14 I see Chester!

I wake up in the morning. Nakita ko yung bedsheet na iniyakan ko kagabi. Padabog akong bumangon at ginasumot sa loob ng taguan.

Ginawa ko ang routine ko bago pumasok sa school. Sumigaw si Mom.

" Sofie! Let's eat. You're gonna be late! " nagaayos lang ako ng off shoulder ko na damit ngayon at tapos na.

" Okay Mom! " madudulas pa ako ng pagmamadali. Nakalimutan ko di pa pala ako nakakasuklay.

Mabilis kong ginawa ito. Dala ko ang bag ko. Mabilis akong bumaba pero bigla akong natigilan sa nakita ko.

?*(*?*(*?**?(#**(*?*(##(?*(#(#$

Bale sinabi ko kay Sofie na kung pwede ba akong manligaw. But her answer is not sure about it. Pero gusto ko syang ligawan. Ayaw ko nang magpaligoy-ligoy.

Nakaupo ako ngayon sa sofa. Maaga akong nagpunta rito kina Sofie. Nagbreakfast narin ako at nakasuot ng polo. Gusto kong sabay kaming pumasok. Bale kasama narin ito sa aking panliligaw.

Sumigaw ang mommy nya. Tinatawag ito pero maaga pa naman. Sadyang tinawag dahil sa akin.

Nakita ko itong bumaba sa hagdan ng mabilis. Natataranta at nagmamadali. Tumayo ako at pinuntahan ito. Napansin nya ako parang itoy nagulat. Nabitawan nito bigla ang doll shoes nito na medyo mataas ang takong.

Pinulot ko naman ito. Habang papalapit sya sa akin tumigil nanaman ang mundo. Ganyan pala sya kaganda.

(Hey Crush By Joshua Garcia 🎶 )

INTRO...

Hey crush bakit di ka maharap 🎶

Pinangungunahan ng kaba at ng red flush

Hey Crush wag ka sanang

Maharas Kung patagong kang mahalin ng wagas

Lumulundag ang medyo mahaba nyang buhok. Malalantik na pilik mata hindi ko masasabi iyun na peke. Katunayan totoo at mapang-akit. Maganda na mukha at matangos na ilong. At saka maka-mestisa. Sigurado akong kapag kinasal kami. Ay hindi ko na sya pakakawalan.

" Hi! Anong.....ginagawa mo rito? " Inayos ko ang buhok ko.

" Gusto ko kasi sabay na tayo pumasok sa school " tumango ito. Bigla akong lumuhod sa kanya.

" Can I? " Tumango ulit ito. Isinuot ko ang sapatos. Makikintab na kuko at magandang mga paa. Sabi ko na nga ba everything in her is beautiful.

" Thank you " mabagal nitong boses. Tumayo ako. Inilahad ko ang kamay ko. Inalalayan ko syang bumaba at umupo sa upuan.

" Did you eat? " Tanong niya. Umupo ako sa tabi nya.

" Yes! Already " tipid kong sabi. Tumingin ito sa relo.

" I thought I'm gonna be late! Gosh! " napatawa ako. Ang ganda pa nya lalo sa malapitan. Inilapit ko ang upuan namin.

" Subuan mo ako " I commanded. Tumawa naman ito.

" Pano kung ayoko...." lumapit lalo ang mukha nito. Napatitig ako sa lips nya. Gustong-gusto ko ng halikan iyun. Malapit na.....Biglang may tumikhim.

" Ehem....Pahingi lang ng tubig ha! " kapatid pala ni Sofie. Uminom lang ito ng tubig at umalis na. Tss!

Nagtawanan kami ng sabay. Biglang nasagi nya ang baso buti inilayo ko ito at hindi naman ito nabasag. Nagtawanan nanaman kami ng sabay.

" Eto na nga " sinubuan nya ako. Nginuya ko iyun habang nakatitig sa kanya.

Oh please di ko matiis🎶

Na sabihin sayong akin ka sayo ako....

Nagpaalam si Sofie sa kanyang mga magulang. Umalis na kami.

Madali lang at nakarating na kami sa school. Pinark ko ulit ang kotse.

" So....let's go! " Pero hinila ko sya. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Bakit ganito ako? Bakit nagkakaganito ako? Hahalikan ko na ba sya? o wag.

" Napagisip-isip mo na ba ang sinabi ko sayo? Okay lang nama__ " napatigil ako sa pagsasalita. Dahil tumango ito.

" T-talaga?" Tumango ito ng sigurado.

" So....Tara na! " Sabi nya. Bumaba kami ng sabay.

?*(#!*(#!#(!#(#!#!#+#!#+#!#+

" Uy! Friend kanina ka pang nakatawa jan! Baka pamaya tulala ka naman baka biglang tawagin ka ni Mrs. Perez para sa math equation. Hoy! " buong araw hindi ako makapaniwala na liligawan ako ni Russell. Siguro kaya lang nangyayari ito kasi sa business. Hayyy....

" Ms. Melendez....Ms. Melendez!!" nagulat ako. Bigla akong tumayo.

" What is the Distance Formula? Write on the board and explain it " Tsk! Ang dali kala ko kung ano. Pero kinabahan ako duon ah!

" d=√(x2-x1)^2 + (y2-y1)^2 bale po ang basa d equals square root quantity x sub 2 minus xsub 1 raised to 2 plus quantity ysub 2 minus y sub 1 raised to 2 " nagpalakpakan ang mga kaklase ko. Umupo na ako.

" Ok class! Gayahin ninyo si Ms. Melendez. Kahit lutang naiintindihan ang lecture " Sabi nito at sumagot naman mga kaklase kong 'Yes Mam!'

