1 Simula

Inhale.

Exhale.

Ilang beses kong sabi sa sarili habang nakatingin sa repleksiyon ko sa malaking salamin. I am in the washroom of one of the most popular hotel in our town.

Mabilis kong pinahid ang nagkalat na lipstick sa aking labi at pisngi dahil sa ginawang paghalik sa akin ni Mr. Ocampo. Ang business man na siyang nakabili sa akin sa isang auction. Inayos ko rin ang maiksi kong damit na halos ilabas na ang mga pinakatatago kong mga kayamanan. Pati ang aking buhok na minsang nahablot ni Mr. Ocampo nang pumalag ako sa paghalik niya sa akin.

Nakakadiri at nakakababa mang sabihin ay isa ako sa mga babaeng kumakapit sa patalim maiahon lamang ang pamilya sa kahirapan. I am one of those girls na handang ibigay ang lahat para sa kinabukasan ng pamilya.

I'm living with my father and my younger brother sa isang batong bahay hindi kalayuan sa hotel na ito. Tatlo na lamang kami sa pamilya dahil ang aking nanay ay pumanaw na dahil sa sakit na cancer sa dibdib. Wala kaming pera kaya hindi napagamot si nanay. Iyon ang mga araw na pinagsisihan kong hindi ako nagtrabaho kaagad para makatulong.

Nakatapos ako ng pag-aaral sa isang community college sa lugar namin. Hindi naman degree course ang natapos ko kaya hindi ako matanggap-tanggap sa mga ina-apply-an kong trabaho. Hanggang interview lamang ako at pagkatapos ay wala na. Kaya siguro ito na lamang ang naisipan kong trabaho. Ang maging isang bayarang babae.

"Quia! Matagal ka pa diyan? Kanina ka pa hinihintay ni Mr. Ocampo. Baka mainip iyon at maghanap ng iba. Sayang ang perang ibabayad sayo." narinig kong sabi ni Mama Betty sa labas ng washroom. Siya ang baklang manager namin. Siya ang naghahanap ng costumer na gagamit sa amin.

"Where is she?" parang nangatog bigla ang tuhod ko nang marinig ko ang malalim na boses ni Mr. Ocampo. Parang galit ito at ilang sandali na lamang ay baka gibain na ang pintong humaharang sa pagitan namin.

"Baguhan lamang si Quia, Mr. Ocampo. Kakausapin ko lamang saglit." malambing na sabi ni Mama Betty.

Oo, baguhan lang ako. May apat na buwan na siguro. Sa apat na buwan na iyon ay dalawang beses pa lamang akong dinadala sa auction. Noong una ay malaki ang nakuha ko, dahil sa maganda ang pangangatawan at mukha ko. Nagustuhan kaagad ako ng isang Japanese business man. Pero pagkatapos siyang maaliw sa akin ay ipinatapon niya na ako. Kaya ito ako ngayon, nagtatago sa pangalawang lalaking gustong makalasap ng sarap.

But to tell you the truth. Hindi ako nagpapagalaw. Kaya siguro ibinalik ako no'ng Japanese na iyon ay dahil sa pagtanggi ko.

Hindi ko pa kaya. Hindi ko kayang basta na lamang akong gamitin ng kung sino-sino na lamang. Kahit papaano'y nakatatak pa rin sa isip ko ang mga pangaral sa akin ng yumaon kong ina. Ibibigay ko lamang ang sarili ko sa lalaking mamahalin ko at pakakasalan.

"Make sure na susunod siya sa room ko. Kung hindi'y alam mo na ang mangyayari." narinig ko pang sabi ni Mr. Ocampo bago ito umalis. Maya-maya'y muling kumatok si Mama Betty. Nagpasya na akong pagbuksan ito kahit na sa tingin ko'y pagagalitan niya ako.

"M-Mama Betty." halos walang boses kong bulong. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng aking mga kamay dahil sa pagiging agresibo ni Mr. Ocampo.

