"

Katwiran ni Major General Cinco.

"Ang problema sa'yo Major General Cinco, ang dami mong sinusunod. Eh, sa pagkakaalam ko si Jaime ang superior mo. Wala ka ba man lang sense of loyalty sa asawa ko?"

Natahimik si Major General Cinco, tila napahiya.

*****

Sinag Island.

Nakita ni Kate ang kwintas na ibinigay sa kanya ni Don Miguel sa side drawer nito.

'Siguro nakita ito ni HubbyLabs at inilagay dito.'

"Kuya James, let's go! Nakita ko na ang hinahanap ko!"

"Mabuti naman! Sa susunod pakaingatan mo na yan! Isipin mo na lang kung anong pwedeng mangyari pag napasakamay yan ng iba!"

"Oona iingatan na po! Pwede ba huwag mo na akong sermonan, tara na!"

"Teka! Bago tayo umalis may sasabihin muna ako."

Sabi ni James

"Ano yun Kuya?"

"Hindi kasi pwedeng basta basta magingay sa Secret. Kaya kung gusto mong magtanong, keep it first at saka mo na lang itanong pag dating natin sa discussion room."

Mas lalo tuloy na excite si Kate.

Pagdating nila ng paanan ng bundok, pinahinto sila ng isang security. Isa ito sa nagbabantay sa gate papuntang Secret.

Ipinakita ni Kate ang kwintas sa kanya pero hindi sila pinapasok ng nagbabantay.

Kita ang pagdududa sa mga mata ng security.

Nagkatinginan sila ni James.

'Bakit kaya? Sabi ni Lolo Miggy ipakita ko lang daw ito, pero bakit sya makatingin?'

'Hindi kaya .....

... fake yung kwintas?"

avataravatar
Next chapter