1 Birthday Surprise

"Nasa pwesto na si Benjamin, Mal." Seryosong sabi ni Rose sa kaniyang kausap sa cellphone habang siya'y pirmeng naka upo sa loob ng isang tricycle.

Mahaba at tuwid ang kaniyang buhok na umaabot sa kaniyang likuran. Suot-suot ni Rose ang itim na t-shirt na may nakalagay na ACE club sa harapan at may logo na ace of spades. Iyon ang club uniform nila at required niyang suotin ito ngayong araw.

Habang nagsasalita si Rose ay inaayos niya ang kaniyang bangs na tumatama sa kaniyang mata hindi siya makakita ng maayos dahil sa bangs na 'yun. Kailangan niyang makita ng mabuti ang kaniyang paligid habang nakasilip sa labas ng tricycle.

Tahimik ang buong street na 'yon maliban sa isang event's place na malapit sa pwesto ng tricycle na kinauupuan niya. Kasalukuyan kasing pinupuno ng kanilang mga teachers at iba't-ibang principal ng ibang school ang malaking event's place na 'yun para icelebrate ang kaarawan ng butihin nilang Principal.

Habang nakasilip sa labas ay nakita niya ang motor na papalapit.

"Andito na si Ron." Sabi niya sa kausap.

"Leave your area Rose. Its time." Sagot ng babaeng kausap niya sa Telepono.

"Copy." Sagot niya kasabay nun ay ang pagkaputol ng linya ng tawag at mabilis na lumabas ng tricycle si Rose. Kaswal niyang binuksan ang kaniyang automatic na payong na tila ba walang nangyayari at isa lamang siyang simpleng tao na napadaan sa lugar na iyon.

Tumigil naman ang motor sa tapat events place at bumaba ang lalaking sakay nito dahan-dahan niyang inalis ang kaniyang helmet at inayos ang nagulo niyang buhok. He was a tall guy at kapansin-pansin din ang medyo singkit at kulay brown niyang mata.

Mula sa labas ng events place ay rinig na ang malakas na tugtog sa loob ang ibig sabihin lang noon ay nasisimula na ang party at maya-maya naman ay mag-uumpisa na rin ang pinaka highlight ng party na 'yun. Iyon ang magsisilbing regalo nila sa may kaarawan at matagal na nila itong pinaplano.

Pumasok si Ron sa loob ng events place at doon ay sinalubong siya ni Venice. Ang maputing babae na nakasalamin na nakatayo habang naghihintay kay Ron. Her curly hair was braided and she was wearing a gray shirt na may nakaprint ng logo ng student council. Venice was the serious type of girl at ang pinaka ayaw niya sa Lahat ay ang pinaghihintay siya.

"Ang tagal mo." Inip na sabi ni Venice well at mabilis na umakyat sa taas.

Ito ang unang pagkakataon na makita ni Ron ang ayos ng paligid at hindi niya itatanggi na kamangha-mangha ito at halata na napakamahal ng gastos rito.

Iginala niya ang paningin sa buong palogid na puno ng pink at violet.

Napapalamutian ng pink at violet ang buong events place pati ang kulay ng mga upuan ay may bahid ng ganitong kulay. Agaw pansin rin ang malaking chandelier sa gitna ng kisame at ang grandiosong tela na nakakabit dito na bumabalot sa buong kisame. Puno ng mga guro, principal mula sa ibang school at pati ang superintendent ay dumalo sa event.

Napansin naman ni Ron ang dalawang long table na nakalagay sa labas at doon naka pwesto ang ibang bisita na mga bata kasama ang kanilang pamilya. Kapansin-pansin rin ang ordinaryong kasuotan ng mga bisita na nasa labas, kaiba sa mga nagsososyalang kasuotan ng mga bisita na nasa loob ng event's place.

Sila ang tinatawag nilang highlight ng birthday party ng kanilang principal ngunit sila ang nakapwesto sa labas.

