14 15 Ang Pinakamayamang Tao Na Nasa Harap Ni Yu Xin

Ang Hindi Alam Ni Yu Xin Na ang taong nasa harap ay ang isa sa pinaka mayaman sa mundo...

-Aide Yushu: Amh! Sorry po, pero sana naman ho wag kaung ganyan sa anak nyo, anak nyo po yan e, at alam nyo po bang kung hindi lang kayo ang pinaka importanteng tao sa buhay nya akala nyo ba pupunta siya dito para makiusap,? Sa tingin nyo ba magpapakumbaba siya sa harap mo para lang sa importanteng araw sa buhay niya..

-Yu Xin: At sino ka namang hampas lupa ka huh? Sino ka para magsalita ka ng ganyan sa akin... Ikaw ba ang mapapangasawa ng taong to? Yaman lang ang habol mo kay Shengyou tama?

-Aide Yushu: Ako sino ako.. Ako Si Aide Yushu!..

-Yu Xin: Aide.. Aide.. I..I..Ikaw..Ikaw ang young master ng Aide Family ang pinakamayaman at pinakakilala sa buong China, I..I...Ikaw..?

-Aide Yushu: Ako nga..Sa ating dalawa ikaw ang hampas lupa hindi ako.. Hampas lupa.. Kung ayaw mo sa anak mo pwes ako mahal ko ang anak mo at ibibigay ko ang lahat sa kanya, at asahan mo na din na hindi ka na makakalapit sa anak mo mula ngaun at wala ng tulong na manggagaling sa kanya..

-Yu Xin: I..Ikaw..Lumayas na kayo dito.

-Shengyou: Lalayas talaga kami, alam nyo daddy kahit na anong pilit ko sa sarili ko na maging ok tayo pero kayo po ung pilit akong tinataboy, hindi ho ako ang malas sa pamilyang ito, itong tandaan nyo sa ating dalawa ikaw ang gumagapang sa hirap hindi ako, sa ating dalawa ikaw ang na ngangapa sa dilim samantalang ako, sing liwanag ng buwan ang nilalakaran ko... At sa ating dalawa kahit na may araw pang sumikat nangangapa ka parin..Samantalang ako naman tuwid parin kung maglakad..Samantalang ikaw nadadapa ako naman bumabangon kahit na mahirap pinilit ko at kinaya ko, hindi tulad mo na palagi nalang umaasa sa mga taong pwede mong lapitan kaya sa ating dalawa daddy ikaw ang mahina at ako ang makakas, kaya itong tandaan mo sa totoo lang mas mahirap ka pa sa daga..

-Yu Xin: I..Ikaw ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin yan ahh..Utang mo sa akin ang buhay mong bata ka, kung di dahil sa akin hindi ka mabubuhay,kaya wala kang karapatan na sabihin sa akin yan..

-Shengyou: Matagal ko ng nabayaran yang sinasabi nyong utang ko.... Noon pa man daddy kahit singko wala akong hiningi sayo, dahil nakakahiya naman baka makabawas pa sa kayamanan mo pero kahit na hindi pala ako humingi sa inyo ganun parin naman pala, alam nyo binili ko na ang sarili kong buhay sa mga kamay nyo.. Kaya walang wala na akong utang sa inyo..

-Aide Yushu: Shengyou, Tara na baka kung ano pang pwedeng gawin nyan, hayaan mo nalang ang daddy mo kung ayaw nyang pumunta sa kasal natin bukas wala na taung magagawa kahit na lumuhod ka pa sa harap nyan di na yan magbabago.

-Shengyou: Pero salamat po daddy sa araw na to na hinarap nyo ako ngaun.. Nanganngako ako na mula ngaun di na ako magpapakita at di na ako manggugulo sa inyo..

Habang papaalis na di Shengyou at Yushu, tinitingnan ni Yu Xin ang anak niya na palayo sa kanya.. May tumulong luha sa mga mata niya.. Mahal nya si Shengyou pero hindi niya kasi pwedeng hayagan ipakita un sa anak niya dahil sa bago niyang pamilya ayaw niyang mapahamak ang nag iisang anak niya na si Shengyou, ayaw niyang mangyari un kaya kahit na masakit ginawa niya kaysa kapalit ng buhay ng anak niya..

-Yu Xin: Patawad anak, kung akala mong halimaw ako sa paningin mo kailangan para sa kaligtasan mo.. Oo nong maliit ka alam kung nasa puso mo na hindi na kita mahal pero kinailangan kung gawin un dahil sa mga taong humahabol sa akin at ayokong idamay ka nila kaya ang ginawa ko kahit na masakit na malayo ka sa akin e ok lang basta kahit kailan ko gugustuhin e masulyapan kita masaya na ako kaysa naman, pangalan mo nalang ang makikita ko mas masakit sa akin un..

Nakauwi na sila Aide Yushu sa bahay at so Shengyou, kaya kahit paano kailangan nilang magpahinga sa mga nangyari ngaung araw talagang nakakapagod..

-Shengyou: Salamat sa pag sama mo sa akin ahh..Saka pasensya ka na sa daddy, sana hindi na kita sinama pa para hindi ka na niya, alam mo un..

-Aide Yushu: Ano ka ba wala un, atsaka ginawa ko talaga un para matauhan naman Tatay mo no..

-Shengyou: Salamat parin sa pagtatanggol mo sa akin..☺☺

-Aide Yushu: Mahirap pala talagang kausap Tatay mo, kahit na siguro tapatan mo ng pera un, had ndi uubra e.. Mahirap maarok kalooban ng Tatay mo Shengyou.. Pero naniniwala ako na ginagawa niya yun para sayo, Nakikita ko dahil kahit na pinagtatabuyan ka niya palayo may lungkot sa mga mata niya..Hindi niya maitago sa akin un kaya kitang kita ko talaga ... Baka may dahilan kaya ginagawa niya ang lahat ng pwedeng ikasakit ng damdamin mo,...

-Shengyou: Kung ganun man ipaliwanag niya sa akin para di naman ako mag mukhang tanga diba.. Maiintindihan ko naman siya e, kahit ano pa yan, intindihin ko siya, Pero sana wag niyang habang buhay dalhin un kung sakali man na para sa kaligtasan ko.. Gusto ko siyang tulungan alam mo ba un para hindi na problema ang intindihin niya kundi ung maging masaya nalang siya sa araw araw.. Un lang naman ang gusto kung mangyari.. Un lang wala ng iba..

-Aide Yushu: May tamang panahon naman siguro para maipaliwanag pa niya diba.. Intayin mo lang Malay mo naman diba..

-Shengyou: Tama ka, sana balang araw alam ko ang sagot sa lahat ng tanong ko sa buong buhay ko.. Sana masagot na lahat ng yun..

-Aide Yushu: Masasagot din yun maghintay lamang...

-Shengyou: Thanks.. Ang dami lang kasing bumabagabag sa akin e.. Ang daming tanong na bakit, at alam mo un tuwing gusto ko ng kasagutan wala akong nahahanap o nabubuong sagot.. Nahihirapan na ako..

-Aide Yushu: Sa bagay tama ka, mahirap nga yang ganyan.. Kahit saan kang lugar pumunta e laging may tanong kang dala kaya minsan ang layo ng nasa isip natin e..

avataravatar
Next chapter