"Quia, are you okay?" nag-aalalang tanong nito habang pinapasadahan ang aking kabuuan. Mabilis niya akong dinaluhan nang hindi ko na nakayanan ang panginginig ng aking mga tuhod.

Ayaw ko na. Hindi ko na kaya ang ganito. Mali na ito ang pinasok kong trabaho.

Pero paano ang pamilya ko? Sa akin lang sila umaasa!

"Quia, sagutin mo ako." sabi ni Mama Betty habang pinapaupo niya ako sa upuang nasa loob ng washroom.

"Hindi ko na kaya Mama Betty. Gusto ko nang umuwi." umiiyak kong sabi habang nanginginig ang mga labi. Kita ko ang awang rumehistro sa kaniyang mukha. Awa na minsan ko na ring nakita nang una akong lumapit sa kaniya para sa trabahong ito.

"I told you before na hindi madali ang ganitong trabaho. Kailangan mong patigasin ang sikmura mo sa mga bagay na ganito." sabi niya habang pinupunasan ang pinapawisan kong noo.

"Alam ko. Akala ko kaya ko. Akala ko malakas ako, pero hindi. Mama Betty, iuwi niyo na ako." pagmamakaawa ko sa kaniya.

"Quia, hindi madali ang gusto mo. Malalagot tayong dalawa kay Mr. Ocampo kapag hindi mo siya sinipot sa kuwarto niya." kinakabahang sabi ni Mama Betty habang palakad-lakad sa aking harapan.

"Please Mama Betty. Tulungan mo akong makatakas." sabi ko pa sabay hawak sa magkabila niyang kamay. Nakita ko ang paghinga niya ng malalim. Alam kong mabait si Mama Betty. Tutulungan niya ako. Para saan pa't naging matalik siyang kaibigan ni nanay.

"Sige, itatakas kita. Pero sa oras na makalabas ka sa hotel na ito. Magtago na kayo ng pamilya mo dahil alam nating pareho kung anong kayang gawin ni Mr. Ocampo." sabi niya sabay hila sa akin palabas ng washroom. Kailangan naming makalabas nang hindi nakikita ng mga tauhan ni Mr. Ocampo. Kailangang makaalis akong ligtas.

Lakad-takbo ang ginagawa namin ni Mama Betty. Karamihan kasi ng tauhan ni Mr. Ocampo ay nakakalat sa hotel. Halos wala kaming malabasan.

"Shit. Quia, pumasok ka sa restaurant ng hotel. May daan roon palabas sa likod. Ako nang bahala sa sarili ko." Bulong sa akin ni Mama Betty habang pinagtataguan namin ang dalawang tauhan ni Mr. Ocampo na nasa entrance ng hotel.

Kahit nag-aalala ay iniwan ko na si Mama Betty. Tahimik akong naglakad papunta sa restaurant. Halos mabali ang leeg ko kakaiwas ng aking mukha sa mga tauhan ni Mr. Ocampo.

Nang medyo ilang metro na lamang ang layo ko sa restaurant ay hindi sinasadyang mabangga ako sa taong nakasalubong ko. Halos mawalan ako ng hininga nang makita ko ang mukha ni Mr. Ocampo sa aking harapan. Tiim ang mga bagang at nanlilisik ang mga mata.

Dahil sa kaba at takot na naramdaman ay halos hindi ako makagalaw. Pakiramdam ko'y nakatanim ang dalawa kong paa sa sementadong sahig ng hotel.

"Quia!" narinig kong sigaw ni Mama Betty. Hindi ko siya magawang lingunin dahil sa nakakapangilabot na titig ni Mr. Ocampo.

"Quia takbo!" mas malakas na sigaw ni Mama Betty. Dahil doon ay naramdaman ko ang panglalambot ng aking mga tuhod. Umatras ako ng ilang hakbang at mabilis na tumakbo.

Hindi pa man ako nakakapasok sa restaurant ay nahablot na ni Mr. Ocampo ang kaliwa kong braso. Mahigpit ang pagkakahawak niya na halos ikabali na ng buto ko roon.

