1 Chapter 1: KASINUNGALINGAN

"Marilyn gising na!! Aba'y anong oras na? Kalunes-lunes magpapahuli ka sa klase!" pasigaw na sabi ni Manang Carmen habang kinakatok ang pintuan nang tulog mantika niyang anak.

Kahit gaano pa kalakas ang boses at katok niya ay hindi pa rin nagigising ang kanyang anak o baka nagbibingi-bingihan lang ito. Dahil sa ayaw nga magising ni Marilyn ay may naisip siyang kalokahan para mapalabas sa kwarto ang kanyang anak. Kinuha ni Manang Carmen ang Kawali at kutsara sa kusina at saka pumunta sa harap ng pintuan ni Marilyn.

Pinukpok niya ng napakalakas ang kawali at laking tuwa niya naman na binuksan na ni Marilyn ang pinto.

"Ma Naman ehh ang sarap-sarap ng tulog ng tao ang ingay niyo!" pagmamaktol ni Marilyn

"Aba'y ikaw pa itong galit ehh sa ayaw mo magising kaya Ito lang ang naisip Kong paraan para bumangon ka na. Anong oras na ohh? Ilang minuto na lang mahuhuli ka na sa unang asignatura niyo! Bilisan mo na at kanina pa nakahanda yung agahan. Tulog mantika ka talaga kahit kailan. Yan ang makukuha mo sa kakabasa ng Wattpad na Yan!" sabi ni Manang Carmen.

"Dami niyo Naman sinabi Ma. Eto na nga ohh maliligo na! Pero iidlip muna ako kahit 5 minutes lang?" Saad ni Marilyn

"Tumigil ka dyan! Pumasok ka na sa banyo, kanina pa naghihintay sayo si Justine. Di ka na nahiya." Nanggigigil na sabi ni Manang Carmen

"Oo na nga. Dun ka na maliligo na ako!" Pagsuko ni Marilyn Kay Manang Carmen

At pumasok na nga sa banyo si Marilyn upang tumigil na ang kanyang Ina.

Nang tapos na siya sa kanyang morning ritual ay tumungo na siya sa kusina para mag-almusal. Kanina pa nagugutom ang kanyang mga alaga sa tiyan.

"Umupo ka na, sabayan mo na si Justine." sabi ni Manang Carmen

Si Justine ay matagal ng matalik na kaibigan ni Marilyn simula pa noong sila ay nasa elementarya pa lamang. Hanggang ngayon na nasa kolehiyo na sila ay parehas na paaralan pa rin ang pinasukan nila. Ganun katatag ang pagkakaibigan nila. Pareho sila ni Marilyn na 3rd year college ngunit magkaiba ang kurso na kanilang kinuha. Si Marilyn ay BS Management samantala si Justine ay BS in Chemical Engineering. Sa Acads University sila nag-aaral. Sabay silang pumasok sa paaralan at sabay din sila umuwi.

"Magandang Umaga Bes, mukhang kulang ka na naman sa tulog ahh. Ikaw talaga!" bating sabi ni Justine

Nakasanayan na ni Justine na mag-almusal sa bahay ng kanyang kaibigan dahil na rin sa palaging late na magising si Marilyn. Lagi niya Kasi itong hinihintay bago pumuntang paaralan.

"Wattpad na naman Kasi ang inaatupag niyan ehh. Ewan ko ba sa batang Yan. Ang tigas ng ulo." Sabi ni Manang Carmen

"Wattpad na Lang Kasi ang nagpapasaya sakin ehh at saka minsan Lang Naman Noh kapag Wala akong ginagawa. Grabe Naman kayo sakin." pagpapaliwanag ni Marilyn

"Ohh siya kumain ka na at male-late na kayong dalawa." tugon ni Manang Carmen

Pagkatapos nilang mag-almusal ay tuluyan na din silang dalawa nagpaalam kay Manang Carmen.

Madalas ay nilalakad Lang nang dalawa ang papuntang school dahil malapit Lang Naman Ito. Dahil late na nga sila ay sumakay na sila ng tricycle.

avataravatar