17 18 Yuanhan Tear's

Masaya sina Aide Yushu at Shengyou sa Unang araw nila dahil sa wakas tuluyan ng alam ng lahat na official na mag asawa na sila.. Pero sa di inaasahan may bisita silang dumating na di nila alam kung sino man yun..

-Yushu: Babe saglit lang may bisita tayo, pero alam kung wala tayo ngaung bisita dahil wala naman akong pinapunta ngaung araw..

-Shengyou: Puntahan muna baka importante yan e, Malay mo diba ikaw talaga ang sadya..😉😉

-Yushu: Cge na nga baka nga..

Naglakad na si Yushu papunta sa gate nila para buksan ang gate ng biglang ikinagulat niya ang hindi inaasahan na bisita..

-Yushu: Yu..Yu..Y..Yuanhan..😨😨 Anong nangyari sayo, bakit may sugat ka sa kamay, Halika at gamutin natin..😨😨

-Yuanhan: Nasaan si Shengyou? Bakit hindi na siya nagpapakita sa akin? Bakit!!!!!??

-Shengyou: Babe sino yan?

-Yuanhan: Babe!? Ha..Hahaha..😔😔Shengyou, lumabas ka dyan, magpaliwanag ka sa akin? Bakit? Bakit? Bakit mo ito ginawa sa akin?😭

-Shengyou: Yuanhan, Bakit siya nandito? Alam kung may mali ako e.. Kaya dapat lang na magpaliwanag ako..

-Yushu: Wag ka naman ganyan Yuanhan, pasok ka muna..

-Yuanhan: Gusto ko lang makausap ang Girlfriend ko, bakit niya ginawa sa akin ito..Gusto ko lang siyang makita at maka usap un lang..

-Shengyou: Nandito na ako.. Yuanhan, anong nangyayari sayo, halika pumasok ka at gagamutin ko muna ang sugat mo..

-Yuanhan: Bakit? Bakit mo ginawa sa akin ang bagay na hindi ako masisiyahan sa buong buhay ko, diba na ngako ako sayo na antayin mo ako at aayusin ko lang ang bagay na dapat ayusin, ngaung tapos na bumalik ako para sayo tapos babalik ako na wala na pala,..

-Shengyou: Yuanhan ginawa ko ang bagay na to dahil mahal kita at ayaw kung mapahamak ka, alam kung hindi basta basta ang pamilyang Zhang kaya ito ang tanging paraan..

-Yuanhan: Paraan? Paraan ng ano? Paraan na masaktan ako at mahati ang puso ko sa apat na bahagi.. Un ba ang paraan na gusto mong mangyari hah? Sheng alam mong gagawin ko ang lahat para sayo..Umuwi ako ngaun dahil wala ng problema, alam mo bang naayos ko na, halos kalahati ng yaman ko inubos ko para lang wag na taung guluhin tapos nagbayad lang pala ako sa wala.. Sheng naman bakit mo ginawa? Ano bang kasalanan ko sayo..😢😢😢😢

-Shengyou: Sorry...Sorry...Sorry...Hindi ko alam na ginawa mo ang lahat.....😭😭😭

Du bushíe...

-Yuanhan: Bushíe... I don't need you're sorry, I need you please back to me... Mahal kita, kaya bakit ito pang lalaking ito.. Wag mong sabihin dahil lang sa kaligtasan ko baka talagang ginawa mo dahil mahal mo siya..😭😭😭

-Yushu: Ginawa ko ang nararapat Yuanhan para rin sa kaligtasan ni Shengyou, bakit hindi mo maintindihan un hah?

-Yuanhan: Kaligtasan?😢😢😢😢 Bakit sa palagay mo hindi ko kaya un hah..?😭Bakit ba ang hirap? Sheng please, nagmamakaawa ako sayo..😭😭 Ano bang dapat kung gawin para lang maniwala ka sa akin na mahal kita, alam mo bang simula na naging tayo unti unti kong ginawa ang lahat, palihim akong gumawa ng bahay natin para pag kinasal na tayo may bahay na tayo, alam mo simula nong tayo wala na akong ibang pinangarap kundi ang makasama ka sa lahat ng araw.. Kahit na alam kung sa simula palang si Yushu parin ang mahal mo..Pero hindi ko iniisip yon dahil alam kung darating din ang araw na mamahalin mo rin ako, at sa wakas nong naramdaman ko na mahal mo narin ako ang saya ko.. Kaya ginawa ko ang lahat para lang maging masaya ka, at mahalin mo pa ako lalo..Pero ito pala ang mapapala ko, wala na naman.. Alam ko naman simula pa lang wala na akong laban sa taong nag mamay-ari na ng puso mo e.. Pero hindi ako nawalan ng pag asa dahil sabi ko mamahalin mo rin ako gaya ng pag mamahal na binigay mo sa kanya.. Pero ito parin ako bigo na naman ako..

-Shengyou: Sorry..Inaamin ko na mahal ko parin si Yushu, pero inaamin ko rin na mahal kita, minahal kita Oo natutunan na mahalin..Alam kong naging makasarili ako dahil sa ginawa kong ito pero kasi ayokong malagay ka sa panganib kaya ginawa ko na ang paraan na pwedeng makaligtas sayo..

-Yuanhan: Ito bang sinasabi mong paraan hah Sheng.. Bakit sa tingin mo ba hindi ko kaya iligtas sarili ko, Sheng lahat ng bagay may katapat kaya lahat din ng bagay na pwede kong tapatan ginawa ko na para mag sama tayo ng masaya at ligtas tapos ito lang pala mapapala ko...😢😢😢Ang tanga ko naman pala na naniwala ako sa lahat ng sinabi mo..Sa totoo lang ako ang nakaligtas sayo hindi ang kasal nyo..Dahil ang buhay mo binayaran ko pati ang buhay ko lahat ng pamilya mo binayaran ko sa pamilyang Zhang ang buhay nyo kaya halos walang wala na ako ngaun tapos ito, ito lang mapapala ko sayo sana man lang nagtiwala ka sa akin, sinasabi mong may tiwala ka sa akin pero kay Yushu ka nagtiwala hindi sa akin, hah, nakakatawa..😔😔

-Shengyou: Alam kong hindi na maibabalik pa lahat, kahit na paulit ulit pa akong humingi ng sorry sayo alam kong hindi na mangyayari ang gusto ko, sana mapatawad mo ako..

-Yuanhan: Patawad? Anong klasing patawad ang gusto mo hah? Sa tingin mo ba maibabalik mo ang puso ko sa buo, sa totoo lang wala naman akong ibang hangad kundi makasama ka at mahalin ako, kung paano mo mahalin si Yushu pero kahit pala anong gawin ko kong ang puso hindi maturuan, wala akong laban kahit na lahat gawin ko kung puso na ang kalaban ko wala akong panalo...

-Shengyou: Minahal kita, minahal kita Yuanhan, dahil alam ko naman na hindi ka mahirap mahalin e, kaya nga minahal kita gaya ng pagmamahal ko kay Yushu, sa tingin mo ba hindi ako nahirapan kong sino sa inyong dalawa ang mamahalin ko, pero wala din akong magawa dahil kahit anong turo ko sa pusong to mahirap pala talaga, hanggang sa hindi ko na kayang makontrol ang sarili ko dahil sa kahibangan nitong puso ko..

To Be Continued!!!!

avataravatar
Next chapter