"Malaki ang ibinayad ko sayo, tapos tatakasan mo lang ako?!" nagngangalit ang ngiping sabi niya.

"Bitawan mo ako!" sigaw ko na ikinatingin ng mga taong nasa paligid. Nakuha na rin namin ang atensiyon ng mga tao sa loob ng restaurant.

"Akin ka na Quia. Pag-aari na kita kaya susundin mo lahat ng kagustuhan ko!" sigaw ng matandang si Mr. Ocampo.

"Walang sinuman ang pwedeng magmay-ari sa akin!" ganting sigaw ko bago ubod lakas na sinipa ang pinakaiingat-ingatan niyang pag-aari.

Mabilis akong pumasok sa loob ng restaurant. Tumakbo ako kung saan naroon ang exit. Madaling nakabawi si Mr. Ocampo kaya nakasunod kaagad siya sa akin.

Mas lalo kong binilisan ang takbo sa takot na baka mahuli niya ako. Kailangan kong makauwi kaagad at makatago kasama ang pamilya ko.

Medyo nabawasan ang kaba ko nang makalabas ako ng hotel. Pero kaagad rin naman iyong bumalik at mas lalong dumoble nang may isang brasong humatak sa akin.

Nanginginig na nagpumiglas ako sa lalaking humablot sa akin. Halos kapusin ako ng paghinga dahil sa braso niyang umiipit sa aking leeg.

Isa ba siya sa tauhan ni Mr. Ocampo? Kung isa siya sa mga ito. Katapusan ko na siguro.

"Don't move." malalim ang boses na sabi niya. Napapikit ako ng mariin nang dumampi sa aking leeg ang mainit at mabango niyang hininga. Ramdam ko rin ang init ng katawan niyang halos nakayakap na sa akin.

"I-I can't b-breathe." bulong ko na ikinabuntong hininga ng lalaki. Naramdaman ko ang palipat ng braso niya sa baba ng aking leeg. Ang kamay niya ay masuyong dumantay sa hubad kong balikat.

Nasa gilid lamang kami ng isang eskinita nang marinig ko ang boses ni Mr. Ocampo.

"Quia!" sigaw nito na ikinasinghap ko.

"Let's go." maawtoridad na sabi ng lalaki sa akin. Wala na akong magawa kundi ang magpatianod. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa hinala kong tauhan siya ni Mr. Ocampo o dahil sa may isang parte ng puso kong gustong makilala ang estranghero.

Hindi ko makita ang kaniyang mukha. Nasa unahan ko kasi siya habang lakad-takbo kaming lumalayo kay Mr. Ocampo at sa mga tauhan nito.

Nang makarating sa mas mataong lugar ay kaagad akong hinila ng lalaki sa isang nakaparadang magarang kotse. Muling sumikdo ang kaba sa aking dibdib. Hindi ko kilala ang lalaki. Baka kung anong gawin nito sa akin.

"Get in." utos nitong ikinatayo ng aking balahibo. He's voice sounds so good. Boses na masarap pakinggan pero nakakatakot kapag galit ang tono.

"Bakit naman ako sasakay diyan?" kinakabahang tanong ko sa kaniya. Biglang umihip ang panggabing hangin. Napakalamig kaya mabilis kong nayakap ang sarili. Napansin iyon ng lalaki. Laking gulat ko nang maghubad ito ng suot na leather jacket. Iniabot nito iyon sa akin. Pero hindi ko tinanggap.

"Come on Jianna. Hanggang dito ba naman pinapairal mo iyang katigasan ng ulo mo?" May galit sa boses na sabi nito sa akin bago inilagay ang jacket sa balikat ko. Muli kong naramdaman ang init na nagmumula sa matipuno niyang katawan.

Teka, did he called me Jianna? Who the hell is Jianna?

