19 20Paglayo

Pipiliin nalang siguro ang pag layo kaysa maraming masaktan at masugatan ang puso diba..Paano ba magmahal ng wala kang nasasaktan na tao, siguro parte na nga kapag nagmahal ka kailangan may masaktan ka, o susugal ka nalang para wala ng masaktan, susugal ka na lang na hindi magmahal para wala kang masugatan at madurog na puso...

Mahirap bang magmahal o sadya lang talaga na kailangan mong matuto para sa sarili mo..

-Yuanhan: Hindi ba pweding ako nalang ang piliin mo o mahalin nalang para di mo na kailangan mamili Sheng, mula ng iwan ka ni Yushu ako nasa tabi mo bakit parang ang dali lang sayo na mamili at parang ang dali lang sayo na ipalit ako sa kanya kahit na noon pa ako nasa tabi mo Samantalang bumalik lang siya agad nagpakasal ka na sa kanya..Parang pinamukha mo sa akin na wala kang tiwala na kaya kong iresolved ang problema.. At ang dali lang din sayo na kalimutan ako, sa bagay hindi na nakakapagtaka kung bakit dahil simula palang naman siya na talaga ang mahal mo..

-Shengyou: Yuanhan, nagtiwala ako sayo sa maniwala ka o sa hindi..Minahal kita ng Kagaya ng pagmamahal ko kay Yushu kaya nga hindi ako maaaring mamili dahil pareho kayong may puwang sa puso ko pero hindi maaari na dalawa kayo dahil isa lang ang puso ko.. Ayokong masaktan ang isa sa inyo dahil ako ang nasasaktan kapag may pinili ako sa inyo..Sa totoo lang nasasabihan na nga ako ng pinsan ko na malandi dahil pareho ko kayong gusto, kaya ito lang ang solusyon para malaman ko kung sino talaga ang marunong maghintay sa akin..

-Yushu: Paano naman ako, ang kasal natin paano na..Hindi ba talaga pwede kang mamili kahit isa sa amin..??

-Shengyou: Hindi....At ung kasal natin mag divorce tayo, dahil ligtas naman na si Yuanhan, mapapalagay na ako dahil alam kong ligtas na siya diba..

-Yuanhan: Sheng hihintayin kita hanggang sa pagbalik mo,hindi magbabago ang nararamdaman ko..

-Shengyou: Lahat ng tao nagbabago Yuanhan, alam kong isa sa inyo ang makakahanap ng taong mamahalin nyo, ang damdamin nagbabago ang pagmamahalan ng dalawang taong nagmahalan ay nagwawakas sa hindi malamang dahilan dahil nagbabago ang nilalaman ng puso kapag natagpuan na ang taong makakasama niya habang buhay, kaya naniniwala ako na kayong dalawa ay makakahanap ng taong magpapabago ng pagmamahal nyo sa akin, dahil bawat isa sa atin ay may nakalaan at makakatagpo tayo ng tamang taong mamahalin hanggang sa ating huling hininga, kaya alam kong makakahanap kayo ng para sa inyo pagdating ng araw..

-Yushu: Tama ka, dahil ako sa totoo lang di ako naniniwala na magmamahal ako at alam mo bang ang daming babae na akong nakasalumuha pero isa sa kanila ay hindi tumibok ang puso ko, pero nong una pa lang kitang nakita doon ko naramdaman naman may kakaibang nangyari sa puso ko, yon pala ung tinatawag nilang pagmamahal..

-Shengyou: I know, na lahat tayo ganun ang nararamdaman..Pero lahat tayo my nakalaan sa atin siguro hindi lang natin sila napapansin Malay mo pala minsan nasa harap mo na o kaya nakakasama

mo na sa isang lugar pero syempre may tamang panahon para sa mga taong nakalaan sa isat- isa..Hindi lahat ng tao kapag natagpuan na nila ang minamahal nila ay maganda ang pagsasama minsan nagkakahiwalay ang mga taong inaakala nila sa umpisa na ung taong mahal nila ay un na talaga, ang hindi nila alam yon pala ang magiging dahilan ng pagbabago ng pagmamahalan nila sa isat- isa.. Kaya kahit na magkasama sila ng matagal tagal na doon lang nila marerealized na may kulang dahil hindi talaga sila ang para sa simula kaso lang nagpadala sila ng bugso ng damdamin kaya akala talaga nila sila na hanggang dulo..Sa tingin nyo ba madaling magmahal, hindi madaling magmahal dahil ang pagmamahal mo para sa isang tao, parang gyera na kahit gaano karami pang nakaharang sayong sibat o kahit ilang milyong libo pa ang handang pumigil sayo kung mahal mo talaga ang isang tao kahit mag isa ka lang handa ka para sa taong mahal mo.. Mahal mo e, kaya kahit gaano pa karami handa ka para makarating ka lang sa taong mahal mo..

-Yuanhan: Bakit may kasamang gyera..

-Shengyou: Yuanhan, hindi mo pala naiintindihan ang ibig kong sabihin.. Ibig sabihin na kahit sino pang humadlang sayo o kahit sino pa ang gustong manira sayo kung mahal mo handa mong ipaglaban dahil mahal mo e, dahil kapag nagmahal ka, kailangan mong humarap sa maraming problema na kailangan mong harapin at hindi para maduwag ka sa oras na ang isa sa inyo ay sumuko na sa pagmamahalan nyo kailangan ang isa sa inyo ay humarap sa problemang kailangang harapin para maibangon nyo pa ang pagmamahalan nyo..Hindi yong kapag may problema na e tatakbo ka nalang..Ang pag ibig ang gyera sa mga taong nagmamahalan, dahil ang pag ibig ang nakakasira minsan sa mga taong mag ka kaibigan o magkakapatid yan ang gyera ng pag ibig minsan pa nga dahil sa pag ibig nagkakagulo ang isang buong pamilya kaya ang pag ibig ang malaking gyera sa mga tao ngaun dahil kaya nyang wasakin ang mga taong nagmamahalan at kaya niyang sirain ang mag asawa kaya nga diba dahil sa lintik na pag ibig na yan nagkakaroon ng kabit ang may asawa like my father, nawasak siya ng pag ibig.. Kaya malaki ang epekto ng pag ibig sa mga tao.. Gyera ang pag ibig..

-Yushu: Bakit kailangan pa magmahalan ang isang tao kung malaki naman pala ang dalang gulo ng pag ibig sa mga tao..

-Shengyou: Dahil kapag hindi ka marunong magmahal hindi ka tao, wala kang puso kong ganun.. Alam nyo hindi naman sana tatawagin ang pag ibig na gyera e, kung may mga tao lang na hindi nagpapadala sa tukso o kaya may mga tao lang sana na marunong ipaglaban ang pag ibig sa tama hindi yong handa minsan ang isang tao na makipaglaban sa pag ibig kahit alam ng mali , kung isang tao marunong lang sana lumaban kung ano ang tama hindi magkakaroon ng gulo pagdating sa pag ibig..Sa totoo lang perpekto ang pag ibig kung ang mga tao marunong magmahal ng tama at marunong kung ano ang ipaglalaban as tama at mali..

avataravatar
Next chapter