webnovel

Chapter 1

NAPAIRAP SI ICE sa hangin nang makita kung sino ang pumasok sa opisina niya sa loob ng kanyang boutique.

"Muffin, it's lunch time." Masayang anunsiyo nito at itinaas ang dalang paper bag. Na nasisiguro niyang pagkain ang laman.

"Hindi ka ba nagsasawa sa ginagawa mo?" Sa araw araw yatang ginawa ng Diyos, basta nasa boutique siya ay hinahatiran siya nito ng pagkain tuwing lunch. At hindi lang iyon, hatid sundo pa siya nito. Dinaig pa nito ang masugid na manliligaw!

"Nope! Never." Anito at inumpisahang ihain ang pagkaing dala.

Minsan may kung anong bagay ang humahaplos sa puso niya sa mga ginagawa ni Bastie. Ngunit madalas ay naiinis siya rito sapagkat alam naman niya kung bakit nito ginagawa iyon.

Pinagmasdan niya ang binata habang abala ito sa ginagawa. Ang buhok nito ay hanggang balikat ang haba at medyo may pagkakulot, bumabagay iyon sa matangos nitong ilong, makipot na labi at medyo may pagka-tsinitong mga mata. Hindi rin pahuhuli sa pangangatawan ang binata. Broad shoulders and she knows what's inside his t-shirt. Ilang beses na ba niyang nakita ang abs nito sa mga nakaraan na outings ng barkada nila? Sa madaling salita gwapo si Bastie. Yung tipong kapag nakita ay lilingunin ulit ng mga kababaihan.

"Ano? Huwag mong sabihin na na-iinlove kana sa akin?" May tudyo sa tinig ng binata at kinindatan siya.

Ilang beses pa siyang napakurap bago natauhan at mapagtanto ang sinabi ng binata.

"Asa ka!" Aniya at kinuha ang inaabot nitong pagkain.

"Ouch! That hurts!" He said while putting one of his hands on his chest.

Inirapan niya ito at sinimangutan, "It will never happen!"

"Icelandia Del Mundo one day it will happen trust me." Mayabang na deklara nito.

Pinukol niya ito ng masamang tingin, "Trust me, it won't!" Aniya at nag-umpisa ng kumain.

Nagkibit balikat si Bastie at nag-umpisa naring kumain.

"What are your schedules this week?" Pagkuway tanong nito.

"The hell you care." Aniya habang nginunguya ang pagkain.

"Let me remind you that I am your——"

"Shut up! Ayaw kong marinig yan!" Inis na saad niya. Ayaw na ayaw niya kapag sinasabi iyon ng binata. Para sa kanya isa lang siyang obligasyon para kay Bastie.

"I'm just stating a fact." Anito.

"Hindi ko alam kung paano mo nagagawa yan."

"Ang alin?"

"Para kang puppet! Sunud sunuran sa mga magulang." Komento niya habang patuloy sa pag-ubos ng pagkain.

Ibinaba ni Bastie ang mga kubyertos nito at pinaka titigan siya, "W-What? W-Why?" Gosh! Why suddenly she's stammering!

"Well, taliwas sa paniniwala mo, I'm not a puppet. I do what I want to do." Hindi pa rin inaalis ng binata ang tingin sa kanya.

Tumango tango siya, "Then why don't you just leave me alone?" Tanong niya at muling ibinaling sa pagkain ang atensiyon.

"Because I don't want to." Simpleng sagot nito.

Akmang sasagot siya nang magsalita itong muli, "Ni minsan ba hindi ako sumagi sa isip mo?" Biglang tanong nito na ikinatingin niya dito. Matiim itong nakatingin sa kanya.

"Hindi."

"Talaga? Kahit segundo lang?"

"Hindi."

"Strange, because you are always on my mind." He said casually. She's trying to read his mind. Pinag-ti-tripan ba siya nito?

"Hindi ko na problema yun."

"Yeah I know. That's the reason why I don't want to leave you alone actually." Anito at inabutan siya ng bottled water.

Kumunot ang noo niya at muli itong nagsalita, "I'm still solving that problem on my own."

Ibinaba niya ang mga kubyertos at sinalubong ang tingin nito, "You know what? One day, I know you will leave me alone."

Tumaas ang isang sulok ng labi ni Bastie at humalukipkip habang hindi inaalis ang tingin sa kanya, "You know what? One day, I know I will enter your mind. Maiisip mo din ako."

Sinimangutan niya ito, "Never!"

"Huwag kang magsalita ng patapos."

"I can say whatever I want to say." Naiinis na saad niya at uminom ng tubig.

"Who says you can't?" He smirked. Pagkuway tumayo ito at niligpit ang pinagkainan nila, "I'll pick you up later." Akmang aalis na ito ngunit tumigil ng marinig siya.

"You don't have to. Stop being my shadow."

"I said I will pick you up later and that's final." Anito at tuluyan ng umalis.

Naiinis na napatitig siya sa larawan nilang dalawa ng ate niya. Masayang masaya sila sa larawan na iyon na kinuhanan sa isa sa mga bakasyon nila sa labas ng bansa. Sobrang malapit sila sa isa't isa ng ate niya, kahit pa anim na taon ang pagitan nila.