"We've been looking for you for almost a month now! Tapos makikita kitang halos nakahubad na?! What's wrong with you?" salubong ang kilay at nag-iigtingang mga pangang tanong sa akin ng lalaki.

"I should be the one asking you that. What is wrong with you? I am not Jianna." may inis na sabi ko.

"Jianna stop messing around! It's not funny! Nasasayang ang oras ko dahil sayo!" Sabi ng lalaki sabay hawak sa magkabila kong balikat. Dahil sa ginawa niyang iyon ay nasilayan ko ang napakagwapo niyang mukha. He's thick eyebrows and hazel brown eyes got me hypnotised. He's perfect pointed nose and thin red lips, masasabi kong siya ang kahulugan ng salitang kagwapuhan. He's so damn hot! Samahan pa ng malaki nitong katawan na halos nahahakab sa suot nitong white v-neck shirt.

"I'm telling you the truth! Hindi nga ako si Jianna! Sino ka ba?!" Mataas ang boses na sabi ko.

"Fuck! I don't have time with your fucking games li'l sis. Let's go!" Galit na sabi nito bago ako sapilitang hinila papasok sa kotse. Sis? Kapatid niya pala 'yong Jianna na iyon.

Kahit anong pilit kong kumawala sa kaniya ay hindi ko magawa. Parang mga bakal ang mga braso nitong nakapulupot sa akin. Kung wala lamang kami sa ganitong sitwasyon iisipin kong tsinatsansingan niya lang ako.

"Welcome back, Ma'am Jianna." nakangiting sabi sa akin ng may edad na lalaki na nasa tapat ng manibela.

"I said I am no-."

"Umalis na tayo Philip." putol ng lalaki sa aking sasabihin.

"Masusunod po Sir Jino." Sagot ng driver na si Philip.

"Ibaba niyo ako! Nagkakamali kayo, hindi ako si Jianna!" galit kong sigaw sa dalawa.

"Si Ma'am mapagbiro. Nagkaamnesia yata dahil sa nangyari." umiiling na sabi ni Kuya Philip.

"Amnesia? Wala akong amnesia! Naaalala ko pa nga hanggang ngayon ang mga nangyari noong bata pa ako. Kilala ko rin ang mga kaibigan at pamilya ko. Wala kayo doon! At isa pa, hindi ako mayaman! 'Wag niyo akong binubudol!" Sigaw ko. Nakakainis! Bakit ba ayaw nilang maniwala?

Nabaling ang aking tingin sa tahimik na si Jino. Mataman niya lamang akong tinititigan. Parang may hinahanap itong kung ano sa aking mukha.

"Jianna, don't you remember what happened?" tanong nito sa akin kapagdaka.

"Obviously?" sarkastikong sabi ko.

"The wedding, your wedding na hindi mo sinipot! Dahil sa mas pinili mo ang maging malaya kaysa pakasalan si Yvo!" Alright, hindi talaga sila naniniwala sa akin. "Damn it! Look at this. I took this photo the night before your wedding. Now tell me, wala ka pa ring maalala?" Inis na sabi sa akin ni Jino. Walang ekspresiyon sa mukhang tiningnan ko ito bago ko inilipat ang tingin sa cellphone nito. Halos malaglag ang aking panga nang makita ko ang aking sarili kasama si Jino sa isang litrato. Akong-ako ang nasa picture, ang kaibahan lamang ay may make up ito na sa tingin ko'y hilig nitong gawin. Samantalang ako'y walang kahilig-hilig sa ganoon, puwera na lamang kung kinakailangan.

"I am not her." wala sa sariling bigkas ko.

"What?" sabi ni Jino habang nakapikit na mariin.

"Totoo ang sinasabi ko. Hindi ako si Jianna." mababa na ang tonong sabi ko.

Sino si Jianna? Bakit kami magkamukha? Para kaming kambal. Pero alam kong wala naman akong kakambal.

"Take me home, para malaman niyong nagsasabi ako ng totoo!" sabi ko sabay suklay sa buhok kong natanggal na sa pagkakatali.