Hindi maiwasan ni Ron na makaramdam ng inis ng isipin niya iyon. Ipinagmamalaki pa ng school na isang malaking charity event ang kanilang inihanda kasabay ng birthday ng principal. Ngunit mas marami pa ang mga kakilalang bisita kaysa sa mga taong dapat nilang tulungan.

Highlight dapat ng birthday party na 'yun ang tinatawag nilang unfortunate family o ang mga pamilyang walang kaya sa buhay. Ngunit mas nagmukha pa silang hindi imbitado sa event at ipinuwesto pa sila sa labas ng kasiyahan.

Ipinapamukha lang ng party na yun ang pagkakaiba ng estado nila sa buhay at wala namang magawa si Ron kundi ang tingnan ang hindi kaaya-ayang ayos ng party. Ngunit sa isipan niya ay mamaya rin lang ay maipapakita nila ang tunay na ugali ng mapagpanggap nilang Principal.

"Ikaw representative ng ACE club, Ron. Pumunta ka na sa pwesto mo." Sabi ni Venice. Tumingin naman si Ron sa kaniya at bago siya umalis ay may inabot muna si Venice sa kaniya.

Mabilis naman umalis si Venice at bumalik sa kaniyang pwesto kung saan kasama niya ang ibang kamiyembro ng student council.

"Venice, assist na daw tayo sa front table" tawag ng isa niyang kasama. Lima silang nag-aassist ng bisita sa front table at isa-isa nila tinatanong ang bawat bisita at sinusulat ang kanilang pangalan. Parte ito ng party dahil mamaya ay magkakaroon ng paraffle.

Habang naglalakad si Venice ay hindi niya sinasadyang natabig ang isang lalaki, dahil dito ay natapon ang hawak nitong pagkain at juice sa katawan ng lalaki.

"Sorry po talaga sir. Sorry po."

"No, it's okay." sagot ng lalaki at umalis na.

Sa pakakataong iyon ay nakita niya si Ron na pumasok sa music room kung saan nakalagay ang lahat ng controls para sa tugtog at palabas.

Nakita niya ang isang lalaki na pirmemg nakaupo sa pwesto ng ACE club. The guy was Benjamin, the President of ACE club, his hair was curly and he has dark skin. Suot niya rin ang tshirt na katulad ng suot ni Rose.Nang mapansin siya ng lalaki ay iniangat nito ang kinakain niyang hotdog na may marshmallow para batiin siya.

Napa-iling nalang siya at bumalik sa kaniyang lugar.

Samantala, may isang babaeng naka-upo sa isang milktea shop na hindi kalayuan sa event's place, she was tying her wavy hair into pony tail at pagkatapos niya ito itali ay dinampot niya kaagad ang kaniyang cellphone. She has a light brown skin and she looks like an ordinary girl.

Hawak niya ang kaniyang cellphone habang naghihintay ng isang tawag. Ang tawag na iyon ang magiging hudyat na nagsisimula ang kanilang plano. Also, she's the girl named Mal that Rose' talking to awhile ago.

Sa isip ni Mal ay binibilang niya ang bawat segundo habang nakatitig siya sa digital clock na nasa pader ng shop na iyon. Wala siyang ibang nasa isip kundi ang hinihintay niyang tawag at sa bawat pagtaas ng numero na kaniyang binibilang siya namang paghigpit ng kaniyang hininga dahil sa tensyon.

Hindi niya inaakala na magiging ganito pala ang pakiramdam sa oras na ginawa na nila ang kanilang plano. Tatlong oras na siyang nakaupo sa milktea shop na iyon at mula ng maupo siya'y hindi niya pa nagagalaw ang kaniyang order na milktea, dahil nasa plano ang kaniyang isipan at hindi niya magawang gumalaw sa kaniyang pwesto.

Dalawang minuto na ang lumipas at wala parin ang tawag.

Muling nagsimula si Mal sa pagbibilang mula sa isa at tila ba sa pagkakataon na iyon ay biglang wala siyang naririnig kundi ang tibok ng kaniyang puso at ang numerong binibilang niya sa kaniyang isipan. Tila ba blanko ang lahat sa paligid niya at ang umiikot ang kaniyang mundo sa pagbibilang.

