webnovel

True Feelings

Naglalaro sa kanyang mukha ang mga titig nito. Nanunuklas. Nangingilala hanggang sa gumanti ito ng matamis na ngiti.

"Marunong ka naman palang mag-smile," biro niya rito.

"I rarely speak to anyone, Thaysky."

Tumaas ang kilay niya. "Oh, really? Lalo sa mga city girls na gaya ko?"

Nawala ang naglalarong ngiti sa mga labi nito at napalitan ng nanghahamak na titig. "What makes you think like that?"

"You don't speak to me that much because I'm an outsider. I don't make fun with the culture here," she reasoned out.

"That's why you kissed that boy."

Kumunot ang noo niya. Kissed, who? Namilog ang mata niya sabay ngising aso naman ni Zedrick.

"You mean, Ken?" Pagak siyang natawa. Hindi siya makapaniwalang natatandaan pa nito ang naabutan noon. She mentally jot down that he always remember. "Hinatid niya ako, kaya hinalikan ko siya. He is nice, though." Tumango-tango pa siya.

Zedrick's vicious eyes comeback. His brows were deadly knotted as if he was saying that, that was the stupidest reason he ever heard. "Ang ibig mong sabihin ay kailangan ka niyang ihatid lagi para may halik siya? Ganoon ba, Thaysky?"

"Why? He is my boyfriend. I don't see any problem with that."

Galit nitong pinaikli ang distansiya nilang dalawa. "What did you say?" His tone, it's small but enough to scare her.

Nahigit niya ang hininga nang tingalain niya ito. "He. Is. My—"

"Are you out of your mind?" he growled.

"Why? I need him. He is my instrument for my revenge. Pinahiya nila ako. Pinaglaruan. Niloko."

"Instrument? I don't understand you, Thaysky!"

She pressed her lips against each other. Umiwas siya nang tingin. Hindi niya alam kung paano ipapaunawa rito ang totoong dahilan niya. Mahaba ang kuwento at tinatamad siyang magpaliwanag. Malakas din ang kutob niyang hindi siya papanigan nito. Kailan ba siya naging tama kay Zedrick? "I don't kiss, Ken, because I like him. I kissed him because I need him," she explained as she met his confused eyes.

"Then... does it work, Thaysky?"

"Of course!"

"You don't know what you are talking about. Getting in a relationship doesn't need a reason aside from affection and true feelings. If you are up for your stupid reason and game then ditch him. He is human. Don't hurt him."

"No!"

Gumapang ang katakot-takot na kilabot sa kanyang katawan ng tuluyang isarado nito ang maliit na pribadong espasyo nila. Matangkad na ito pero lalo siyang nangliliit sa ginagawa nito. And his eyes, they were desperate, darker and scary. "Ditch him... and used me, instead," he drawled.

"W-what?" Palipat-lipat ang atensyon niya sa mga mata nito. Hindi niya maunawaan.

"Ditch that boy, Thaysky. And I will let you used me as your stupid instrument." Kinabig nito ang kabayo palayo sa kanya.

Kinabig din niya si Kidlat at sumunod dito. Hindi niya makuha. Sabi niya ay pakawalan si Ken kapalit nang paggamit dito sa paghihiganti niya? Huminto siya saglit at tumitig ditong papalayo na. "Hey! Do you mean that?" she yelled.

Hindi siya nito sinagot kaya tinadyakan niya si Kidlat para maabutan ito. Nang mapantayan ng kaunti ay saka siya nagtanong, "I can use your chiseled abs to make my ex-boyfriend jealous?"

He stopped his horse and threw her a dagger look. "Did Ken showed it to you?"

"Of course not. I still have my ego you know."

His eyes were no more mad or something, it was amused with her now. "Really? Okay, call, Ken. Now," he dares her.

What? Is he serious? What will I say to Ken? Sumulyap siya sa natatakpang tela na lower abdomen nito bago tumango. May kung ano sa likod ng kanyang maruming isip ang nanghahamon dito. "Fine. Right now, right here after the call, you will show me your abs and I will take a video on that. How is it?"

The side of his lips curved up into a nasty grin. "Deal," he said.

Pulang-pula ang mukha niya nang ihatid siya nito. Wala ang Auntie Criselda nila dahil pumunta ng kasalan sa kabilang baryo kasama si Eury. Pinapasunod siya. Pero hindi niya yata kayang magpakita sa ibang tao na ganoon ang itsura niya.

Mula sa loob ng kuwarto ng kapatid niya ay binuksan niya ang kanyang wifi. Tinodo rin niya ang aircon dahil naiinitan siya. She texted her sister about it so she is legally allowed inside. Ang ingay na likha ng notification ay hindi sapat para ma-distract siya sa ginawa ni Zedrick.

Hindi niya iyon makakalimutan.

When she dropped the call from Ken. Zedrick asked her to turn on her video and pointed it on his lower abdomen. Akala niya ay biro lang iyon. Pero nang mabuksan niya ang video ay dahan-dahan nitong hinila ang suot na pang-itaas paitaas para ipakita ang pawisang abs.

Mabilis niyang kinuha ang pinakamalapit na unan at tinakpan ang bibig para makasigaw. Nakailang mura siya sa isip kanina. Hindi niya nga alam kung ano ng itsura niya habang kinukuhaan iyon ng video. Nanginginig ang kamay niya at parang lalagnatin sa sobrang pula ng mukha.

Demonyo kang Zedrick ka! Binalik niya ang unan at nilagok ang katabing baso. Tawa nang tawa si Zedrick kanina noong ihatid. Halatang inaasar siya lalo. Kaya naman bago umakyat sa hagdan ay sinigawan niya itong hindi lang iyon ang ipapagawa niya rito.

Naisahan mo man ako, pero pagsisisihan mong pumayag kang maging Baby Boy ko.

