13 14 Daddy/ At Ang Hinanakit Ni Shengyou

Bakit ba pag tayo kinakasal kailangan ang mga magulang mo ang maghahatid sayo sa harap ng altar at sa lalaking makakasama mo habang buhay?

Ikakasal na si Shengyou, kaya dapat lang na Tatay niya maghatid sa kanya, pero paano yan kung ayaw nga siyang tratuhin bilang anak o hindi man nga lang siya matingnan un pa kayang ihahatid siya sa altar... Ano kaya ang gagawin ni Shengyou...

-Aide Yushu: Shengyou, bukas na ang kasal natin, anong balak mo sa daddy mo? Hindi naman kasi pweding ikaw lang maglakad mag isa papunta sa altar..

-Shengyou: Un ang hindi ko pa alam..Sa totoo lang ayoko sana na humingi ng tulong sa kanya, nasanay na kasi ako mula bata pa na hindi humihingi sa kanya, kung tutuusin ngaun lang kung un ay tutulungan niya ako..

-Aide Yushu: Samahan kita mamaya, pagkatapos nating mag agahan, kahit ngaun lang Sheng dapat ibaba naman niya ang pride niya sayo kung tutuusin din naman hindi naman dapat siya maging maramot sayo kahit ngaun lang sa araw ng kasal mo, kasal natin..

-Shengyou: Fine, pupuntahan natin, nasa kamuning lang naman siya e, tapos tayo andito lang sa cubao kaya isang nandon na tau, dahil panigurado ngaun traffic..

-Aide Yushu: Cge..maghahanda na ako ng agahan, tatawagin nalang kita..

-Shengyou: Ok...Sige lang...

"Nag - isip si Shengyou kung ano ba ang gagawin niya kapag na kaharap na ang Daddy niya, sa buong buhay niya kasi ngaun lang siya lalapit sa daddy niya para sa kasal niya,...

-Aide Yushu: Ehem... ehem... Ang lalim yata ng nasa isip mo, wag ka ng mag alala nandito naman ako e..

-Shengyou: Huh? Kanina ka pa dyan? Sorry di kita namalayan na na nandyan ka pala, may iniisip lang kasi ako, siguro alam mo na kung ano un.,.

-Aide Yushu: Oo, kaya nga hindi kita inistorbo e..Malay mo pumayag daddy mo, syempre un ung pinaka importante sa buhay mo e, Malay mo mapagbigyan ka..

-Shengyou: Sana nga..Sana nga, kahit ngaun lang, kahit ngaun lang sa pinakaimportanteng araw ko, sana kahit papaano samahan naman niya ako sa pinakamasayang araw ko diba?

-Aide Yushu: Oo tama ka, wala naman mawawala kung susubukan diba? Un nga lang di talaga pwedeng di masaktan kung sakali mang magsalita siya ng Masakit sayo, un lang ang parting masasaktan ka...

-Shengyou: Alam mo,ok ka din kausap ano, kaso un nga lang hambog minsan....

-Aide Yushu: Pinapasaya lang kasi kita, para kahit papaano naman mabawasan naman yang pag iisip mo diba..

-Shengyou: Tara na nga mag agahan na nga tayo baka lumamig pa ung pagkain e, magtatampo ang pag kain sayo nyan e..

-Aide Yushu: Maigi pa nga..

Nakababa na sila, at Kumakain na din..Pagkatapos kumain nag ready na si Aide Yushu ng sasakyan para mabilis na lang pag Nakababa na si Shengyou..

-Shengyou: Tara na, baka umalis pa ung daddy ko e..

Tulala si Yushu dahil sa kanyang nakita dahil naka suot ng dress si Shengyou na hanggang tuhod lang kaya kita ang kaputian sa kanyang paa at tuhod na lalong kinaganda ni Shengyou..

-Shengyou: Hey! Are you ok? Yushu, hoy ano ba, Kanina ka pa tulala dyan, bakit ba may dumi ba sa mukha ko o may mali ba sa suot ko...

-Aide Yushu: Ah...Ah...Ah...Wa...wa..wala naman..

-Shengyou: Bakit para kang nakakita kasi ng madumi sa mukha ko kaya di mo masabi, kaya tulala ka..

-Aide Yushu: Hindi..Hindi..Ang ganda mo lang kasi e..

-Shengyou: Bola ka talaga.. Tara na baka umalis pa ang daddy sa bahay..

-Aide Yushu: Cge na nga, Tara na...

Nakaalis na din sila sa wakas, pero habang papunta sila nakakaramdam ng pagkabalisa si Shengyou, hindi Siya mapakali sa inuupuan niya, at nakita un ni Yushu kaya ang ginawa niya ay...

-Shengyou: Anong ginagawa mo bakit hawak mo ang kamay ko huh?

-Aide Yushu: Hindi ka kasi mapakali dyan Kanina pa kaya ginawa ko dahil gusto ko, ginawa ko to dahil para hindi ka mabalisa kahit papaano..

-Shengyou: Salamat, ok na ako..

