2 WHEN I WAS 14

Sa buhay natin maraming trahedya tayong nararanasan. Mahirap natin itong iwasan dahil 'di natin namamalayan. Hindi natin alam na baka mamaya ay mamamatay na tayo. Alam ko masakit ang binibitawan kong salita pero hindi niyo ako masisisi dahil nasaktan ako ng sobra.

Ako si Alaisha Salvantez, ang kwentong ito ay tungkol noong labing apat na taon gulang pa lamang ako. Ang naranasan ko noon na gusto kong ibahagi sainyo kung gaano kasakit ang mawalan. Ang mawalan ng mahal sa buhay...

Ang taong matagal ko ng kasama. Ang taong kasama kong lumaki. Ang taong sumuporta sa'kin. Ang taong binigay lahat ng gusto ko.

Hirap na hirap na ako, hindi ko alam kung kakayanin ko pa...kakayanin tanggapin ang lahat. Masakit bilang apo ang makitang nasasaktan ang lola ko. Last year, pumanaw ang akin lolo sa father side dahil sa prostate cancer at naka-survive ito sa sakit na tuberculosis.

Nang Mayo 27, 2017 ng hapon ay napansin ng aking ina na ang lolo ko ay hindi na humihinga. I wasn't in there...

Nasa bahay ako noong araw na iyon. Tumawag ang Tito ko sa'kin at ibigay ang cellphone sa kapatid ng lolo ko. Nang malaman ko iyon ay parang hindi ako naniwala. Para sa akin joke lang iyon pero sino nga ba ang magjojoke ng gano'ng klase?

Nang inuwi na si Daddy(lolo ko) sa bahay ay parang nanigas ako sa kinatatayuan ko. Umiyak ako ng umiyak...

Ngayon, ang lola ko naman ang may sakit. May sakit siyang cervical cancer stage 3 at nang malaman kong may sakit siya ay parang binagsakan ako ng langit at lupa. Nasa edad na fifty-nine years old palang si Mommy Lola ko at ganun na ang kalala ng sakit niya?

Bakit ang un-fair? Bakit hindi na lang magkasakit ang mga masasamang tao? Kasi para sakin deserve nila iyon. Alam ko ang sama ng sinabi ko pero hindi niyo ako masisi. Masakit. Sobrang sakit na nakikita kong namimilit siya sa sakit. Ngumingiti ng pilit para sabihin na ayos lang siya.

Grade 8 ako ng mga panahon iyon. Nang sumapit ang December-sembreak namin. May dalawa o tatlong linggo ang sembreak namin. Tuwang-tuwa ako dahil mababantayan ko si Mommy Lola.

Tuwing umaga, ginigising niya ako kapag late ako gumigising. Nagluluto ng kanin at ulam, naglilinis ng bahay, nagpapa-inom sa kanya ng herbal o gatas. Tuwing hapon naman ay nanonood kami ng TV at nagpapahinga. Hindi kalakihan ang bahay ni Mommy pero okay na ito. May kwarto, kusina, banyo naman ito.

Kapag gabi naman ay papakainin siya o minsan naman hindi dahil masakit ang bandang tyan niya dahil sa sakit niyang cervical cancer. Nawawalan siya ng gana kumain. Natandaan ko ng gabing iyon, sumakit ang tyan niya hanggang sa baba at sa likuran.

N-naiiyak ako dahil hindi ko siya kayang tignan. Masakit. Sobra. Sobrang sakit. Kung sana pwede kong kunin ang sakit na iyon at ilipat sakin ay gagawin ko. Kaso hindi, dahil ang God ang gumawa at bumigay satin nito.

"Huwag kana umiyak, shang. 'Pag ako umiyak dito hindi ako makahinga niya," mahinang sambit ng lola ko. Napansin niya siguro ang iyak ko kahit blackout dito samin.

"W-wala 'to mommy," nauutal na sagot ko at bahagyang ngumiti. Pinunasan ko ang luha ko na patuloy pa rin sa pagbuhos.

