webnovel

Chapter 4

SA TUWINA AY HINDI masyadong maka-pag-focus si Ice sa kanyang ginagawa. Kahit anong pigil niya sa sarili, panay pa rin ang sulyap niya sa gawi ni Bastie.

Noong una ay tumitingin ito ng mga magazines ngunit halata namang hindi ito interasado dahil ang bilis nitong ilipat ang bawat pahina. Sa pangalawang sulyap niya ay sketch pad na niya ang tinititigan nito.

Naiiling na ipinagpatuloy niya ang ginagawa. Bakit ba ito nagti-tiyaga na hintayin siya. Alam naman niya na busy din ito sa negasyo ng pamilya nito.

Bastie's family actually owns a hotel chain. At dahil matalik na magkaibigan ang mga ama nila, magkasosyo ang mga ito sa negosyo. Ngunit major stock holder pa rin ang pamilya ng binata. Alam niyang hindi biro ang responsibilidad na naka-atang sa balikat ng unico hijo ng mga Antinio. Kaya malaking palaisipan sa kanya kung bakit sa mga nakalipas na taon ay pinagtutuunan siya nito ng pansin at pinaglalaanan ng oras.

"He is just following orders."

Iyon lang naman ang maaring maging dahilan kung bakit naka-dikit ito sa kanya na dinaig pa ang glue sa mga nakalipas na taon.

Muli ay di niya maiwasang tumingin sa gawi ng binata. Ngunit sa pagkakataong ito ay nakatingin din ito sa kanya.

He smiled and she frowned.

Pansamantala niyang itinigil ang ginagawa at lumapit rito. "Umuwi kana kaya? 11:00pm na, baka abutin na kami ng madaling araw dito."

Tinapik nito ang sofa na animo sinasabing maupo siya roon. Ngunit imbes na umupo ay nanatili siyang nakatayo sa harapan nito at pinag-krus ang kamay sa may dibdib.

Si Bastie naman ay nag-inat at prenteng sumandal sa sofa na animo'y nasa sariling bahay lang. "I'm okay." At pumikit pa ito!

"You are not listening to me." Naiinis na sinipa niya ang paa nito.

Binuksan nito ang mga mata at tiningnan siya ng nakakaloko. "You are not listening to me either."

Bwiset talaga ang kutong lupa na ito. Lahat ng mga sinasabi niya dito ay lagi nalang ibinabalik sa kanya.

"Go on... tapusin mo na ang dapat mong tapusin." Masuyong wika nito.

For a moment she looked at him intently. Ang lalaking ito, kahit na wala siyang ginawa sa mga nakalipas na taon kung hindi mainis dito, itulak ito palayo, minsan ipahiya ito, madalas iniinis niya ito at mag-tantrums sa harap nito lalo na kapag may topak siya, ngunit nananatili parin ito sa tabi niya. Kahit naman sinasabi niya sa sarili na isa lang siyang obligasyon para sa binata, alam niya na may malasakit pa rin ito sa kanya. Marahil bilang kaibigan.

Jade is her best friend, then Jade is Erie's girl best friend - well noon dahil engaged na ngayon ang dalawa, then Erie is one of Bastie's closest friends kasama sina Jayden and Dean. It's like a chain, or a domino effect, hindi nila namamalayan na may nabubuo na silang pagka-kaibigan.

"You know, I like it when you look at me like that. Well it makes me uncomfortable but at the same time.... pakiramdam ko nahuhulog ka na sa akin."

Sukat sa sinabi nito ay napamulagat siya at naningkit ang mga mata. "E kung ikaw kaya ang i-hulog ko diyan sa sofa?"

"Nah, you won't do that." Tila sigurado na wika nito at nag-dekwatro pa! Akmang susugurin niya ito ng magsalita itong muli. "Remember you are rushing Jade's gown." Biglang tila may umilaw na bombilya sa kanyang isipan.

Oo nga pala! Bakit ba niya sinasayang ang oras sa kutong lupa na ito? Tinalikuran niya ito ngunit nakaka-dalawang hakbang palang yata siya nang muli itong magsalita. "And don't worry about me. I'm okay."

