2 Chapter 2 : Bahay

Andrea POV

Pagdilat ko ng aking mata nakita ko ang mga stars sa aking kwarto. Napabangon ako bigla at nakahinga ng maluwang . Buti na lang at panaginip lang ang lahat akala ko pa naman eh totoo yung mga nangyari. Hindi ko mawari kung ano bang klaseng tao ang mga nasa panaginip ko. Hays kalimutan ko na nga iyon, panaginip lang naman yun. Nakalimutan ko siguro magdasal kaya ganun. Tiningnan ko ang oras sa tabi ng lampshade ko 3:01am na .

Dahil nakaramdam ako ng uhaw nagpasya akong lumabas ng aking kwarto at kumuha ng tubig sa ref. Kumuha muna ako ng baso at nagsalin ng tubig duon . Habang iniinum ko ito may narinig akong kaluskos sa may pinto namin. Ano yun ?

Agad akong kumuha ng pamalo at nag abang sa pinto upang paluin ito dahil alam niyang magnanakaw ito dahil alas tres ng madaling araw mga tulog pa ang mga tao.

---

Third person POV

"Konti na lang . Yari na naman ako kapag naabutan ako dito" bulong nito sa sarili. Konting kalikot na lang mabubuksan na niya ang pinto.

'click' tunog ng success na unlock ang pinto.

Success ! Shit pinagpawisan ako dun ah buti na lang. Binuksan nito ang pinto at nagulat siya ng may biglang humampas sa kanya buti at nasalag niya ito

"WALANG HIYA KANG MAGNANAKAW KA ! DITO KA PA TALAGA MAGTATANGKANG MAGNAKAW AH ! " Sigaw ni Andrea sabay hampas ng malakas.

Nakaiwas ito at pangalawang hampas ni Andrea ay natamaan ito kaya sinugod na ni Andrea ito at sunod sunod na pinagpapalo hanggang sa mitumba ito. Natumba ito at biglang dinaganan ni Andrea para hindi makatakas at pinagsasapak niya ito .

Nagising ang mga magulang ni Andrea dahil sa sigaw ng kanilang anak.

"ANDREA ! ANO BANG NANGYAYARI" sigaw ng mama ni Andrea. Biglang lumiwanag ,at nagulat silang lahat .

---

Andrea POV

"WALANG HIYA KANG MAGNANAKAW KA ! DITO KA PA TALAGA MAGTATANGKANG MAGNAKAW AH ! " Nung pumasok ang magnanakaw sa loob ng Bahay namin ay dali dali ko itong pinalo gamit ang kahoy na kinuha ko sa kitchen.

Nung una nakaiwas ito nung pangalawa ay hindi na kaya sinugod ko na ito at pinagpapalo hangang sa matumba ito. Naisip ko na daganan ito upang hindi makakilos at makatakas.

"ANDREA ! ANO BANG NANGYAYARI" sigaw ni mama.

Biglang lumiwanag dahil binuksan ni mama ang switch ng ilaw at bigla akong napalayo sa nakita ko .

"KUYA!" Damn! Bakit si kuya ? anong ginagawa ni kuya ng alas tres ng madaling araw sa labas ? Hanggang alas Diyes lang ng gabi ang curfew namin dahil kapag lumapas kami ay hindi na kami makakapasok sa loob ng Bahay. Isinasarado at ilolock na ang pinto at gate namin .

"aww" ungol ni kuya habang namimilipit sa sakit ng katawan .

"Sorry akala ko kasi magnanakaw" yumuko ako

"Anong ginagawa mo ng alas tres sa labas Joshua! " tanong ni papa

Lumapit si mama kay kuya at itinayo ito at pinaupo sa sofa. Iniwan ko silang nag uusap pumunta ako sa kitchen para kumuha ng baso at pitsel at dinala ko ito kung nasan sila kuya.

"Ma, Pa, Kuya balik na ko sa kwarto ko . Kuya sorry ulit" umalis ako sa harap nila at bumalik sa kwarto ko.

Hays ano ba andrea kung ano ano nanagyayare sayo bakit nagawa mo sa kuya mo yun ? Kawawa naman siya hay nako .

Bumalik ito sa kanya pagkakahiga at natulog ito. 

---

Naglalakad si Andrea papunta sa kanilang paaralan nagtataka siya bakit ang dami namang tao ngayon ? Ano bang meron ? Ang daming babaeng nagaabang sa gate ? May artista ba ? May event ba ?

