3 PART 3

"SIR please naman po isang chance pa?" pakiusap niya. Patapos na ang klase nila sa Filipino nang dumating siya sa classroom.

"Pasensiya ka na Miss Lustre, hindi valid ang reason mo kaya hindi ko pwedeng gawin iyan" tanggi naman ni Mr. Giron sa gusto niyang mangyari.

Alam naman niya iyon. Nagbabakasali lang siya na baka mapagbigyan siya nito.

"Ibang option sir, o special project nalang kaya?" fourty percent kasi ng grade nila ang nanggagaling sa recitation at sakop niyon ang reporting.

Noon siya nito hinarap. "Okay, I'll see what I can do pero hindi ako nangangako okay?"

Napapalakpak siya sa narinig. "Salamat po."

"Ano ba naman kasing nangyari sayo? Bakit ka na-late?" ang naitanong sa kanya ni Hara nang maupo siya sa tabi nito.

Nagkibit siya nang balikat. At sa pagkakatitig niya sa magandang mukha ng kaibigan ay biglang nanumbalik sa isipan niya ang napakagwapong kuya nito, si JV.

Noon siya napaisip. Sasabihin ba niya kay Hara na dalawang beses na niyang nameet ang kuya nito? Walang anuman siyang napalabi. Huwag na siguro, baka mabuking pa siya sa sikretong siya lang ang dapat na makaalam. And soon, her diary.

Well, bulag nalang ang hindi hahanga sa napakagwapong binata. No wonder marami ang naghahabol rito, dahil sabi nga niya kanina. Pang-Hollywood ang karisma.

"Parang nagugutom ako, kain tayo?" para siyang naalimpungatan nang marinig ang sinabi ng kasama.

"H-Ha? Sure! Tara na..."

Noon siya tinawanan ni Hara. "Alam mo mula kanina parang wala ka sa sarili mo?"

Nangingiti niyang inirapan ang kaibigan. "Ikaw ang dami mong napapansin!"

Umikot ang mga mata ni Hara. "Look who's talking! Kaya nga magkasundo tayo di ba?"

Nasa quadrangle na sila nang makarinig siya nang kung sinong tila tumatawag sa pangalan niya. Hinanap niya iyon. Galing sa building ng CEDE. Hindi iyon malayo sa kinatatayuan nila kaya narinig niya ng malinaw.

"B-Bakit ka tinatawag ng kuya ko?" takang naisatinig ni Hara. "magkakilala na ba kayo? Hindi ko alam iyon ah!" anitong makahulugan siyang tinitigan.

"H-Ha?" pero bago pa man niya madugtungan ang sinabi ay mabilis ng nakababa si JV mula sa second floor ng college building nito at tumatakbong lumapit sa kanila.

"Kuya!"

"Hi!" ngiting-ngiti nitong sabi nang makalapit sa kanila. "here, naihulog mo kanina" saka nito inilabas sa bulsa ng pantalon nito ang isang berdeng panyo.

Mabilis na nag-init ang mukha niya saka nahihiyang tinitigan ang binata. "T-Thanks."

"Paano napunta sayo ang panyo ni Vinnie kuya?" salubong ang mga kilay na tanong ni Hara.

"Tanungin mo nalang si Vinnie, di ba Miss L?" meaningful ang titig na ipinukol sa kanya ng binata kaya lalong nag-init ang mukha niya.

"Miss L? At may nickname kana agad sa kanya?"

Nakita niyang kinindatan lang ni JV ang kapatid saka siya mabait na nginitian bago ito tumalikod.

"I'll just see you around" anito pa.

"Ano daw? May something ba sa inyo nang kuya?" magkakasunod na tanong ni Hara na ipinagkibit balikat lang niya.

KINAGABIHAN ay dinatnan na ni JV ang kotse niyang nakagarahe na sa parking space ng kanilang bahay. Mula SJU ay nag-commute nalang siya pauwi kahit inalok naman siya ng ride ng mga kaibigan niya. May gusto kasi siyang makita na hindi naman niya nakita.

"Ma" bungad niyang hinalikan ang ina sa pisngi.

"Anong nangyari sa inyo ni Irene, hijo?" kahit mababa ang tono ng pananalita ay naramdaman parin ni JV ang disappointment sa tinig ng ina.

"Break na kami Ma" maikli niyang sagot.

"Makipag-ayos ka sa kanya JV" anito sa tono na parang wala siyang kakayahang tumanggi.

Nakaramdam siya ng inis. "Nakikipag-flirt siya sa ibang lalaki at ayoko ng ganoon" pagbibigay katwiran niya sa sarili.