Napansin ko ang pagtititigan ni Jino at Kuya Philip. Maya-maya'y pumayag si Jino na ihatid ako pauwi. Naabutan namin si Tatay at Lemuel na nagpapahangin sa labas. Bakas sa mga mukha ng mga ito ang pagtataka nang makita akong napakaiksi ng suot at may kasamang lalaki.

"Anak, bakit ganiyan ang suot mo? Hindi kita pinalaking ganiyan. Saan ka nanggaling?" nag-aalalang tanong sa akin ni Tatay. Hindi ako sumagot, niyakap ko lamang siya ng mahigpit.

"Sino siya ate?" narinig ko namang tanog ni Lemuel.

"Siyanga pala, si Jino po, k-kaibigan ko." sabi ko sabay lingon kay Jino sa aking likuran. Niyaya kami ni Tatay na pumasok sa loob. Gabing-gabi na rin kasi at napakalamig.

"Here, those are my old photos. Nagpapatunay na hindi nga ako si Jianna." sabi ko kay Jino sabay abot ng isang album na kinuha ko sa tokador.

May pag-aalinlangang tiningnan ako ni Jino at ang album. Ilang saglit lamang ay nagpasya na rin itong buklatin iyon.

Kunot ang noong tinitingnan ni Jino bawat litrato ko sa album. Marahil ay nagtataka ito at sa tingin ko'y baka naniniwala na sa aking mga sinabi.

"Let's talk outside." sabi ni Jino bago ito naunang lumabas.

"Anak, anong nangyayari?" takang tanong ni Tatay.

"Wala po, kailangan lang sa papasukan kong trabaho." nakangiti kong sagot bago ako sumunod kay Jino.

"Who the hell are you?" Tanong sa akin ni Jino pagkalabas ko pa lamang. Matiim niya akong tiningnan nang hindi kaagad ako nakasagot.

"I'm Quia." maiksi kong sagot.

"Jianna's missing." kapagkuwa'y sabi nito habang nakatingin sa kalawakan ng langit.

"I'm sorry to hear that." mahina kong sabi.

"I believe you." sabi pa nito na ikinangiti ko. "Kilala ko 'yong matandang humahabol sa iyo." dugtong pa ni Jino. Muling bumalik sa sistema ko ang kabang nawala saglit dahil sa pagdating ni Jino kanina.

"Si Mr. O-Ocampo?" kinakabahan kong tanong. Isang marahas na paghinga ang pinakawalan ni Jino bago siya humarap sa akin.

"I will help you, but, I need your help too." seryosong sabi sa akin ni Jino na ikinakaba kong lalo.

"What do you mean?"

"Be her substitute."

"Her?" nalilito kong sabi.

"Be Jianna, hangga't di ko pa siya nahahanap." napanganga ako sa sinabi niya. Naloloko na ba siya?!

"I can't do that. I don't know how to be her!" pagtutol ko.

"That's why I'm going to help you. I'm Jianna's brother, I will protect you like how I protected Jianna before. I will be your older brother too. No one will know about this. I promise." mahabang sabi sa akin ni Jino.

"Paano 'yong pamilya ko?"

"I will take care of them. No need to worry about it. You just have to be Jianna." Napatanga na lamang ako sa mga sinabi ni Jino. Gagawin ko ba? Kaya ko ba? Paano kung may mangyaring hindi maganda sa gagawin namin? "Susunduin kita bukas at ang pamilya mo. Hindi niyo na kailangang maghanda ng mga gamit. I will provide everything." Gaano ba ito kayaman? Gaano ba kayaman si Jianna?

"Bye Jianna." Sabi ni Jino bago ito naglakad paalis.

"Jianna." bulong ko nang makaalis na si Jino. May parte ng pagkatao kong gustong-gustong gawin ang nais ni Jino. Gusto kong makilala si Jianna.

Kung sino ba ito?

At kung sino nga ba ako?

avataravatar