7 Chapter 7

Pagdating niya sa bahay ay nakita niya si Salina, na umiiyak na sa sakit para naman siyang namutla sa nakita niya.

"Assistant Han! Call a Doctor!" Sigaw niya

"B-babe, you okay?" Kinakabahan na tanong niya sa babae. Mabilis niya itong dinaluhan at Pinunasan niya ang basang pisngi nito. Nakahawak ito sa kanyang puson at namamalipit ito sa sakit

Kita niya kung paano ito mamilipit sa sakit. Kung pwede lang na kunin ang sakit na nararamdaman nito kinuha na niya na

"Assistan Han Colten!" Natataranta na siya

"Sir, papunta na po si Dr. Roman"

"B-babe! Babe you okay?" Tumango lang ito "no need to call a Doctor, this is normal to women" she told him. Nakaramdam naman ng haplos si Salina, sa kanyang puso dahil grabe ang pag-aalala ng lalaki sa kanya, mukhang hindi nito alam ang gagawin. Natataranta na rin ito.

"Hold on okay? The Doctor Is on his way" hindi niya alam kung matatawa siya o maaawa sa lalaki, para naman siyang mamamatay na

"Fuc k! You're burning!" Hinawakan niya ang isang kamay nito para pakalmahin ito.

Nginitian niya ito to assure him that she is ok "Xav, this is only dysmenorrhea."

"No! The Doctor is coming." Hinaplos siya nito sa kanyang buhok at nakakaramdam naman siya ng antok

"Saan iyong masakit?" Tanong nito sa kanya at naramdaman niya na hinahaplos siya nito sa kanyang puson.

Ganito talaga kapag dinadatnan, hindi na makalakad sa sobrang sakit ng puson niya at sumasakit ang hita niya at likod plus nilalagnat pa siya. Pakiramdam niya ngayon ay para siyang pinaparusahan

"X-xav, masakit din ulo koo" iyak niya. Parang binibiyak ang ulo niya sa sakit. Mas gugustuhin niya na lang na mawalan ng ulo sa lagay na ito.

"Dammit, Assistant Han!!!" Dumoble ang inis nito. Ngayon niya lang nakita na nagkakaganito ang lalake.

"Sir, nandito na po si Dr. Ramon"

"Dammit. Make it fast!" Wala na siyang pasensya

Mabilis naman sinuri ni Dr. Ramon si Salina

"Every period mo palaging ganito ba ang nararamdaman mo?" Tanong ng Doctor sa kanya at tango lang ang kanyang sinagot dahil sobrang sakit na ng nararamdaman niya. Heto na yata ang karma niya sa pakikitungo kay Xavi

Binigyan siya nito ng gamot sa pananakit ng kanyang puson at lagnat at hinihintay na lang ni Xavi, ang oras na pag inom nito ng gamot. Nakatulog na rin si Salina, at hindi siya umalis sa tabi nito. Minu-minuto niyang chinecheck ang temperatura nito at lalo lang siyang nag-aalala ng hindi pa rin bumababa. Mataas pa rin ang lagnat nito.

He kissed her forehead at bumaba para ipagluto niya ito, hindi pa rin yata ito kumakain mula kanina. Even him, hindi pa din siya nakapag lunch and it's fine basta maging maayos lang ang kalagayan ni Salina, ay magiging okay na siya, hanggang ngayon hindi siya mapakali

Ipinatong niya ang cellphone kung saan siya naghihiwa ng mga ingredients para kahit wala siya doon ay nababantaya niya pa rin ito, baka may kung anong mangyari na naman rito.

Mabilis lang ang pagluluto niya at minadali na nga niya. He made a soup for her only

Ginising niya na muna ito at naubos nito ang kanyang ginawa, probably gutom na talaga ito. "Rest well" he kissed her forehead again, bago ito kinamutan

Hanggang sa maggabi ay ginising niya ulit ito at pinakain, he even massage her dahil para maayos na dumaloy ang dugo at para mawala ang sakit ng katawan nito, she can't move because of physical pain.

It's past ten at nalingat siya, he check her temperature again at nakahinga siya ng maluwag ng bumaba na ang lagnat nito.

Bukas niya ulit ito papainumin ng gamot.

"Babe" tinapik niya ang pisngi nito "babe wake up" bulong niya nagising naman ito "you need to drink water" tinulungan niya itong makatayo at inalalayan sa pag inom ng tubig.

Hanggang madaling araw gano'n ang ginawa ni Xav, oras oras niya chinecheck ang temperatura nito dahil maya't mayang tumaas.

"Hmmm" she moaned at hinila ang kumot pataas. Mukhang nilalamig ito. He stand up para hinaan ang aircon.

Dinampa niya ang palad sa noo nito at mainit pa rin ito.

"Xavi, malamig" pikit matang sabi nito. Inayos niya ang kumot nito para hindi ito lamigin pero nanginginig na ito sa lamig. Napabuntong hininga siya, sana hindi magalit si Salina sa gagawin niya lalo't na ayaw nitong hinahawakan siya.