Isa

Dalawa

Tatlo

Apat

Lima

Anim

Pito

Lumundag ang kaniyang puso ng biglang umalingaw-ngaw ang pag-ring ng kaniyang cellphone. Mabilis niyang sinagot at naghihintay na may magsalita sa kabilang linya.

"The Verdad plan phase 1 is success Mal." Sabi ni Benjamin na nasa kabilang linya. Sa pagkakataong iyon ay sumilay ang isang ngiti sa labi ni Mal at tila ba nabunutan siya ng tinik. It is weird to feel the excitement at that moment but it was all over Mal's system. She becomes more excited about their plan like a maniac.

While grinning, she answered the guy in the other line. "Then let's watch." Sabi niya at pinatay na ang tawag. Mabilis niyang kinuha ang kaniyang milktea at ininom ito kahit na wala na itong lasa. Ngunit hindi na iyon mahalaga sa pagkakataon na iyon, ang importante umusad sila sa kanilang plano at wala na silang dapat gawin kundi ang manood sa susunod na mangyayari.

Tumayo na siya at lumabas ng milktea shop at sa hindi kalayuan ay nakita niya si Rose na naglalakad. Nginitian niya lang ito at pumara ng tricycle na dumadaan mabilis naman na tumakbo si Rose palapit sa tricycle.

"Sentro Siyudad Senior High School po kuya." Sabi ni Rose at pumasok na sa loob ng tricycle.

"Sure ka bang okay yung surprise?" Nag-aalangan na tanong ni Rose sa tahimik na si Mal.

"Malalaman natin yan sa live streaming" sagot ni Mal at nanatili na muling tahimik.

Hindi na rin nagsalita si Rose kahit na hindi siya sanay sa tahimik na Mal ngunit naiintindihan naman niya ito. Ibang-iba ang kaniyang kaibigan sa ganitong oras dahil hindi siya pwedeng madistract sa kahit na ano ngayon.

Pagkarating nila sa school ay mabilis silang pumunta sa covered court kung saan kasalukuyang may live streaming ng birthday party ng kanilang butihing principal.

Mabilis silang pumuwesto sa lugar na nakalaan sa ACE club dahil sila ang representative sa school celebration. Sa unang pagkakataon nagkaroon ng isang malaking event ang school nila na hindi pa nangyayari noon at unang beses rin mangyaring icelebrate nila ang kaarawan ng kanilang principal ng sabay-sabay.

Lahat sila ay required na pumunta sa celebration na ito sa hindi nila malamang dahilan at ang karamihan sa dumalo ay napilitang ipagpaliban ang kanilang personal na plano at pumunta ng school kahit na Sabado.

Pero para kina Mal isa itong mahalagang araw at sa gitna ng pagkaburyong ng iba, nakatuon naman ang kanilang buong atensyon sa malaking projector screen sa stage.

"Ngayon sa part ng party na ito ay ipapakita namin ang isang video clip para sa ating pinakamamahal na Principal na si Ma'am Nimpha Bernades. Ang nasa video clip na ito ay ang ilan sa mga mabuting gawain ng ating principal. Bigyan naman po natin siya ng palakpakan" Wika ng host at nagsimulang magpalakpakan ang mga bisita sa venue.

Samantala, wala naman paki-alam ang mga mag-aaral na nasa school kung ano na ang ganap sa venue.

When the video starts Mal started to smile while Rose on her side was so nervous. Praying nothing will happen. The video shows few pictures of their Principal helping different persons and then the video change and the real show starts, a financial report flashed on the screen. Kasabay ng mga larawan na iyon ang isang background voice ng kanilang Principal.

"30 percent of this money is mine."

The teachers who knows about the secret that is about to get revealed in the clip start to panic and trying to stop the video.

"Ako ang may birthday tapos lahat ng donation mapupunta sa mga pulubi na yun?"

