1 The Beginning of The Curse

Sa gitna Ng gubat may roong nakatirang mag Asawa

Ang babae ay si Freya si Freya ay may napakagandang Boses at napakahaba at napaka lambot na buhok.

at Ang lalaki Naman ay si kelan si kelan Naman ay isang matipunong lalaki na unang umibig sa isang mangkukulam.

isang umaga nag pasya Ang mag Asawa na bumili na kaninalang makakain sa bayan dahil naubos na Ang kanilang na imbak na pag kain.

at habang nasa bayan sila Nakita nila Ang dating kasintahan ni kelan na isang mangkukulam si huvila.

si huvila ay isang napakagandang babae ngunit meron itong itinatagong sikreto dahil si huvila ay isang mangkukulam agad itong nalaman ni kelan kaya Hindi nag tagal ay hiniwalayan Niya agad Ito na siya namang ikinagalit ni huvila.

Nakita ni huvila si Freya at si kelan na mag kasama lalong sumiklab Ang galit ni huvila kaya nais Niyang kumuha ng kapirasong buhok ni Freya upang gamitin iyon sa pang kukulam ngunit Hindi hinayaan ni kelan na makakuha si huvila Ng kahit isang buhok nito kaya Ang buhok nlng ni kelan Ang kanyang kinuha.

at pag dating ni huvila sa kanyang tahanan agad Niyang kinuha Ang kanyang mga gamit at nag simula na sa kanyang orasyon.

isang Gabi sa tahanan nang mag asawang Freya at kelan isang napakalakas na hangin Ang humampas sakanilang pintuan na siyang dahilan Kung bakit Ito bumukas at Hindi kalayuan naaaninag nila Ang isang napaka laking nilalang na nababalutan Ng ugat Ng puno. agad isinarado ni kelan Ang pinto at pinapasok si Freya sa kanilang silid.

habang palapit Ng palapit Ang nilalang ay palakas Ng palakas Naman Ang hangin hanggat Hindi na kinaya Ng pinto sa sobrang lakas at tumilapon ito. Wala nang nagawa si kelan kundi tumakbo sa kanilang silid ngunit nung aakma ng tatakbo si kelan ay Hindi Niya maigalaw Ang kanyang mga paa dahil may nakapulupot ditong mga ugat.

napasigaw na lamang sa takot si kelan dahil pag lingon Niya ay nasaharapan Niya na Ang napakalaking nilalang na siya namang narinig ni Freya kaya agad itong lumabas sa kanilang silid ngunit ng lumabas Ito ay Wala na Ang kanyang asawa at Ang napakalaking nilalang.

lumabas Ito para hanapin Ang kanyang asawa ngunit kahit anino Ng kanyang asawa ay Hindi Niya Nakita. sumikat na Ang araw ay ngunit Hindi parin siya tumitigil sa pag hahanap hanggang Nakita Niya Ang isang napakalaking puno napaka laki nito halos doble ang laki sa mga normal na puno nakita niya roon Ang kanyang asawa na nakasabit at Wala ng kanyang puso humandusay na lamang si Freya dahil sa kanyang mga nakita.

Iniuwi ni Freya Ang bangkay ni kelan at binalutan Ito Ng kumot hindi parin makapaniwala si Freya na Wala na Ang kanyang pinaka mamahal na Asawa Isa lamang Ang kanyang pinaghihinalaan na gumawa nito. Ang dating kasintahan nang kanyang asawa na si huvila. agad tinungo ni Freya Ang tahanan ni huvila at Doon ay Nakita Niya Ang malaking nilalang na pumatay sa kanyang asawa hawak nito Ang puso nang kanyang asawa at ibinigay Kay huvila. tumakbo na sa takot si Freya at nag tungo na lamang Ito sa puno Kung San Niya natag puang patay Ang kanyang asawa iyak ng iyak si Freya hanggang may roong dumapo sa puno na napakalaking puting ibon nag salita Ito. wag Kang mag alala Freya meron pang paraan upang mabuhay muli Ang iyong asawa sambit Ng ibon. agad na nabuhayan si Freya at tinanong Kung ano Ang paraan na Yun. kailangan mo mahanap Ang mirror of engkanta bibigyan ka nito ng isang kahilingan iyun Lang and paraan para mabuhay Ang iyong asawa pero may roong Kang mga pag subok na kaylangang lampasan una Ang lawa na may nakatirang bungis ngis Ang bungis ngis ay isang higanteng lalaki na iisa Ang mata at malabo pa. kaya Ito tinawag na bungis ngis ay dahil patatawanin kanito at hanggang tumatawa ka ay Hindi ka Niya padadaanin. Ang pangalawa Ang mahamog na gubat Ang hamog sa gubat na ito ay Hindi normal. sa oras na malanghap mo Ito ay makakaramdam ka Ng antok at Hindi ka na magigising pang muli. at Ang pangatlo Ang bahay Ng puting mangkukulam siya Ang nangangalaga sa salamin. agad itong umuwi at nag tungo sa bangkay Ng kanyang asawa at nangako Ito na gagawin Niya Ang lahat upang mabuhay Lang Ang kanyang asawa.

