webnovel

Chapter 1

Mishy's POV:

NAGLALAKAD ako sa Hall way papunta sa Parking lot ng may biglang tumawag sa akin.

"Mishy Talabera, Seryoso ako."

"Paki ko naman sa'yo Jeomar Villaflor? Tigil tigilan mo nga ako! Nakakairita ka na ha!" sigaw ko sa kanya habang patuloy lamang sa paglalakad,pinagtitinginan na naman ako ng mga Schoolmates ko habang nagchichismisan.What's new? Iyan lang naman ang alam ng mga kaklase ko,Ang magchismisan sa mga kaibigan nilang plastik! Bakit hindi nalang nila ituon sa pag aaral o kaya sa pag-aadvance study para sa thesis namin?

"Pakihintay naman Mish!"

Naiirita na talaga ako sa lalaking 'to, Since Second year highschool hanggang Fourth Year Highschool na kami nanliligaw pa sakin, Ilang beses ko na bang nabasted ang Baliw na'to?

"Di tayo Close kaya wag mo akong tawaging Mish!" sabi ko sa kanya saka Diretso lang sa parking lot.Naramdaman ko naman na nakasunod lang siya sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko ng biglang may kung anong dumaloy na kuryente kaya sa pagkabigla ko tinabig ko ang kamay niya,Medyo magaspang ang kamay niya dahil mahirap lamang sila at alam ko nagtatrabaho siya sa Tindahan every weekends,well, the hell I care?

"What?"

"Mishy dalawang taon na ako nanliligaw sa'yo di mo parin ba ako sasagutin? Hindi naman sa hindi ako marunong maghintay pero kasi w--

"Teka nga Jeomar, unang una sa lahat Noong Second Year palang tayo sinasabi kong hindi mo ako pupwedeng ligawan." Tiningnan niya ako diretso sa mata, May kung anong lungkot na nakabalot dito.

"Bakit hindi? Dahil Mayaman ka tapos Ako isang hamak na anak ng Isang Kasambahay niyo?" I raised my eyebrow.Anong akala nitong lalaking ito na ganoon ako magisip?

"Dahil bata pa tayo! Seventeen pa lamang ako tapos eighteeb ka,Teenage Love? That Love doesn't Last Jeomar, Kailangan nating mag focus sa pag-aaral dahil walang magagawa ang pagmamahal na 'yan,Hindi 'yan ikakaunlad ng Pilipinas."

Bago pa man siya makasagot umalis na ako at sumakay sa family car namin.Magkikita pa rin naman kami sa bahay Bakit pa niya ako kakausapin?

Hindi ko rin naman pala siya kinakausap sa bahay, pero sana alam niyang mas hindi ko siya kakausapin sa School noh.

Kilala ako bilang isang dalagang walang ginawa kundi ang magbasa ng libro at magbasa, Wala nga akong mga kaibigan e, sabi kasi nila Maldita talaga ako,pero sa tingin ko hindi naman. Wala namang magkaibigan sakin kasi di ako makakarelate sa chismis nila palagi tungkol sa mga lablyf nila! Di rin naman nila ako magegets kung ikukwento ko ang summary ng mga Harry Potter stories, Magnus Chase at kahit anong libro kasi mas mahilig pa silang magpapansin sa mga crush nila.

"Ma'am Mishy?" Tanong ni Manong sa akin, tiningnan ko naman siya sa mirror.

"Po?"

"May pupuntahan ka pa ba? Or diretso uwi po tayo?"

"Diretso na lang po manong sa bahay. Wala naman akong gagawin sa Mall." Nakangiting sagot ko at saka ngumiti kay Manong. Sinaksak ko ang earphone sa tenga ko habang nagbibyahe ngunit pauli ulit na parang nagjojogging ang mukha ng Jeomar na 'yon sa Isip ko! Ayssst!

Di pa ba siya Napapagod? Kanina pa siya tumatakbo sa isip ko!

**

"MA'AM MISHY, Baba na daw kayo kakain na." Tanong ng isang kasambahay sa akin.

"Andyan ba si Daddy manang?"

"Opo Ma'am kasama si Ma'am Jasmin" Bigla naman akong nawalan ng Gana sa sinabi ng maid, Jasmin? Iyan ang bagong witch! Mangkukulam na hindi nakapasa na mangkukulam ng mga fairytales kaya ako ang pinipeste niya.

"Manang huwag mo ngang tawaging ma'am ang impaktitang Jasmin na 'yan! Hindi siya ang amo mo at sabihin mo tinatamad akong kumain kasi may mangkukulam na nasa mesa."

Gulat naman si Manang sa inutos ko sa kanya, "Ma'am sasabihin ko po talaga iyan?"

"Op--

"Manang okay na, nasabihan ko na si Sir Marco na dito na lamang kakain sa kuwarto niya si Ma'am Mishy." Napataas naman ang kilay ko sa pumasok, Jeomar Villaflor with the food tray.