They are cursing and dragging the poor man whose operating the clip and telling him to stop the video but it won't stop.

"This is my idea and I deserve to have my part."

The birthday celebrant start to cuss her teachers because the video won't stop and all the educators look pathetic in front of their guests and students.

After that clip ay ang pag-blackout ng screen.

Nagpatuloy lang ang live streaming habang nanatiling tahimik sa loob ng venue at ganun din sa loob ng coverd court. Namumutawi ang iba't-ibang emosyon, sa venue man o sa covered court.

Karamihan ay nalilito. Dahil hindi nila alam kung ano nangyari at nagtatanong kung paano nangyari yun.

Gulat. Dahil hindi nila inaasahan ang magiging reaksyon ng birthday celebrant at ng mga alipores nito.

Ngunit para sa mga mag-aaral ang kaninang boring na palabas ng birthday party ng kanilang principal ay biglang naging interesante para sa kanila.

Sa ilang minuto pagkatapos makarecover ang lahat ay namuo ang galit at sa pagtayo ng superintendent kasabay noon ang pagtalbog ng dibdib ni Mal.

"We're going to talk." May diin na sabi ng superintendent at doon na natapos ang live streaming.

And the whole Verdad Plan is a success.

"Happy Birthday." Bulong ni Mal at tumingin siya kay Rose.

"Milktea tayo?" Yaya ni Mal sa kaniya. Ngumiti naman si Rose at tumango. Tumayo na sila at umalis na ng school.

****************

"Sir, ito na po lahat ng screen shots from the CCTVs na malapit sa area ng event's place." sabi ng isang lalaki at kaniyang inilapag ang hawak na envelope sa desk ng kaniyang kausap.

Nanatiling tahimik ang lugar at hinihintay niyang magsalita ang lalaking pirmeng nakaupo habang nakatitig sa monitor ng laptop na nakapatong sa lamesang iyon.

"Sir, is this all about what happened earlier? Are you investigating on it?" hindi na siya nakapagtiis na itanong iyon. Dahil alam niyang posibleng iniimbestigahan ng lalaking ito ang nangyaring gulo sa kaawaran ng Principal.

Nagtaas ng tingin ang lalaki and by judging on his looks he's just in age of late 20's. Wearing an army-green long sleeve polo.

"What do you know about them?" the guy asked while looking serious at hindi naman nagpatinag ang kaniyang kausap na tila ba sanay na siya sa ganitong tingin ng lalaki na tinatawag niyang sir.

"I know some of them personally, but I believe you know them very well sir since estudyante niyo sila." magalang at kalmadong sagot nito. Nanatili namang tahimik ang kaniyang kausap at muling pinagmasdan ang mga larawan nasa screen ng kaniyang laptop.

"Are you sure about them sir?" the guy asked again.

"Mary Rose Dichoso was seen coming out from a tricycle near the place and it was after the motorcycle owned by Ron Cyrus Viray passed by in her place. At naghihintay si Venice Bustamante sa pagdating ni Ron sa entrance ng event's place. While Mal Pandora Alvarez was seen in a milk tea shop, also near that place and suspiciously she stays there for 3 hours and when she comes out Mary Rose was seen and they rode a tricycle together. They are the only students suspiciously roaming around the vicinity of the event's place and it is hard to believe that its just a coincidence." Mahabang sabi ng lalaki

He examined every detail relating to the incident and if ever na magkakaroon ng investigation, it will lead to those student because they are the only suspicious being near the place.

"But sir Chris, you can say that based on the cctv footage I sent to you earlier. But if the police hold this case wala na po silang ebidensya na makukuha against them and hindi na rin po nila malalaman na sila ang posibleng may kagagawan ng gulo. Because they already delete the footage and there's no trace left."

Sumilay ang ngisi sa labi ng lalaking tinatawag na sir Chris dahil sa narinig. Bahagya siyang sumandal sa swivel chair at pinaikot ang hawak niyang lapis sa kamay. Tumingin siya sa lalaking nakatayo sa harap ng kaniyang lamesa at mas lalong lumawak ang kaniyang ngiti.

