9 Chapter 9 Love Moves in Mysterious Way

"Hi Beshies!, I would like you to meet my Boyfriend Jiggy!" Ngumiti naman si Jiggy at naki pag kamay.

"Baby sila yung kinukwento ko sayo, siya si Wilma" napangiti si Wilma "And Ito naman si Zia"

"Hi nice to meet you Jiggy" abot hanggang langit naman ang ngiti sa kanya ni Jiggy.

"Jiggy my babe sila ang mga kasama ko sa work, pero kami ni Zia since college pa kami mag kakilala"?.

"Grabe mga angel pala ang mga kaibigan mo"

"Ay! Thank you Jiggy!" Hindi maiwasan ni Wilma na hindi ngumiwi, si Zia naman ay tahimik habang nakayuko ang ulo kunwari ay abala sa pag check sa cellphone, nang mag katinginan sila ni Wilma ay hindi nila alam kung sino ang unang mag sasalita.

Overall ay ok naman si Jiggy, meron siyang tangkad na nasa 4" 9' matabang pangangatawan, kayumangi ang kulay at ang mukha niya ay... Oh never mind ika nga sa isang kasabihan mag mahal ka ng pangit at ibigin mong tunay, tiyak na hindi ka niya ipag papalit.

Hindi lang nila maintindihan kung anong pumasok sa kokote ni Kaye, kadalasan kasi sa mga nagiging Boyfriend nya puro may itsura. Siya pa ang nag sabi sa mga kaibigan na isang prince charming lang ang magugustuhan niya. Anyare?!.

"Mga Besh saan ninyo gustong kumain?" Tanong ni Kaye.

"Hmm kahit saan, kayo ni Jiggy baka may gusto kayo?, Kami kasi ni Zia hindi naman mapili".

"Baby cake, doon na lang tayo sa favorite restaurant ko, tiyak ko magugustuhan nyo yon".

Agad naman ng salita si Zia para tumangi "Naku Jiggy wag na sa Restaurant, ok lang naman kami kahit saan". hindi naman makapal ang mukha nila para mag pa gastos nang husto.

"I'm sorry Ms. White (Zia) gusto kasing i surprise itong Baby cake ko" sabay hawak sa bewang ni Kaye.

Napangiwi naman kami ni Wilma 'Baby Cake? Corney!'

Lumabas kami ng coffee shop at agad na sinundan sila Kaye na lovey dovey habang ng lalakad.

Kung titingnan mo sila halos langit at lupa o kape at gatas ang basehan. Maganda si Kaye maputi na sexy ang pangangatawan at tangkad na nasa 5" 7', noon ay mahilig sumali si Kaye sa mga beauty pagent mga barangay at school pagent at nananalo naman siya. Marahil dahil mula nang ng simula na siyang mag trabaho ay itigil nya na ito.

Di nag tagal ay napahinto sila ni Wilma, ang dalawa kasing Love bird ay huminto at pumasok sa Jollibee. "Eh... Akala ko ba restaurant besh?" Tanong ni Wilma.

Napa kibit balikat naman si Zia "Ewan ko baka ng bago".

Pag ka upo nila ay agad na nag salita si Jiggy "Oh umorder na kayo! Wag kayong mahiya ahh order lang kayo kahit ano!"

"Wow baby you are so sweet!"

"Thank you Baby cake! I order mo ako ng 2 pcs chicken joy with extra rice, oh! Baby cake ikaw muna ang mag bayad next week pa kasi ang sweldo ko. Treat mo muna".

Napa tulala naman ang tatlo, hindi alam ni Wilma kung matutuwa ba siya o ma iinis. 'Anong klaseng date to! ang best friend ko pa ang mag babayad? May pa extra rice ka pa?!'.

Agad naman naramdaman ni Zia na malapit nang sumabog ang kaibigan kaya hinawakan nya to sa kamay. "Hmm.. kami na lang ni Wilma ang mag oorder" sabay silang pumunta sa counter.

Pag katapos kumain ay agad na umalis sina Zia at Wilma katwiran nila ay para bigyan ang dalawa ng private time. Pero sa totoo lang iniiwasan lang ni ang Jiggy na iyon.

Pumunta ang dalawa sa isang milk tea shop.

"Zia kamusta ka naman sa Compen. Department? Hindi ka naman ba nila pinahihirapan?".

"No, ok silang kasama".

"Eh si Senior Manager Ong ok naman ba?".

"Hmm... Ok naman binigyan nya ako kaagad ng trabaho pero ok naman nagawa ko naman bago mag deadline".

"That's good ng aalala talaga ako sayo noong malaman kong ililipat ka doon" pa bugtong hiniga nya. "Oo nga pala Besh sinabihan na ba kayo na darating ang bago nating COO?, Sabi kasi ng mga boss mukhang mahigpit yata iyon sa mga report".

"Narinig ko nga".

Maya maya pa ay napatangin sa kanya ang kaibigan "So... Kamusta ka naman naka... Move on kana ba?"

Napatigil naman sa pag halo ng milk tea si Zia at kunot noong napatingin sa kaibigan "Move on?".

"Oo move on?, Naka pag move on kana ba sa ka gwapuhan ng COO natin?" Sabi ni Wilma na may nakakalokong ngiti.

"Gaga!" Sabay bato ng tissue sa kaibigan.

avataravatar
Next chapter