4 Chapter 4 : Usap

SOMEONE POV

"Master nagkita sila ni Phoenix. Ano po ang gagawin namin?" ani ng lalaking nakaformal at inilapag ang isang brown envelop sa lamesa.

Binuksan nito ang brown envelop at tinitigan ang larawan.

"Magdagdag pa ng magbabantay sa kanya. Akin lang siya at ayokong mapupunta siya sa iba naiintindihan niyo? malamig na sabi nito.

Lumabas ang lalaking nakaformal sa loob ng kwarto.

"Akin ka na Andrea Miller. Oras na lang ang inaantay ko" ngiting demonyo nito.

Andrea POV

Hindi ko na sila inantay na bumalik sa canteen. Naglakad muna ako patungo ng garden ng St. Academia.

Napakaganda dito ang daming bulaklak iba iba pa ang kulay nito. Napakapayapa sa lugar na ito.

Nakaramdam na naman ako ng kakaibang awra dahil sa kuryusidad ko sinundan ko ang nararamdaman kong awra.

Nasa isang lumang classroom ito. Hindi na ito ginagamit dahil malapit na itong gumuho.

Hinahanap pa din ko kung nasan nagmumula iyo at may narinig sakong boses kaya nagtago siya sa pinakamalapit na poste.

"Bakit ?" may authoridad na boses nito. nakakatakot ang boritong boses nito. 

"Hindi mo ba ako namiss?" malambing na sabi ng babae.

"Ano bang kailangan mo?" boses ng lalaki .

Biglang tumahimik kaya isinilip ko ito  

Ngunit wala na kong nakitang ibang tao.

Ano yun ? 

May boses kanina bakit nawala ? 

Hindi kaya namamaligno lang ako ? Nawala na din yung awrang nararamdaman ko. Hayst.

Napatalon sa gulat si Andrea ng marinig nito ang bell hudyat ng tapos na ang Break time. Dali dali itong bumalik sa classroom nila.

-

Malapit ng matapos ang class wala pa rin si Phoenix . Siguro natagalan sila magusap ni Xylith .

"Okay class ito ang assignment niyo, bukas natin about jan." iniabot nito ang libro sa kanilang secretary at nagsimula na itong isulat sa whiteboard.

Nilabas ko ang sticky notes ko dahil dito ako lagi nagsusulat ng mga assignment. Habang nagsusulat kami biglang may kumatok sa pinto. Napatingin kaming lahat sa kumakatok . Bigla itong bumukas at niluwa nun si Phoenix.

"Good Afternoon Maam I'm sorry I'm late" halata sa mukha nito ang pagod. wait what ? pagod siya ? nagusap lang naman sila ni Lilith ah ? hindi ba sila kumain ? SHIT ! ano ba tong mga iniisip ko !

"It's already 30 mins left Mr.Madrigal dapat hindi ka na pumasok sa subject ko , hindi mo sineseryo ang subject ko ! but buti na lang at baging transfee ka lang dito kaya okay lang." may halong inis na sabi ni Ma'am. 

"Im sorry Maam, Sobrang importante lang po ang nangyare and nakausap ko na po ang Head Mistress ." his eyes looking at me . napatingin ako sa likod ko wala naman nakaupo ah ? baka sa harap ko nakatingin assuming lang ako .

"Then Its settle you may sit at the back" ani ni maam at itinuro ang likod. Naglakad naman si Phoenix at umupo sa tabi ko . Well bakit kasi katabi ko pa to? nakakainis naman lumingon ako sa bintana tinitigan ko ang mga puno at mga istudyante na palabas ng school na mukhang mga langgam sa taas ng kinaroroonan ko.

"Im sorry can we talk later ?" ang lamig ng tono ng boses niya kaya napalingon ako sa katabi ko.

"pardon?" ang perfect ng itsura niya. susko ang swerte ng magiging girlfriend ng mokong na to. napakagwapong nilalang.

"sabi ko pwde ba tayong magusap mamaya ?" so ako pala talaga kinakausap nito ?

"ah okay sige" binalik ko na lang ang tingin ko sa board shocks ! ang haba ng naisulat sa board ! wala pa ko sa kalahati . Ilang minuto lang naman ang pagtingin ko sa labas ah ! 

kinuha ko ang ballpen ko at nagsimula ng magsulat.

-

Nagulat ako ng biglang nagbell hudyat ito na uwian na. Hanggang ngayon hindi pa din ako sanay sa bell hays.

