webnovel

Access Denied

Sinag Island.

Buong sayang sinalubong ng lahat ang pagdating ni Kate at si Mel.

"Maligayang pagdating BigBoss!"

"Maligayang pagdating Chief Mel!"

Tumigil ang lahat sa kani kani lang ginagawa at lumabas para salubungin ang magasawa.

"Aba naman oh! May pa welcome pa kayo ha! Namiss nyo kami nuh?"

Biro ni Mel sa lahat.

"Syempre naman Chief Mel malungkot pag wala kayo dito eh!"

"Aysus, binola pa nyo ako! Hehe! Pero many many thank you!"

Buong ngiting sabi ni Mel sa kanila.

Natuwa talaga ito sa effort ng lahat para lang salubungin silang magasawa.

Kung si Mel ay tuwang tuwa at sobrang na touch sa pagsalubong ng lahat, si Kate naman ay nagulat at nalilito.

'Kung sya si Chief Mel ibig bang sabihin ako si .... BigBoss?'

"Uy, talagang nag ready sila!"

Nagulat si Mel ng makita na ang lahat ng makita ang napaka habang lamesa na pinagdugtong dugtong nila at puno ng pagkain.

"Chief Mel, hindi po! Biglaan po iyan! inilabas lang namin kung ano ang meron sa amin at dinala dito para pagsaluhan!"

"Wow naman! So thankful ako sa inyo! Naiiyak na ko!"

"Hahaha! Si Chief Mel talaga!"

"Buti pa po, maupo na po kayo ni BigBoss at mukhang napagod kayo sa byahe!"

Maging si Edmund na kasama nila at naghatid sa kanila ay nagulat din sa pagsalubong na ginawa ng mga tao sa magasawa.

'Mukhang naintindihan ko na kung bakit pinili ni Tito Miguel at Nanay Issay itong sila Kate at Mel.'

Nangingiti si Edmund habang pinagmamasdan ang pakikitungo ni Mel sa kanila. Kitang kita nya kung gaano kamahal ng mga taong ito ang mag asawa.

Muling napuno ng tawanan at saya ang buong Sinag Island sa pagdating ng magasawa, kita sa ngiti ng bawat isa. Hindi nila alintana ang mga nangyayari sa labas ng isla.

"Mawalang galang na po BigBoss, Chief Mel, pero may tawag po galing kay Don Miguel, nahingi po ng permiso para makapasok dito. Sagutin nyo raw po!"

"Anong problema, bakit di nyo papasukin? Bakit kailangan mo pang sabihin?"

Nagtatakang tanong ni Mel.

"May bilin kasi sa amin si Don Miguel nung umalis ka Mel, na kahit anong mangyari huwag na huwag namin silang bibigyan ng permiso unless si BigBoss ang magbigay."

Sagot ni Vicky

"Pero bakit? Si Don Miguel yun?"

"Delikado daw po Chief Mel, yun po ang kabilin bilinan nya. Kaya simula po nung umalis kayo hindi na po kami nagpapasok dito at di rin po kami nakakalabas ng isla."

Sagot ng pinaka head ng security na tinatawag ni Kate na Uno.

"Bakit?"

Nagtatakang tanong ni Edmund.

"Nakay BigBoss lang po kasi ang access para makapasok dito at makalabas sa isla."

"Eh, paano mo kami napapasok kung si Kate MyWifeyLabs lang ang may access?"

"Hindi po ako ang nag open si BigBoss kaya po kayo naka pasok."

"Ha?"

Gulat na tanong ni Kate.

'Anong ako? Paanong ako?'

Pero hindi maisatinig ni Kate.

Somewhere in her minds ay nagsasabing magingat sya sa sasabihin nya.

"Can we go somewhere? Need kong makausap si Lolo Miggy."

Sabi na lang ni Kate sa asawang si Mel.

Naintindihan naman ito agad ni Mel kaya tumayo na sila at nagtungo sa security building kasama si Edmund.

