webnovel

Chapter 1

LUKE'S POV

"HINDI KA LALABAS! Dito ka lang sa bahay at pag-isipan mo kung anong ginawa mo!"

I roll my eyes.

"At baka sakaling pagsisihan mo!"

Dad pulled the door so hard I think some parts of my walls shattered.

I grabbed a flower vase beside me and threw it on the floor. "Stupid!"

Hindi ko naman ginustong madawit ang pangalan niya sa pagba-bar ko. Bullshit!

My dad's a well-known businessman. He runs one of the richest and famous companies in the country. He's also a director of some sort... not sure. He once worked for the government and he's respected. So me, who started a fight in a bar, last night, just ruined his name. I happened to be his son, after all.

Swerte ko na lang daw at naka-alis ako agad bago dumating ang mga pulis sa bar. Pero syempre may mga nakakita sa'kin kaya naglipana ang mukha ng tatay ko sa national TV. Laman siya ng mga balita at nakakasira 'yon sa kompanya.

Nagngingitngit pa din ako nang pumasok si Mom sa kwarto ko. I pouted.

Mom smiled and sat beside me. She pointed at the pieces of flower vase on the floor.

"Sorry mama. Dad pissed me off."

She brushed my hair upwards. "Luke, you know it's your fault."

I scratched my head. Hindi mo aasahang aamin ako.

"At sino bang nagsabi na pwede kang mag-bar?"

I grinned. Hindi ako nagbabar dahil nagrerebelde ako, I do it because I want it.

They don't know what else I do. I'm discreet about my... works.

"You're not allowed, baby. Yep, you're nineteen and all pero sinabi ko nang ayokong nagbabar ka. Maybe once a month, pwede pa. I'm not that strict, I'm just being a mother. You understand me?"

I nodded. "Yes po."

I lit a cigarette when she left.

"SHOT PA!" sigaw nang isang barkada ko nang maubos namin ang isang bote ng Jack Daniel' at Johnny Walker.

Ngumisi naman ako. Agad akong naglabas ng pera at umorder ng drinks para sa lahat.

Screw rules. When a boy wants a drink, he gets it.

"Musta ang issue ng dad mo?" nakangising tanong ni Don, one of my friends. "Actually, issue mo pero tatay mo ang humaharap."

Mukha namang interesado ang lahat sa isasagot ko kaya humarap silang lahat sa'kin. Nosy brats.

I shrugged. "Important thing is wala ang mukha ko sa mga news. Wala akong picture na nagbabar kaya mukha lang ng tatay ko nasa newspapers. Safe ako."

"Wow. And here you are again. In a bar. Drinking." Gabby stated.

I made a face. "Yeah. Whatever." I threw my smoke on the floor and lighted another.

"Eh di ba bawal ka lumabas? How'd you get here anyway?" One of the girls asked. I don't remember her name but I think girlfriend siya ni Don. Or ni Gabby?

I looked at her. "Tumakas ako siyempre. And don't question me." I glanced at my wristwatch. Uuwi ng ten o'clock ang mga magulang ko. Kelangan kong umuwi before them.

9:38 na. Putik! Malayo ang bahay namin mula dito. 30-minute drive.

"Shit! I have to go, guys. Mga walangya kayo. Sinabi kong sabihan nyo ako kapag nine na! Anim kayong andito pero ni isa wala man lang nagpa-alala. Thanks guys. Kapag ako, hindi naka-uwi bago ang mga magulang ko, sinasabi ko sa inyo..." 

I grabbed my leather jacket on the floor. Paanong nasa sahig 'yong jacket ko? 

"... isusumbong ko kayo sa mga magulang niyo! Alam ko mga kalokohan niyo. Each. Of. You."

They just grinned. "Ingat Luke!"

"Che!"

The girls giggled and the guys grinned at me. Mga punyeta.

Almost 11:00 na pero wala pa din ang parents ko sa bahay.

Yep, I made it on time. At isang oras na akong nag-aantay sa kanila. Hindi ako mag-aantay ng ganito katagal kung wala akong kailangan sa kanila. I need... money. May bibilhin kami ng barkada ko bukas and I know my parents go out early in the morning kaya kelangan ko silang hintayin para makabale. Baka hindi ko sila maabutan bukas.

