1 PART 1

PROLOGUE

"COUPLE necklace?" kunot-noong nilinga ni Dave ang kapatid nasi Danica na katabi ang asawa nitong si Clark.

"Binili namin iyan ni Clark sa Ongpin, sa Maynila. Ang sabi nung binilhan namin, oath necklace ang tawag diyan" paliwanag sa kanya ng nakatatandang kapatid.

Iyon ang gabi ng kanyang seventeenth birthday. Katatapos lang ng dinner na hiniling niyang gawing pribado kasama ang malalapit na kaibigan at kapamilya nila. Wala kasi siya sa mood para humarap sa maraming bisita kaya tinanggihan niya ang engrandeng party na iginigiit ng Mommy niya. Pinakatitigan niya ang hawak na kahon. Sa loob ay ang pares ng white gold necklace. In fairness maganda at classy ang heart pendant nitong hati sa dalawa.

"It is actually a promise to always love a person no matter what. In other words, unconditionally" si Clark naman iyon nang hindi siya magsalita.

"Love?" amuse niyang pinaglipat-lipat ang tingin sa kapatid at bayaw.

"Yes" si Danica na nakangiting nilingon ang asawa. "pareho kayo, you have to wear them for three nights tapos magpapalit kayo ng girlfriend mo. It's like saying, nasayo ang puso ko and yours with me. Di ba ang sweet?" ang kininilig pa nitong turan.

"Interesting, kaso wala pa akong pagbibigyan nito eh. Okay lang bang paghintayin ang mga ito?" nakuha ng sinabing iyon ng ate niya ang kanyang atensyon.

"But of course! Ibigay mo iyan sa babaeng alam mong kaya mong mahalin unconditionally. Why I can't wait to meet her" nasa tinig ng ate niya ang excitement.

Hindi siya nagsalita at sa halip ay ibinalik ang tingin sa laman ng kahon. Why I can't wait to meet her too.

avataravatar
Next chapter