webnovel

There is something wrong

"Carry the light thing girls. And Eury, huwag kayong maghihiwa-hiwalay," litanya ni Joffrey nang marating nila ang lugar.

Manghang-mangha ang tatlong babae habang sinusundan niya ng tingin papasok. Ganoon siya ng unang dating nila noon ni Zedrick.

Napuntahan na iyon ng magkakapatid na Hetch. Si Joffrey ang nagdala sa magkuya ng maka-graduate si Brandon ng High School. Simple ang lugar pero malawak. May tatlong Gazebo at isang comfort room. Halos okupahin nga nila ang lugar ng magsimulang magtanggalan ng damit sila Swanda, Kailli at Paige. Hagalpakan ang mga ito nang sabay-sabay na tumalon sa tubig.

A shivering of excitement gushed through her veins. Her eyes found Benny who's excitedly jump from the falls. Tumawa siya nang umangat ang lalaki. Gusto niya na ring lumangoy. Agad siyang tumakbo ngunit napigilan ng may humila sa damit niya.

"You can't jump that falls alone," a baritone voice warned her.

Nakakaloko niyang nilingon si Zedrick. Sa harap nito ay walang patumangga niyang hinubad ang suot. Ipinagmamalaki ang kanyang black sided ripped one piece.

Pumito si Joffrey na lumagpas sa kanila, tangan ang mga kagamitan. Sumusunod dito si Brandon at Eury na katuwang ng panganay na Hetch sa pagbubuhat.

"Let's jump now?" tukso niya.

Lahat ay sumubok sa falls bukod kay Eury at Brandon na busy sa inihaw na isda. Kung hindi dahil sa panunudyo ni Kailli at Swanda, baka hindi nagpalit ng damit ang kapatid niya. Parehas ang suot nila. Ang ipinagkaiba nga lang ay kulay at pinatungan ng shorts.

Habang kumakain ng barbecue ay sinusundan niya ng tingin ang kapatid. Hindi ito marunong lumangoy. Good thing that Brandon is a seafarer and expert on swimming. They both climb up on the wall and checked on the surface of the water. Eury is obviously afraid of heights. Ilang beses itong umatras abante sa tuwing tatalon na.

"You can do it!" sigaw niya.

Naiiyak sa takot si Eury, pero dahil sa sinigaw niya ay nagkaroon ito ng tapang. May sinabi si Brandon dito kaya tumango ito at tinanggap ang kamay ng lalaki. Everyone laughed when Eury's loud voice echoed when she jumped together with Brandon. The splash of water reach Benny and Paige. Tinawanan ito ng mga kasama. Habang siya ay matamang naghihintay sa pag-angat nang tumalon.

"O, ayan na 'yung dalawa." Si Kailli na kumukuha ng barbecue sa gilid niya.

Nakakapit ang mga braso ni Eury sa leeg ni Brandon habang ang lalaki naman ay inaalis ang tubig sa mukha ng kanyang kapatid. Nagtagal sila roon at hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang pagnakaw ng halik ni Brandon sa nakatatandang kapatid.

Umawang ang kanyang mga labi sa pagganti ni Eury ng halik. Saglit lang iyon at hindi napansin ng mga kasamang busy sa kanilang ginagawa.

She likes Brandon? Kinain noon ang sistema niya at hindi napansin si Zedrick na kanina pa siya inoobserbahan. Tumayo siya roon at tinabunan ang sarili ng tuwalya.

"You cold?"

Nilingon niya si Zedrick na umupo sa tabi niya. "Nah, I'm just hungry. Gusto mo?" Nagulat siya ng sa mismong stick niya ng barbecue kumagat ito.

"My second brother's recipe for barbecue is delicious," Zedrick moaned.

Ngumiti siya. "He did it manually?"

"Yeah. Among the three of us, he is the best in the Kitchen."

Tumango siya bago sinulyapan ang tinutukoy. Palapit ang mga ito sa kanila. Sumingkit ang kanyang mata sa nag-iisang upuan sa tapat. She expect him to let her sister sat on the chair. Pero nagulat siya sa ginawa ng lalaki. Ito ang naupo at sa kandungan naman nito ang kapatid niya. They ate peacefully as if they aren't exist.

