2 Runaway 1: Who are you?

The greatest mistake I made that day was closing my eyes and start to doubt everything.

* * * * * * *

Parang kay tagal kong natulog at iminulat ko ang aking mga mata. Una kong nasilayan ay ang paring nagbabasa ng wedding vows.

"Do you Cindy Gaviola takes this man Christian Javier to be your lawfully wedded husband, to have and to hold, in sickness and health, to love, honor and obey, in good times and woe, for richer or poorer, keeping yourself solely unto him for as long as you both shall live?"

Habang sinasabi ng priest ang mga katagang yan ay mas lalong lumalaki na ang aking mga mata sa sobrang shock. Three words. WHAT THE HELL? Sorry, nasa simbahan pala ako. WHAT IS HAPPENING?! Unti-unti kong naramdaman na may pumipisil sa right hand ko, which is may kaholding hands pala ako?! Slow mo akong lumingon sa right side ko na kung saan ay ang lalaking napakakisig na nakangiti sakin. Oh la la, napatulala ako ng mga 10 seconds yata sa kanya before magsink in sakin ang nangyayari.

Tumingin ako sa suot ko, nakawedding dress ako. Tumingin ulit sa guy, medyo kunot-noo na siya sa inaakto ko.

"Cindy, you should say I do now." Bulong nung guy sakin. Shocks! Mas lalong lumaki ang mata ko at feel ko parang matatanggal na sa sobrang gulat.

"Wait! Anong palabas to?!" Naggasp ang mga tao sa halos pasigaw ko nang sabi. Ay oo nga pala, ngayon ko lang napansin na may hawak pala akong mic sa left hand ko.

"Cindy, what are you doing?" Kunot-noong sabi nung guy.

"Cindy, just relax, okay? We know that you are just nervous, it's natural lang iha." Medyo nag giggle ang pari sa sinabi niya at nakalma naman yung guy.

Pero teka, wala akong nerbyus na nararamdaman kundi shock sa nangyayari.

"Teka, wait!" Fav word ko na ata yung wait." I am not Cindy, and who are you by the way? Anong palabas to? Nasa shooting ba ako ngayon? Kelan pa ako naging artista? Did I sign a contract when I was drunk yesterday? Oh shit!" Ngayon ko lang naalala mga nangyari kagabi pero medyo blurred siya.

Mas lalong na shook ang mga tao sa sinabi ko at tumayo ang ilan sa kanila. Ni isa ay wala akong kilala.

"Cindy! What are you talking about? Are you out of your mind? Where is your manners for God sake! You are in the church!" Galit na pasigaw nung lola, na hawak-hawak nung lalaki.

At nagsimula naring mag bulong-bulongan ang mga tao at may nagsilabasan na ng mga cellphone at parang nagvivideo.

"Cindy, ano ba?! Anong nangyayari sayo? Stop joking around, this is our precious day. Go back to your senses!" Pagkabanggit niya ng senses ay parang nahilo ako bigla at napahawak sa sentido.

"I told you I am not Cindy! My name is Ella, Ella . . . Oh shoot. I think I really drink a lot and I can't even remember my full name, haha. Look, if my friends did this whatsoever prank, I'm gonna pay them big. Let's stop this nonsense shooting, my head's really aching bad right now and I need to rest." Pababa na sana ako ng aisle ng biglang hilahin niya ako pabalik. Inis na talaga siya niyan.

"What is wrong with you? This is not a freaking shooting! This is our wedding day!"

"Ouch! You're hurting me." Lumuwag ang kaninang napakahigpit niyang hawak sa mga balikat ko, lumambot naman ang kanyang mukha na animoy natauhan pero andun parin ang bahid ng inis.

"Okay! So this is not a shooting. I guess you took the wrong bride, wait no, scratch that, lady pala, cause hindi narin naman ako magiging bride at ikakasal ever. Hindi narin naman ako aabot don." Padabog akong naglakad sa aisle nang may mga humarang sakin, yung lolang sumigaw kanila.

"You are not doing this Cindy!" Oh gosh, this is really a bad dream. Pero naiinis na rin ako sa dream nato.

Nilagpasan ko siya at tumakbo. Maraming tumawag sa 'Cindy' daw. Wow, parang runaway bride lang ang peg ko. Medyo nahihirapan rin akong tumakbo dahil sumasayad yung gown at feel ko mataas ang heels na suot ko.

Pababa na ko ng hagdan nang biglang matapilok ako.

"Cindy!"

"OMG!"

Gumulong ako pababa and then blank.

avataravatar
Next chapter