"okay class Good Bye" mahinahong sambit ni Maam. May pagkastrict kasi ito at ayon sa mga naririnig ko hindi tumatanggap ng excuses or any explaination ang teacher na to pero kanina si Phoenix tinanggap ang excuse. Hays unfair talaga ng mundo.

Iniligpit ko na ang mga gamit ko. Napatingin ako sa phone ko . It's already 5:30pm . Napalingon ako sa katabi ko.

"wait kita sa labas ng gate." ani ni Phoenix.

oo nga pala maguusap kaming dalawa. Inayos ko na ang bag ko at lumabas na ko ng room. habang naglalakad ako nagulat ako ng may humagit sa kamay ko . Nilingon ko ito.

"oh cloud ikaw pala ? bakit ?" ngiting sambit ko. Si cloud lang pala kala ko na kung sino.

"hindi ba tayo sabay umuwi ?" nagpacute ito sa harap ko. Ang sarap pisilin ng pisngi nito.

"ah hindi eh. May kakausapin kasi ako" wag mong tanungin kung sino please lang cloud ayokong magsinungaling sayo.

"sino?" may lungkot sa mga mata nito ? baka guni-guni ko lang yun?

"si Phoenix inutusan kasi ako ng head mistress na samahan si Phoenix after ng Class" shocks nagsinunngaling ako kay cloud.

"ah ganun ba ? okay ingat ka. " hindi na nito inantay na magsalita ako diretsyo na itong naglakad palabas ng school.

NapaBugtong hininga na lang ako dahil sa nanyari ngayon. Nalulungkot ako kasi hindi ko kasama si Cloud at alam ko na nagtatampo pa din ito dahi sa ginawa ko kahapon. Naglakad na lang ako paalis sa school. 

-

Nakita ko si Phoenix sa harap ng gate ng school. Ang cool nito tingnan . Naka sandal ito sa pader at nakayuko. Naka suot ito ng Demin Jacket at may black tshirt sa loob ang bag naman ito ay nakasukbit sa kaliwang balikat nito. Akala mo may pictorial siya.

Nilapitan ko ito. 

"hey" bigla itong nag-angat ng tingin. Hay nako para naman akong nasa movie scene nito.

"ang tagal mo naman kanina pa ko nagaantay dito" tinitigan ko ang mata niya all I can see is so deep. ang labi niya parang inaakit ako na halikan ko ito , Napailing na lang ako sa naiisip ko .

"ano ba ang paguusapan natin ?" diretsyong tanong ko sa kanya. 

"halika, wag tayo dito magusap marami ang makakarinig" hinawakan niya ang kamay ko at hinila ako papunta sa kulay pulang kotse ?

 may kotse siya ? 

tumingin ako sa paligid. 

huh? wla naman akong nakikitang tao sa paligid maliban sa guard ng school.

Nang makarating kami sa tapat ng kotse niya ay binuksan nito ang pinto ng passenger seat

"pasok bilis"  tumayo ang mga balahibo ko sa lamig ng boses nito. 

"okay" nangangatog ang binti kong sambit ko dito . 

Pagkapasok ko ay lumipat siya sa kabilang side ng kotse at pumasok siya sa driver  seat ng sasakyan, 

Sobrang tahimik naming dalawa sa kotse kaya napagdesisyunan ko na basagin ang katahimikan. 

"uh ano Phoenix ... ano ... ba paguusapan natin ?" lakas loob kong sabi dito sa totoo lang natatakot talaga ako . Sinulyapan ko ang mukha niya .

"Ihahatid at susunduin kita mula sa school at Bahay niyo" seryosong sambit nito ngunit hindi siya nakatingin sakin nakatingin siya sa harap .

"huh ? bakit ? " para saan ? kalokohan ! ano bang sinasabi ng mokong na to nakakainis na ah .

Sila daddy at mommy nga hinahayaan ako ! Tapos itong mokong na to hatid sundo ! ano ako bata ! 

"Utos sakin ng daddy mo" 

ano ! si daddy ? paano ? alam niya naman ayokong may humahatid at sundo sakin.

"Hindi kita kilala at never kang nakwento sakin ni daddy ! So sino ka ?" pipigilan kong magalit at sumigaw sa harap niya . 

pero Damn! 

walang sinabi si daddy  na may ganitong ganap !

"Malalaman mo din. Wala ako sa posisyon para magsalita at pangunahan sila." seryoso pa din ang mukha niya 

"Sa ngayon ihahatid na muna kita." pinaandar na nito ang kotse . hindi na ko nagtanong pa baka Lalo lang ako mainis sa lalaking to .

 Hinyaan ko na lang siya si daddy na lang ang kakausapin ko tungkol dito . 

