webnovel

Chapter II Birth

Charice's POV

Hindi parin ako mapakali sa message na meron ako. Para bang hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa kaba. Pero alam ko naman na hindi nya ako masasaktan kung sino man sya. Attorney ang daddy ko, di nya ako kayang banggain wag lang talaga sya magpapakita saakin.

"Okay ka lang ba?" tanong pasaakin ni Lea tanging tango nalang ang isinagot kasabay nito dumating narin ang english teacher namin.

"Okay class attendance muna tayo bago magcutting yung iba" wika pa ng guro namin.

1 "Charice Agoncillo!" "present po maam"

2 "Francis Aguila!" "Nandito po"

At nagpatuloy na nga ang pagtatawag ni maam.

Pagkatapos ng klase namin nag aya ang barkada na kumain muna sa labas. Pero hindi ako sumama dahil ngayong araw sinundo ako ng daddy. Siguradong pagagalitan nanaman nya ako.

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na tigil tigilan mo na ang paglalakwatsa dahil malapit na ang final exam nyo!" galit pangwika saakin ni daddy pagkarating namin sa bahay.

"hindi na nga po ako nakasama diba?"

"sumasagot ka pa. Kung hindi ako dumating sigurado ako lasing kananamang uuwi!" galit pa nitong wika

"diba hindi na nga po!"

"Hala! Pumasok ka na don sa kwarto mo at mag aral ka na! I want to see better grades this year Charice!" galit nitong wika. Pumasok nalamang ako saaking kwarto at saka padabog na sinaraduhan ang pinto.

Nakakainis nalang, palagi na lang mali ko ang nakikita ng daddy. Palagi na lang aral ng aral!

Binuksan ko ang aking notebook para sana mag aral pero wala talagang naiintindihan ang maliit kong utak. Tapos may assignment pang ipapasa bukas. Kung hindi ba naman nagpakamatay si Angelica ede sana may taga gawa pa ako ng assignment. Nakakasura na talaga. Biglang tumunog ang aking cellphone nag send ng mga video sina Lea nag iinom sila sa bahay nina Arnold at tuwang tuwa. Mukhang ako lang ang wala sa barkada. Nakakainis, nagmemessage pa sila saakin ng panunukso.

Labis na akong nadala aa painggit kaya naman nagbihis ako para makapunta sabahay nina arnold.

"Guys! Kala nyo kayo lang ang magsasaya! Pupunta na ako!" message ko sa kanila nagmadali naman akong lumabas ng bahay na hindi napapansin ni Daddy. Naghintay ako mg taxi sa kabilang kanto kung saan hindi masyadong malayo sa bahay. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan may malamig na hangin na naramdaman ng aking katawan na nagbigay ng malakas na kaba sa aking dibdib may napansin din ako kakaibang anino na para papalapit saakin.

Hindi ko na alam ang gagawin ko kaya nagmadali ako lumakad ng lumakad papalayo medyo madilim narin ang parte na aking tinutungo pero ang gusto ko lang ay ang makalayo. Hindi na tumigil sa kaba ang aking dibdib hanggang sa may napansin akong taxi na patungo saaking kinaroroonan, sa wakas makakaalis na rin ako. Tatawagin ko ma sana ang taxi ng bigla nalang may tumakip saaking bibig hinawakan ang aking mga kamay at sinumulang kaladkarin sa isang madilim na lugar. Hindi ko na magawang pumalag dahil parang may gamot na tumama saaking hininga na naging dahilan ng pahihina ng aking katawan.

Hinang hina na ako ni hindi ko na magawang makatayo. Wala na akong magawa kundi ang maupo at hayaan sya sa kaniyang ginagawa.

"Binigyan kita ng pagkakataon. Pero sinayang mo lang, now it's time for you to die!" wika saakin

"What are you talking about? Who are you?" mahina kong wika habang pinipilit na maaninag sya dilim

"Oh nalimutan mo na ba?" tanong nito saakin sabay nilabas ang bagay sa pag aaninag ko ito ay isang notebook. Pagtataka kong inaninag ng inaninag dahil pamilyar ang isang ito. Hindi ako nakamali saakin ang notebook na iyon.

"papano na punta yan sayo?" mahina kong wika habang pabagsak na ang talukap ng aking mga mata

"wag kang pipikit!" malakas na wika niyo sabay saksak ng matilos na bagay saaking kamay na agad na nagpagising saakin

"Aaaaaaa!" malakas kong sigaw dahil sa sakit ngunit nanatili parin along lugmok sa kahinaan

"a-ano bang kailangan mo?! Si-sigurado akong pagnalaman ng daddy ito, mabubulok ka sa kulungan!" galit kong wika sa kanya.

"shhsshshhs, wag mong sayangin ang lakas mo sa pagsisigaw. Dahil marami kapang kailangang bayaran saakin Charice." wika nito saakin

"what?"