Pagkatapos ng buong maghapon na klase. Nandito na ulit kami sa hallway papuntang locker.

" So....Aminin mo nga sa akin. Nahulog na ba talaga ang loob mo kay Mr. Reyes ay hindi kay Ezekiel Russell Reyes? " nahulog na ba talaga ako? Bakit ba ako kinikilig? Haysss. Eh crush ko nga diba?

" Hindi ha! Hindi sya ang dahilan kung bakit masaya ako " tumango si Tintin. Nilagay namin ang notebook at book sa loob tas nilock ulit namin.

" So...Who? " pagbaling ko si Russell ang nasa likod ko. Kinikilig ang mukha ni Tintin. Kinorner nya ako at titig na titig sa mga mata ko.

" Okayyyy! Maiwan na kita. See you tomorrow! " hahabulin ko sana si Tintin kaso hinarangan ako ni Russell gamit ang kamay nito. Napapikit ako ng mariin.

" W-What do you want?! "I strutted to talk. Ngumisi ito.

" Bakit ka nauutal? Are you nervous? " eh kasi nakakasilaw ang gwapo mo eh. Pano ba kasi sobrang lapit. Yun ang sabi ng isip ko.

" Bakit parang nag-iba ang temper mo ngayon. Kanina ang saya-saya natin. Tapos ngayon galit k? " I rolled my eyes and I pulled him.

" Wla ako sa mood! " wala ba talaga ako sa mood? O sadyang kanina pa akong tulala ng dahil sa kanya.

" Ganun. Gusto mo itreat kita? " umiling ako at nagwalk-out. Habang hinahabol nya ako napatigil ako sa paglakad.

( Rewrite the stars by Anne Marie & James Arthur slowed capcut edited 🎶 )

But you're here in my heart

So who can stop me if I decide

That you're my destiny?

Nabitawan ko ang dala kong ballpen. Nangungurap ang mga mata ko. Panigurado bubuhos ang masagana kong luha pero kung kaya ko man. Pipilitin kong hindi pumatak.

What if we rewrite the stars?🎶

Say you were made to be mine

Nothing could keep us apart

You'd be the one I was meant to find

It's up to you, and it's up to me

No one can say what we get to be🎶

Pareho kaming tinakbo ang isa't-isa. At nagyakapan ng mahigpit. Humagol-hol ako sa balikat nya. Hinawakan nya ang ulo ko. Katulad ng ginagawa nya.

" I miss you Sofie! I miss you so much " Hindi parin nagbabago ang boses nya. Napaiyak ako. Nagkalas ang yakap namin. Hinawakan ko ang mukha nya.

" Okay ka lang ba? Bakit parang namayat ka na? San ka na nakatira ngayon? " alaalang sabi ko habang tiningnan ang buong katawan nito.

" I'm okay! Ako ang dapat magtanong nyan sayo? Nagbabalik ako para sayo. Ipaglalaban na kita ngayon hanggang kamatayan " hinawakan nya ang mukha ko. Namumuo ang luha ko. Natigilan ako sa mga sinabi nya.

" Hindi! Delikado! Hindi pwede. Ayokong masaktan ka. Mapapatay ka nila " sabay naming pinagdikit ang aming mga ulo. At tinitigan ang isa't-isa.

" Lalo akong masasaktan kung hindi kita kasama. Buong araw hindi ako makatulog, araw-araw nasa isip ko na, ng break tayo, mababaliw ang sarili ko kung hindi kita makitang muli. Alam kong delikado at maraming nagbabantay sa atin. Pero handa na ako " Nagpapalitan ang mata ko sa kanya. Hinawakan ko ang kamay nya.

**!*(!#(#!$(!$(#!(#!*$!$($(

Nang matapos ang lecture namin naisipan Kong dumaan sa locker ni Sofie. Nakita kong magkasama sila ng kaibigan nya. Narinig ko ang pinaguusapan.

" Hindi ha! Hindi sya ang dahilan kung bakit masaya ako " Napatawa ako sa sagot na iyun alam kong ako ang dahilan kung bakit sya masaya.

" So....Who? " Nagulat ito at kinorner ko ito. Umalis na ang kaibigan nito. Alam kong nainis ito sa pagharang ko sa kanya para habulin ang kaibigan nya.

" W-What do you want?! " ngumisi ako. Ang ganda nya lalo kapag nagagalit at nauutal.

" Bakit ka nauutal? Are you nervous? " Sabi ko. Pero walang salita ang lumabas sa bibig nito. Basta nakatitig lang.

" Bakit parang nag-iba ang temper mo ngayon. Kanina ang saya-saya natin. Tapos ngayon galit k?" Sabi ko na naguguluhan. Itinulak nya ako hinawakan nya ang dibdib ko. Lumakas ang heartbeat ko. Dagdag pa ang umirap ito.

" Wla ako sa mood! " hinawakan ko ang dibdib ko. Sobrang lakas.

" Ganun. Gusto mo itreat kita? " Ayaw nito at nagwalk-out. Hinabol ko sya at hindi ko alam kung bakit tumigil sya. Parang nagstock ang mga paa nito. Nabitawan pa nito ang ballpen. Pakinig ko itong umiiyak. Tumakbo ito pa punta sa lalaking nakatingin din sa kanya.

Nagyakapan sila. Tila parang nasaktan ang puso ko. Hindi kaya.....ito si Chester Lapaz. Nagaalala ito sa kanya. Umurong ang paa ko at umalis na sa lugar na parang hindi ako makahinga. Magiging kontrabida ako ninyong dalawa. Gagawin ko ang lahat para mapaglayo kayong muli.

avataravatar
Next chapter