6 Runaway 5: Lullaby

Letche! Nakapasok na kami sa suite. Nakayuko lang ako kanina pa habang papasok kami sa hotel nato. Eh kasi naman, lahat ng tao dito sa hotel pati narin ang mga staff ay grabe lang makatingin samin, sa kamay naming nakaposas.

Natuod ako sa kinatatayuan ko nang makita ko ang queen size bed.

Holly molly!

Napansin siguro niya na natigilan ako sa paglalakad. Lumingon siya sakin.

"Are we just gonna stand here?" Matiim niya kong tinitigan. Para bang binabasa niya kung ano ang iniisip ko ngayon. "You know, I'm very hungry and tired right now after finding and chasing you this whole day."

Oo nga, ngayon ko lang napansin. Mukhang napagod nga siya sa kakahabol sakin.

Napasimangot ako.

"Bakit naman hindi ka muna kumain bago ako hanapin? Bakit hindi ka muna nagpahinga bago ako habulin? So, kasalanan ko pa ngayon? Bakit, sinabi ko bang hanapin at habulin mo ko? Teka, hindi ko naman dala yung kaldero niyo ah. Masama pa namang magpalipas ng gutom."

Nakow, kung nasa harapan namin si tatay ngayon, siguradong sermon ang aabutin ng lalaking to. Ayaw pa naman non pinapabayaan ang kalusugan.

Ilang segundong tahimik lang siyang nakatitig sakin.

"Hahahaha!" Eh? Bigla nalang siyang tumawa, nabaliw na ata.

"Oy? Tuluyan ka na bang nabaliw dyan?"

"I never thought that you are such a comedian, Cindy."

Tsk. Bipolar pala ang isang to. Kanina galit na galit, tapos magiging cold, ngayon tumatawa naman. Nakow, nakakabaliw pala talaga ang walang kain.

"Alam mo, ikain mo nalang yan. Hindi ko pa naman alam kung saan banda dito yung mental hospital."

"Hahaha, whatever, Cindy."

"Yah, whatever baliw." Pabulong kong sabi.

"I heard that." Ooooops. Bumalik na siya sa pagkaseryoso, bipolar nga. "Come on."

Naglakad kami patungo sa queen size bed, hindi ko maiwasang hindi kabahan, baka kung anong gagawin niya sakin. My goodness, isa lang po akong mahinang babae at wala akong kalaban laban sa isang matipunong lalaki.

Nayakap ko bigla sarili ko, pero dahil sa nakaposas yung isa naming mga kamay. Napalingon siya sakin na hindi ko namalayang nakaupo na pala sa gilid ng higaan.

"What?" Kunot-noong tanong niya. Ang sarap lang plantsahin yung noo niya.

"W-what?" Balik kong tanong. Mas lalong kumunot ang noo niya, hahanap na talaga ako ng plantsa mamaya.

"What do you like to eat? Magpadeliver nalang tayo." Nagdial siya sa phone niya. "Are you not tired of standing?"

"A-ah, pwede bang hindi tayo dito umupo? M-may couch don oh."

"Okay." Eh? Madaling kausap rin pala to minsan.

Mas maluwang pa pala tong suite nato keysa sa bahay namin. Yamanin.

Hays, salamat, naka upo narin sa wakas.

"What do you like to eat?"

"Hmmm, medyo nagugutom narin pala ako. Ano nga ba. Ah! Gusto ko ng french fries! At chicken joy!" Excited akong kumain non.

"What?"

"Yun ang gusto ko." Nakapout kung sabi.

"Alright, just stop doing that."

"Yeheeey, french fries! French fries!" Habang tumatagal ay medyo nagiging comportable nako sa kanya.

"Such a kiddo." Hehehe. "Yes, hello . . . -"

Di ko na pinakinggan kung ano pa yung iba nyang pinaorder. Namangha na kasi ako sa mga painting sa wall.

Nataranta ako nang bigla siyang humiga at ginawang unan yung legs ko.

"O-oy! Nung ginagawa mo?" Potek, yung puso ko nasa mars na ata.

"Let me rest for a while." Nakapikit na ang mga mata niya.

"P-pero may kama naman don oh. Ano akala mo sakin unan?"

"Shhhh, shut up or else I'll kiss you." Natameme ako.

"Like ewww, hindi ikaw ang magiging first kiss ko no." Bulong ko lang yun pero sadyang matalas ata ang pandinig ng lalaking to.

"Remind you, I'm your first kiss." Ha?!

"T-teka, ngayon lang kita nakilala ah, p-pano naman naging ikaw ang f-first kiss ko?" Naka on ba ang aircon dito? Ang init, lalo na mukha ko.

"Do you want me to make you remember it?"

Hindi na nakapikit yung mata niya, matiim iyong nakatitig sakin. Ang ganda nilang pagmasdan, pero habang tumatagal ang pagtitig ko sa mata niya ay may iba rin akong nararamdaman, yung may malalim na tinatagong sekreto.

"Silence means yes. Don't temp me, Cindy." Biglang nabalik ang nalunod kong isipan.

Cindy. Oo nga pala.

"Ano ka? Siniswerte?! Tsaka, bitawan mo nga kamay ko, kanina kapa nanananching ah."

Magkaholding hands yung parehong nakaposas naming mga kamay. Ramdam ko ang pintig ng dibdib niya, nakapatong kasi yung kamay namin. Nakapikit na ulit siya.

"We kiss many times already, Cindy. We cuddle, we hug, we hold hands, we -"

"W-wag mong sabihing?!" Sheet, sheet, sheet! Freaking sheeet! Am I not a -

"Haha, I know what were you thinking right now, my gorgeous fiance. But you're wrong. We did not."

Nakahinga ako ng maluwang.

"Tita Dania never fail to remind me since we we're in high school year, up to college and until now. They are very strict specially you're grandmother when it comes to you, Cindy."

Buti naman.

"And, I respect you. I can wait 'till our next wedding is done."

Next wedding?

"Now, let me rest for just minutes please. No more talking."

"S-sige."

Halos hindi ako humihinga ng mga ilang segundo. Naging mabigat narin ang kanyang paghinga, patulog na ata. Napasandal narin ako sa couch.

Napatitig ako sa mukha niya.

Bakit parang naging familiar siya sakin ngayon. O baka naman may kamukha lang siya na taga sa amin. Baka nga.

Wala sa sariling napa-hum ako, isang lullaby na natutunan ko kay tatay. Kinakanta niya sakin kapag hindi ako makatulog.

"Sing me to sleep now, sing me to sleep. Hmmm, hmmmm, hmmm."

Di ko namalayan na napapikit na pala yung mga mata ko habang nagha-hum, at tinatap ang isa kong kamay.

Pagmulat ko ng mga mata ay dalawang pares rin ng mga mata ang sumalubong sakin. Mataimtim na nakatitig. Mga matang may gustong itanong.

Akmang may sasabihin siya ng -

Buzz buzz!

"Ang pagkain na siguro yun?"

avataravatar
Next chapter