Salubong ang kilay at handang makipag-world war III ang mukha ng humarap siya dito. Kitang kita niya kung paano ngumiwi ang binata, malamang dahil sa itsura niya.

"Sino naman ang nagsabing nag-aalala ako sayo?"

"Ay, hindi ba?" Tudyo nito na napalitan ng ngisi ang ngiwi kanina.

"Hindi"

"Ah akala ko kase——"

"Pwes akala mo lang iyon!" Sikmat niya rito.

"Talaga ba? Weird, kase kanina halos bawat minuto yata ay pa-simple mo akong tinitignan. I was thinking that you are checking on me because you are worried?"

Kung pwede lang siyang lamunin mula sa kinatatayuan niya ngayon ay talagang magpapasalamat siya! Alam niyang namumula siya dahil nag-init ang pisngi niya. Ibig sabihin alam nito na kanina pa niya ito tinitignan? Pero bakit parang abala naman ito sa ginagawa kanina?

"Abat!——" Sinubukan niyang magsalita habang ini-umang ang kamao sa binata ngunit bigo siya wala siyang masabi lalo na't nakikita niya ang ngising matsin nito!

Nanghahaba ang ngusong tinalikuran niya ito!

"Pasulyap sulyap pa at kunwari pa tingin tingin sa akin di maintindihan ang ibig mong sabihin... hmmm hmmmm mmmm"

Ang kutong lupa! May kanta pa talaga para sa pang-iinis sa kanya! Pero hindi ito kagalingan, hindi tulad ni Erie. Ngunit nakakahiya parin talaga siya! Tsk!

PASADO ALAS TRES ng matapos sila. Sa mga oras na tinatapos nila ang kanilang ginagawa ay hindi pa rin niya mapigilan ang sariling sulyapan paminsan minsan si Bastie.

May mga pagkakataon na tumutukba ito at biglang mapapagising at pinipilit gisingin ang sarili. Something touch her heart. Lalo na sa mga pagkakataon na nagtatama ang mga mata nila. Tila ba bumabalik ang enerhiya nito at laging may malawak na ngiti para sa kanya. Sa una ay sinisimangutan niya ito ngunit ng naglaon ay napapangiti nalang din siya.

Truth is, she felt bad. Kahapon tatlongpung minuto lang itong nahuli sa pag-sundo sa kanya at may rason naman ay naiinis na siya dito. Samantalang ngayon, nagpuyat ito para lang ma-ihatid siya sa bahay. He is really a good man. Maswerte ang mapapangasawa nito. Ngunit bakit may tila lungkot na dumaan sa kanyang damdamin sa naisip na iyon?

Lumapit siya sa binata. "Sigurado ka na okay ka lang mag-drive?"

"Yes, I took a nap actually." Kung sabagay mukhang gising na gising na naman ang diwa nito. Hindi niya napigilang manghikab sa harap nito. Sa totoo lang inaantok na siya.

Inakbayan siya ng binata. "C'mon, I'll take you home." Nagpatangay nalang siya rito sapagkat wala na siyang lakas para makipagtalo at alisin ang pagkaka-akbay nito sa kanya.

"Wala daw lakas... gusto mo lang eh!"

She rolled her eyes for that thinking. Nang maalalayan siya ni Bastie sa sasakyan nito, bago ito umikot sa driver's seat ay ito na rin ang naglagay ng seatbelt niya. It is really a gentleman's gesture na nakasanayan na nito sa mga nakalipas na taon. At sa tuwing gagawin ito ng binata ay napapasinghap siya.

"Relax, I've been doing this for ages now." Anito bago umikot papuntang driver's seat.

Hindi na niya nagawang sumagot dito dahil pagkasandal niya ay nilamon na siya ng antok.

PAGMULAT NG MATA ni Ice, hinahagilip pa niya sa isipan kung nasaan siya. Naka seatbelt pa rin siya at nasa sasakyan ni Bastie. Pagbaling niya sa gawi ng driver's seat ay matiim na nakatitig lang ang binata sa kanya.

