webnovel

Epilogue

Mishy's POV:

As I walked down sa Aisle, I saw them. Him.

I saw them with a smile on their faces. But I know,Behind those smiles are tears and sadness.

Nasa Tinago kami ngayon sa Burol. Mga kaibigan namin sila ni Christian, Carla, Trisha, sila mommy, sila nanay, Ate Leslie, daddy and tita and ofcourse si Jeomar.

Naghihintay siya sa akin habang nag-lalakad ako papunta sa kaniya. Gumawa sila ng aisle with a lot of rose petals. May mga lights and may chairs.

Napakaganda ng pag-ilaw ng buwan at mga Bituin.

This night is the most memorable night for my life.

To clarify, this is not a wedding. It's more likely a date with them, and perhaps my chance to say Goodbye?

I'm wearing a long sleeve white fitted dress na hanggang tuhod ko with a flower crown on my head. Naglagay pa ako ng konting make up and lipstick to cover up my pamumutla.

Malapit na ako sa kanila , Nakita kong ngumiti si Carla sa akin, She was the one na kumakanta sa akin together with our friends na nagigitara.

I'll see you again by Westlife yung kinakanta niya. I dunno but grabe yung impact sa akin.

My tears started to fall. Parang naguunahan silang nagsisilabasan sa mata ko. Sumasakit yung puso ko, literally.

Sinalubong ako ni Jeomar na nakangiti, He kissed my forehead. Pumunta din sila mommy at daddy sa amin. Yumakap sila sakin na super higpit. Super super higpit.

Umiiyak sila mommy at daddy.

"Baby I love you." Napangiti ako at pinunasan ang luhani mommy at daddy. "I love you both my, dad. Always. Stop crying na po. " I just smiled sa kanila.

Yumakap din ako sa mga kaibigan ko. Then sa kanila nanay, tita at ate leslie.

Hindi pa sana nila ako papakawalan nang umepal ang napaka-Ewan kong jowa.

"Oh? Ilang oras na kayo! Aba kumain na kayo doon at ako naman ang so-solo sa jowa ko! Ilang weeks niyo na pinagpapasahan n- aray naman ate." Natawa nalang kami ng sinapak siya ni Ate Leslie.

"Wag ka ngang umepal dyan Jeomar, Bwesit ka!"

"Bessssh! Sige na pinapaalis na kami ng magaling mong jowa!" Nagyakapan pa kami ulit at umalis na sila at pumunta sa kanilang mga mesa. Niyakap ko siya.

"I miss you mahal." I said while hugging him.

"Tse! Miss mo pala ako tapos parang  di kayo matapos tapos ng paguusap don! Aba! Pinahiram nga kita! Sabi nila tito one week sa kanila, one week sa mommy mo. One week na kasama sila tapos dapat akin na tong time na to!" Napahagikgik na lamang ako, ang kyut ng jowa ko. Kelan ko kaya to makikita ulit?

" eto naman, opo. Sayong sayo na ako okay? Mamaya masosolo mo din naman ako. Magstar gazing tayo diba? "

"Yes! Oo nga pala mahal, alas nwebe na pala. Mamaya uuwi na sila." I smiled and he kissed me sa forehead ko.

I smiled bitterly, When will I be able to see their beautiful faces? Their smile? When will I be able to Feel the loved and to love, when will i be able to tell her how much I love them. Him.

"Tara na mahal."

Jeomar's POV:

Napatingin ako sa Relo ko. 10:45 pm.

I smiled so bitterly.

Nakita kong umiiyak at yumayakap silang lahat kay Mishy. Masakit, Sobrang sakit.

Why Her?!

"Mahal na mahal ko po kayong lahat." she said, then Silang lahat nagbreakdown. They cried for her but she remained smiling. Smiling pero alam kong masakit na para sa kaniya. Sobrang sakit na.

"Mauna na po kayong umuwi. Bye mommy, daddy. Take care always po."

After a minutes umuwi na sila, halos matumba si tito at tito dahil sa iyak.

"Mahal? Magstar gazing na tayo." sabi niya sakin. Nginitian ko siya.

She smiled again, Kelan ko kaya makikita itong ngiti ulit ng aking mahal? Nahiga kami sa may inilatag na kumot. Ginawa niyang unan ang aking mga braso habang nakatingin kaming dalawa sa kalangitan.