"Amazing. So if ever tayong dalawa nalang pala ang nakakaalam tungkol dito at ito nalang ang natitirang ebidensya against them?" the guy said. Tanging tango lamang ang naisagot ng lalaki at nagsisimula na siyang magtaka kung bakit ganun ang kinikilos ni Sir Chris.

"I just don't understand why they did that. Ang tanging pinakita nila ay ang Financial report which is nakita na ng karamihan dahil nakapost ito sa bulletin ng school. It was intentionally posted for everyone to see, kaya familiar na sila sa financial report na yun and in that video they only add that voice clip, also it is obvious they just want to destroy the image of the Principal. Magiging madali lang kay Ma'am Bernades na itanggi ang narinig nila sa voice clip. They should add more evidence na nagpapatunay na may binulsa ang Principal." Mahabang sabi ng lalaki.

Nanatiling nakatitig si sir Chris sa kaniya at malalim na nag-isip. Tama ang lalaking kaniyang kausap. If everything was well planned bakit hinayaan nilang mag-iwan ng butas? They could do more and attack at once para hindi na makalusot ang Principal.

" That's not important for now. The footage is clean, but they left only 1 trace and concrete evidence against them. It is the tool they used to hack the screen of that laptop."

Mas lalong lumaki ang pagtataka sa mukha ng lalaki dahil sa sinabi ng kaniyang sir. He knows the guy might know something else and much deeper than those footages he took.

"They use my tool to hack and they got it free from dark web. Smart kids." pailing-iling na wika ni sir Chris.

Sa wakas ay nalinawan siya dahil sa sinambit na iyon ni Sir Chris. Alam niyang hindi pangkaraniwang tao ang lalaking tinatawag niyang sir kaya hindi na siya nagtaka ng mabanggit niya ang hacking tool na maaaring ginamit ng mga mag-aaral.

At ang tanging nasa isip niya ay kung gaano kamalas ang mga estudyanteng iyon dahil sa pagkakataong ito hindi sila makakawala.

Pero hanggang ngayon hindi parin malinaw sa kaniya kung ano ang intensyon ni sir Chris. Kung balak ba niyang isumbong ang mga batang iyon at mas lalo siyang naguguluhan kung ano ba talaga ang intensyon nilang gawin.

"What do you want me to do sir?" tanong niya. Hindi pinansin ni sir Chris ang kaniyang tanong at tila may mas malalim pa itong iniisip.

"I want to talk to those kids." Sambit ni sir Chris.

"If you wish to talk to them before the class they usually stay at the milktea shop near the school"

"Thank you for this Aries. You can go now."

"Yes Sir." Wika ng lalaki at umalis na.

Kinabukasan sa InfiniTea masayang pumasok ang magkakaibigan na sina Mal. Naupo sila sa bakanteng lamesa na may limang upuan.

"Order ka na Ron. Tulad ng dating flavor namin." Sabi ni Benj at nag-abot ng pera kay Ron.

"Yun! Libre mo Benj?" Masayang sabi ni Mal habang nakatingin kay Benj. Iginalaw pa nito ang kaniyang kilay.

"Hindi, utang lang yan, ililista ko mamaya." Seryosong sabi ni Benj. Pero hindi parin nawala ang ngiti sa labi ni Mal at parang bata itong umangkla sa braso ni Benj na kaniyang katabi sa upuan.

"Yieee libre nanaman niya!" Excited niyang sabi at malakas na tumawa.

"Mukha kayong libre." Inis na sabi ni Benj ngunit bahagya siyang nakangisi. Para sa kaniya ay maliit na bagay lamang ang panlilibre sa kaniyang mga kaibigan at deserve nila ang reward na iyon dahil sa matagumpay nilang sorpresa kahapon.

"Si Mal lang naman lagi nagpapalibre sayo eh. Kayo kaya palagi magkasama." Sabi ni Venice at nagtaas ng kilay kay Mal.

