webnovel

Chapter 8

#unedited

Mishy POV:

Ngumiti ako at kumaway sa kanila at Agad na tumalikod pasakay sa eroplano.

I will surely miss them, especially Jeomar.

"Okay ka lang ba Baby?" tanong ni Mommy sa akin. Ngumiti lamang ako bilang sagot at tumango.

Tumingin ako sa bintana at hindi nakinig sa stewardess ng eroplano.

Naalala ko naman ang mga nangyari sa amin ni Jeomar.

Ang mga adventure namin sa Tinago, Ang first sunset and sun rise together.

And first week namin na cinelebrate namin with our friends, syempre hindi ko rin makakalimutan ang first tampuhan, ang first selos at first dinner date namin sa Tinago.

Ang First date na sobrang epic, Natatawa na lamang ako kung lagi kong iniisip ang nangyari.

Dahil wala sila Jether at mga cookery friends namin sina Carla at Christian ang assign sa luto it turns out na sunog na hotdog, sunog na itlog, at Ang adobong ewan ko kung adobo o dinuguan sa sobrang itim, We celebrated our first dinner date with them sa burol. Niligyan pa nga nila ng mga christmas Lights, Maraming surprises talaga ang alam ni Jeomar kaya di ko kinaiilang sobrang saya ko kasi ako ang First Girlfriend at siya ang first Boyfriend ko.

Ang first sunrise namin together sa tinago na nagpromise kami sa isa't-isa.

We promised to love each other and treasure the days together.

Sinabi ko rin sa kanya ang dream wedding ko, dream family and such. Siya rin naman sinabi sakin. I know, we are too young para magplan for the future pero wala namang masama diba?

I feel sad,kung hindi ako naging honest sa kanya, I never mention my illness, Pero siya honest na honest sakin. I feel guilty pero ayokong masaktan siya.

Naalala ko pang aalis na ako, hindi siya sumama sa paghatid sakin sa airport kasi sabi niya baka hindi niya ako hayaang umalis at baka daw iiyak siya pero sa bahay pa lang umiiyak na siya. Sabi ko naman sa kanya babalik ako, One or two weeks lang ako doon with Mom. I promised him na kasama ko siya sa debut ko next week at sa Nineteenth birthday niya. Yes, we shared the same birthdate. Lagi niya akong sinasabi na meant to be kami but lagi ko siyang binabara na Teenage love doesn't last but He just said na Kapit lang daw ako at papatunayan namin na Teenage last. Oh diba? Maraming banat na alam ang lolo niyo!

Pero Mahal na mahal ko siya, I love Jeomar so much that I can risk my heart to enter the teenage love with him.

"Baby, Rest ka muna." Ngumiti ako kay Mom and hinawakan ang kanyang mga kamay.

"Are you sure I can survive Mom?"

"Mishy! Stop talking about Trash!" She hugged me so tight as if I'm going to leave anytime. "You don't want to leave us Right? You don't want to leave Jeomar Right?" tumango ako bilang sagot.

"Good, so you should fight baby. Fight for us, for Jeomar and for yourself."

Yes, I will fight. I will fight for them.

Jeomar's POV:

Noong una ko siyang nakita sa bahay nila hindi pa ako nagandahan sa kanya, ako kasi iyong tipo ng lalaking gusto ang may katabaan at ang may pag-galang sa nakakatanda ngunit noong nakita ko siya ay nakikipag-away sa Girlfriend ng papa niya lagi at lagi pang masungit. Major turn off sa part ko, Lagi pa niya akong sinusungitan at iniirapaan. Sobrang tapang ng babaeng ito, Siya ang babaeng walang kinakatakutan but then We was First year high school back then ng nakita ko siyang umiiyak sa pool at may kung ano ang sinasabi, doon ko lang nalaman na she's longing with her mom's Care and love. Doon ko nakilala ang totoong Mishy, strong outside but dying inside. Ang Mishy na palaaway at masungit sa lahat ngunit umiiyak kung mag-isa lang siya. Wala nga siyang Kaibigan sa school e, kasi mga plastik daw ang mga tao, Siya rin ang babaeng takot magmahal at pumasok sa isang relasyon, doon sa totoong Mishy, doon ko nakita ang babaeng magpapabilis ng tibok ng puso ko. Natatakot pa sana akong umamin sa kanya kasi nga anak ako ng katulong at scholar lamang ng ama niya habang siya mayaman. Hinayaan ko lang din kasi natural naman talaga ang paghanga sa isang tao, ngunit hanggang lumilipas ang araw hindi na simpleng pag-hanga lamang ang nangyari, kundi pagmamahal na.

