117 Ang Tigreng Si Kate

"Good morning po Sir Mel!"

Bati ng waiter na unang nakakita sa kanya. Kilala na nila kung sino ito kaya buong galang na bumati.

"Mike, pakisabi nga kay Raymond na gusto ko syang makausap, sa office! Salamat!"

At iniwan na nito ang waiter para magtungo sa opisina nya.

Hindi nya alam na may nakaambang panganib pala na daratnan sya sa opisina.

Mabuti na lang matalas na ang pakiramdam ni Mel.

'Huh? Bakit hindi naka lock ito?'

Unti unti nyang binuksan ng kaunti ang pinto ng silid at saka nakiramdam.

Samantala, agad namang umakyat si Raymond ng malaman nyang narito na si Mel at gusto syang makausap.

Babatiin na sana nya ito ng matanaw pero sinenyasan sya nito na huwag maingay kaya dahan dahan syang lumapit.

Tapos, saka sya sinenyasan ulit ni Mel na pumasok sa silid.

Nagtataka man, sumunod naman si Raymond.

At yun nga pagpasok nya, biglang may dumamba kay Raymond.

Si Lara.

Pagdamba nya kay Raymond ay agad sya nitong inakap at pinaghahalikan.

"Ay! Ay! Ano ba Lara? Nakakadiri ka! Eewww! Eeeeeeewwwww!"

Pero hindi tumigil si Lara, nakapikit ito at patuloy na pinupupog ng halik si Raymond.

"Sir Mel, Sir Mel... helpppp!"

Saka lang pumasok si Mel.

Biglang napatigil si Lara sa ginagawa ng marealize nito na si Raymond pala ang hinahalikan nya.

Kaya nakatyempo si Raymond para lumayo.

"Ano ba Lara? Nasasapian ka na ba? Bakit mo ko pinaghahalikan? Nakakadiri ka!"

Sabay punas sa mukha nya at lumapit sa tabi ni Mel.

Pero hindi na nakasagot si Lara na parang nalilito.

'Anong nangyari, bakit itong si Raymond ang pumasok at hindi si Sir Mel? Sya lang naman ang natanaw kong dumarating bago ko isinara ang pinto?'

Nagtataka syang tiningnan si Mel.

Maya maya...

"Sir Mel, bakit nyo po ginawa sa akin 'to?"

Sigaw ni Lara.

"UH?!"

Napataas ang kilay ni Mel at ni Raymond.

"Tama ka may sapi nga sya!"

Bulong ni Mel kay Raymond na hindi pinapansin ang pinaggagawa ni Lara kahit na ng mga oras na iyon ay pinagpupunit nito ang damit nya.

"Ay, trulili nga Sir, Mel! Gusto nyo bang tumawag na ko sa mental?"

"Oo at baka mangagat yan!"

"Anong nangyayari dito?"

Sigaw ni sarhento na biglang pumasok sa silid.

"Wow, on cue si Sarg. ang galing!"

Sarkastikong sabi ni Raymond na pumalakpak pa.

"Sinong may gawa sa'yo nito Lara? Sinong umabuso sa'yo?"

Tanong ni Sarhento ng makita ang inaanak nya na umiiyak at punit punit ang damit.

"Kasi ...Sir Mel... Sir Mel ... huhuhu!"

Iyon lang ang salitang ibinulalas ni Lara.

Para itong nagmamakaawa kay Mel.

Hindi man nya direktang sinabing si Mel pero parang ganun din ang dating.

"Ay ang drama, pang famas!"

Pumalakpak ng malakas si Raymond.

Pero nagulat sila ng biglang posasan ni Sarhento si Mel.

"Teka Sarg. bakit mo ako pinoposasan?"

Tanong ni Mel na nagtataka kung nagiisip ba itong pulis na ito?

"Dahil sasama ka sa akin sa ayaw mo at sa gusto!"

"Bakit? Sa anong kaso?"

