8 Chapter 8 Anong Meron?

Kinabukasan araw ng biyernes. Sabay na nag aalmusal ang pamilya.

Sa unang tingin makikitang maayos naman ang lahat, pero hindi makaka ligtas sa pakiramdam ni Zia na may kakaiba yata sa mga magulang nya.

Napakunot noong napatingin si Zia sa magulang 'Anong meron sa mga to?'

Nang mapasin ng mga ito ang tingin nang anak ay agad silang na pangiti.

"Zia maaga ka yatang nagising ngayon? Di ba't sabado ngayon at wala kang pasok?" Tanong ni Carmen.

Napalunok naman si Zia bago sumagot "Hmm... Aalis kasi ako Ma".

"Saan ka pupunta? May kasama ka ba? Sino kasama mo?" Sunod suno na tanong ni Carmen. Agad naman syang nakaramdam ng siko galing sa asawa na tila gusto niyang sabihin ay, manahimik ka nga. Agad naman nyang inirapan ang asawa.

"Kaibigan ko Ma, pupunta kami sa mall" simple nyang sagot habang kumakain.

"Ahh kaibigan, ok! Ok! Ok! Mag ingat ka"

"Hmm.."

Pag ka alis ng kanilang anak ay agad na hinila ni Carmen ang asawa.

"Papa sa tingin mo Boyfriend ni Zia ang kikitain nya?".

Napatingin naman si Roberto sa asawa at agad na binalik ang tingin sa diaryo upang alamin ang lumabas sa karera. "Sa tingin ko ay kaibigan lang iyon ng anak mo".

"Kaibigan?!, Palagi kung gabi na umuwi ang anak mo pag katapos ngayong araw ang off nya pero umalis siya ng ganitong ka aga?" Pabalik balik si Carmen sa pag lalakad at napapaisip, habang ang asawa ay abala sa pag babasa at tila walang paki alam sa asawa.

"Roberto paano kaya kung sundan natin ang anak natin? Ano sa tingin mo?"

"Hmm na nalo pala yung tinayaan ko noong nakaraan, hmm matayaan nga ulit" pa bulong na sabit ni Roberto at hindi narinig ang asawa na palakad lakad pa din.

Napahinto naman si Carmen at tumingin sa asawa pakatapos ay narinig niya ang asawa na bumu bulong bulong tungkol sa karera, kaya agad nya itong binatukan "Ano kaba naman Roberto! Kanina pa ako ng sasalita dito! Puro naman pala karera yang nasa isip mo!"

Kunot noo namang niyang hinimas himas ang ulo. "Mama naman..."

Agad siyang nilakihan ng mata ni Carmen, ito ang panakot nya sa asawa na ibig sabihin ay nagagalit sya.

"Mama wag mo ngang problema iyang anak mo!, Kung susundan mo sya, eh paano kung nahuli ka niya, eh di mas itatago nya satin ang Boyfriend nya!"

"Eh nag aalala lang naman ako sa anak mo! Paano kung masamang tao pala iyon, eh kung ganoon dapat ngayon pa lang mailayo na natin ang anak mo!, Mas gusto ko pa na ako na lang ang pipili para sa anak natin".

"Mama wag mo munang isipin yan, ako na lang muna ang isipin mo" pag lalambing ni Roberto.

"Ikaw?! Ayoko matanda kana!"

"Sige na Mama!" At pag katapos ay niyakap si Carmen.

Pa ngiti ngiti namang syang sumagot "oh sige na nga".

***Censored***

Sa City Shopping Center naman mag kikita sina Zia, Wilma at Kaye.

Ito ang unang beses nilang lumabas mag mula ng malipat si Zia sa ibang Departamento.

"Zia babes here!" Sigaw ni Wilma sa di kalayuan.

Kumaway si Zia at agad na pinuntahan ang kaibigan at ng beso-beso "Morning Besh! Si Kaye wala pa?" Tanong niya habang umupo sa tapat ni Wilma. Nasa isang coffee shop sila ngayon.

"Wala pa, tingin ko kasama niya ang bagong forever nya" .

"Saang lupalop naman niya nakilala iyon? Saka anong pangalan?".

"Ewan ko chat friend yata, Jiggy ang pangalan".

"Jiggy?" 'grrr... What a name!' well may matindi syang galit sa may ka pangalang Jiggy.

Maya maya pa ay dumating na ang kaibigan nila.

"Mga beshies! I'm here!" Sigaw ni Kate na sobrang exited. Sa likod nya ang lalaking na ngangalang Jiggy.

Agad naman silang napa tingin ni Wilma at ng makita ang kaibigan lalo na ang kasama nito ay napa nganga sya ng husto.

avataravatar
Next chapter