Okay lang magalit ito sa kanya kapag gumaling ito, basta ayaw niyang nakikita itong nahihirapan.

He slid himself in the comfor sheet at pinaunan niya ang ulo ni Salina, sa kanyang bisig and he hug her.

"Get well soon babe" bulong niya

Kinabukasan ay ganoon pa rin ang ginagawa at tuluyan ng bumaba ang lagnat nito. Hindi na muna siya papasok sa trabaho kahit na panay na ang tawag sa kanya ng kanyang secretary at ng kanyang mga kaibigan. He turn off his phone ng tumawag na naman si Rim sa kanya, they asking him kung anong emergency niya. Chismoso talaga.

Salina woke up feeling slightly well, okay naman siya at nakakagalaw na ng bahagya pero masaki pa rin ang puson niya pero okay naman.

May gumalaw sa tabi niya at napatingin siya do'n. Xavi, hug her tightly at mukhang pagod ito. Nangingitim ang ilalim ng mata nito. Nakakunot ang noo nito habang tulog. Ang higpit ng pagkakayakap nito sa kanya at nakadagan pa ang binti nito sa kanya na tila ayaw siyang mawala, kaya pala parang hindi siya makahinga at parang may mabigat na nakadagan sa kanya. Kalahati ng katawan nito ay nakapatong na sa kanya.

Hindi niya napigilan ang sarili niya na ipalandas ang daliri sa mukha nito. Infairness ang gwapo niya, ang swerte ng magiging girlfriend nito dahil may boyfriend na itong gwapo at maalalahanin at mukhang may abs pa

He groaned at mabilis na inalis ang kamay sa mukha nito

"Good morning" he smiled at her at para siyang matutunaw sa ngiti nito. "Okay na ba ang pakiramdam mo" sinalat siya nito sa noo pero siya nakatulala siya sa angking kagwapuhan ng lalaking ito, bakit ngayon lang naapreciate ang lalaking ito? He's been nice to her and she acted a bitch, hetong lalaki lang na ito ang nakatiis sa ugali niya. Bigla tuloy siyang nakonsensya

"Hey, babe" tinapik siya nito sa pisngi "how are you feeling ?"

"I'm fine" tinulak niya ito palayo sa kanya dahil naiilang na siya

"Im sorry, nilalamig ka kasi kaninang gabi kahit nakahina na 'yung aircon" alam niya iyon at nasarapan naman siya sa yakap nito, lalong sumarap ang tulog niya

Hindi na siya sumagot at tatayo pa lang siya ng pigilan siya nito "hey, where are you going? Hindi ka pa totally na magaling"

"Kailangan kong magpalit" naiihi na rin siya

Napatili siya ng bigla siyang umangat sa kama at buhat na siya ni Xavi.

"Ako na ang magpapalit, hindi mo pa kaya baka mabinat" napairap na lang siya sa hangin

"Ang OA mo Xavi. Bitawan mo na ako kundi uupakan talaga kita" binatawan na siya nito ng nakapasok na ito sa CR

"Salina" seryosong banggit nito sa pangalan niya "hindi kapa totally magaling" seryoso pa rin ito

"Xav, Im fine. Magpapalit lang ako please lumabas ka na muna and I want to pee"

"Ok, hintayin kita, tawagin mo kapag tapos ka na". Siya na rin ang nagsara ng pinto at naglock.

Napabuntong hininga siya.

Gusto na niyang maligo, hindi siya sanay ng hindi naliligo kaso sasakit ang ulo niya kaya nag half bath na lang siya. Habang nagsasabon niya ay narinig niya si Xav na kumatok sa pintuan "arent you done?"

"Sandali na lang" sigaw niya

Pagbukas na pagbukas niya ng pinto ay bumungad sa kanya si Xav, na nag aalala

"Sorry, kung natagalan nag half bath pa ako nanlalagkit kasi ako" paliwanag niya

Binuhat ulit siya ni Xavi, at pinahiga sa kama "you should rest babe" umikot ito sa kabilang side at pinainom siya ng gamot "hindi ka muna pwedeng lumabas ng kwarto mo hangga't hindi nawawala ang period mo" seryoso pa rin ito. Aangal pa sana siya ng muli itong magsalita "Please, Babe, kahit ngayon lang sumunod ka sa'ken, this is for your own good. Please?" Tumango na lang siya at naalala niya kung gaano ito nag-alala sa kanya

Xav, spend his whole week taking good care of her kahit magaling na siya at wala na ang dalaw niya at hindi rin siya lumabas ng kwarto ng buong araw na 'yon, tabi din silang natutulog at nagigising na lang siya na nakayakap na siya sa lalaki or si Xav, ang nakayakap sa kanya. Hindi niya alam basta na lang siyang naging komportable sa lalaki kahit na dati ay kinaiinisan niya ito. Mabait naman pala.

avataravatar
Next chapter