6 Chapter 6 : Sarap

NAGISING ako sa mga katok mula sa pinto ng kwarto ko.

"Andrea" mahinahon lang ang pagtawag sakin. Sino yun ? bakit boses lalaki ? imposible naman na si kuya hindi ganun ang boses niya.

"Andrea" tawag ulit nito . Pisti naman oh istorbo sa tulog. Bumangon ako at nagpunta sa pinto para buksan kung sino man ang lalaking to ngunit hindi ako nagdilat ng mata.

"Ano ba? natutulog yung tao oh!" inis na sigaw ko.

"Andrea kakain na" malamig na sabi nito na ikinadilat ko . What the!

"Anong ginagaw mo rito sa pamamahay ko ?" inis na bulyaw ko sa lalaking nasa harap ko . Damn! Bakit si Phoenix na naman !

"Nakalimutan mo na ba ?" akala mo nasa commercial ng toothpaste sobrang puti ng ngipin. Tss! ngiting ewan naman hindi bagay sa kanya. Wait oo nga pala umalis na pala sila dad at itong mokong na to ang pumalit para bantayan ako .

"Susunod ako" binaliwala ko ang tanong niya sinarado ko ulit ang pinto ng kwarto ko at inayos ang higaan ko.

Nang okay na ang lahat sa paningin ko eh bumaba na ko para kumain.

---

Nang makarating ako sa dining area Nakita ko siyang nakaupo sa upuan. Sabay ba kami kakain ? hays sige na nga siya naman nagluto eh baka kapag nagsungit ako hindi niya ako bigyan ng luto niya nagugutom pa naman ako.

"uhm ano ba niluto mo ?" basag ko sa katahimikan na namamagitan sa loob ng kusina.

"yung request mo kanina." bored niyang sagot . Aba punyemas tong lalaking to ah bored talaga ?

Dahil sa inis ko tumayo ako at kumuha ng pagkain na inihanda niya . At pumunta ako sa sala para manood ng tv at para kumain na din ayoko Makita pagmumukha niya nasisira araw ko. Lalo na ngayon araw araw ko na siyang makikita .

Binuksan ko ang TV at nilipat ko sa Yey . SpongeBob na kasi eh isa yun sa mga favorite kong cartoons. Ang saya kasi panoorin kahit paulit ulit na lang hindi nakakasawa.

Magsisimula na akong kumain pero bago yun titikman ko muna tong sinigang na hipon let see kung masarap ba talaga ito. Kumuha ako ng kutsyara at sumalok sa sabaw .

"hmmmm masarap ! mukhang mapapadami kain ko neto" excited na sabi ko . minsan na lang kasi ako makakain ng ganito well si mommy kasi minsan pagod na kaya hindi na siya nagluluto ng mga ganito.

Shocks ! Ang sarap talaga ! Kain lang ako ng kain hindi ko na napanood ang episode ng spongebob ngayon. di bale na uulitin naman nila yun .

Patapos na ko kumain ng naramdaman kong may nakatingin sakin limingon ako sa paligid .At Nakita ko si Phoenix. "Bakit?" tanong ko rito.

"wala ang cute mo kasi" nakatingin niyang sabi sakin sus kala mo uubra sakin yang mga pambobola mo ? "Alam ko matagal na" sabay ngiti ng matamis sa kanya. Syempre pambawi man lang sa mga nasira kong araw dahil sa kanya. itinuon ko na lang ang tingin ko sa pagkain.

---

Tapos na ako kumain at hinugasan ko ang pinagkainan ko. Kahit papaano marunong naman ako maghugas ng pinggan no. umakyat ako sa kwarto dahil na boring ako mag pupunta na lang ako sa mall.

I wear white tie chest shirt for top , blue button up skirt and I pair it with nude strappy heeled sandals . Opss I forgot nude purse for my phone and money . Okay I'm ready to go na.

Lumabas ako sa kwarto ko at Nakita ko si Phoenix na nakatayo sa pinto ng guest room namin.Lumingon ito sakin .

"Saan ka pupunta ?" tanong nito habang sinuri ang suot ko mula ulo hanggan paa . Kumulo naman nag dugo ko sa ginawa niya.

"Mall of course" inis na sambit ko .

"sama ako" tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa

"Wearing that ?" nakapajamas lang kasi ito at tshirt na white. Bigla nitong tinanggal ang tshirt nito sa harap ko !

"TEKA" sigaw ko . anak ng tokwa naman oh abs! my virgin eyes huhuhu.

"bakit?" inosenteng tanong nito . painosente pa ang loko .

"tatalikod ako o kaya dun ka sa room mo mabihis babae ako Phoenix" inis na reklamo ko dito.

"okay talikod ka na wait me 3 mins. and I'm done." Tinalikuran ko siya at nagbilang ako . syempre 3 mins lang daw tapos nasiya eh natural yun .

"1.....2....." Bilang ko

"Im done " bigla akong humarap sa kanya

Wow hindi naman siya handa niyan ? naka Denim jacket siya sa loob ay black tshirt ang pants niya ay khaki ang kulay and pair of sneaker and gold watch at may hawak pa siyang salamin. Seriously ? Mainit ba sa Bahay at mall ?

