3 Chapter 3 : Ang pagkikita

Dahil nangalay si andrea sa kanyang posisyon ay inayos niya ang kanyang pagkakayuko sa mesa. Humarap ito sa seatmate niya . Naaninag niya na may seatmate na siya . 

Dinilat ko ang aking mata. Laking gulat ko na nakatingin ang seatmate ko.

"wwwaaaaahhhhh!" sigaw ko na nakakuha ng atensyon ng lahat.

Damn ! Siya yung lalaki sa panaginip ko bago ako magising . Siya yung tumulong sakin bakit nandito siya ? 

Panaginip lang yun ah?

"Ms.Miller anong problema mo at nagsisisgaw ka jan ?" sambit ni Mr.Gimeno at napalingon ako.

Ay shete ! Si Mr.Gimeno na ? Absent kaya si Ms.Reyes ? Bakit walang gumising sakin ?

"Ah eh sir wala po nagulat lang po kasi ako" sambit ko at ngumiti.

"okay class proceed na tayo, Chemical reaction happen absolutely everywhere." Sambit ng guro. 

At tuloy tuloy itong nagdiscuss. Hindi na ako nakinig dahil nakafocus ako sa Seatmate ko. 

Anong ginagawa nitong lalaking to dito ? At katabi ko pa ? Kelan pa siya nandito ?  Tiningnan ko ulit ang lalaking katabi ko habang nakalumbaba.

Ang gwapo niya sobra.

 Ang labi niya ay pulang pula parang ang sarap halikan at kagatin. Ang mga mata niya na parang nangaakit. Para talaga siyang angel na bumaba mula sa langit . Daig pa nito ang mga artista sa kaputian at kagwapuhan nito. Shocks may abs kaya to ?

Umiling iling si Andrea sa mga naiisip niya .

Ano ba tong naiisip ko ! Ni hindi ko nga kilala tong katabi ko tapos pinapantasya ko pa ! Ano ba Andrea! Manahimik ka nga ! Kakabasa mo yan sa wattpad lumalandi ka na ah !

Biglang tumingin ito sa gawi ko at nahuli akong nakatingin sa kanya.

Feeling ko naginit ang mukha ko kaya napayuko ako.

Damn!

 Nahuli niya akong nakatingin sa kanya. 

"ako pala si Phoenix Madrigal" bulong na sabi nito sapat para marinig ko.

Umangat ako ng tingin. 

 At tinitigan ng mabuti si Phoenix na tila sinusuri at kinakabisado ang mukha nito .

Ang seryoso ng mukha niya pero ang cute niya. Bakit bumilibis ang tibok ng puso ko ? May sakit na ba ko ?

"ah eh Andrea Miller pala" ngiting bigkas ko.

Nagiwas ito ng tingin at tinugon ang tingin sa Whiteboard. Habang ako naman ay nakinig na lang.

"So class ayun lang muna maaari na kayong lumabas at magtake ng break" pagkarinig ko nun eh dali-dali kong inayos ang gamit ko at diretsyo sa labas . 

Hiyang hiya ako sa nangyare kanina lalo na kay Sir Gimeno. Bakit kasi sumigaw pa ako ng bongga nakakahiya talaga baka masira na imahe ko ngayon huhuhuhu.

Magisa akong naglakad patungo sa canteen namin. Dahil hindi ako nagbabaon ng foods pumila ako para makabili . 

Wala pa kong nakikitang pwedeng kaibiganin dito yung tipong sabay mag lunch , magkwekwentuhan, mga kaekekan ng babae, Ang tanging close ko lang eh si Cloud buti nga yun pusong babae hahahaha . 

Nasan kaya yun ? Hindi ko siya napansin kanina kung pumasok ba siya o hindi.

"Hi Andrea anong gusto mong ulam ngayon?" tanong ni ate Virgie. Siya ang nakatokang magsandok para sa ulam.

Itininuro ko ang Chicken Curry . Ito kasi ang paborito kong ulam.

Binayaran ko ito at umalis sa harap nila.

---

Nang naibigay at nabayaran ko na ang order ko sa canteen ay naghanap ako ng bakanteng upuan ngunit wala akong nahanap na upuan kaya nagpasya ko na umakyat sa ikalawang palapag ng canteen.

Nakita ko ang perfect spot para sakin!

Ito ay nasa dulo malapit sa electric fan at malayo sa ingay.

"Ayun buti na lang may magandang pwesto dito sa taas" 

Nilapitan ko ang pwestong gusto ko. Nang marating ko ito ay umupo ako at nilapag sa katabi kong upuan ang aking bag.

