5 Runaway 4: The Club

Wew! Ito pala yung feeling na may stalker ka. Haha! Ewan ko kung nakasunod ba yung Christian. Asan naba ako? Kanina pa ako lakad nang lakad. Ngayon lang talaga ako nakaabot nang ganito paglakad-takbo kaya ang gaan ng pakiramdam ko. Medyo masakit na yung paa ko pero keri pa.

Okay, I will search some hotel. Gusto ko narin kasi magpahinga. Then voila! Malapit lang dito. La Hotela Oh la la, grabe namang pangalan yan. Okay, go straight. Main City na siguro to kasi may mga matataas na building na rin at madaming tao everywhere. Habang naglalakad ay may nakita akong club, may mga girls and boys na nasa labas, ang iba ay nagwawala at nagme-make out. Bigla nalang akong napatda nung may maalala ako.

I was dancing like it is really the end of my life. Pinipigilan ako nila Yunice at Lanie na uminom ng hard drinks pero hindi ako nagpatinag, pinagpatuloy ko parin kahit na bawal.

"Wohoooo! Party! Party!" Ininom ko yung isang basong juice na nakakalasing, hahaha, sorry hindi ko talaga alam kung anong tawag sa mga inuming yan kasi first time kung magwalwal.

"Ella, tama na yan. Lagot talaga kami niyan sa tatay mo. Enough, okay?" Nilayo ni Lanie yung mga inorder kong inumin.

"Ano ba tama na yan! Sabi mo magpaparty lang tayo ng walang hard drinks? Lanie, bat ba nalasing to? Wala naman akong inorder na hard diba?"

"Wahaha, deh nyoh akoh nakitah eh, na busy kayoh sa guys eh, lumaphet akoh doown sa bartender shapos nag ask khung anoh yung pinakah pinakah hard nah malilimutan yung problemah, hahahahaha. Hang serep palah nitoh? Bat bah ngayon lang akoh nakatikim nitow?"

"Ay nako, pasaway talaga. Iuwi na nga natin to Lanie." Pinatayo na ako ni Yunice, grabe ang hilo ko, hindi ko na macontrol yung katawan ko.

"Iuuwi natin yan sa bahay nila? Deado tayo kay Tito Rolan niyan."

"Edi sa bahay niyo. Wala naman yung parents mo diba? Kaya tara, gora na. Tawagin nalang natin si Tito na overnight si Ella sa bahay niyo."

"Nice plan." Feel ko nagroll-eyes si Lanie dito, haha.

"Wait gals! Why don't we stay munah? I'm beginning to like in here." Bumalik ako sa upuan.

"Batukan kita dyan eh." Sadista talaga nitong si Yunice.

"Ayokoh nga! Ditoh lang akoh, ghustoh koh pah iminum." Humalukipkip ako.

"Gusto mo ba talaga na mapadali yang buhay mo ha?! Naman Ella!" Naramdaman ko na nanlilisik na ang mga mata ni Yunice sa sobrang inis.

"Okay lhang din shakin, total down rin naman kahinatnan ko. Gusto koh lang i enjoy sarili ko before ako mawala. Dibah, love niyoh naman ako gals?" Nagheart sign pa talaga ako.

"Tara na Ella." Inalalayan ako ni Lanie na tumayo. Pero iniwas ko yung kamay ko.

"Ayokoh ngah! Bat ba ang tigas ng uloh niyoh!"

"Wow ha! Kami pa talaga ang matigas na ulo? Tatayo ka dyan o hihilahin ka namin palabas dito?"

"Hoy! Kanina pa kayo ah! Ang ingay-ingay ninyo! Pwede bang lumayas na kayo sa lugar nato?! Nakakaabala kayo!" May isang halos nakahubad na babae yung lumapit samin, kulang nalang eh hindi na siya magdamit.

"Anong paki mo ha?! Eh sa maingay naman talaga dito! Duuhhh! Ikaw ang lumayas gaga!" Go Yunice. Hehehe.

