1 TSCE: Prologue

"Maaari bang magtanong sa'yo?" siya ulit ang unang nagsalita.

"A-Ano 'yon?" walang gana ang aking tono.

"Maganda ba ako?"

Nagulat ako ng husto sa naging tanong niya.

"Ano ba namang klaseng tanong 'yan?"

"Please, just answer me honestly!" she emphasized the last word she just uttered.

"O-Oo naman!" may kaunting pag-aalinlangan sa naging sagot ko dahil hindi ko maintindihan kung ba't pa niya kailangang itanong ang ganung bagay dahil obvious naman na talagang maganda siya.

"Sexy din naman ako 'di ba?"

Hindi muna ako nakasagot.

"Mmm . . . Hindi naman maipagkakaila iyon." Ang maikli kong tugon sa kanya.

"Kung ikaw ba ang naging boyfriend ko, ipagpapalit mo rin ba ako sa iba?"

*****

avataravatar
Next chapter