"Yuke..."

I glanced behind me. Galaxy stood there. She's my sister and she's got weird name. Nung pinapanganak daw kasi ang isang to, tanaw na tanaw daw ang galaxy. As if naman maysa engkanto ang mata ng nanay ko para matanaw niya ang galaxy pero hindi ako ang nanganak kaya wala na akong paki-alam dun.

"What?" tanong ko habang pinapatay ko ang yosi ko sa pintuan sa veranda. I then sat on the couch.

She pouted and dropped her teddy. She's two years old. May baby sitter siya, in case gusto niyong malaman kung bakit iniiwan-iwan ko lang siya dito. And yup, malaki ang age gap namin. Possible though.

"Mama?" she asked then plopped down beside me.

I shrugged. "Ewan ko." She crawled on my lap then settled there. She's so small she just fits. "Ginawa pa akong kama" bulong ko.

"I wan mik." I looked at her like a retard. Hindi ko siya naintindihan. Asan ba kasi ang babysitter neto?

"What?"

She rubbed her tummy. "Mik"

"Mik?" tanong ko uli. She's baby talking and hindi ganun kaayos ang pagsasalita niya since she's just turned two at wala akong ideya kung anong pinagsasabi niya. Crap.

She nodded and grinned.

"Anong mik?" Hindi kami nagkaka-intindihan ng bata na 'to.

"Mik. I wan mik" she then sucked her thumb. She's not allowed to do that kaya sinaway ko siya. Hindi ko siya nakikita everyday at hindi ko hilig alagaan ang isang to pero alam ko kung anong hindi niya pwedeng gawin.

Tumayo siya at lumapit sa hagdanan. Sinundan ko lang siya. Ang bagal pa niyang bumaba kasi hindi siya ganun sanay sa hagdan kaya binuhat ko na lang siya.

"Alam mo, pabigat ka." Wala sa sariling sabi ko. Hindi ko alam kung naintindihan niya ako pero she gave me a sharp look.

"What now?" tanong ko uli nang nasa kusina na kami. She pointed on her feeding bottles. "Mik"

"Ahh milk. Mik ka ng mik. Milk!" Pinaupo ko siya sa baby chair niya.

She twisted her lip. I sighed. Ang hirap pakisamahan ng batang to. Ayokong magka-anak.

Nagtimpla ako ng gatas niya pero hindi ko nilagay sa feeding bottle. I just want to see kung kaya niyang uminom na hindi nilalagay sa feeding bottle. I grinned.

"O." Nilapag ko sa harap niya ang baso ng gatas.

She looked at it for a moment then at me.

"What?" tanong ko uli.

She pushed her glass away. Brat.

"Bahala ka."

She pointed at her feeding bottles. "Dat one"

"No"

She gave me puppy eyes. Urgh! I hate kids.

"No Galaxy. You have to drink that without feeding bottles."

Galaxy covered her face with both hands. She swayed left to right and vice versa. Anong ginagawa ng batang to?

"Hoy bata"

She looked at me then gave me a small smile. She grabbed the glass pero masyado atang mabigat para sa kanya kaya hindi niya maangat nang maayos. I laughed. "Stupid"

"...tupid" gaya niya.

I gasped. "Don't say that. It's a bad word."

"...tupid"

Uh-oh. Lagot ako kay mother neto. I may fear no one but my mom's an exception.

I helped her with her milk and nagawa naman niyang inumin.

She yawned.

"Ano? Inaantok ka na?" tanong ko. Ewan kung naiintindihan niya ako.

She raised her arms. Nagpapabuhat siya. "Lelong mo. Bumaba ka mag-isa mo."

She groaned and reached for my shirt.

"Fine." Binuhat ko siya at umakyat kami sa kwarto niya. Andun ang baby sitter niya, tulog sa kama. "What the..."

Tumingin ako kay Galaxy. "Look at your babysitter. Not doing her job."

She just looked at her then put her arms around my neck.

Ipapasisante ko ang babysitter na 'to bukas. Hindi lang ito ang oras na nahuli ko siyang natutulog habang gising pa si Galaxy. Naabutan ko pa siya minsan na kinaki-usap ang boyfriend sa cellphone niya habang nasa kusina si Galaxy with a knife in her hands.