Nagsimula na akong kumain. Habang kumain ako may na Tanaw akong pamilyar na tao sa labas ng pinto ng building .

Si Phoenix yun ah ? Ang pogi niya kahit malayo.

Nang biglang napalingon si Phoenix sa gawi ko ay agad akong nagiwas ng tingin. At inilibot ko ang aking paningin kung may ibang tao ba dito sa kinaroroonan ko.

Damn! 

Nahuli na naman niya akong nakatingin bakit ganun ?

 Paano niya nalalaman na nakatingin ako sa kanya ?

Inilibot ko ulit ang aking paningin . Dahil pakiramdam mo ay nanonood sakin . At nakakaramdam ako ng kakaibang awra . Masyado itong maitim.

Damn!

Ito yung pakiramdam ko sa panaginip ko! 

Ibig sabihin nandito siya ? 

Akala ko panaginip ko lamang yun ?

Pinakalma ko ang aking sarili at inisip kung ano ang itsura ng lalaking nasa panaginip ko ngunit hindi ko ito matandaan o maalala man lang.

Aist . Bakit hindi ko maalala ? Nakakainis naman .

Itinuloy ko na lang ang pagkain at hindi pinansin ang naramdaman kong awra. Nang matapos akong kumain ay nilabas ko ang isang libro at nagbasa

Ito ang binigay sakin ng pinsan ko .

"Tungkol saan yan ? mukhang maganda eh ?" ani ng isang dalaga mula sa likuran ko.

Liningon ko siya saglit at binalik ang tingin sa librong hawak ko.

Ayoko ng istorbo lalo na kung nagbabasa ako !

"Ah ako pala si Xylith , Xylith Cullen pero pwde mo kong tawaging xy"ani ulit nito at inilahad ang kamay sa harap ko.

Ang kulit ng babaeng to hayst.

"Ako si Andrea Miller" at nakipagkamay ako sa kanya . Itinabi ko muna ang aking libro at inilagay sa aking bag .

Biglang hinila ng dalaga ang malapit na upuan at tumabi sakin.

"Bago lang ako dito. Wala pa akong friends . Pwede ba kitang maging kaibigan ? " ngiting sabi nito.

Tinitigan ko ito.

Ang ganda niya sobra. Maraming maiinggit na kababaihan sa taglay na ganda ng babaeng nasa harap ko ngayon. Miski ako nakakaramdam ng inggit . Ang karisma niya iba masyadong magaan ang awra niya hindi ko mawari kung bakit may pagkabigat. Yung ngiti niya na nakakapanghina ng tuhod ng kalalakihan.

Yung mukha niya na mukhang angel na may pagkapalaban . Yung labi niya na mapula. Yung pisngi niyang kulay rosas .

Mukha siyang artista napakaganda niya bagay sila ni Phoenix magiging sikat sila dito sa school lalo na kung nagkataon na magkadikit sila.

" ah sure kaso nakakailang naman na maging kaibigan ka"

"bakit naman ?"

"kasi masyado kang maganda at nakakaakit"

Tumawa ito na tila isang musika .

Pati pagtawa niya ang ganda.

"Ano ka ba Andrea maganda ka din naman ah gusto mo ba maging ako? " may halong lungkot sa mga mata nito ngunit hindi ko pinansin dahil nakangiti ito at maamo ang mukha.

"sa ngayon ? Sapat na kung ano ako ngayon" nakangiting sabi ko.

Natahimik ang babae tila nagiisip ng kanyang sasabihin. Sa hindi inaasahan biglang lumitaw sa gilid namin si Phoenix.

"Bakit ka nandito ?" malamig na tugon nito kay Xylith. Ngunit matamis na ngiti lang ang sinagot nito.

"magusap tayo! sumunod ka sakin."halata sa tono ng boses nito ang pagkainis at pagkasabi ni phoenix nun ay umalis na agad ito sa gilid nila.

"ah bes Andrea una na ko ah see yah later girl" sabay wink nito sakin at sumunod kay Phoenix.

So magkakilala silang dalawa ? May something kaya sa kanila ?

Natigilan ako sa pagiisip ng makaramdam ako ng isa pang awra na papalapit sakin.

Bakit nakakaramdam na ko ng ganito ? Noon naman wala lang ah? Dahil ba sa panaginip ko ? Ano bang ibig sabihin ng sinabi nung lalaking iyon ? Hindi kaya magic spell yun ? 

Dali dali kong niligpit ang gamit ko at umalis.

avataravatar
Next chapter