"Ang ganda ng mga bituin nuh? Mamaya magiging ganyan din ako. I will be the brightest star sa heaven." hindi ko siya sinagot. Nanatili lamang akong nakatingin sa bituin.

"Jeoms? Alam mo I never thought na magmamahal ako or Hindi ko inexpect na kaya ko palang magmahal gaya ng pagmamahal ko sa 'yo. My mom and dad is seperated, My life is cruel. I'm afraid to fall inlove with someone but you came." tiningnan niya ako. Nakita kong nasasaktan at nahihirapan na siya. "You change my world. Thank you and I'm sorry. Sorry if it will cause you so much pain. I love you Jeoms. Mahal na mahal na mahal kita." tumulo na yung luha ko sa sinabi niya.

Shit! Why?!

"Pasensya kana kung di ko matupad ang mga pangako ko sayo, kung hindi ako magiging nanay ng mga anak mo, kung hindi ako magiging asawa mo." Narinig ko siyang humagulgol. Then, umiyak na din ako,lahat ng luhang pinipigilan ko lumalabas. Pinipiga ang aking puso. Sobrang sakit.

"Shhh Stop Crying. I've caused you so much pain na. Alam kong umiiyak ka, alam kong naririnig mo akong unti unting pinapatay ng sakit ko. Mahal pasensya talaga ha? Sobrang mahal kita.  Lagi mong tatandaan iyan. "

"Isama mo na lang ako Please mahal please." I begged. Yun na lamang ang lumabas sa bibig ko. Hinarap ko siya, Hinawakan ko ang kamay niya, hinalikan nya ako sa labi.

"Please Mishy Isama mo na lang ako. Mahal, Sobrang sakit na din. Pinapatay na ako ng sakit na nararamdaman ko, di ko ata kakayanin na mawala ka please mahal, maawa ka isama mo na lang ako."

"No Jeoms, wag kang magsabi ng ganyan. Andyan pa si nanay si ate. Please Jeomar, continue your life. Please mahal, Please."

"ARRRRRRRGH! PUTANGINA! BAKIT IKAW PA MISHY?! BAKIT IKAW MAHAL! BAKIT HINDI NA LANG AKO! PAKSHET! BAKIT!" Hindi ako mapakali. Gusto kong sumabog sa sakit ng nararamdaman ko. Isinigaw ko sa burol lahat Lahat. Ayoko na. Then that, napaluhod na lang ako habang umiiyak, habang humahagulgol. Naramdaman kong yumakap siya sa akin.

"Andiyan pa din naman ako magbabantay sayo Mahal ko. Huwag mong sisihin ang Diyos. May rason ang lahat at may plano siya para sayo at para sa akin. Mahal na mahal kita."

Haharap sana ako sa kaniya ng pinigilan niya ako.

"Ilang minuto na lamang mamatay na ako. Kukunin na ako ni Grim reaper. Don't worry di ko iinumin lahat para maalala ko haha pero ayon nga ayokong makita mo. Let me just hug you. Hindi ko kasi alam kung kelan kita mayayakap ulit. " I checked my watch.  11:50pm.

10 mins na lang kukunin na siya sa akin. Di ko ata kaya.

"Salamat sa lahat Mishy. Salamat sa lahat lahat. Mahal na mahal na mahal kita. Lagi mong tatandaan yan ha? Mahal na mahal kita. Alam kong nasasaktan kana, Sobrang hirap na sayo nararamdaman ko na bumibigat na ang paghinga mo. Sorry kung naging selfish ako kasi nahihirapan kana pala. Pasensya kana mahal. Mahal na mahal ka namin nila daddy at mommy mo. Salamat sa mga ginawa mo para sa akin. Mahal na mahal na mahal na mahal kita Mishy."  Nararamdaman ko ang pagbasa ng aking damit, Naramdaman ko ang mga luhang pumapatak at naguunahan sa paglabas mula sa aming mga mata.

"I Love you so much Jeomar. Live your lufe to the fullest. Mahal na mahal kita. Salamat."

"Pinapakawalan na kita mahal. Magpahinga ka na mahal." And with that nalaglag ang kamay niya na mahigpit na yumayakap sa akin. Then I faced her.

I faced her lifeless body. Pilit ko siyang ginigising at niyakap ng mahigpit.

Wala na siya, Wala na ang babaeng  mahal na mahal ko.

"MISHYYYYYYYYYYYYYYY!!! ."