12 13 Shengyou's Life

Ano bang dapat gawin para maamin mo sa sarili mo na siya ang mahal mo, pero paano mo gagawin un kung ang konsensya pinapangunahan ka... Ano ba din ang dapat gawin para makalimutan mo ang bangungot ng nakaraan mong buhay..

-Aide Yushu: Siya nga pala Sheng, pwede ka bang mag kwento tungkol sa buhay mo...

-Shengyou: Alam mo, makungkot ang buhay ko hindi muna gugustuhin na marinig pa, panigurado sa Simula palang aayawan muna ang kwento ng buhay ko..

-Aide Yushu: Promise, hindi ako aayaw, makikinig ako..

-Shengyou: Ok sabi mo e, bahala ka kapag ka mabagot ka sa kwento ng buhay ko sabihin mo lang titigil ako sa pag kwento...

-Aide Yushu: Cge!!

-Shengyou: Ganito kasi un, ang buhay ko sa totoo lang kasing hirap pa sa daga, buti pa nga ang daga may pamilya, kahit na sinasabihan silang mga malas pero ang totoo niyan perpekto sila, dahil sa hirap ng buhay nila sama-sama sila, nagtutulungan, pero ako naturingan nga na nag Iisang prinsesa sa pamilya Yu, pero wala akong pamilya,.. Nanay ko Tatay ko, di ko man langsila nakita...

-Aide Yushu: Huh! Nasaan mga magulang mo?

-Shengyou: Sa totoo patay na ang Mommy ko, Pero ang Tatay ko mas nadaig ang patay, dahil kahit kaharap na niya ako, parang di kami magkakilala you know what dahil sa bagong pamilya nya.. Samantalang ako ito, patuloy na umaasa na sana balang araw mahalin din niya ako...

-Aide Yushu: Paano ba nagkaroon ng bagong pamilya ang Daddy mo?

-Shengyou: Ewan ko, basta ang alam ko ang kinamatay ng Mommy dahil sa daddy, mas pinili ng daddy ko ang kabit niya, hanggang sa namatay ang Nanay ko wala siya sa tabi ko, alam mo ang hirap talaga, ang hirap kasi patuloy akong umaasa na sana balang araw mahalin ako ng tatay ko, alam mo masaya na ako kapag sya ang maghatid sa akin sa altar, umaasa ako na ihahatid ako ng Tatay ko sa taong nag aabang sa akin sa harap ng altar, kahit don lang masaya na ako..

-Aide Yushu: Alam mo Shengyou, di ko alam kung ano ang sasabihin ko sayo, pero tama ka, ang puso hindi talaga natuturuan, kaya hanga ako sayo e..

-Shengyou: Alam mo, ang gusto ko lang naman mangyari lingunin ako ng ama ko, kahit Don man lang maramdaman ko man lang na may ama prin ako.. Alam mo bang gusto ko lang mangyari e, kahit isang minuto lang o kahit Segundo lang ituring niya akong anak, kahit na hindi pantay ang ang pagtingin niya sa akin bilang anak niya, basta kahit ung isang Segundo lang sa akin naman niya ilaan, alam mo bang un lang ang hinihingi ko sa kanya, sobra ba un, hah! 😢😢..Sobra ba un para sa kanya, sobra ba ung isang segundo na un para makita niya ako bilang anak niya, kahit anino ko ayaw niyang makita, bakit....😢bakit...huhuhuh! mahirap ba talaga akong mahalin, o sadyang wala siyang paki alam sa akin... Alam mo bang mula bata ako, un lang hinihingi ko, pero hanggang sa edad Kong ito wala, ni buhok niya hindi ko mahawakan, tuwing makikita niya ako, parang ibang tao ako, at tuwing magsasalita Siya o magtatanong ibang iba siya alam mo un parang di siya ang Tatay ko, yon bang akala mo hindi siya ang Tatay mo, ang sakit, sobrang sakit... Wala akong magawa dahil un siya, pero alam mo ba kahit ganun Siya sa akin mahal ko ang Tatay ko, dahil siya nalang ang natitira, kaya kahit sobra na akong nasaktan sa mga ginagawa niya, mahal ko parin siya dahil Tatay ko siya utang ko ang buhay ko sa kanya...

-Aide Yushu: Alam mo hindi sobra ang hinihingi mo, sa totoo lang wala kang sobrang hiningi sa kanya siya lang talaga ang hindi nagpapahalaga sa mga bagay na nilalaan mo para sa kanya, siya ang nagtatapon Hindi ikaw... Sa totoo lang hindi ultimatum ung hinihingi mo...

-Shengyou: Eh! Kung ganun bakit di niya ako makita kita, alam mo buti pa ang multo Nakikita niya Samantalang ako ito buhay na buhay hindi niya ako makita kita, un bang nadaig ko pa ang hangin buti pa ang hangin naaamoy niya, nalalaman niya kung nasaan pero ako kahit na nasa harap man o sa likod niya, di niya parin ako makita kita at hindi niya nalalaman kung nasaan ako kahit ang totoo nasa harap niya lang at nasa tabi, sobra,... Mahirap ba talaga akong makita? O sadyang para sa kanya anino nalang ako... Wala naman akong nagawa sa kanya bakit parang...alam mo yun... alam mo ung parang may sakit na nakakahawa kaya hindi ka niya malapitan, buti pa nga ang may sakit e nalalapitan Samantalang ako ito,.... ahh ahh.ahhhh.

-Aide Yushu: Wag muna nalang siyang intindihin dahil siya ang nawalan hindi ikaw...

-Shengyou: Sa totoo lang wala na akong ibang hinahangad kundi ang mayakap ko ang Tatay ko... Kahit un lang... Kahit un lang....Mula bata ako, wala siya sa tabi ko.. Mahirap bang ibigay ang hinihingi ko?

-Aide Yushu: Hindi naman mahirap gawin e.. Kaso para sa kanila Oo siguro... Alam mo minsan ang ibang bagay para sa atin madaling gawin, halimbawa katulad ng pagmamahal mo sa Tatay mo, para sayo madali lang pero para sa kanya mahirap...

-Shengyou: Tama ka, dahil iba iba ang Tao, iba iba ang dahilan, iba iba din ang kakayahan, pero mahirap ba talaga sa kanya na mahalin niya ako o ituring man lang na anak, anak niya ako, impossible naman kung mahirap para sa kanya na mahalin ako diba?😔😔

-Aide Yushu: Sa totoo lang hindi ako ang makakasagot niyan kundi ang daddy mo..

-Shengyou: Tama ka...Siya lang ang makakasagot sa lahat ng tanong ko... Dahil siya lang ang dapat na tinatanong ko sa mga bagay na dapat kung itanong sa kanya...

-Aide Yushu: Baka naman mahal ka niya, nahihiya lang siyang sabihin sayo dahil ikaw na din nagsabi na, siya ang dahilan kung bakit namatay Nanay mo diba...

-Shengyou: Hindi rin, dahil kahit noon pa man na nabubuhay ang Nanay ko e, ganun na siya... Nakakatawa diba, wala naman akong ginawa para hindi niya ako mahalin.. Sadyang ayaw niya lang talaga siguro sa akin..

-Aide Yushu: Ang lungkot pala ng buhay mo, pero mas hinangaan pa kita lalo at mas Minahal pa kita, alam mo sana one day maging ok ka na, un lang...

🙌🙌🙌🙌

avataravatar
Next chapter