"Saan pa, sa pangaabuso mo sa inaanak ko! Nakakadalawa ka na ha! Pinagbigyan na kita ng una dahil sa pakiusap ni Lara sa akin pero ngayon, hindi na!"

Magsasalita na sana si Raymond para ikorek si Sarhento sa paratang nya kay Mel pero biglang patakbong nilapitan ni Lara si Mel at hinawi si Raymond sa tabi nito.

"Ninong, huwag po! Huwag nyo po syang ipakulong mahal ko po si Mel, nagmamahalan po kami! Huhuhu!"

"HA?!"

"Oy, Lara, kilala mo ba ang jowa nyan, si Ms. Kate! Eto oh, titigan mo!"

Kinuha ni Raymond ang picture ni Kate at ibinalandra sa mukha ni Lara.

"Tingnan mo naman ang mala diyosang ganda nyan, wala ka sa kalingkingan nyan! Kaya anong pinagsasabi mo dyan? Hmp! Ambisyosang hitad!"

"Miss, pwede bang bitawan mo ako? Nahihirapan na nga ako sa pagbalanse ng katawan ko dumadagdag ka pa sa bigat!"

Sabi ni Mel kay Lara

"Mel mahal, sorry! Nahihirapan ka ba? Tulungan ba kita!"

"Mahal?!"

Gulat na napatingin ang lahat sa bagong dating na nasa pintuan.

Isang babaeng buntis na may hawak na kape sa tigisang kamay. Ang isa ay iniinom nya at ang isa ay nakaakap sa dibdib nya. Buntis ito.

May kasunod itong isang mala adonis na lalaki. Lalo itong gumwapo ng magpagupit at magahit.

"Oh my gosh! Nabuhay ang patay!"

Bulalas ni Raymond.

"Anong MAHAL ang pinagsasabi mo dyan?!"

Nagpupuyos sa galit ang mukha ni Kate ng makita na nakawak ito sa braso ni Mel kahit na pilit na pinapawi ni Mel ang mga kamay nito.

Sabay bigay ni Kate ng kapeng hawak nya, isa kay Ethan at ang isa kay Raymond tapos ay dinakma ang leeg ni Lara at binalibag sa pader at saka nya inangat gamit ang isang kamay nya lang.

Napatanga ang lahat sa bilis ng aksyon ni Kate.

Kahit na sa laki ng tyan nito nagawa pa rin nya iyon ng ganung kabilis at ni isa sa kanila, walang nagawa kundi panoorin sya simula ng sakmalin nya ang leeg ni Lara tapos ay ibalibag sa pader at saka inangat.

Kita sa mukha ni Kate ang tapang at wala itong kinakatakutan.

Mukha syang tigre na handa ng pumatay.

"Sino kang basura ka at anong karapatan mong tawaging MAHAL si Melabs ko?!"

Dumadagundong ang tinig ni Kate na nagpakilabot sa kanila lalo na kay Lara na nakabitin ngayon, sakal sakal ni Kate at nagkukulay ube na.

"Tu...Tu...long! ... ekk.. ekk!"

Pilit nitong ibinulalas.

Si Mel ang unang nahimasmasan ng mapansin ang itsura ni Lara.

Agad nitong nilapitan si Kate at hinawakan ang braso nito.

Tila kuryenteng dumaloy sa katauhan ni Kate ang hawak na iyon ni Mel na nagpagising sa kanya.

"Kate MyLabs! Tama na! Gaya ng sabi mo, basura sya, kaya huwag mo ng pagaksayan ng oras ang mga ganyang basurang. Tama na, please!"

Unti unti namang nahimasmasan si Kate sa ginawa ni Mel. Para itong anghel sa tinig nya, napapakalma ang puso nya.

Binitiwan nya si Lara at pabagsak itong napaupo, binabawi ang hininga at nanginginig sa takot.

"Oh, buti nga sa'yo! Ambisyosang hitad ka kasi! Hmp!"

avataravatar
Next chapter