"Hindi kaya. Saka hindi ko naman pinipilit yang si Benhamin 'no!" Mal said while pouting at nag-iwas ng tingin kay Venice.

Natawa naman silang magkakaibigan dahil sa inaktong iyon ni Mal.Kahit kailan talaga parang bata itong si Mal.

"Sorry to disturb your happiness, but can I talk to you guys?" Lahat sila ay natahimik dahil sa hindi nila inaasahang taong nakatayo sa kanilang harapan. Iisa lang nasa isipan nila sa pagkakataong iyon at hindi nila inaasahan na ganun kadali sila mahuhuli sa ginawa nila sa kaarawan ng kanilang Principal.

Seryoso ang mukha ni Benjamin ng siya ay tumayo at hinarap ang teacher nila. "Then I think I should talk to you sir Chris." Magalang na sabi ni Benjamin sa kaniyang guro.

"I want to talk to everyone." Wika ni Sir Chris, he even tried to sound friendly so they won't be scared.

"Sorry sir. May gagawin pa kasi kami." Si Ron ang nagsalita na dala na ang order nilang large milktea. Inabot niya muna ang milktea ni Benj at umalis na sila. Wala ng nagawa si Sir Chris kaya hinayaan niyang si Benjamin nalang ang kumausap sa kaniya.

Kasalukuyan na silang nakaupo ngunit walang may gustong magsalita. Hindi inaasahan ni Sir Chris na si Benj ang haharap sa kaniya, dahil ibang tao ang gusto niyang makausap sa pagkakataong iyon.

"What do you want to tell us sir?" Pagbabasag ni Benj sa katahimikan. Humigop pa siya sa kaniyang milktea at nginuya ang pearl habang naghihintay sa sagot ng kaniyang guro.

"I know what you and your friends did yesterday." Nagpatuloy lang sa pag-nguya si Benj habang diretsong nakatingin sa guro.

Hindi niya inaasahan ang pagiging diretso ng kaniyang guro ngunit kilala niya si Sir Chris, alam rin nila kung sino-sino ang mga tuta ng kanilang Principal sa eskwelahan at hindi kasama si Sir Chris doon o baka nagkamali lang sila?

Napabuntong hininga si Benjamin at ngumiti.

"You can't accuse a student without any evidence sir. Kung kami man nga ang gumawa nun we need to see your evidence and we will turn ourselves and receive the punishment." Sabi ni Benjamin na walang halong takot. He talks confidently and he is sure about the words he said to his teacher.

"Amazing." Iyon ang salitang lumabas sa bibig ni sir Chris at iyon rin ang salitang hindi nila inaasahan na sasabihin nito.

Halata rin sa mukha ng guro ang tunay na pagkabilib at hindi siya makapaniwala sa nangyayari. Then Mal entered the shop again, she faced her teacher with the serious face.

"Be honest with us sir. Kakampi ka ba namin?" Diretsong tanong ni Mal. Mukhang naguluhan naman si Benj sa ikinilos ng kaibigan kaya hinawakan niya ito sa balikat para kunin ang atensyon nito.

'Wala ito sa plano' iyon ang sinasabi ng mga tingin ni Benj kay Mal. Takot siya na baka magkamali si Mal at iyon ang maging dahilan ng pagkahuli sa kanilang ginawa. They all worked hard for a year to make this plan and he doesn't want this to get ruined. She trusted Mal but her action confused him dahil wala iyon sa napag-usapan nila.

"You did this to get me talk to you Mal Pandora?" The teacher asked with a deadly tone and there's no any emotion from his face. He was testing Mal Pandora and he want to know how will she react. But Mal was not threatened at all.

"It may be so selfish of me, but yes sir. I want to know your answer if its a yes or no." Hindi nagpapatalong sagot ni Mal and for the first time Chris felt so amazed na kahit kailan wala pang nagpapahanga sa kaniya ng ganun.

Mal Pandora is really something.

avataravatar