Inubos niya ang nalalabing oras nang paghihintay sa kapatid sa pagsamantala nang mabilis na wifi. Nakipagpalitan siya ng comment at chat sa Instagram. Marami rin ang nag-follow sa kanya. Lalo noong i-post niya ang kuhang video ni Zedrick. Hanggang ngayon ay pinupulahan pa rin siya ng mukha.

Hotncold: Fuck! ❤️😈 Sizzling Ulala abs than your ex-boyfriend. Did you see the drops of sweat rolling down on it? This is crazy. I wanna touch it, Sky.

Claire: This is freaking the hell out me, Bae. 😍 Your video is viral in the whole school. The rest of your Chicca's are asking me 'bout it. And great news, Kevin is asking us your number there.

Sumulyap siya sa whole body mirror size sa tabing pinto. Parang mapupunit ang labi niya sa sobrang tuwa.

Sky: @Claire what's with the panic? Ignore him, alright? Let him come here and meet my new baby boy. 😉

Claire: @Sky actually, IDC 'bout your ex-pal. I am dead curious about your new boy. He is hot. 🔥🔥🔥

Muli siyang humalakhak. Saktong bukas ng pinto at iniluwa si Eury na hindi maipinta ang mukha. Sinundan niya ito ng tingin na parang hindi siya nakita. Lumapit ito sa malaking drawer nito at kumuha ng damit. Dumiretso sa banyo ng walang imik.

She shrugged that disturbing silence and entertained Claire.

Sky: @Claire soon, you'll see the face of my mysterious baby boy. 😘

Nawala ang ngisi niya nang mag-pop out ang notification galing sa username na Kevin. Bumilis ang tibok ng puso niya at hindi niya maisip kung sisilipin baa ng comment nito o hindi.

Claire: @Sky o—oh! Speaking of the devil 👿😕

Saglit siyang pumikit at kinolekta ang dahilan kung bakit siya naghihiganti. Sa isang buwan halos nilang hindi pagkikita ay maraming posibleng ginawang kalokohan ang ex-boyfriend. He may had a wild and sultry kinky with my ex-bitch friend. Muling umahon ang poot sa kanyang dibdib. Kung hihingi siya ng sorry. Hindi ko siya papatawarin.

Sinilip niya ang comment nito sa dumadagundong na dibdib.

Kevin: So, this is the reason why you didn't talk to me.

Hilaw siyang tumawa. Ako pa ngayon ang masama? Gigil niyang pinatay ng wifi at tumayo. Sumulyap siya sa pinto ng banyo kung saan naroroon si Eury. Hihintayin niya sana ito para mangamusta, ngunit lumipas ng ilan pang minuto ay hindi pa lumalabas.

She got out of her sister room and proceeded on her room's balcony. She wanted to cool down herself. She's still bitter but not that so affected. Galit lang siya dahil niloko siya, hindi sa dahil may nararamdaman pa siya rito. Hindi na niya halos matimbang o matandaan kung paano niya nagustugan si Kevin. Nagsimula sa pagkakaibigan na nauwi sa pagmamahalan at kalimutan. Maluwag ito sa kanya kaya hindi ganoon kahigpit ang kapit ng nararamdaman niyang pag-ibig dito. Posible kaya iyon?

Napukaw ng atensyon niya si Simon na nakatanaw sa kuwarto ni Eury. Nang makita siyang nakatingin ay agad itong umalis.

"Are they L.Q.?"

Kinabukasan ay abala ang lahat. Sinabihan silang dalawa ng Auntie niyang magbihis ng magara mamaya dahil uuwi ang magulang nila at bibisita ang ninong ni Eury. Kasama nito ang tatlong anak.

It's not a big deal for her. Iniisip niya ang ama at ina. Ang huling encounter niya sa mga ito ay mabigat. Hindi niya pinapansin ang ama, o mas mainam na sabihing ilag siya rito. Samantalang ang ina ay palagi siyang kinakamusta. Nagtatanong ito sa mga pinagkaabalahan niya sa Australia.

Huminga siya nang malalim. Sinundan niya nang tingin si Nanay Percy at ibang kasambahay sa kusina na masyadong abala. Gusto niya ng apple pie. Miss niya na ang luto ng Tita Axis niya.

"Nanay Percy?"

"Sky, anong ginagawa mo rito? Doon ka nalang sa kuwarto mo at abala sila Nanay Percy mo." Ang kanyang Auntie Criselda na may mask pa sa mukha.

Malungkot siyang tumango.

"Bakit? Ano bang kailangan mo sa kanya?"

"Auntie, I want an apple pie," sagot niya.

"O, sige. Ipagluluto kita mamaya."

She smiled at her Auntie Criselda. Bago tumalikod ay nasulyapan niya ang parang naghahabulang aso't pusa na si Eury at Simon na paakyat ng hagdan.

"Totoo bang tuloy ang arranged marriage?" tanong ng lalaki sa kapatid niya.

"Hindi ko alam kay dad, Simon. Hindi ko alam—"

Hindi niya na narinig ang ilan sa sinabi ng ate niya dahil tuluyan na itong nawala sa paningin niya. "Hindi pa rin sila nagkakaayos?" Bumalik siya sa loob ng kusina at kumuha ng fresh orange juice. "Auntie, ikakasal ka na?"

Lahat ng tao sa kusina ay huminto sa kani-kanilang ginagawa para tumingin sa kanya.

"Sky, saan mo naman narinig 'yan?" tanong ng kanyang Auntie.

May narinig siyang may tumawa sa likod. Pero noong lingunin ng Tita niya ay biglang nagkilusan ang mga iti.

Kumunot ang noo niya. Kung hindi ito ang ikakasal ay sino? At ang tanong ay kanino?

Next chapter