1 Chapter 1

Gabriel's POV

She is the epitome of brokenness. How can sadness be so beautiful? She is sadness... and God knows how much I love her. But this is not a love story. This is the story of how she died.

Batanes (January 8, 2018)

Batanes is said to be the home of the winds where you can get a taste of peace and quiet. Para akong nirescue ng mga Ivatan sa napakagulong buhay sa Manila. Bihira lang ako magbakasyon... sa 10 years na nag tatrabaho ako tatlong beses lang ako nakapagbakasyon at ito na ang pinakamatagal. 10 days approve vacation leave na kinailangan kong pag hirapan ng isang buwan na puro OT at minsan RDOT para lang payagan ng boss kong kupal. Yes, kupal... gago, walangya lahat na! Pagbalik ko talaga ng Maynila mag reresign na ko! Joke lang… mahal ang bigas.

"Gabby! Di ka ba sasama maglakad sa tabing dagat? Mag stay kami don hanggang sunset!"

That is Louie… my officemate, and my best friend. Editor din siya sa MAGS. Halos lahat ng kasama ko Editors, ako lang ang nag iisang Photographer sa barkada namin.

"I'll just get my cam susunod ako!"

Picture is life for me… at sa sobrang ganda ng Batanes, alam kong lahat ng pictures na makukuha ko are Magazine worthy. Not that I need to work here ha, pero masarap lang sa pakiramdam na kumuha ng kumuha ng pictures tapos i-keep lahat ng yon. Hindi ako mahilig mag post sa social media but I think I will share a couple of photos then just keep the rest for myself… for my eyes only.

Medyo matarik pababa ng dalampasigan pero pag nakababa ka na ma appreciate mo ng sobra sobra yung view. So breathtaking… so serene.

I saw my friends na naghahabulan sa tabing dagat, yung iba nagtitiktok and I just continue taking pictures from different angles, iba't ibang klase ng shots at sa bawat tunog ng shutter palaki ng palaki ang ngiti ko... that's when I saw her.

It's almost sunset and there's this girl… she stood there facing the sea, the water soaking her feet and she is holding a canned beer.

I took pictures of her back. She is wearing a white dress above the knee, bare-footed… and alone.

Okay lang kaya na lapitan ko siya? Magmumukha ba akong creepy stalker shit?

My curiosity always gets the best of me, so I ended up walking towards her.

"Hi…"

"Bakit? Type mo ko?" she didn't spare me a look, parang sanay na sanay na siya na my kumakausap sa kanyang stranger kaya ganon ang mga sagutan niya.

"Type kitang kunan ng picture kung okay lang?"

"Photographer ka ba? O feeling photographer lang?" di pa din niya ko tinitingnan.

"Photographer ako sa isang magazine."

"I popost mo ba sa magazine ang mukha ko?"

"Ay hindi… I'm not here for work. This is purely vacation and the pictures that I will take will be for my personal collection. Kung okay lang sayo? I think you will be a very good subject sa tabi ng dagat."

"Hmmn… okay." She turned her head and look at me.

One look and I knew…

She is a once in a lifetime.

"Anong pose ba kailangan mo? Naka taas ang kamay? Nakatingin sa kanan o kaliwa? Ayokong mag side view – pango ako. Kailangan ba i endorse ko tong san mig?"

Natatawa ko sa kung pano siya magtanong. Parang sobrang gaan niyang kasama.

"Wala kang i eendorse, akin na yung beer makakasagabal yan sa picture" kinuha ko ang beer at nilapag muna sa buhanginan.

"Diba ko pwedeng endorser ng alak? Bakit kasi maliit ako?" madaldal siya.

She is short… mga 5-foot lang siya, petite, maiksi ang buhok at mukhang sassy.

"Walang kinalaman ang height mo sa shoot na to hahaha!"

I took many shots pero sa lahat ng yon naka resting bitch face siya.

"Wala pa kong shot na nakangiti ka"

"Required bang ngumiti sa picture?" she said.

"Mas okay siguro kung mukhang masaya ka na nagtatampisaw sa dagat?"

"E pano kung hindi ako masaya?" the way she said it is emotionless. Hindi gaya kanina na medyo perky yung tono niya.

"Can you pretend to be happy?"

"I've been pretending all my life but I'm honest when I'm at the sea"

Hindi ko alam yung isasagot ko sa statement niya. Her words were so bold. She is so...

straightforward.

"Oh- okay sige, I think okay na tong mga kuha ko"

"Isa pa…" she said.

"Isa pang?"

"Isa pang shot"

"Okay"

I took the last shot and she smiled… and I swear, it was the saddest smile that I have ever seen in my 30 years of existence.

Andrei's POV

"Magandang umaga po Ma'am Angelica"

It is a good morning indeed. Sa sobrang ganda ng Batanes, lahat ng umaga parang bagong panimula. When you dance with darkness for a long time, you will start to value the importance of waking up every day to see the light.

Dahil isang bwan na siya sa Batanes, kilala na siya ng ibang mga tao dito. Today is her last day kaya naman naisipan niyang mag breakfast. She stopped taking breakfast 2 years ago. Pero dahil hindi lahat ng tao nabibigyan ng pagkakataon na mag breakfast sa Batanes…

Kahit ngayon lang An… bukas puro lunch ka na ulit.

"Ate ano pong niluto nyo pang breakfast?"

Busog na busog siya sa tortang talong at kung ano ano pang pinakain sa kanya sa kainan na malapit sa pinag stayan niyang Airbnb. Naisip niyang maglakad lakad habang di pa kainitan.

She saw a familiar figure…

ah! Yung photographer!

My hawak siyang kape tapos malayo ang tingin.

Siguro dito siya nag stay sa isa sa mga kubo dito hmmn…

"Good morning" she reluctantly said

"Hi… good morning!" He seemed surprise but he smiled anyway...

"Gusto kong mag scooter stroll mamaya, marunong ka ba mag motor?"

Bat parang gulat pa din siya? My nakakagulat ba sa pagmomotor?

"Marunong naman …"

"Okay, 4 pm… in this very same spot"

Cool! Nakahanap ako ng driver! Now I must go …

"Ah- okay .. pwede bang magtanong?"

"Nagtatanong ka na"

"Bakit lagi kang mag isa, wala ka bang kasama?"

"Wala akong kasama kaya lagi akong mag isa"

"Thank you pala sa biglaang shoot yesterday, My name is Gabriel from Manila."

"You're welcome Gabriel. I need to go back, I'll see you later"

"Wait- anong pangalan mo?"

"Naomi… Naomi from Leyte." She said without blinking.

Gabriel's POV

I just can't believe that she talked to me. I actually saw her habang nag be breakfast sa malapit na kainan and watched her eat her food slowly… like sobrang bagal. Parang humaling na humaling siya sa kinakain niya. Parang ngayon lang siya nakatikim ng umagahan. I turned around when I saw that she's done savoring the dishes at parang maglalakad lakad siya.

Oh God... let her notice me!

And thank you almighty!

She said good morning!

Hindi naman pala siya snob…

I just don't know kung bakit gusto kong mapansin niya ako. Siguro kasi naiintriga ko dahil parang lost soul siya? I'm curious about her. Sobrang naiintriga ko.

"Gusto kong mag scooter stroll mamaya, marunong ka ba mag motor?" she said.

Medyo nakakagulat yung tanong niya. Yayayain ba niya ko mag stroll?

Wag kang bobo Gab kaya nga siya nagtatanong diba!?

I can't let her get away without telling me her name.

"Wait- anong pangalan mo?"

"Naomi… Naomi from Leyte." She didn't even blink.

avataravatar