Ang itago ang bilis ng pintig ng puso mo tuwing malapit siya at ang pagtago ng ngiti mo tuwing sinusungitan o tumatawa siya ay napakahirap itago kaya isang araw pinatawag ako ni Sir Marco, ang ama ni Mishy. Pinaamin niya sa akin kung may pagmamahal nga ba ako kay Mishy and then nahihiyang umamin ako, doon nakilala ko ang tunay na Mommy ni Mishy. Sinabihan nila akong papasukin si Mishy sa teenage love na yan kasi may takot siyang nararamdaman, isinalaysay nila sakin ang sitwasyon nila kaya naintindihan ko kung bakit ayaw ni Mishy ang mag-boyfriend. Gusto nilang maranasan ni Mishy ang isang tunay na teenager kaya naglakas loob din akong magpaalam na liligawan si Mishy hindi dahil sinabi nila kundi dahil may nararamdaman na ako sa anak nila. At masayang masaya ako ng sinabi nilang botong-boto sila sa akin.

Umabot kami ng Second year high school, umamin ako at nanligaw sa kanya sa Cafeteria pero nagwalk out lang. Natawa na lamang ako sa inasal niya, What do you expect sa isang Mishy Talabera ngunit naging pursigido ako sa panliligaw sa kaniya. Sa bawat taon na nagdaan sa panliligaw ko mas minahal at minahal ko siya.

Hanggang sa umabot ng tatlong taon, Fourth year highschool when she finally decided to be with me sa Tinago at syempre ang Araw na sinagot niya ako.

That was the best day for me, Ang araw na sinagot ako ng taong nililigawan ko. Mishy is my life. We promised each other na kapit lang at patuloy parin pero bakit wala pa siya ngayon?

Akala ko sabi niya sa akin Two weeks lang siya.

Pero bakit lumipas na ang dalawang buwan wala pa rin siya? Noon, Naiintindihan ko, Nakakasama ko siya sa skype, lumipas ang debut niya at nineteenth birthday ko ngunit di pa siya umuwi, Lumipas ang first Monthsary namin ngunit hindi pa rin siya umuuwi.

Ilang mga pangyayari na ba ang na-e-celebrate namin through skype and Video calls lang? Okay pa noon,pero ngayon hanggang chat na lamang kami kasi Ganun kasi ganyan,Marami siyang mga excuses pero inintindi at pilit kung iniintindi. Kahit na pagod na pagod na akong umintindi kinakaya ko kasi nagpromise siya, kasi mahal niya ako at mahal ko siya.

Pinanghahawakan ko ang mga salitang babalik siya sa akin.

"Huy! Practice na daw ng Graduation!" sigaw sa akin ng aming Valedictorian, siya sana ang Valedictorian kung nakapunta siya, kung hindi niya pinili ang maghome schooled nalang doon sa New York, Sana siya pa ang iyong aming makasabay ko at makakita sa akin na gagraduate ng highschool, siya pa sana ang makakasabay ko sa pagsabit ng medalya, siya bilang Valedictorian at ako bilang third honorable mention.

"Last practice niyo na 'to and be ready for the graduation tomorrow. Good Luck and Congratualations to all of you!" Ngumiti sila halos mag-unahan sa paglakwatsa pero ako?

Dumiretso palakad pauwi at umaasang pag-uwi ko andoon na siya sa bahay nila. Bukas Second Monthsary na namin tapos Graduation pa sana, kahit alam kong walang pag-asa umaasa akong uuwi siya at makakasama ko na.