***

"Hello Tito Miguel, ano po bang nangyari?"

Tanong ni Edmund kay Don Miguel ng nasa loob na sila ng isang silid kung saan nagsisilbing silid itong opisina ni Kate pag anduon.

"Edmund mabuti at andyan ka! Emergency ito, may sumabog sa school kung saan naroon si Issay at need nya ng medical care kaya sabihin mo kay Kate papasukin kami, malapit na kami!"

"Yes Tito Miguel, ginagawa na po lahat ni Kate para mabigyan po kayo ng access!"

Sabay tingin ni Edmund kay Kate na sa mga oras na iyon ay mukhang naguguluhan habang nasa harap ng computer na may nakalagay na,

ACCESS DENIED

Dahil ang totoo nyan kanina pa nahihirapan si Kate na ma access ang program na ginawa nya at kanina pa sya natataranta dahil kahit anong gawin nya, hindi nya maalala kung ano ang dapat gawin.

At mas lalo syang natataranta ng madinig sa radyo si Don Miguel at ang dahilan nito kung bakit sila napasugod sa Sinag.

Pilit tuloy sumisiksik sa alala nya ang panaginip nya.

'Jusko, ano pong gagawin ko?'

Naiiyak na si Kate hangggang sa ....

"Aaaaaahhh!"

Hindi na nakayanan ni Kate ang pressure kaya napasigaw ito, sumasabay din kasi ang tyan na. Mukhang nabubulabog din ang kambal nya na sa sobrang stress na nararamdaman ng nanay nila.

"WifeyLabs!"

Agad na inakap ni Mel si Kate ng mahigpit

"Shhhh .... tahan na WifeyLabs, kalma ka lang ..... Huminga ka ng malalim....."

"Natatakot kasi ako Melabs, natatakot ako! Wala akong maalala! Huhuhu! Paano kung ito ang ibig sabihin ng panaginip ko? Na ako ang magiging dahilan ng pagkamatay ni Nanay Issay? Huhuhu!"

"Kate may paraan pa! Kumalma ka lang! Makakaisip tayo ng paraan!"

"Ninong huhuhu! Natatakot po ako!"

"Tama si Tito Ninong Pogi WifeyLabs may paraan pa kaya please kumalma ka lang! Andito lang kami, tutulungan ka namin na isolve ito, okey ... kaya tahan na please!"

Nahimasmasan naman ng konti si Kate dahil marahil sa narito sya sa tabi ng asawa at akap akap nya.

"Teka sandali, paano mo nga pala na access ang Sinag Island kanina? Paano tayo nakapasok ng ganun kadali? Anong ginawa mo? Naalala mo ba?"

Naka close ang shield ng Sinag kaya mahirap itong makita, nawawala ito na parang bula dahil sa shield na iyon na ginawa ni Kate, pero kanina ay hindi naman sila nagka problema.

"Ano nga bang ginawa mo kanina, WifeyLabs?"

Pilit na inalala ni Kate ang ginawa nya at kung paano nya ito ginawa.

"Ewan ko! Ewan ko! Huhuhu!"

Nagpapanic na talaga si Kate.

Kita ni Mel at Edmund ang takot kay Kate, nanginginig pa ito sa sobrang takot.

Inakap ng mahigpit na mahigpit ni Mel si Kate at hindi nya ito binitiwan, pilit na pinakakalma ang mahal na asawa.

Natutuwa si Kate at narito si Mel, kumakalma sya ng kaunti. Pero paano ba sya kakalma kung patuloy na nagrereplay sa isip nya ang panaginip nya?

At si Edmund .... hindi na rin alam ang gagawin. Nasa delikadong kalagayan si Issay at si Kate ang susi para makapasok sila ng Sinag.

Pero paano nya mapipilit si Kate kung batid nyang hindi pa lubos magaling ang memorya nito?

'Jusko, wala sanang may mangyaring masama kay Nanay Issay dahil pag may nangyaring hindi maganda .... baka hindi makayan ni Kate!'

Next chapter