59 Anak?

Pagkahintong pagkahinto ng sasakyan ni James, sabay na lumabas ang magkapatid at patakbong nagtungo sa magkahiwalay na direksyon.

Si Kate ay nagtungo sa Security Office ng IDS Hospital at duon nya nalaman na naroon si HubbyLabs nya sa loob ng silid kung saan naka detain si Dr. Bien.

"Anong ginagawa ng asawa ko sa loob?"

Singhal ni Kate kay Uno ang Security Head ng IDS Hospital.

Maraming Security Head ang Sinag Island bawat faction ay meron, kaya ang ginawa ni Kate ay nilagyan nya ng numero ang bawat isa para hindi sya malito.

At ang kausap nya ngayon ay ang Security Head number 1. Uno for short.

"Si Chief po kasi ang mapilit Boss! Nung sabihin namin sa kanya na wala yung usb sa mga gamit ni Dr. Bien na kinumpiska namin, nagdesisyon syang kausapin ito!"

Paliwanag ni Uno.

Hindi nya maintindihan kung bakit natataranta sya kay Kate pero ramdam nya ang galit nito. Parang papatay ng tao pagnagkamali ng sagot sa kanya.

"Kung ganun, bakit hindi ninyo pinigilan?"

Umuusok ang ilong na tanong ni Kate.

"Kasi Boss, sabi ni Chief, naawa na daw sya kay Dr. Bien ng makita nitong naka karsonsilyo lang, kaya nagpresinta syang magdala ng pagkain at maisusuot ni Dr. Bien!"

Sagot ni Uno ang Security Head ng IDS Hospital.

Nanggigil na sa galit si Kate pero kilala nya ang asawa nya, ganito talaga ito kabait.

"Palabasin nyo na sya ngayon din!"

Utos ni Kate kay Uno at dagli naman nitong sinunod.

"Sir Melok kailangan nyo na pong lumabas!"

Hindi nya tinawag na Chief ito sa utos ni Kate.

Ayaw ni Kate na malaman ni Dr. Bien na sya ang pumalit sa boss nyang si Gonzales.

Nagtaka naman si Mel ng bigla syang pinalalabas dahil ang usapan nila 30 minutes kaya bakit narito agad ito?

Nagmamakaawa naman ang tingin ni Uno kay Mel.

Naintindihan na ni Mel kung bakit. Tyak na naroon na si Kate kaya dagli itong tumayo para umalis pero, pinigilan sya ni Dr. Bien, gusto pa syang makausap.

Magsasalita na sana si Uno para pigilan ang gusto ni Dr. Bien ng madinig nya ang boses ni Kate mula sa earphone nya.

"Uno, pagbigyan mo, five minutes!"

Utos ni Kate na ikinabigla nito.

Kaya maging si Mel ay nabigla din.

"Seryoso ka, hahayaan mo akong manatili dito?"

Tanong ni Mel pero isinara na ni Uno ang pinto, ayaw na nyang mag explain dahil hindi rin nya maintindihan ang utak ng Boss nya.

"Boss, ano pong dahilan, bakit nyo po .....?"

Nalilitong tanong ni Uno pero hindi nya natapos.

"Huwag kang maingay dyan, manuod ka na lang!"

Sagot ni Kate.

Nasa kabilang silid lang sila at mula duon ay napapanuod at nadidinig nila ang nangyayari sa kabilang silid.

Ito ang dahilan kaya nalaman ng mga security na Melok ang ibinigay ni Mel na pangalan nya kay Dr. Bien.

Mula dito kita nila kung paano diring diring tinatanggihan ni Mel ang usb.

"Chief kunin mo na, please, tapos sabayan mo ng takbo!"

Sabi ng isang security na akala mo nonood lang ng drama sa tv.

"Naman, ipinililit na ni Dr. Bien tinanggihan na naman nya!"

"Buti na lang mapilit itong si Dr. Bien. Kanino kaya yung numerong nakasulat sa papel?"

"Teka, teka, ayan kukunin na!"

"Huwag mong lagyan ng alcohol baka masira ang usb! Chief naman eh, ang kulit!"

"Haaay salamat tinanggap na rin nya kahit papaano!"

"Jusmiyo, ang tissue! Naubos na yung tissue!"

Nangingiti lang si Kate sa naririnig nyang reaction ng mga security na kasama nyang nanonood.

Ganito talaga ang HubbyMelabs nya madaling makapalagayan ng loob.

Dahil sa sobrang pagka inosente nya people usually put down their guards. Tingin kasi nila harmless sya.

Well, harmless naman talaga si Mel at ito ang tunay na strength nya.

Kaya ng makita nyang lumabas ito, masaya nyang sinalubong ng akap ang asawa.

"HubbyLabs!"

Inakap nya ito ng mahigpit.

"Oh, bakit na miss mo ba ko Kate MyWifeyLabs?"

Nagulat na lang si Mel ng salubungin nya ng tingin ang mga tingin ng asawa, pakiramdam nya hinihigop sya ng mga mata nito na punong puno ng pagmamahal at dinala sya sa ibang lugar, sa lugar na sila lang ang naroon at masayang ninanamnam ang bawat isa.

