webnovel

The So-Called "Ex"

Jeyson Break never expects that he will wake up one day torn and broken. With so much pain about the sudden break up, he can't find the reasons to move on and the seemingly nightmare haunts him always. Known to be a heart breaker, Evo Thunders asks a favor to Jeyson. As a true bestfriend, Jeyson accepted the deal. But Jeyson's conscience was later hammered with guilt, realizing that it wasn't him who should be the one to break an innocent girl's pure heart on behalf of his senseless friend. Too late enough to step back, Jeyson has no choice but to face the consequences. However, the roller-coaster ride revelation has something more to unveil! The So-Called "Ex" All Rights Reserved

2ndHandBoyFriend · Realistic
Not enough ratings
20 Chs

TSCE: The Broken

"T-te-teka lang sandali!" ang bigla kong sabi.

Nagulat na lang ako sa aking sarili dahil hawak ko na pala ang kamay niya. Marahan kong tinanggal ang aking kamay mula sa pagkakahawak nito sa kanya.

At dahan-dahan na siya ay humarap sa akin.

Sa kabilang banda ay hindi ko naman maitago ang pagkasabik at ang labis na pagkatuwang nararamdaman ko sa mga oras na iyon. Gayunman ay ramdam ko rin ang malakas na pagkabog ng aking dibdib.

Nanumbalik kasi sa aking isipan 'yong feeling noong una ko siyang nakita at nahulog ang aking damdamin para sa kanya. Noong parati pa kaming magkasamang dalawa kahit sa'n man kami magpunta. At higit sa lahat ay noong nangako kami ng "forever" sa isa't-isa.

At nang magbalik ako sa aking sarili ay napagtanto kong ito din 'yong feeling na para bang sasabog ang aking puso sa matinding sakit sapagkat nanumbalik din sa isipan ko 'yong araw na natuklasan kong wala na kami!

"Hindi ka na pumasok. N-Na-Namiss kita…" halos ay magkandabulol-bulol pa ako sa aking pagsasalita. Tila nakalimutan ko na rin yata na wala na kaming espesyal na koneksyon sa isa't-isa. At ang sabihing "na-miss" ko siya ay para bang sinampal ko lang ulit ang aking sarili sa masakit na katotohanan na isa na lamang akong "Ex" sa ngayon! "I-I'm sorry. Ang… Ang ibig ko palang sabihin ay namiss ka ng lahat ditto… ng mga kaklase natin!"

"Ba't mo pa ba ako kinakausap? Wala na tayong dalawa, 'di ba?" ang diretsahan niyang sabi.

Para bang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa aking narinig. Oo nga naman, sinaktan na niya ako kung kaya dapat sana ay hindi ko na ito ginagawa ngayon. Pero ba't ganun? Kahit kasi ano ang gawin ko ay siya pa rin ang nilalaman ng utak ko at ang patuloy na itinitibok ng baliw kong puso.

Kainis!

"W-Wala naman akong nakikitang mali doon eh. Siguro naman ay p'wede pa ring kausapin ng isang "Ex" ang kanyang "Ex", 'di ba? Bilang isang normal na magka-klase na lang!"

"Nakakatawa ka talaga, Eyson! Kung patuloy kasing magiging ganito ang sitwasyon ay pareho tayong hindi makakapag-move on. Kaya please, mas makabubuti kung iiwasan na lang natin ang isa't-isa… forever!" ang pagkaklaro niya bagamat batid ko na kahit papaano'y may bigat sa kanyang kalooban habang siya ay nagsasalita.

Napakasakit man ng mga narinig ko ay sinubukan ko pa ring magpanggap na okay lang ako, kahit na ang totoo'y labis pa akong nasasaktan ng husto.

"May itatanong lang sana ako sa'yo. At kung maaari sana ay sagutin mo ito ng buong tapat." I said, holding back my tears.

Hindi siya nagsalita ng kahit na ano. Iniiwasan niya ang tumingin sa akin.

"Totoo ba ang kilig at saya na nakita't naramdaman ko sa'yo noon t'wing magkasama tayong dalawa?"

Hindi siya kumibo.

"Minsan ba'y pumasok sa isipan mo na hahantong ang lahat sa ganito? Kung ako kasi ang tatanungin mo ay never kong naisip ito dahil higit pa sa isang "fairy tale" ang pangarap ko para sa ating relasyon!"