It's been 9 years but she can still feel the pain and longingness. Kaya isinumpa niyang hindi niya hahayaan mangyari sa kanya ang nangyari dito. Hinding hindi siya magiging isang puppet na sunod sunuran sa kanyang ama.

TATLONGPUNG MINUTO ng naghihintay si Ice sa kanyang sundo. Nakatanggap siya ng mensahe mula dito kanina na paparating na daw ito.

Ang totoo ay naiinis siya, higit sa kanyang sarili. Bakit ba kase hinihintay niya ang kutong lupang iyon? Well, because apparently he said, he is already on his way.

"Aherm! Parang hindi ikaw yan te! Ang sabihin mo nasasanay kana."

Anang munting tinig sa kanyang isip. No! Hindi siya nasasanay at hindi siya pwedeng masanay!

Kasalukuyan siyang nakikipagtalo sa kanyang isip ng sa wakas ay dumating na ang kanyang sundo.

"Muffin, I'm sorry..."

Tuloy tuloy siya sa sasakyan nito at hindi niya pinansin ang binata. Mabilis itong umagapay sa kanya ngunit naunahan parin niya ito sa pagbukas ng pinto ng sasakyan.

Ilang saglit pa ay binabaybay na nila ang daan pauwi.

"Nagtagal kase ang last meeting ko kaya na-late ako." Paliwanag ni Bastie habang nagmamaneho.

"Nobody asked." Matabang na wika niya.

"I just want you to know." Anito na parang pinipigilang magalit o mainis sa kanya.

Okay! Maybe sometimes masyado na siyang harsh kay Bastie.

"Anong sometimes? Lagi kaya!"

Pakiramdam kase niya ay ginagawa siyang bata nito. She's very independent for pete's sake! Hindi siya kailangang alagaan! Kaya naiinis siya madalas dito dahil buntot ito ng buntot sa kanya.

Pasimple niyang sinulyapan ang binata. Makulimlim ang ekspresyon nito.

"Kase naman madame! Sinundo ka na nga nung tao tapos nag-aattitude kapa!"

She sigh. Oo totoong madalas siyang ma-inis kay Bastie, ngunit ayaw na ayaw niyang nagagalit ito sa kanya. Ewan niya pero hindi siya mapakali kapag ito ang naiinis na napaka bihirang mangyari. Si Bastie lang ang kakilala niya na kayang mag-tagal sa pag-uugali niya. Well siyempre bukod sa matalik niyang kaibigan na si Jade.

"Sorry, I should not have said that." And upon saying that, his face suddenly lighten up. It was like a magic that happened in just a snap of her finger.

"I know you don't mean to," Anito na may sigla na sa tinig, "Let's have a dinner first."

Tinaasan niya ito ng kilay, "Are you asking me for a dinner date?"

Tumaas ang isang sulok ng labi nito, "1st of all, I'm not asking, I'm telling that we will have a dinner. 2nd if you want to think of it as a date, then it's a date." Nakaharap lang ito sa kalsada habang nagsasalita.

Napanguso siya at kumibot kibot iyon mula sa kaliwa at kanan ng paulit ulit. Itinigil ni Bastie ang sasakyan, malamang nasa parking area na sila ng di niya namamalayan dahil laman ng isip niya ang sinabi nito.

"I like that expression of yours. Lalo na kapag nag-iisip ka ng susunod mong isasagot sa akin." Puna nito.

Sa nakalipas na taon, napansin niyang kabisado na ni Bastie ang ugali niya, ekspresiyon niya, ang mga gusto niya at ang mga hindi niya gusto. Noong una, ang buong akala niya ay ito lang ang may kakayahan na ganoon. Ngunit sa hindi malaman na kadahilanan, napagtanto niyang unti unti rin siyang nagiging ganoon sa binata sa paglipas ng mga taon. She knows what he likes, what he hates and she can tell whenever he is not in the mood.

"You know what? Minsan para sa isang sunud sunuran sa mga magulang, astig ka din no? Tinutubuan kana yata ng spinal cord!"

"Ang kaso, hindi ako puppet katulad ng sinasabi mo. You just don't want to accept the fact that, I'm doing this because I want to." Sagot nito at gamit ang isang kamay iniipit nito ang buhok nito sa mga daliri mula sa sentro ng noo nito at hinawi iyon patalikod.

Kulang ang salitang tulala nang tumambad sa kanya ang malinis na mukha ni Bastie - ibig sabihin walang nagkalat na buhok sa gilid ng mga pisngi nito. Laging ginagawa iyon ni Bastie, ngunit sa mga pagkakataon na ginagawa iyon ng binata na magkalapit sila, sa tuwina'y napapa-tunganga siya sa binata. Napakakinis ng mukha nito na animo'y hindi man lang tinutubuan ng tighiyawat. Samantalang siya ay halos mabaliw kapag malapit na ang kanyang buwanang dalaw ay daig pa ang pista ng mga tighiyawat sa kanyang mukha!

Isang malakas na pitik sa kanyang harapan ang kanyang narinig at unti unting lumilinaw ang ngisi ni Bastie.

"Pinagpapantasyahan mo ba ako?" Pang-aasar nito.

Sumimangot siya, "Halika na kain na tayo, gutom kana eh!"

Isang malakas na tawa lang ang pinakawalan ng binata.

Next chapter