Dinala ko na lang si Galaxy sa room ko. "O ayan bata. Dito ka na lang matulog." Binaba ko siya sa bed. Inaantok na siya kaya nakatulog siya agad.

I then took a shower. Amoy alak at yosi ako. I scratched my neck.

I wore my PJ's at tumabi kay Galaxy. She's thumb sucking again. Inalis ko ang daliri niya sa bunganga niya. Kulit. I then pulled the comforted over us.

That, people, is my soft side.

Mr. Aragon's POV

"Tingin mo, matututo 'yong anak mo ngayon?" I glanced at my wife, Jenna. She's not pissed. In fact, she's so calm.

I furrowed my brows. "At bakit hindi?" I started my car's engine. Katatapos lang naming humarap sa media at linisin ang pangalan ko.

"Jin, we both know your son's a stubborn one. Kung kinulong mo siya sa bahay, tingin mo hindi siya tatakas? Tatakas at tatakas 'yon. Besides malapit na ang Christmas break nila kaya gumigimik sila ng mga barkada niya before mag-break."

I made a face. "Ewan ko kung anong meron sa mga kabataan ngayon."

My wife smacked my arm lightly. "Pangaralan mo siya, honey, pero don't be so harsh. Gusto ko, mag-bonding kayo more. You guys will have both breaks and we, as family, will have a merry Christmas. He's your son, Jin. Treat him like one."

I smiled at her. "Yes, your highness."

She grinned. "Hey, can we stop? Pull over." She pointed at the bakery. "Galaxy wants a muffin." She said then went out.

Pinatay ko ang makina nang makapasok si Jenna sa loob ng bakery. Alam kong matatagalan ang isang 'yon. Lumabas din ako habang nasa bunganga ko ang Philip Morris. Oo, yosi 'yon.

Nagmumuni-muni ako nang mapansin kong may kung sinong humugot sa wallet ko sa likod ng pantalon ko. Anak ng!

"Hoy!" walang anumang tinapon ko ang yosi ko sa tabi at hinabol ang mandurukot pero madilim ang pinasukan niya at hindi ko naman alam ang lugar na 'to.

After five minutes, I lost track of him. Ewan kung san sumuot ang isang 'yon. Sayang ang pera ko dun. Lahat ng atm cards and important business cards ko nandoon.

Kung minamalas ka nga naman.

Pikon na sinipa ko ang maliit na bato.

Naglakad na ako pabalik sa sasakyan, mamaya hindi din santuhin 'yon at ma-carnap pa.

"San ka pumunta?"

I looked at Jenna. "Someone stole my wallet."

"You're not kidding me?" She's staring at me like I've grown an extra head.

I shook my head. She pursed her lips and scratched her temple.

"Saglit, baka abot ng CCTV ng bakery ang area na 'to. Baka may na-record." With that, bumalik uli siya sa bakery.

Habang kinukuha ko ang cellphone ko sa loob ng sasakyan, may tumapik sa'kin sa likod.

I turned around. May isang babaeng nakatayo habang inaabot sa'kin ang wallet ko.

Whoa.

Hindi naman ito 'yong namukhaan kong nagnakaw ng wallet ko. Mukhang malnourished 'yon pero mukhang normal ang isang 'to although payat siya. And she's a she. She's about seventeen or eighteen?

"Oh God. Thank you. Thank you!"

She just nodded and took a step backwards.

"Saan mo nakuha 'to?"

Tinuro niya ang daan na pinanggalingan ko kanina.

"Okay. Sige, maraming salamat. Anong pangalan mo?"

She did some sign language. And hindi ko na kelangang sabihing hindi ko siya naintindihan.

Nang mapansin niyang wala akong ne-gets sa ginawa niya, hinablot niya ang phone ko pero hindi naman niya tinakbo. May tina-type siya sa messages.

After a minute, binalik niya sa'kin ang phone. Agad ko namang binasa 'yong sinulat niya.

Mrmi mandurugas dto kya ingat po kau.

Tumingin uli ako sa kanya pero guess what?

Yup, wala na siya sa harap ko.