They said Teenage love is a shallow kind of love kasi we are just teenagers na very impulsive sa pagdesisyon, Yes sometimes makakagawa kami ng kasalanan pero doon din naman kami natututuo e, doon nagsisimula kong paano kami lumaban at lalaban sa mga problemang darating sa amin. Hindi rin naman ibig sabihin na matanda na kayo e, di na kayo nakakagawa ng mali o kasalanan.

Pero dapat kapag nagawa ka ng mali, ayusin mo at wag mo ng ulitin, kapag nasaktan ka rin sa pagsubok ng buhay dapat bumangon ka and make that pain as your lesson because pain will make us a better person.

Eto ba talaga ang nagagawa ng pagkamiss sa isang tao? Nagiging makata ka? Sana pala noon pa siya unalis baka naging valedictorian ako. Yeah, patawanin mo lang ang sarili mo Jeoms. Baliw ka na!

"Oh anak andito kana pala?" tanong ni nanay sa akin pagkauwi ko pa lang ng bahay.

"Ako na po diyan 'nay."

Sabi ko sa kanya ng nakita ko siyanh may hawak na grass cutter.

"Naku huwag na anak, Matulog ka na lang ng umaga at para makita mo ang sorpresa namin bukas." Ngumiti na lamang ako at tumango at tumungo sa bahay.

Pumunta ako sa kwarto namin ni nanay at saka humiga na. As usual, kinuha ko ang litratong kuha namin sa falls ni Mishy, Gabi-gabi ko itong tinititigan at makakatulog na lamang akong yakap yakap ko ito.

"Mish princess two months na ang nakalipas, uwi ka na." pagkakausap ko sa litrato namin, iniisip ng iba nababaliw na ako pero ito lang ang paraan ko to ease the longing i feel. "Good Night Princess. I love you so much." Inilagay ko na ito sa side table at saka kinuha naman ang laptop ko at nagtype ng chat para kay Mishy, umaasang mababasa niya."

**

"Congratulations anak!"

"Congratulations Jeom!" Sigawan agad pagpasok ko pa lamang ng bahay.

"Thank you nay." Ngumiti si nanay sakin at hinawakan ang kamay ko. "Magpasalamat ka kay sir."

"Thank you po sir." pagpasalamat ko naman kay sir, ang ama ni Mishy. Ngumiti ito sakin. "Call me tito,hindi na rin naman kayo iba sa amin diba? Well, hope you'll like our surprise."

"Naku like ko po talaga, nag-abala pa po kayo para dito."

"Honey! Im so excited to know his reaction!" sabi ni ma'am Jasmin kay tito. Ngumiti si tito sa akin at nagsalita. "Hindi pa nagtatapos ang surpresa namin sa iyo. Punta ka sa garden." kahit nalilito sinunod ko ang sinabi sa akin ni tito.

Pumunta ako sa garden ng bahay, Kinabahan pa ako kung ano ang maaaring i-surpresa nila sa akin.

Teka? Table para sa mga date to. Ano ako magdedate mag-isa?

"Ang totoo? Tatayo ka lang ba dyan talaga o lalapit ka sa akin?" May isang napakapamilyar na tinig ang nagsalita, may nakita akong babaeng lumitaw sa harap ko.

Nakakugay ang buhok, Payat, maputi at naka kulay pulang dress.

Teka, nananaginip ba ako? Kumarap pa ako ng ilang beses. Sinapak ko pa ang sarili kong mukha para mapatunayang si Mishy nga ang nakita ko. Shet!

Nababaliw na ba talaga ako?

"You'll just stand there or hug me?" Sinapak niya ako, sinapak niya ako! Letse hindi ako nananaginip!

Ang babaeng mahal na mahal ko ay nagbalik! Bigla-bigla na lamang akong tumakbo papunta sa kinaroroonan niya at iniyakap siya ng mahigpit. Natatawang niyakap niya ako pabalik. I am crying and I know she is too.

Now, hindi lang talaga ito sa litrato lang, hindi lamang sa skype because this time, this is real. 

Damn real, My Princess is back.

My Mishy Talabera is back.

Next chapter