Nagulat ako dahil iba yung rutang dinaanan namin papuntang Bahay . Damn! ano to kidnapping ? 

"Hoy alam mo ba kung saan bahay namin ?" sigaw ko dito . 

"Oo alam ko !" boritong boses ang narinig ko lalo akong nanginig sa takot .

Piste naman oh . bakit ako matatakot ?

 I'm Andrea Miller na walang kinatatakutan ano ako ngayon ? tiklop sa pisteng lalaking to ? nakakainis !

"Matulog ka  muna kung gusto mo."  bakit parang iba ang tono ng boses niya ?

 parang may halong care ? tss . as if naman assuming ka na naman andrea ha !

"Bakit ako matutulog ? eh malapit lang naman yung bahay namin" sinulyapan ko muna siya at kinuha ang phone ko mula sa shoulder bag ko.

Nanahimik siya hindi ko alam bakit . siguro ayaw niya lang na magtalo na naman kami . nakakasawa kaya makipagtalo sa mokong na to.

Naglaro na lang ako ng cookie jam. Favorite ko eh. puro cookies kasi, kaya nakakagutom . 

Sinulyapan ko muna siya nakatingin pa din siya sa daan at mukhang seryoso siyang nagiisip . 

bakit kaya ? oh well I don't care.

Nasa kalaginaan na ako ng paglalaro ng may narinig akong pagsabog mula sa labas ng kotse. Damn ! 

"Psst Hoy ano yun?" lumingon ako sa likod at laking gulat ko may sumusunod samin na mga itim na van.

"Nothing" kalmadong sambit nito.

"Anong nothing ka jan ! May sumusunod satin! sino sila ? Sabi na nga ba dapat hindi ako nagtiwala sayo !" inis na sigaw ko sa kanya . 

sino ba hindi maiinis sa nangyari ? Ang malas ko sa araw na to. tapos siya kalmado pa ?

May pinindot siyang blue button sa kanyang sasakyan at bigla na lang nawala ang mga humahabol samin.

 What the! 

anong nangyari ? 

Tumingin ako sa paligid Damn! para kaming nag teleport sa ibang lugar . Well nagteleport ba talaga o imahinasyon ko lang ?

"I told you its nothing" kalmadong sambit nito at nakatingin pa din sa kalsada. 

"Ni wala ka ngang sinagot ni isa sa mga tanong ko buset" pabulong kong sabi. How dad trust you ? eh pinapahamak mo lang ako ?  nakakainis siguro may ginawa to kay dad kaya nasabi ni dad yun. 

Tinigil ko na ang paglalaro ko at sumandal sa bintana ng kotse .  

Hmm malayo pa ba kami ? Maya maya familiar na ang dinadaanan namin . Hays sa wakas malapit na.  Matatapos na din ang araw na to na kasawa ko ang letseng ito.

Huminto kami sa tapat ng bahay. Binuksan ko agad ang pinto ng sasakyan  niya ayoko na bubuksan niya pa mamaya pilit na pilit pa sa kanya yun. Tinawag niya ako pero hindi ko siya pinansin at diretsyong pumasok sa Bahay. Nakasalubong ko si Mom. Palabas ito.

"Mom saan ka pupunta ?" hinarap ko siya.

"Sa labas pauwi na ang daddy mo sasalubungin ko and may bisita tayo may kasama ang daddy mo." excited na sabi nito at nagpatuloy ito sa paglakad papunta sa labas ng Bahay.

 

Huh ? hindi man lang ako hinarap ni mommy sino naman kaya yung bisita namin ?

Dumiretsyo na ko sa kwarto ko. Nagpalit ako ng damit at humiga. 

What's happening to me  ?

Masyadong nakakapagod ang araw na ito . Ang daming nangyari. Nakita ko ang lalaking nasa panaginip ko tapos ngayon ang lalaking yung pa ang maghahatid at sundo sakin ?

 Damn !

I Admit na gwapo siya but yung attitude niya bes hindi katangap tangap. Nakakairita ang ugali. At si daddy pa talaga nagdesisyon na bigyan ako ng tagabantay sa school ? para saan ? hindi naman ako magjojowa haler wala pang nakakakuha ng puso ko na paglalaanan ko ng buong buhay ko .

Ang gusto ko ang first boyfriend ko ayun na ang last . Imposible man pero kakayanin lalo na sa panahon ngayon talamak na ang cheater. Hays ano ba tong mga iniisip ko . Makatulog na nga muna. Ipinikit ko ang aking mata.

avataravatar
Next chapter