2 Chapter One

Hingal na hingal ako habang tinatakbo ang napakataas na bundok. Habang tumatakbo, patuloy ko namang hinahawi ang mga sangang dumadampi sa mga balat ko. Tagaktak ang pawis ko at nang sa wakas ay naabot ko narin ang tuktok ay agad akong napaupo sa damuhan saka nahiga habang patuloy paring hinihingal. Sa wakas! Nakarating narin.

"May balak ka bang matulog diyan?" Bigla akong napabangon nang marinig ko ang boses ni Jellal. As usual suot na naman niya ang ekspresyon niyang walang ka buhay buhay.

Tumayo ako at pinagpagan ang pantalon ko saka tumingin ulit sa kanya at umiling lang. Matapos kong gawin yun ay agad akong tumalikod sa kanya habang nakapamulsa. Ayokong makipag-usap, baka mabara ko lang sila.

Tinignan ko ang karatulang nakasabit malapit sa entrance ng classroom.

Class 3-E.

Nang makapasok ako sa silid ay agad akong umupo sa pinakagitnang likod ng upuan. Ayokong maging center of attraction pero mas ayaw kong hindi masilayan ang inis sa mukha ng mga kaklase ko sa tuwing magsisimula na ang klase.

Agad kong isinandal ang mukha ko sa lamesa ko ng tuluyan na akong makaupo sa pwesto ko at agad na ipinikit ang mga mata ko. Iniisip siguro ng karamihan kung bakit nandito ang lokasyon ng classroom namin.

Outcast kami. Dito ipinapatapon sa E- Class lahat ng mga taong bumabagsak sa mga test, mga taong talunan, at mga taong inaakala nilang pyschopaths o baka nga.. Ewan.

At ang dahilan kung bakit ako nandinto? Nangbugbog lang naman ako ng mga kaklase ko. Bakit? Kasi pakiramdam ko hindi ako bagay sa lugar nila. Matalino ako, kaya kong ipasa at mag top 1 sa lahat ng tests pero di ko ginawa dahil ramdam kong mas bagay ako rito.

Idinilat ko ang mga mata ko saka napabuntong-hininga. Isa isa nang nag dadatingan ang mga kaklase ko at napakunot ang noo ko nang makita kong may isang lalaking nakasandal sa may pintuan habang nakabungisngis. I hate this guy. Parehong pareho kami. Ang hilig niya lang talagang mang-inis at kahit anong gawin ko ay hindi ko maiwasang patulan ang mga kagagohan niya.

Umalis siya sa kinarorooan niya saka naglakad papunta sa upuan ko. Umupo siya sa harapan ko saka napasmirk. Nagsisimula na namang kumulo ang dugo ko.

"Stop staring, Karma. Tatanggalan kita ng mata." Malamig kong sabi pero mas lumapad lang ang ngiti niya. Gusto ko na siyang sakalin hanggang sa hindi na siya makahinga.

"Bakit? Masama bang titigan ang kambal ko?" Nakangiti niyang tugon kaya naman napataas ang kilay ko habang nakatingin sa kanya.

"Stop ruining my day, twin. I hate your ugly face."

"Remember, we're twins. Yea, you're ugly too." Napa ismid naman ako sa sinabi niya at napayuko nalang ulit. Hating him was my specialty since the day that we're born.

Hindi pa man natapos ang pagpatay ko sa kambal ko sa isipan ko, agad na nag ring ang bell kaya naman napaayos ang lahat ng upo. Balita ko may bagong teacher kami ngayon. Sana naman gaya ni Teacher Yuki noon, mabait at matalino.

Bumukas ang pinto at nakita kong iniluwa dito ang tatlong tao. Nasa Mid 20's na yata sila. Dalawang lalake at isang babae.

Napatitig naman ako doon sa lalakeng seryoso ang mukha. So cold yet so cool.

Isa isa niya kaming tiningnan saka tumikhim. "Good Morning class. I am Mr. Shunsuke at ako ang magiging P.E. teacher niyo. This girl beside me is Miss Rio, your teacher in language while this man," turo niya doon sa lalaking abot tenga ang ngiti habang nag ttwinkle ang mga mata. Magkakaroon ba kami ng abnormal na teacher?

Napabuntong-hininga ako. Akala ko pa naman kagaya siya ng dating teacher namin. False hopes do hurt.

"This man will be your class adviser, Mr. Tatsumi and of course gonna be your target." Napatitig kaming lahat sa kanya pero hindi nagbago ang ekspresyon niya. He is too straightforward for a P.E teacher.

And target? Is Mr. Tatsumi a monster? A monster that has a physical body? Did they chose us because we're the 3-E? The classed that was labeled as psychopaths? Wow, what a racist.

"And don't worry, that's why we're here. We will teach you on how to be assasins." This time si Miss Rio naman ang nagsalita habang nakangiti. She's having the bitch aura for a girl. I can tell that she's a 'man to another man' type of girl. Too much beauty can cause harm sometimes.

Matapos nilang sabihin yun ay umalis na sila upang i arrange ang mga kailangan gawin para sa lessons namin and as usual, we were back to being students again. Kahit naman kasi hindi kami ang nasa A Class at nasa bundok ang lokasyon ng silid namin, hindi ibig sabihin noon ay di na kami nag-aaral. We still need to learn in order to find job someday.

Yuyuko na sana ulit ako nang maramdaman kong nakakatitig siya sakin. Hindi pa pala umaalis si Sir Tatsumi.

Napaangat ako ng tingin at sa isang iglap, nasa harapan ko na siya. I can tell why he's called to be a monster. He's way too fast to move.

"I see. May future kang maging assassin. Hihi sorry kung fc ako sige ah mauna na ako, mamayang hapon mag s-start ang klase natin." Bigla siyang bumalik sa harap dala parin ang ngiti sa kanyang mga labi.

Tiningnan niya kami at saka sumaludo. Unti-unti nang nababawasan ang respeto ko sa taong 'to.

"Goodluck sa mission niyo. I hope you can all kill me before this school year ends." at sa isang iglap, nawala ulit siya. I can't deny that his moves are amazing but then again, he is a target.

This time yumuko ulit ako at pumikit ulit. Matutulog muna ako, preparing myself kasi mamaya, it will be fun, because it will be killing time.

avataravatar
Next chapter