"Kahit pa na may mangkukulam sa hapagkainan sa baba huwag na huwag kang magpapagutom."

"Excuse me?Sino ka naman para sabihan ako niyan aber?"

"Your future husband!" Nakangiting sagot nito sakin. Shit! Feeling ko namumula ako!

"Lumayas ka sa Kuwarto ko! Lumayas ka!" sigaw ko habang hindi nakatingin sa kanya, sanay naman siya sa sigaw ko kaya hindi siya nabigla or what.

Walang anung-ano ay Nakarinig ako ng pagsara ng pintuan, Binaon ko pa lalo ang Mukha ko sa unan.

I hate Jeomar's smile! I hate his dimple! I hate Jeomar for making me as red as tomatoes with his Corny banat and I hate him for making my heart beats Eratically!

Lagi ko siyang binabara at sinusungitan kasi Feeling ko minsan gusto ko ng sagutin siya ng oo, Sinisigawan ko siya at pinapalabas kung babanat siya ng joke niyang ang kocorny kasi Feeling ko parang hindi ko na maitatago ang kilig na nararamdaman ko, Ang feeling na maiihi ka pero hindi naman,jusko! Ayan nga ang sinasabi ko! Sakit lang sa puson ang pagmamahal na iyan! Magkaka-UTI pa ako!

Hindi ko siya sinagot sagot kasi minahal ko na siya, Natatakot ako sa teenage love na sinasabi nila kasi alam ko hindi rin iyon magtatagal, masasaktan lang kami, At Baka malayo pa kami sa isa't isa.

Hindi dahil sa Mahirap siya at mayaman ako hindi na pwede kami? Okay lang iyon sa akin, Guwapo naman siya kaya di ka mahihiyang idate o ibalandra na si Jeomar ang nobyo mo pero ang pinoproblema ko ay ang babata pa nga lang namin, hindi pa kami marunong magdisisesyon ng mga bagay bagay na sa tingin namin ay tama,Minsan kasi kaming mga kabataan o highschooler ay wala pang pormal na pagdisesyon, pagtinutopak kami minsan ay wala kang magagawa kundi ang makipagsabayan samin. Minsan pabago bago ang aming disesyon and I might hurt him for that.

As much as I can stop my feelings, I will.

Nang naramdaman ko ang gutom ay agad naman akong kumain sa dinala niyang pagkain kanina, Nakakain na kaya sila? Siya?

"Abnormal talaga ang lalaking iyon! Juice lang ang ibinigay walang tubig!"

Papunta akong kitchen habang dala dala ang kinainan ko at syempre iinom akong tubig. Direretso lamang ako sa kusina, Siguro doon na naman natulog ang mangkukulam sa kuwarto nila Mommy at Daddy. Tsk.

"Ganyan lang talaga si ma'am Mishy kasi kulang sa pagaaruga ay kalinga ng isang Ina."

"Sinabi mo pa,ganyan talaga pag pinabayaan kana ng ina mo, Ang bata pa ni Ma'am para sa mga ganyan kaya siguro siya minsan mailap sa mga tao at may trust issue sa mga girlfriend ni sir."

"Na saan na kaya ang ina ni M--

"Shhh stop crying Mishy." nabigla ako ng may yumakap sakin, Alam ko si Jeomar ito. Ang epekto pa lamang niya sa akin ay alam ko na. I am hugging him ng naramdaman kong inakay niya ako sa kuwarto ko. Iyak lang ako ng iyak. Tama ang mga kasambahay kaya ayaw na ayaw kong may ibang babae si daddy kasi naghihintay pa rin akong babalikan ako ni mommy, Kulang na kulang ako sa pagmamahal at kalinga ng isang Ina.

"Jeomar mahal ba ako ni mommy?" I ask him

"Oo naman, Baka naman may rason lang talaga kung bakit ka niya iniwan sa Daddy mo." pagaalo niya sa akin, Alam ko na ang rason ni Mommy, Teenage Love.

My mom got pregnant when she was seventeen, Too Early para sa pagmamahal na iyan, kaya isa rin siguro itong rason kung bakit ayaw ko Mainlove. Kasi kahit nga may anak na sila daddy kung nagsimula sila sa Teenage love na iyan Hindi pa rin naman kayo magkakatuluyan. Isang larong pagmamahal lamang iyon ng mga kabataang tulad namin.

Kaya itinatak ko sa isip ko, hindi muna ako papasok sa teenage love na iyan because That love doesn't last. maaring mahal ko siya pero ano naman mangyayari bukas? hindi na? Nagsawa na? 

"Wala na atang nagmamahal sa'kin. Dad has the Witch now."

"Silly! Im here Mishy, hindi man kita mabigyan ng mga material na bagay kaya ko namang ibigay ang buong mundo ko para sa'yo.Talikuran ka man ng mga tao sa paligid mo Andito naman ako para sa'yo."

Next chapter