"Abat! Tinawag mo ba akong gaga ha?" Naging fierce yung look ni ateh girl. May nagsidatingan na mga back up ata niya.

"Bingi lang teh?" Natawa naman ako kay Lanie.

"Gusto niyo nang away ha?" Hamon nung bold star.

"Bring it on bitch!" At bago pa sila magkaupakan ay nagpagitna na ako kahit hilong-hilo.

"Wait! Tekah! -" Tumalsik ako sa gilid ng mahabang upuan nung tinabig ako ng malakas nung bold star. Potek! Ang sakit ng likod ko, arggggh! Nakarinig ako ng malutong na mura galing kay Yunice at Lanie.

"FUCKING BITCH!!!"

"TANGINANG KABAYONG TIGIDIG!!!"

Ang hindi pa naman gusto sa grupo namin ay may masaktan. Hindi ko na maimulat yung mata ko. Rinig na rinig ko yung mga ingay ng away nila, nagpapalitan ng mura. Pero alam ko naman na hindi padadaig yang dalawang yan, mga amazona yan eh. Pero ayokong nasasangkot sila sa gulo. Kasalanan ko to, kasalanan ko talaga to. Ano ba naman Ella,mas lalo mo lang pinalala yung problema. Sorry Yunice. Sorry Lanie. Sorry tay. Napaluha ako at tuluyan nang umiyak.

"Lord, sorry po. Alam kung hindi ako naging mabuting anak kay tatay, at hindi naging mabuting kaibigan kay Lanie at Yunice. Pero alam Niyo naman po diba na mahal na mahal ko sila. Sila lang yung tanging kilala kung pamilya. Sila lang yung nagpapalakas sakin. Hinihiling ko po sana sa Inyo na bigyan ng isa pang chance, please, gusto ko pa silang makasama ng matagal. Magtitino na po ako. Please."

Pagkatapos nun, wala na akong ibang maalala pa sa gabing yon. The next thing I knew is I was in the church with a random guy. Di ko namalayan na napaluha na pala ako. Napangiti nalang ako ng mapakla sa alaalang yun.

"Hello there babe, bakit ka naman sa labas lang? Halika ka sa loob, join us and I will make sure you will love it." May nakalapit na pala na guy sakin, pulang-pula na ang mukha sa kalasingan, he looks decent naman pero parang going to tokhang na siya because of his red eyes and face. Napalayo ako agad nang magtangka siyang hawakan ako.

"No thanks." Nagpatuloy na ako ng lakad sa kung saan mang daan patungo sa hotel.

"Sorry babe. I won't take no for an answer." Inakbayan niya ko at inilihis ng daan patungo sa club. Ay potek na lalaking to.

"Bitaw! Bastos ka!" Pinagtatadyakan ko siya pero parang wala lang sa kanya. Ang higpit ng pagkaakbay niya di tuloy ako makawala.

"Wow grabe, bastos agad? Hindi ba muna friendly lang?"

"Get off me! Or else I will kick your -"

"Kick my what? Say it babe." Kanina pa to babe nang babe ah, syota ko ba to? The f lang. Arrrrghhh! Kainis, bwisit! Wala man lang pumapansin samin dito, na baka nirerape nako, tsk. Simula palang nung nasa church ako ay nagkadimadimalas na ako. May balat sa pwet yata yung Christian na yun. And speaking of him, biglang nahagip nang paningin ko yung lalaking yun. Mas nabwesit pa ako nung wala man lang siyang reaction, parang pinapanood niya lang akong harasin nang lalaking to. Sumandal lang siya sa may poste, makuryente ka sana! At nagsindi ng sigarilyo. How I don't like guys who smoked. He is grinning while looking at us, no, he is looking at me. Wow, mukhang nag-eenjoy lang sa panonood, movie lang tsong? Ito ba yung pakakasalan ko? Yuck, I mean nung Cindy? No freaking way. Siguro wala talaga siyang balak na tulungan ako sa gagong to. Sinipa ko nang pagkalakaslakas yung you-know-where-it-hurts-the-most. "Ahhh! Fuck!" Ayun, lumagapak sa semento habang hawak niya yung mahiwaga niyang cockroach.