Makalipas ang ilan na buwan ay ganito pa rin. Paulit-ulit lang ang nangyayari pero lumala ang kondisyon niya. Hindi ko natandaan kung nagpa-chemotherapy ba si Mommy o wala. If I'm not mistaken, siguro nga nagpa-chemo ito. Ang chemotherapy ito ay gamot para mawala ang cancer pero nadadamay ang ibang cells natin sa katawan kaya namamayat ang isang tao o iba pa.

February 25, 2019

Na-admit si Mommy sa Brent Hospital. May klase na kami ng panahon iyon at busy na rin sa school dahil sa mga requirements or projects namin na dapat asikasuhin kaya hindi ako nakapagbisita man lang sa kanya.

Tuesday o Wednesday ata iyon ay pumunta ang mga kaibigan ni Mommy lola sa Baptist church. Nandon ang pastor at nag-pray sila na sana gumaling na si Mommy. Paano ko nalaman? Kay mama, nagkwe-kwento siya sa'kin.

Thursday ng hapon, sinabihan ko si Mama at Papa na gusto ko pumunta sa Hospital. Siguro kasama ko ang kapatid ko. Pagdating namin ay excited ako makita si Mommy. Pero sa loob-looban ko ang sakit at lungkot na naramdaman.

Ako ang nauna sa paglakad kaya pinihit ko ang doorknob para makapasok kami sa loob ng kwarto iyon. Pagpasok ko ay nakita ko na ang hospital bed kung saan nakahiga si Mommy Lola.

Kagat-pang-ibabang labi ako habang humahakbang palapit. Nang makita ko siya ay bumuhos ang luha na kanina ko pang pinipigilan. Nasasaktan ako sa nakita ko. Nasasaktan ako dahil nandyan siya. Nasasaktan ako dahil feeling ko wala na akong pag-asa.

Pag-asa na...sana makasama ko siya habang-buhay. Nangako ako na mag-aaral ako ng mabuti at kapag naka graduate ako ay gusto ko si Mommy lola ang mag-susuot ng medalya ko. Kapag nakatapos ako ng pag-aaral at may trabaho na agad ako ay pupunta kami sa ibang bansa kasama siya.

Pero...mukhang malabo na mangyari iyon...

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay. Masakit. Patuloy lamang ang pag-buhos ng aking luha habang pinagmamasdan siya. Marami itong nakasaksak na dextrose sa kanyang kamay. Nakatingin siya saakin na parang inaalam kung sino ako.

Tinanong ko si Mama kung ano ang nangyari ang sagot naman niya ay hindi na maayos ang kanyang memorya sa utak at hindi gaano nakakasalita ito. Umiyak ako. Umiyak ako habang hinawakan ko ang mukha nito.

"M-mommy s-si S-shang-shang i-ito. M-mommy p-pagaling ka ah. Y-yung p-romise m-mo." Halos hindi ako makasalita ng maayos habang umiiyak.

Hindi ako madasaling tao pero ang hiling ko sana ay gumaling siya. Masyado pang maaga para magkaroon siya ng sakit. Bakit? Karma ko na ba ito? Karma dahil sa mga kasalanang ginawa ko noon kung gano'n ay nagsisisi ako.

Kinabukasan ay gano'n pa rin. Nag-half day lang ako dahil gusto kong puntahan si Mommy. Nakaupo lang ako sa sofa kung saan malapit lang ito kay Mommy at sa monitor para malaman mo kung ilan ang heart at pulse count.

Mahimbing natutulog ito sa kama. Pinagmasdan ko si Mommy at wala sa oras ay iiyak na naman ako. Dapat matatag ako dahil ayaw ni Mommy na mahina kami—ako. Pero hindi ko maiwasan ang paghinaan ng loob dahil alam kong bibigay na siya.

Di katagalan ay parang hindi mapakali si Mama. Tinignan ko ang heart count ay parang bumababa ito. Nataranta ako habang pinipigilan umiyak. Tumawag ng nurse si Tita Jovey at dali-dali naman pumasok sa loob ang mga nurse at doctor.

May dala itong parang balloon di ko alam kung ano tawag doon. Nilagay ito sa may bunganga ni Mommy para mabigyan ng hangin ito. Lumabas ako ng kwarto dahil hindi ko kayang tignan.