Bumaba sa kanyang pagkain ang kanyang atensyon. Ang mga ngiti ni Eury kapag kaharap si Brandon ay ibang-iba kapag kay Simon.

They were beyond friendship. Is she in love with Brandon?

They all turned their gazed on the incoming car. Huminto iyon sa tabi ng Chevy ni Brandon at bumaba ang seryosong si Simon. "Hinahanap ka ni Sir Gregery," sabi nito habang ang buong atensyon ay kay Eury.

Kumalabog ang kanyang dibdib. Walang nakakaalam na uuwi ngayon ang ama nila. Nagkatinginan sila ng kapatid niya. Kung siya ay kabado, takot naman ang nakita niya sa mata ng kapatid. Lalo nang ibalik nito ang atensyon kay Simon at napabitaw sa kamay ni Brandon.

Her mind isn't working while on their way home. Kanina pa siya tinatanong ni Paige na sumabay na sa kanila ni Zedrick. Pero ni isa ay wala siyang nasagot. Natatakot siya sa ibubugang apoy ng kanyang ama. Kahit nagpaalam sila, ang isama si Eury sa ganoong kalayong lugar ay delikado.

The car entered the huge gate. Dumoble ang pintig ng kanyang puso. Kasama pa naman niya ang mga kaibigan at si Zedrick. Minsan na siyang napahiya noon. Kaya niyang lunukin iyon pero huwag sanang sa harap ng mga ito.

Malayo palang ay natatanaw na niya ang amang naghihintay sa kanilang pagdating. Nasa likod nito ang kanilang Auntie Criselda at ilang tagasilbi.

Pagkahinto ay agad siyang bumaba. She was about to say sorry until Joffrey greeted her father with a scandalous voice and confidence.

"Magandang gabi rin, Iho. Kasama pala kayo sa mga dalagita ko." Their father approached Joffrey for a hand shake. Lumapit din si Brandon at Zedrick para bumati. Pagkaraan ay isa-isang minasdan ng kanilang ama ang natitira. Nakilala nito si Paige bilang anak ng Mayor na si Pakundo Amorsolo.

"Kamusta ang papa mo, Iha?"

"Okay naman po. Busy po 'yon sa bagong proyekto nila sa kalsada at nasalanta ng bagyo."

"Ganoon ba? Kapag nagkaroon siya kamo ng oras. Bisitahin niya naman ang kaibigan niya. At hindi niya pa yata nakikita ang inaanak niya." Tumawa ito.

"Nagkita na po sila kahapon. Pinanood niya po ang audition ni Thaysky."

"Really?" Ang atensyon nito ay lumilingid sa mga kasama niya hanggang sa mapako sa kanya.

He is laughing but she can't feel the happiness on his eyes. Especially when he scanned her outfit that only covered with Zedrick's big shirt.

"I heard you passed the audition. What happen to your hand?"

"Shallow wound, dad. Malayo sa bituka," she bubbly said, following his line of vision.

He is staring at her sister then afterwards, Criselda. "Bakit hindi niyo sinabi sa akin? Sana ay nasuportahan ko ang aking anak." He looked back at her. "Mag-iingat ka sa training mo. Sa mismong araw ng laro ay uuwi kami para suportahan ka. Anak ko." Tumingin ito saglit sa tatlong Hetch bago kinausap si Simon para sa ilang utos.

She was left stunned on her position. Hearing those precious words from her father felt heaven. Parang kinikilit ang kanyang puso.

"Hey."

Nakangiti niyang binalingan si Zedrick. "Ha?"

"Uuwi na kami. Answer my call later."

Hinuli niya ang kamay nito upang pigilan sa pag-alis. Para siyang balde na umaapaw sa tubig. Gaya ng kanyang nararamdamang saya ngayon.

"Do you want to come with us?" naguguluhang tanong nito.

"What? No, Zedrick. You know I can't."

Ngumisi ito at sinundot ang ilong niya. "Sinusubukan lang naman kita. You look constipated a while ago. Don't do it again, you are making me nervous."

Ngumisi rin siya. "Kabado lang ako, pero salamat. Kung hindi sa inyo nila Kuya Joffrey, siguro nasa bingit na ako ng kamatayan."

"Don't say that. You always had me." He cupped her cheeks and smiled.

Next chapter