Samantalang napapalunok na lang ang mga security na nasa paligid nila.

"Naman, hindi ba nila napapansin na narito tayo sa paligid?"

Sabi ng isang security.

"Grabe naman sila, nakakainggit!"

"Haaay naku, lumabas na nga tayo at hindi ko na kaya ang nararamdaman ko, na mimiss ko tuloy ang asawa ko!"

At iniwan na nila ang dalawa na masayang pinagsasaluhan ang pagibig nila sa mundong ginawa nila.

*****

Samantala.

Kumaripas naman si James ng takbo papasok ng IDS Hospital hinahanap si Vicky.

Pero hindi nya makita kung nasaan ito.

Inisa isa na nya ang bawat floor pero ni anino ni Vicky, hindi nya makita.

"Nurse, nakita mo ba kung nasaan si Dr. Vicky?"

Tanong ni James sa bawat floor na puntahan nya.

Hanggang mapansin sya ni Belen.

"Iho, bakit ka humahangos dyan?"

"Granny si Vicky po, nakita nyo po ba sya?"

"Si Doktora? Tanungin mo si Khim, baka alam."

"Nasaan po si Khim?"

"Andun, nakikipagkulitan sa Lolo mo! Iniwan ko muna at nakukulitan na ako sa dalawa!"

"Salamat po Granny!"

At hinalikan nito si Belen bago patakbong umalis.

"Ano naman kayang nangyayari dun sa batang yun?"

Nagtatakang tanong ni Belen.

Maging si Gene ay ikinagulat din ang biglaang pag pasok ni James sa silid nya, hindi na ito nakapagsalita.

"Grampy, may itatanong lang po ako kay, Khim!"

"Ano yun Kuya?"

"Khim, si Vicky alam mo ba kung nasaan?"

"Andun sa silid ko, Kuya, bakit?"

"Next time ko na lang ipapaliwanag!"

At kumaripas na ito palabas.

Nagkatinginan na lang ang maglolo.

Pagdating sa dulong silid, agad na pumasok si James, hindi na ito kumatok.

Isa sa VIP room ang silid na ito at dito ang silid ni Khim. Sinasamahan sya ni Vicky dito sa gabi.

Nasa may bintana si Vicky may tinitingnan.

"Vicky, thank God I found you!"

Inakap nyan ng mahigpit ang nakatalikod na si Vicky.

"Anong nangyayari sa'yo bakit bigla, ang clingy mo?"

Tanong ni Vicky na humarap sa kanya.

Paano ba nya ipapaliwanag sa babaeng ito na kaya sya nagkakaganito dahil natakot sya ng madinig nya kanina kay Kate na baka mabura sa mapa ang Sinag Island eh, hindi pa sya nagtatapat ng damdamin dito.

Hindi pa nya nasasabi kay Vicky kung gaano nya kamahal ito.

"Vicky, hindi ko na hahayaan na mawala ka pa sa akin! Hinding ko kakayanin kapag nawala ka sa akin oh, Vicky ko!"

Muli nyang inakap si Vicky and this time nakaharap na ito.

'Vicky ko? Napoposes ba ang taong ito at kung ano anong sinasabi?'

Hindi maintindihan ni Vicky kung bakit nagkakaganito si James.

Eversince nung pre med nila, sya ang nagpapahayag ng damdamin kay James na laging nitong tinatanggihan. Kaya hindi nya maiwasang isipin na pinagtitripan lang sya nito.

"James, naka inom ka ba?"

"Vicky, listen! Mahal kita, mahal na mahal kita! Will you marry me?"

Lumuhod ito hawak ang singsing nya na bigay ng Mommy nya sa kanya nung grumaduate ito.

Nanlaki ang mga mata ni Vicky, hindi makapaniwala.

Pati dila niyo ay umurong sa sobrang shock!

'Totoo ba 'to?'

"Papa?"

"Huh?"

Hindi na nakasagot si Vicky.

Napatingin sya sa pinagmulan ng tinig.

Nagulat din si James ng may madinig syang ibang boses, akala nya silang dalawa lang ni Vicky ang nasa loob ng silid.

"Karlos?"

Hindi inaasahan ni James na makikita nya ang batang ito dito.

Ito ang batang my hydrocephalus na nakita ni Mel na umiiyak.

Simula ng dumating si James galing ng San Miguel, ay hindi pa sila nagkikita ng batang ito kaya.

Marami kasing nangyari, at ilang beses pa syang ipinatawag sa Secret kaya nawalan sya ng oras na hanapin ito.

Pero natitiyak naman nyang nasa ayos ang bata dahil lagi nyang nadidinig na pinaguusapan si Karlos nila Kate at Mel. May plano na nga ang dalawa na ampunin ito at Papa Mel ang tawag ng bata kay Mel.

Agad na tumayo si James sa pagkakalunod, pinuntahan si Karlos na nasa kama at inakap ang bata.

"Karlos!"

"Papa! Papa!"

"Anak!"

Muling nagulat si Vicky.

'Anak?'

avataravatar
Next chapter