"Siguro naman mawawala na yang kalasingan mo. Pervert!" Lumingon ako kay Christian, he seems amuse. Whatever. I just rolled my eyes sabay walkout sa scene. Mas binilisan ko na ngayon ang paglalakad baka may humarang na naman sakin.

"Are you running away again from me Ms. Amnesia girl?" Nakasunod na pala tong gagong to. Manigas ka dyan. Amnesia girl your face, gago. Busy-busyhan na naman ako sa phone. Asan na nga pala ako. Malapit na, isang liko nalang. "Are you really gonna keep acting like this huh?" Naging malamig ang boses niya. "When will you gonna stop this nonsense?! BULLSHIT CINDY!" He suddenly grab my hand and aggressively face me to him. "I'm running out my patience with you!" Yeah, he's really pissed off. I just stare at him blankly. Tignan natin kung hanggang saan yang inis niya. If he really that pissed off with me, so do I. "What is really wrong with you?! I have no idea kung bakit ka biglang nagkaganyan. Are you backing out now? So why? Sabihin mo lang sakin na aatras ka sa kasal natin, hindi yung aabot sa ganito. Damn Cindy! Hindi mo ba naisip kung ano ang kahihinatnan nito? Stop acting like you don't remember anything. Okay naman tayo before the wedding, right? I thought you love me? Ano ba talaga ang nangyari? Is something bothering you? Someone? That's why you've been acting like this?" Punong-puno ng katanungan ang mga mata niya. Panghihinayang? Inis? Galit? Misteryo.

Nakakasawa na marinig yung 'acting'. "Look. I really don't know. And I really don't have the idea of what's happening, especially to me! Ilang beses ko bang ulit-ulitin na hindi kita kilala, o kung sino mang mga tao doon sa simbahan. Nagtatanong rin ako sa sarili ko kung bakit ako nandito. Kung bakit nangyayari to ngayon?! Hindi ako ang babaeng pakakasalan mo, okay? Hindi ako si Cindy."

"Yeah, because you are Ella, sabi mo nga. What now? Cindy is being possessed by Ella?" He said those words sarcastically.

"Pwede ba, kung ayaw mong maniwala, edi wow! Hindi ko na yun problema. Siguro nga, ako talaga si Cindy, at siguro nga may dahilan kung bakit hindi ko kayo maalala. Siguro, may mga dahilan talaga kung bat nangyayari to ngayon." After kung masabi yun. Nagkatitigan pa kami sa isat-isa na parang may kuryente na lumabas sa aming mga mata.

"Alright. Siguro nga may amnesia ka lang. Kaya we need to get back to the hospital." Oh no, not in the hospital.

"No! I mean, not now, please. I'm really tired and gusto ko nang magpahinga." Hindi siya kumbinsado. "Promise, hindi na talaga ako tatakas. Kung gusto mo iposas mo pa ako para sure talaga." Hindi parin natinag. Mayamaya ay may kinuha siya sa bulsa niya. What the hell?!

"Sabi mo eh." Talagang pinosasan niya ko. Yung left hand ko ay nakaposas sa right hand niya. Great! Just great.

"Teka lang! Joke lang naman yun eh, pero totoo yung hindi na ako tatakas." Wala na, na lock na siya.

"Sabi mo nga diba, para sure." Bat parang natutuwa pato?

"San galing tong posas? Police ka ba?"

"Oo Police ako, kaya inaaresto kita sa salang hindi pagpapakasal sakin." Shocks, seryoso ba to? Bakit parang nag-iinit yung mukha ko? "Let's go. Malapit lang dito yung hotel ng ninang sana natin sa kasal." Napayuko nalang ako sa mga iniisip ko habang hila-hila niya ko.

Oh nooooo, magkasama kaming matulog ngayon? Sa isang kama lang? Tataaaaaay, save me.

avataravatar
Next chapter