Ilang minuto lang ang lumipas na sa harap na sila ng bahay ni Shengyou.. Sa bahay ng daddy niya..

-Aide Yushu: Hey! Andito na tayo..

-Shengyou: Oh! Cge Tara na...

Nag doorbell si Aide Yushu, at maya maya lang may lumabas na katulong ng pamilyang Yu..

-Katulong: Sino po sila Sir..?

-Aide Yushu: Manang ako po si Yushu, at ito namang babaeng to si Yu Shengyou po anak ni Yu Xin..

-Katulong: Ay.. pasok po ma'am at Sir...

-Shengyou: Salamat...

Pagdating sa loob ng bahay...

-Shengyou: Manang pakitawag naman po si daddy please..

-Katulong: Cge po ma'am..

Maya maya lang dumating ang katulong at may kasamang hindi gaano katandaan na lalaki, nanadoon parin ung pagiging pag ka gwapo nito..

-Yu Xin: Manang ewan nyo muna kami..

-Katulong: Cge po sir..

-Yu Xin: Anong sadya mo dito?

-Shengyou: Nandito ako para po sana hilingin ang basbas nyo..

-Yu Xin: Basbas? Anong pakialam ko sa buhay mo... Wala akong kinalaman sayo.. Hindi kita kilala...

-Shengyou: Wow! Nag ka amnesia ka ba? O sadyang ganyan ka na,? Nandito ako para sa importanteng bagay sa buong buhay ko, at dahil ito ang pinaka importante sa buhay ko ayokong mawala ang pinakamamahal Kong ama tapos babaliwain mo lang.. Anong klasing ama ka huh?

-Yu Xin: Wala akong paki alam sayo.. Dahil wala kang kwentang anak, malas ka sa buhay ko, alam mo ba un, tuwing lalapit ka sa akin may nawawalang kayaman ko, nalulugi ang negosyo ko, dahil sa dala mong kamalasan...

-Shengyou: Ako....Ako...Ako ba talaga ang dahilan o hindi mo lang maamin na ang anak mong lalaki ang may dahilan ng lahat ng nangyayari sa buhay mo... Kagagawan lahat yan ng anak mo, hindi mo kasi matanggap na nong nalulugi ka ako mismo ang nagdagdag sa nalulugi mong kumpanya, hindi mo kasi maamin na akong anak mo na pinagtutulukan mo e ako mismo ang nakabangon sa kumpanya niyang tinutukoy mo,....

-Yu Xin: Ang kapal ng mukha mong sabihin sa akin yan, parang hindi kita anak kung makapag salita ka sa Tatay mo ahh..

-Shengyou: Huala! Ako makapal ang mukha, nagkakamali kayo, lumapit lang naman ako sayo dahil gusto kung ikaw mismo maghatid sa akin sa harap ng altar sa pinaka importanteng araw sa buhay ko, kaya ako pumunta sayo dahil ikaw ang gusto Kong maging bahagi sa araw kung un dahil ikaw ang Tatay ko, alam nyo isa lang naman hiningi ko sa inyo e, alam nyo kung ano un, un ay ang kahit isang segundo masabi nyo lang sa akin na anak mo ako, o kahit sa segundong un makita ko man lang na mahal nyo rin ako.. Hindi naman po labis un hindi ba?

-Yu Xin: Kahit na segundo pa yan, hinding hindi ka makakahingi sa akin ng pagmamahal, dahil hindi ko hahayaang mangyari un..

-Shengyou: Haó..Ngaun nyo talaga pinatunayan sa akin at sa harap ng mapapangasawa ko kung gaano kayo ka walang kwentang ama.. Hindi ka ba nahihiya sa inasal mo aking munting ama.. Talaga pa lang pera lang mahalaga sayo tama.. Kahit nga siguro ang buhay ko pa ang kapalit diba handa mo akong ibenta.. Sa bagay ganyan ka naman, pero ito tatandaan mo, dahil ngaung alam kong malapit nang mawala sayo ang kumpanya mo, tandaan mo hindi na kita tutulungan, kahit na reputasyon pa natin ang mawawala, sa bagay ikaw na rin naman na mismo nagsabi na hindi ako kasali sa pamilyang Yu, kaya kayo lang pala ang mawawalan ng mukha sa harap ng kakilala nyo, at ako patuloy na mamamayagpag...😏😏

-Yu Xin: Anong ibig mong sabihin huh?

-Shengyou: Hindi ko na kailangan ipaliwanag pa dahil alam nyo na yan sa sarili nyo, dahil sabi nyo nga kayo ang may ari ng kumpanya... Pero sa tingin ko hindi na kayo ang may ari tama, dahil 10 percent nalang ang nasa inyo tama ba ako aking ama.. At sa lagay na yan sino sa ating dalawa ang malas huh!? Ako ba o ikaw.. Dahil alam nyo buong buhay ko ako lang naman ang tumatayo sa sarili kong mga paa, nagsikap ako mag isa at kahit walang tulong nyo ito ako, nakabihis parin ng maayos..

-Yu Xin: I..Ikaw...😨...

avataravatar
Next chapter