Si Tita Jovey ay minamasahe ang kamay at braso ni Mama dahil parang nanghihina na siya. Nasasaktan si Mama, nasasaktan din ako. Napaupo ako sa sahig habang tinitignan sila sa loob na natataranta.

Sa totoo lang, parang umiiyak ako ng peke dahil alam kong hindi pa...wala pa. Ayoko mawala si Mommy lola sakin. Siya na lang ang meron ako. Siya na lang ang matatakbuhan at masasandalan ko.

Tumakbo akong pumasok at lumapit kay Mommy. Hinawakan ko ang kamay niya na halos madiin na ang pagkahawak ko.

"Mommy! Huwag naman oh! Bangon na mommy!" pasigaw kong sabi habang bumubuhos ang luha saaking mukha. Halos mawalan ako ng pag-asa ng makita ko ang straight na linya. Ang ibigsabihin nito ay...wala na.

Nagwala ako! Nagalit ako! Nasaktan ako! Bakit? Bakit, mommy? naiiyak na sambit ko sa isip ko.

Hinalikan ko ang mga kamay at mukha ni mommy. Hindi ko na mahahawakan ito. Hindi na. Wala na ako mommy. Wala na ako masasandalan. Wala na ako malalambingan. Wala na mag-aadvice sakin. Wala na...

Pinauwi na kami ni Mama dahil dadalhin si Mommy sa St. Peter. Pumilit akong sumama kaso hindi sila pumayag dahil gabi na. Wala akong nagawa kaya sumama kay Papa pauwi.

"Siguro pa, oras na ni Mommy magpahinga," mahinang sambit ko nang umandar na ang kotse. Hawak ko ngayon ang damit ni Mommy lola-bestida ito. Niyakap ko ito at inamoy. Kapag inaamoy ko nandito kasi dumidikit ang amoy ni Mommy Lola.

Sa Baptist Church kung saan nandun ang kabaong ni Mommy. Wala masyado ako alam sa mga ganito. I'm a half muslim and Christian. Lumipas ang panahos ay parehas lang. Magbigay ng pagkain sa mga bisita tapos kapag gabi ay uuwi na.

Seventh Day of Death ni Mommy ay ililibing na siya. Maaga kami umalis at suot-suot ang puting damit na binili saakin ni Mama. Ito daw kasi ang sinuot kapag may ililibing.

Nagdasal ang lahat nang nagsimula na. Ako ay naiiyak habang nakatingin sa kabaong ni Mommy. Nandito rin ang mga pinsan ko sa mother side at ang kapatid ni Papa. Sunod-sunod sila nag-speech si Mama, Si Tito, Pastor, at iba pang kaibigan ni mommy. At ako, hawak-hawak ang papel kung saan sinulat ko ang mga alala namin ni Mommy. Nang ako na ay tumayo na ako at pumunta sa harap.

"Hello, mommy lola. Mahirap at masakit sa akin man tanggapin ang lahat dahil w-wala ka na pero wala pa rin ako magagawa. N-nangako ka na 'pag grumaduate ako ikaw ang magsusuot ng medalya sakin. M-mommy, s-siguro wala kana s-sakit na n-naramdaman. M-marami pa ako g-gustong t-uparin na k-kasama ka kaso wala kana.

N-natandaan mo ba iyon, mommy? Nag-walis ka nun e tapos ayaw ni Mommy dahil baka sumakit at mapagod ka pero nagsinungaling ka dahil sabi mo gusto mo mag-exercise. T-thank you mommy sa lahat, sa advice, sa pag-alaga, sa pagmamahal na ibinigay mo sakin. Mahal na mahal kita, mommy. I miss you and I love you so much, Mommy Lola Ko."

Napapikit ako ng mariin at naglakad pabalik sa upuan ko. Napayuko ako at umiyak ng umiyak. Wala na. Ang lola na nagbigay ng suporta, pag-aalaga at pagmamahal sakin ay ngayon wala na.

THE END

Lesson learned: Ang buhay natin ay maikli lamang. Hindi natin ito namamalayan na baka mamaya o bukas ay wala na tayo. Mahalin natin ang pamilya natin dahil sila lang ang meron tayo. At sa huli, pamilya din natin ang matatakbuhan at masasandalan.

avataravatar