at nag simula na nga si Freya sa paglalakbay hanggang natuntun Niya na Ang lawang sinasabi Ng puting ibon. napakaganda Ng lawang Ito at meron Ito napakabangong amoy at na roon nga Ang bungis ngis. at agad ay pinatawa nito si freya Hindi tumitigil sa pagtawa si Freya makalipas na Ang isang oras hindi parin tumitigil si Freya dahil sadyang nakakatawa Ang bungis ngis. naalala ni Freya Ang sinambit ng puting ibon na malabo Ang mata Ng bungis ngis kaya may naisip itong paraan para isahan Ang bungis ngis.

gumawa si Freya Ng isang manikin gamit Ang kapirasong damit nito at pinutol Niya Ang kanyang buhok para ilagay sa manikin. inilagay ni Freya Ang manikin sa tapat na lawa pinapatawa Ito Ng bungis ngis ngunit Wala itong naririnig na tawa Hindi tumitigil Ang bungis ngis hanggang Hindi tumatawa Ang manikin. habang abala Ang bungis ngis sa pag papatawa sa manikin Hindi Niya namalayan na nakatawid na pala si Freya. walang kamalay Malay Ang bungis ngis na naisahan na pla siya Ng babae.

patuloy sa pag lalakbay si Freya hanggang natanaw Niya na Ang mahamog na gubat. nag ipon Ito Ng hininga pumasok na sa gubat habang nasa kalagitnaan na Ng gubat si Freya ay aksedente Niyang nalanghap Ang usok dahil Doon nakaramdam Ng antok si Freya ngunit sa oras na makatulog siya ay Hindi na siya magigising pang muli.kaya gamit Ang isang punyal sinugat Niya Ang ibat ibang bahagi Ng kanyang katawan upang Hindi ito makatulog. nakalampas na si Freya sa gubat ngunit nang hihina Ito dahil sa dami Ng sugat sa kanyang katawan unti unti nang nauubos Ang dugo Niya sa katawan kaya kailangan niyang mag madali. di pa nag tatagal tanaw na ni Freya ang bahay Ng puting mangkukulam agad Niya itong kinatok.

Ano Ang kailangan mo tanong Ng puting mangkukulam ang salamin Sinabi sakin Ng puting ibon na nandito Ang mahiwagang salamin na nag bibigay ng kahilingan. agad Naman siya inalalayan Ng mangkukulam para pumasok sa kanyang tahanan. Ngunit may napansin Ang mangkukulam Kay Freya Ng inalalayan Niya to. Kailangan mo hilingin sa salamin na pagalingin ka para maligtas ka at Ang bata sa sinapupunan mo sambit ng puting mang kukulam. nagulat si Freya sa kanyang nalaman Hindi makapag desisyon si Freya Kung ano Ang kanyang hihilingin sa salamin ngunit kailangan niyang mag desisyon agad dahil unti unti na siyang nanghihina at baka mapahak Ang bata sa kayang sinapupunan. labag man sa kanyang loob pero pinagaling Niya Ang kanyang sarili upang maligtas Ang kanyang anak. nang hihinayang si Freya dahil Hindi Niya nabuhay Ang kanyang Asawa ngunit meron namang magandang balita dahil nag bunga Ang pagmamahalan nila Ng kanyang Asawa.

Hindi ligtas na bumalik kapa sa inyong tahanan Lalo ngayun at nag dadalang tao dito kanalang tumira. alok Ng mangkukulam na agad nmang sinang ayunan ni Freya dahil nag aalala Rin Ito sa kanilang kaligtasan.

makalipas ang siyam na buwan ipinanganak ni Freya Ang isang napakagandang sanggol aviona Ang kanyang ipinangalan dito ipinanganak Niya Ito Ng normal. ngunit makalipas ang pitong taon kinagabihan ng ika pitong kaarawan ni aviona ay bigla nalamang nanakit Ang kanyang tiyan at likod at tinubuan Ito Ng napakalaki at maiitim

na pakpak na parang pakpak ng isang paniki. humihiwalay Rin Ang kanyang itaas na katawan agad itong lumipad palabas ng bahay. sumikat Ang araw at bumalik si aviona sa kanyang kalahating katawan. boong akala ni Freya ay tapos na Ang sumpa ni huvila ngunit nag uumpisa palamang ito..

avataravatar