"Goodmorning." He said flashing his killer smile.

Teka! Bakit parang nakipagkarerang bigla ang puso niya! Inayos niya ang sarili at tumingin sa paligid. Nasa labas na sila ng bahay niya. At mukhang ano mang oras ay puputok na ang araw.

Napakunot ang noo niya at muling binalingan ang binata. "Anong oras na?"

"Almost five in the morning." Sagot nito.

"What?!" Bulalas niya na tinawanan lang nito. "S-Saan tayo nanggaling?" Sa pagkaka-alam niya ay nasa 15 or 20minutes drive lang ang pauwi at dahil madaling araw naman, malamang wala ng traffic.

"Muffin, I don't have the heart to wake you up." Sagot nito na ikina-awang ng bibig niya.

"S-So, mga ilang oras akong natutulog?"

"Siguro mga isa at kalahating oras."

"Gosh! Sana ginising mo nalang ako."

"I can't, you are even snoring. Kaya hinayaan na muna kitang matulog." Nanlalaki ang mga mata na napatutop siya ng bibig.

He chuckled, "It's okay, I find it cute."

Pinukulan niya ito ng masamang tingin. "Ikaw? Anong ginawa mo sa isa at kalahating oras na iyon."

"Simple lang katulad ni pareng Bamboo," At pagkuwa'y kumanta. "Ngayong gabi ako ang sundalo mo, habang ika'y tulog ako'y gising nakabantay sayo oooohhhh"

Tinakpan niya ang tenga. "Por favor! Hindi mo kaboses si Erie!"

Nalukot ang mukha nito na ikinatuwa niya. Pagkuway tinanggal na niya ang kanyang seatbelt. Mabilis naman na umibis ng sasakyan si Bastie upang mapag-buksan siya ng pintuan at inalalayan siyang makababa.

"Such a gentleman."

Nang maisara nito ang sasakyan ay hinawakan nito ang kamay niya at sumandal sa gilid ng sasakyan. Maging siya ay ginaya ang posisyon nito.

"Can I have 3 more minutes?" Malumanay na tanong nito.

Tinitigan niya ito, hawak lang nito ang kamay niya at nakatingala sa kalangitan habang naka-pikit ang mga mata.

Malaya niyang tinitigan ang binata. Alam niyang pagod ito sa sariling trabaho, ngunit hindi naging hadlang iyon para samahan siya nito ngayon. Hindi man niya maunawaan kung anong relasyon mayroon sila, ngunit ang mga ipinapakita ni Bastie sa kanya ay sapat na para masabing mabuti itong tao at kaibigan.

"Napuyat kapa tuloy ng dahil sa akin. Papaano ka papasok sa opisina mo niyan?" Bumaling ito sa kanya.

"Okay lang. I can manage. And besides you did not force me. I did this because I want to."

"Ayan na naman tayo sa 'I want to' nayan."

Ngumiti ito at hinaplos ang pisngi niya. At napasinghap siya ng magsalita ito, "Lahat ng may kinalaman sayo, okay lang sa akin. Lahat ginagawa ko, kase gusto ko."

"W-Why?" Usal niya ngunit narinig nito.

"Kase gusto ko."

"Bakit mo gusto?" Kulit niya rito.

Nakita niya na bahagya itong natigilan at inalis ang kamay mula sa kanyang pisngi. "Kase gusto ko. Let's settle for that."

"Okay, pasok na ako sa bahay." Aniya at tinalikuran na ang binata.

Naka-tatlong hakbang na siya ng biglang may maalala. Mabilis na binalikan niya ang binata at tumingkayad sa harap nito. Ginawaran niya ito ng halik sa mga labi. A smack kiss. "Thank you for today, I really appreciate it." Malalaki na ang mga hakbang niya ng pumasok ng bahay nila.

Kitang kita niya ang gulat sa mukha ni Bastie. Nag-iinit man ang pisngi niya ngayon ay di niya maiwasang mapangiti. Ito ang ka-una unahang pagkakataon na siya ang humalik dito. Well, it's just a smack kiss and she thinks he really deserve that for today.

Next chapter