At dahil inaantok si andrea ay pumasok ito sa kanilang room at pumunta sa pwesto niya sa tabi ng bintana at yumoko sa kanya desk. Hindi namalayan nito na nakatulog na pala siya.

Biglang pumasok ang kadarating lang na si Cloud. Tinitigan niya si andrea. Nilagay niya sa kanya upuan ang kanyang bag at tumabi sa dalaga. Naisip nito na bumawi sa ginawa nito kahapon.

Gugulatin na sana niya ito ng biglang nag bell. Hudyat upang pumasok na sa bawat room dahil magsisimula na ang klase. Bumalik ito sa kung saan siya nakaupo.

Biglang nagsipasukan ang kanilang mga kaklase. Sinulyapan ni Cloud si Andrea. Nalungkot ito ng kaunti.

Ilang minuto ang lumipas at pumasok na ang kanilang guro.

Cloud POV

Hallooo . Ako si Cloud na mag dadala sayo sa Langit *wink* char.

So kadarating ko lang sa loob ng room namin at nakita kong nakayoko si Andrea natutulog kaya ito ? Napuyat siguro ito ? Baka kaya sakin kaya napuyat itong babaeng to ? Iniisip kaya nito na baka galit pa ko sa kanya ?

Hindi naman kasi ako galit dissapoint lang ako at nagulat , hindi ko alam kung anong expression ang ipapakita ko sa kanya. Dahil ang alam niya baklush ako well ginawa ko lang naman yun para maging close ako sa kanya.

Kinuha nito ang kanyang cellphone sa kanyang bag at tinitigan ang wallpaper nito .

Ako at si Andrea parehong masaya sa larawang ito. Nakakalungkot lang isipin na hanggang kaibigan lang kami bakit kasi bakla ba yung naisip kong way upang maging close kami ?

Biglang dumating Ms. Reyes

"Good morning class. Ms Magmaliw paki kopya naman ito sa board naiwan ko kasi ang visual ko" sambit nito at umupo sa kanyang itinakdang upuan.

Tumayo si Claire at nagsimulang magsulat sa whiteboard. Itinago na ni Cloud ang kanya cellphone.

"Paki gising naman class si Ms.Miller" ani ng guro.

"Ma'am may sakit po siya hayaan niyo na lang po muna magpahinga" ngiting tugon ko kay maam .

Nasa kalagitnaan na kami ng klase ng biglang may kumatok ng malakas na ikinatigil ni Ms.Reyes sa pagsasalita .

"Ms. Reyes" tawag ng kumakatok.

Lumapit ito sa pinto at lumabas. Ilang minuto lang ang lumipas at bumalik ito.

"So class may bago kayong classmate" pumasok ito at biglang naging active ang mga kaklase naming babae. Tss.

"Introduce yourself"

"Im Phoenix Magdrigal . 19 years old" nakatingin lang ito sa isang direksyon. Sinundan ko kung kanino ito nakatingin . Kay Andrea ! Damn it! Mukhang may kaagaw pa ko . Tatlo lang ang bakanting upuan sana naman hindi katabi ni Andrea .

"Maupo ka na sa tabi ni Ms.Miller" itinuro nito kung nasan ang upuan ni Phoenix .

Damn! Mahina pala ako . Kainis.

Dahan dahan itong naglalakad patungo sa tabi ni Andrea. Inilibot ko ang tingin ko sa lahat . Halos lahat ng classmate namin sa ay nakatingin sa kanya pati na din si Maam. Hays.

"ang swerte ni andrea katabi niya si phoenix miloves" bulong ng classmate namin .

"close na nga niya si Cloud tapos seatmate niya pa ang transferee " bulong ng nasa unahan.

Tss. Bulong bulong pa naririnig naman ng iba.

Nang makaupo ito ay nakatingin pa din sila sa kanya pati si Ma'am.

"attchuuu" kunyaring bahing ko para bumalik sila sa realidad.

"eherm. Sorry class saan ba tayo huminto ?" sambit ng guro at itinuloy na nito ang klase.

Nang matapos na si Ms.Reyes magturo at lumabas na ito. Ilang minuto ang lumipas at pumasok naman si Mr.Gimeno ang science teacher namin. Itinanong din nito bakit nakayuko si Andrea at ganun din ang sinabi ko .

avataravatar
Next chapter