"Bakit may dala ka pang salamin ? Mainit ba sa mall mamaya ?" hindi ko mapigilang matanong

"Just in case Andrea" tipid na sagot nito.

what the! ang tipid sumagot ng loko kala mo talaga nakakainis naman. Hindi naman siya artista kung pumorma daig pa artista nakakainis.

Bakit ka ba naiinis Andrea ? Dahil ba ang gwapo niyang tingnan ? arggg! Andrea ano ba pinagiisip mo . Iniling ko na lang ang ulo ko.

Nauna na kong maglakad patungo sa parking lot namin. dun kasi kami sasakay sa kotse niya . Mukha naman kasing hindi marunong magcommute ito.

Binuksan ko agad ang passenger seat at umupo na ako. nakakainis talaga. bakit ba ako pumayag na isama ang mokong na yun ?

Nagulat na lang ako paglingon ko sa driver seat nakaupo na siya dun . Paanong nangyare yun ?

Hindi ko man lang narinig ang pagbukas ng pinto ng kotse niya ? Imposible! ano nag teleport to ?

Inistart na niya ang makina ng sasakyan at pinaandar na ito. Tahimik lang siyang nagmamaneho at tahimik lang din akong nagiisip sa nangyari kanina siguro hindi ko lang namalayan na pumasok siya.

Tama! ganun nga hindi ko lang namalayan kasi busy ako sa kakaisip .

Naalala ko bigla ang nangyare kanina habang nagbibihis siya within 2 mins ? nagawa niyang pumorma ng ganun ?

samantalang kanina ang suot niya pajamas ? tapos instant ganun ang suot? ako nga ang tagal bago makapagayos aabot pa ng 3-5 mins . Ang weird huh .

-

Nasa mall na kami ngayon. Sabay kaming maglakad. Nakakairita ah sumasabay pa siya !

Nilibot ko ang tingin ko , Shocks! pinagtitinginan kami ng mga tao . bakit kaya ? may nakita akong dalawang babae na malapit samin.

"ang pogi naman nung kasama ni ate girl" bulong na sabi nung gurl 1 at tumango lang ang gurl 2. Seriously ? bulong bulong pa naririnig ko naman. Pogi nga yan may attitude naman .

Hindi ko na lang pinansin at naglakad ako ng konting bilis kaysa sa lakad ko kanina.

"Hey Andrea" tawag niya sakin .

Hindi ko na lang pinansin . Bakit ba kasi sinama ko pa itong mokong na to. Sumulyap ako sa likod at wala na siya . Hindi man lang niya ako sinundan ? akala ko ba babantayan niya ako?

Bumugtong hininga na lang ako at pumasok sa favorite kong boutique . Ang daming bagong damit .

The place of boutique is cozy. I really love this place. Simple lang ang mga dress but it will look like expensive one lalo na kapag suot mo na ang mag ito.

Tumingin ako sa mga tops . Hmm. I better buy this one off shoulder top with tiered puffed sleeves . Ang kulay niya ay French rose ang cute kasi it simple but chic look when you wear it. Im about to take it but someone take it first.

What the !

"Excuse me miss nauna akong makakita niyan" tiningnan ko siya . familiar siya pero hindi ko alam kung saan ko siya nakita.

"but I take it first can't you see ?" iwinawagayway niya ang hawak niyang damit. Nakakainis naman .

"ako ang unang nakakita niyan at tsaka kukunin ko na sana ng bigla mong kinuha" pinipigilan ko ang inis ko. Minsan lang ako pumunta ng mall tapos ganito pa mangyayari ?

Biglang may lumapit samin isang babae sinulyapan ko ito. Halata sa kilos na sopistikada ito. Her eyes like mine but her hair totally ash gray.

" What's happening here ?" kalmado nitong at tumingin sa babaeng kaharap ko.

"Mom look! ako ang unang nakakahawak nito ! But sinasabi niya na siya ang unang nakakita. " maarteng sabi ng babae sabay turo sakin. When the lady see me parang gulat ito sabay ngiti ng nakakasilaw sa puti ng ngipin nito.

"You must be Andrea you're so pretty" malambing na bigkas ng babae.

Huh? how did she know ?

"Mom kilala mo siya ?" biglang singit ng ka-age ko lang na babae. Biglang lumitaw si Phoenix sa gilid ko. Alam kong si Phoenix yun dahil sa presensya nito.

Tumingin ang ginang kay Phoenix at nagsalita ulit.

"Honey don't buy it, Siya ang unang nakakita give it to her " malumay na sabi ng ginang.

"But mom" tinitigan nito ang ginang at Iniabot sakin ang damit . At tumalikod na sila

"Wait" pinigilan ko sila pero hindi nila pinansin at naglakad palabas ng boutique.

"Are you okay ?" nilingon ko ang nagsabi nun .

"Yah. Did you know them ?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa damit na hawak ko.

"Bayaran na natin yan" napatingin ako sa kanya. Bakit hindi niya sinagot ang tanong ko ? Oo o hindi lang naman ang isasagot.

Naglakad na ko paputang cashier para bayaran ang damit na binili ko. Sinulyapan ko si Phoenix sa likod ko at busy ito sa kanyang cellphone habang inaantay ako.

avataravatar
Next chapter