Tahimik pa rin siya ngunit kagaya ko'y nararamdaman kong nagpipigil lamang siya sa pag-iyak.

"Jemmi, sabihin mo sa akin, minahal mo ba talaga ako kagaya ng nararamdaman ko pa rin ngayon para sa'yo?!"

Nakakainis talaga ako! Para bang hindi ko na alam ang lahat ng mga pinagsasasabi ko eh!

"Non-sense questions, Eyson!" binara niya ako.

"Non-sense? Ganun lang ba kadali para sa'yo ang lahat?"

"Mga bata pa tayo, Eyson. Marami pang ibang girls dito sa campus. Alam ko na makakahanap ka pa rin ng iba na higit pa sa kung ano ang mga bagay na nakita mo sa akin. I'm not worth na mahalin mo dahil masasaktan ka lang . . . tayong dalawa!" ang paliwanag niya. This time ay may nanggigilid nang mga luha sa kanyang mga mata.

"I don't believe you!"

At tumalikod na siya mula sa akin.

"It's so much to discuss. This is enough, Jeyson Break. Goodbye!" aniya at patakbo na siyang umalis papalayo.

"Jemmi!" ang sigaw bilang pagpigil ko sa kanya. Salamat sapagkat nakinig at huminto siya. Nag-ipon muna ako ng sapat na tapang sa aking sarili upang sabihin ko sa kanya ang nais ko pang ipabatid.

"W-What?" ang saad niya habang nakatalikod pa rin sa akin.

"Please give me a second chance to fix everything, kung ako man ang nagkamali dito. Jemmi, can we be again? I will do everything, patawarin mo lang ako. It's all because I still lo --- "

"Enough, please!" but she just interrupted me suddenly.

Napakagago ko! Napakagago ko! Napakagago ko para sabihin sa kanya ang ganoong bagay --- ang manglimos ng awa at pagmamahal sa isang katulad niya. Pero ano ba naman ang magagawa ko? Hangal naman talaga kasi itong puso ko na'to at napakaistupido!

"Mula sa araw na 'to ay 'wag mo na akong kakausapin. 'Wag mo na akong lalapitan. Iwasan mo na ako. At higit sa lahat ay kalimutan mo na lang ako!" ang pagtatapos niya at sa huli ay tuluyan na siyang umalis.

Hindi na ako nakapagsalita pa. Pakiramdam ko ay nadurog pa ulit ang aking puso sa pira-piraso. Hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pagdampi ng aking mga luha sa aking pisngi. At wala na akong nagawa pa kundi ay ang pagmasdan na lamang siya habang papalayo na ng husto.

*****

Tila ba'y lumulutang ang isipan ko habang mag-isa kong tinatahak ang hallway ng school namin. At habang nangyayari iyon ay sumasariwa sa isip ko ang masasayang alaala naming dal'wa...

Noong parati pa kaming magkasabay na naglalakad pauwi galing ng klase: ang makulit niyang tawa; ang habulan naming dalawa sa may pasilyo; sasabihan niya akong "Tama na! Tama na! Promise 'di na mauulit" habang nakataas ang kanan niyang kamay, ngunit maya-maya lang ay hahampasin lang pala niya ako ng kanyang hawak na notebook; tatakbo siya at ibebelat lang ako.

Buhay na buhay pa rin sa akin ang mga ala-alang iyon habang patuloy akong naglalakad. Nakakamiss, at para bang gusto kong balikan ulit ang lahat gamit ang isang time machine!

*****

What happened to us? Iyon ang katanungang patuloy din na gumagambala sa isipan ko.

Nakatingin ako ngayon sa aking cellphone na nakapatong sa may unan ko. Hindi pa rin ako inaantok eh. At kahit man inaantok na ay pinipigilan ko lamang ang aking mga mata na pumikit. Para ba akong baliw na hinihintay ko pa rin ang nakagawian niyang text message sa akin. At umaasa akong maaalala pa rin niya akong batiin ng . . . "Good night! Sweet dreams! I love you . . . tulog na tayo!"

Hi there! You can also find more of my stories in Wattpad:

https://www.wattpad.com/user/SecondHandBoyFriend

Please give your feedback about the story. Thank you so much!

2ndHandBoyFriendcreators' thoughts