"Sa Sunday magho-host ako ng family dinner at iimbitahan ko sila. Kailangan ninyong magkaayos, you know wala akong ibang babaeng gusto para sa iyo maliban kay Irene" anitong binigyang diin ang huling tinuran.

Naiiling siyang hindi na nagkomento saka na umakyat sa kanyang kwarto. Wala siyang planong makipagbalikan kay Irene.

Nagbihis lang siya saka na lumabas ng kanyang silid. Nang madaanan ang bukas na silid ni Hara ay awtomatiko siyang napangiti. Biglang nabuhay sa isip niya ang isang imahe na mula kaninang umaga ay totoong nagpapangiti sa kanya tuwing naaalala niya.

"Brat!" tawag niya sa kapatid na abala sa binabasang libro.

"Oh kuya! May kailangan ka?"

Naupo siya sa gilid ng kama nito. "Tell me, gaano katagal mo ng kaibigan si Miss L?" hindi niya napigil ang sariling itanong iyon sa kapatid dahil talagang interesado siya kay Vinnie.

Naghihinala ang tinging ipinukol sa kanya ni Hara. "Nitong June lang kami nagkakilala. Paano mo siya nakilala? Saka pano napunta sayo yung panyo niya?" magkakasunod nitong tanong na ibinaba pa sa ibabaw ng kama ang binabasa nitong libro.

Napangiti siya. "Secret iyan, bakit hindi ba niya sinabi sayo?"

Umiling si Hara ng magkakasunod. "Mahiyain kasi iyong si Vinnie, saka napaka-private na tao nun. Actually kabaligtaran siya ng lahat ng naging kabit mo!" anitong napabungisngis nang sabihin ang salitang kabit.

"Napansin ko ngang parang may pagka-shy type siya" aniya. Kilala niya si Hara, alam niya kung paano pasusumpungin ang kadaldalan nito.

"Oo, pero mabait iyon at matalino. Teka, bakit parang sobrang interesado ka sa kanya?" taas ang isang kilay nitong nangingiting tanong.

"W-Wala! Bakit masama bang kaibiganin ang kaibigan ng kapatid ko?"

"Ows? O baka naman gusto mo siya? Alam mo kasi ang sabi niya sakin NBSB siya" at nagsimula na nga ang kadaldalan ni Hara.

"What?"

Tumawa ng malakas si Hara. "No Boyfriend Since Birth! Iyon ang meaning nung sinabi ko!"

"Di ibig sabihin pala kahit minsan hindi pa siya nagkakaboyfriend?"

"Oo. Ang sabi kasi niya sakin bawal daw siyang makipag-boyfriend kasi paaral siya ng kuya niya. Alam mo na bunso at nag-iisang babae. Saka nakita mo naman kahit walang make-up at kahit nakasalamin eh talaga namang napakaganda niya di ba? Kaya nga natipuhan mo siya eh. Pero ewan ko ba sa bruhang iyon, nasabi naman niya sakin na may contact lens siya pero bihira niyang gamitin. Siguro kasi hindi pa sanay."

Tumango-tango siya kaya nagpatuloy si Hara.

"Pero kuya kung may plano kang gawing past time si Vinnie huwag mo ng ituloy. Bestfriend ko iyon eh, baka kasi masira ang pagkakaibigan namin at ayokong mangyari iyon" bigla ay nagseryoso ang aura ng mukha ni Hara.

"Hayun at hinusgahan nanaman ako ng kapatid ko" natatawa niyang sabi.

"Hindi naman, worried lang ako sa kanya kasi alam ko naman kung ano sayo ang mga babae" paliwanag ni Hara.

Hindi siya nakapagsalita. Kahit sarili niyang kapatid hindi siya talagang kilala. Walang imik niyang tinungo ang pinto. At nang lingunin niya si Hara ay nakita niyang nakasunod ito ng tingin sa kanya.

"Sa totoo lang brat, parang hindi ko kayang gawing past time si Miss L."

Hindi iyon biro. Hindi siya naniniwala sa love at first sight dahil hindi pa naman talaga siya naiinlove pero ang nararamdaman niya kay Vinnie ay hindi niya kayang ipaliwanag.

Para itong si Maria Clara, mahinhin, mahiyain pero kayang akitin ang lahat dahil sa natatangi nitong katangian. At kahit gaano man ito kasimple ay mas nangingibabaw parin ang tunay nitong kagandahan.

Gusto niya ito. Hindi niya alam pero talagang gustong-gusto niya si Vinnie. Kaiba sa lahat ng babaing nagdaan na sa buhay niya. At masasabi niyang ito ang tipo niyang babae.

avataravatar
Next chapter