"naalala mo ba kung sino ang paulit ulit gumagawa ng project and assignments mo? Kung sino ang gumagawa ng research papers mo? Sino ba ang gumagawa non para sayo? Huh!" wika nito saakin sabay hablot ng buhok ko habang tumatagal lalong niyang nilalakasan ang kapit sa ko buhok na halos matanggal na ito sa anit ko

"tinatanong kita! Sagutin mo!!" galit nitong wika naagad na nagbigay takot saakin

"Si-si angel. Si angelica" mahina kong wika sa kanya.

"Hindi ko marinig! Laksan mo! Hindi ko marinig!!"

"Si Angelica!!"

-FLASHBACK-

"Hoy tapos na bayong pinapaggawa ko?!" wika ni Charice

"Hindi pa" sambit naman ni Angelica

"What?! Diba bukas na ang pasahan non! You know what tatawagan ko na lang ang daddy para maipakulong na pati ang mommy mo dahil sa laki ng utang!"

"maraming kasi tayong gawain ngayon tapos hindi ko pa natatapos yong last research paper ko kasi inuna ko yong sayo humingi na nga lang ako ng another chance sa teacher natin kaya yon muna ang kailangan kong gawin" pagpapaliwanag pa ni Angelica

"Wala akong pakialam sa research paper mo! Unahin mo ang term papers ko! Paalala lang Attorney si daddy anytime pwedeng may mangyareng masama sa mommy mo!"

"Ah sige uunahin ko yong term papers mo"

"Good maayos ka naman palang kausap"

-

"hey! Angelica palit tayo ng exam papers!" pabulong na wika ni Charice

"ba-baka mahuli tayo" mahinang wika pa ni Angelica

"hindi tayo mahuhuli! Bilisan mo na!"

"Pwede bang manggaya kanalang?" tanong pa ni Angelica

"sira ka ba?! Wala na akong oras! Ibigay mo na saakin yan!"

"hindi talaga pwede eh, magdamag akong nagreview para sa exam na ito eh" pagkiusap pa ni Angelica

"pwede ba! Wag mo akong susubukan Angelica kung ayaw mong mawalan ng mommy ngayon! Bilisan mo na!" galit pang wika ni Charice

"hi-hindi talaga pwede Charice eh"

"talagang!" sabay hablot ni Charice sa exam paper ni Angelica at saka ibinigay ang papel niya

"ayan may pangalan mo na yan. Goodluck nalang!" wika ni Charice at pinalitan ang exam name nito, saka tumayo para ipasa ang exam paper.

Kinabukasan

"Oh Miss Agoncillo. Ikaw ang highest ngayon. Wala talagang duda na anak ka ng attorney. Keep up the good work" wika pa ni Mr. Lopez saka nagpalakpakan ang mga kaklase nito

"Oh diba? Kahit naglasing ako the night before the exam I can do good hahahaha" pagtatawa pang wika ni Charice

"Miss Angelica! Pababa ng pababa ang grades mo! Hindi naman nakakapagtaka dahil lubog narin kayo sa utang." wika pa ni Mr. Lopez

*PREVIOUS DAY *

"Wala kang puso Charice! Ngayon alam mo naman ang nangyayare sa mga taong walang puso hindi ba?! Namamatay sila!" wika pa nito saakin

"patawarin mo ako. Huhuhu, patawarin mo ako" pagmamakaawa ko sa kaniya ngunit parang natutuwa pa sya sa mga nangyayare

"tawad? Hahahaha ngayon buhay mo ang kapalit sa buhay na sinira mo! Hahahaha" pagtatawa pa nitong wika ng bigla nalamang nitong pinunit ang notebook niyang hawak at saka isa isa saaking pinakain. Wala na akong magawa kundi ang umiyak mg umiyak at lunokin ang bawat na papel na pinupwersa niya saaking ipalunok.

Nararamdam ko na dumuduwal na ako ng dugo at patuloy parin siya sa pagpapalunok saakin ng mga papel hanggang sa maubos na niya ang buong notebook.

"Ngayon oras na ng hustisya para sayo Charice!" wika nito saakin at saka ako sinakal gamit ang isang lubid. Ninais kong lumaban pero wala na akong nagawa at tuluyan nalamang akong unti unting nanghina

"Now I'm the Angel of your Death, Charice Agoncillo"

Kinabukasan

Lea's POV

Ano bang nangyare kay Charice sabi nya susunod sya. Madaling araw na kami nakauwi dahil sa sobra naring kalasingan hindi nanamin inintindi pa si Charice dahil natrash talk nanaman nya kami.

Kinabukasan may hangover pa ang tropa, nagawa parin naming pumasok maliban kay Arnold sigurado kaming malakas parin ang tama nito. Pagkapasok ko sa room pinaguusapan nila ang larawan ni Angelica dahil tila may nagbago nanito. Hindi ko rin napansin si Charice na pumasok sa classroom nanatili parin kaming tahimik dahil nya sa hangover hanggang sa pumasok sa loob ng room namin si Mr. Lopez kahit hindi naman homeroom time ngayon. Kaya isa isa naman kaming umupo na nagtataka dahil sa pagparito ni Mr. Lopez

Next chapter